Dangerous Addiction (BxB, 202...

Galing kay deuceiv

320K 11.5K 2.3K

Kung may isang pangako si Leon Eleazar sa sarili, iyon ang hindi tumulad sa mga kaibigan niyang nagpakasal sa... Higit pa

DANGEROUS ADDICTION
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
KABANATA 70
KABANATA 71
Wakas
Special Chapter II

Special Chapter I

4.5K 152 43
Galing kay deuceiv

SPECIAL CHAPTER I

THE THING ABOUT Remus Gaviola is that… he’s a little demon. The child ended up looking like Keith because he’s the one who paid extra attention to the child and there’s this saying that whoever takes care of the child since they’re born, they’ll take after them— and it’s Keith. It doesn’t matter whose blood nor genes run through their veins, they’ll always take after the person whom they spend most time with.

It must be true too, since Keith would throw everything for the sake of his son. Ilang beses siyang nag-absent sa trabaho para lang maalagaan ang anak nilang dalawa ni Leon. Siya ang pinakaunang nakakaalam kung may sakit ba ito at kung hindi naman mabigat ang iiwanan niyang gawain, uunanin na muna niya ang anak. It’s seldom that he couldn’t attend to his son’s needs and it’s only during those times that he had to be out of town.

But that’s just about it. Sa unang tingin, si Leon ang kamukha pero kung tititigan nang maayos si Remus, mas kamukha ito ni Keith. At pisikal na itsura lang naman ang nakuha ng bata sa kanya dahil kahit paano niya pagbali-baliktarin ang mundo… Remus is still a mini Leon and it showed right after he turned three.

Sobrang clingy ng bata sa kanya at dumating sa puntong ngumangawa ito kapag hindi siya nakakapagpaalam bago umalis. Ayaw niya kasing ginigising ang anak dahil mahimbing ang tulog nito. He competes with Leon in terms of his attention and there are times that he’d throw tantrums if Keith’s out for too long. Madalas, hindi makapag-focus si Keith sa trabaho dahil sa anak niya pero hindi niya matiis.

“Listen! He’s bawling his eyes out and he’s been calling you! Ilang beses na ‘tong nangyari!” natatarantang sumbong ni Leon habang nagbi-video call silang dalawa. “This kid— geez! Akala ko hihikain dahil iba iyong paghinga niya kakaiyak dahil wala ka na naman daw!”

Lihim na bumuntong hininga si Keith habang pinagmamasdan ang asawa na aluin ang anak nila sa screen pero napangiti rin siya dahil ang cute panoorin ng mag-ama niya.. Leon carried Remus and he patted him gently but the child kept on sobbing like crazy and from there, Keith saw the unusual breathing that Remus does. Totoo iyong sinabi ni Leon na para nga itong naghahabol ng hininga sa ginagawa at parang mauubusan ng hangin kaiiyak.

Unfortunately for him, he won’t be there to comfort Remus and baby Leon. Mayroon siyang trip ngayon sa Manila at kailangan niyang manatili rito ng tatlong araw para sa convention. Isa siya sa mga speaker at malaking eskwelahan din ang nag-imbita sa kanya. And though he’s not a big figure in the industry, it’s an honor he can’t miss. But still, that doesn’t mean that he doesn’t long for his family.

Ilang oras pa lang mula nang nakarating siya rito pero miss na miss na niya sina Leon at Remus.

“Remus, calm down. Nagpaalam si Dada sa ‘yo at sabi niya, pag-uwi niya bibilhan ka niya ng bagong toy,” Leon spoke to Remus and sighed. “Ilang araw ka ba kasi riyan, Keith?”

Mahinang tumawa si Keith. “Three days. Kararating ko lang din kaninang alas tres. Baka akala ni Remus uuwi rin ako ngayon kaya ganyan siya.”

“Right. Aawayin kita Keith ‘pag hindi mo pala nabanggit dito na tatlong araw ka riyan.” Madramang sinapo ni Leon ang ulo bago binalikan si Remus na noon ay ipinilig ang ulo para humalik sa pisngi ng asawa. “Are you alright? Calm ka na ba? Uuwi rin daw si Dada after three days.”

Suminghot si Remus bago inayos ang pagkakatayo sa mga hita ni Leon para harapin siya. He heard Leon muttering several ‘ow’ and ‘ouch’ but their child didn’t seem to mind and it made him chuckle. Muntik pang batukan ni Leon si Remus kung hindi lang nito napigilan ang sarili’t naalalang baka masaktan ang anak.

Remus was still sobbing but he seemed to calm down at last. Noong hanapin nito ang pigura niya’t makita sa skrin, muling tumulo ang mga luha nito na ikinatawa ni Leon dahil kalmado na raw pero biglang umiyak na naman dahil nakita si Keith sa skrin ng laptop.

“Dada, uwi ka po,” basag ang boses at nanginginig ang mga labing sabi ni Remus. “Dada, miss kita po.”

Pinigilan ni Keith ang matawa dahil ang cute ni Remus pero si Leon hindi na napigilan ang sarili habang pinupunasan ang mukha ng anak. It was a sight he can’t miss so Keith made sure to take screenshots. Ililipat niya rin mamaya sa cellphone niya nang mapagmasdan ang imahe ng mag-ama niya kung sakaling kabahan siya bago ang speech niya.

“I miss you too, kiddo. But I can’t go home yet.” Ngumiwi si Keith noong magsumbong bigla si Remus kay Leon, pauwiin daw siya kaya mas lalong natawa ang asawa niya. “Uuwi naman ako pagkatapos ng tatlong araw, Remus. Can’t you wait for Dada?”

“Ayoko po! Tagal ‘yon! ‘Di po kita bati!” biglang sabi ni Remus ‘tsaka siya sinimangutan.

Humagalpak ng tawa si Leon. “Narinig mo ‘yon, Keith? Inaaway ka.”

Keith massaged his temples and chuckled. Kapag ginaganito siya ni Remus, naaalala niya iyong pinanggagagawa sa kanya ni Leon noon. Nakakatawa na lang isipin ngayon dahil hindi na siya maipagtulakan ni Leon bagkus, ito pa ang gustong itali siya sa tabi nito. And Remus, their baby… He can’t take the threats seriously because he’s too cute, honestly.

“Ganito na lang,” Keith trailed off and sat properly. “You know, when you’re obedient, time will fly. ‘Di mo mapapansin, nakauwi na ulit si Dada at may dala nang toy para sa ‘yo.”

Remus blinked cutely and when Leon saw it through the camera, he almost chuckled again but decided to just shake his head to give him and their son some quality time while he’s here.

“Kapag mabait ka kay Papa ‘tsaka kina Lolo’t Lola, uuwi agad si Dada,” dagdag niya ‘tsaka nginisian ang anak na noo’y namimilog ang mga matang pinagmamasdan ang imahe niya sa skrin nito. “Pero bibilis lang ang oras ‘pag mabait ka, so do we have a deal?”

“Talaga po? Uuwi ka po ‘pag bait si Remus?” naniniguro nitong tanong.

Tumawa siya’t tumango. “Of course, pero kailangan mong maging mabait kina Papa para umuwi ako agad. So, anong gusto mong laruan?”

“Cars po!”

After successfully convincing Remus that Keith would be home as soon as possible, their son decided to play with his present toys. Sinabihan ito ni Leon na huwag magkakalat gaano o magpapawis dahil halos kakukuha lang ito ng lalaki mula sa bahay ng mga Abellardo— kung saan wantusawa na raw itong nakapaglaro’t hindi pa ulit nag-aaral. Keith can’t help it but to smile and rest his cheek on his knuckles as he watched Leon and Remus’ interaction, their cute conversations, and he thought that he couldn’t live without these two anymore. He’ll be damned.

Dahil naiwan silang dalawa ni Leon sa video call, noong matapos nitong pagsabihan ang anak ay nagkatitigan silang dalawa. Wala pa namang ginagawa si Keith pero noong pamulahan ng mga pisngi ang asawa, hindi niya maiwasang mapahalakhak. Nahihiya pa rin ba ito sa kanya? Imposible. Sa kanilang dalawa, si Leon ang makapal ang mukha.

“Galing siya sa bahay ng Mama ni Gian?” pag-uusisa ni Keith.

Tumango ang asawa. “Nagpaalam sa ‘kin sina Lyle na hihiramin daw nila si Remus dahil naghahanap daw ng kalaro si Stellan kaya after lunch, hinatid ko ro’n. ‘Tsaka, magkakasundo naman iyang mga ‘yan.”

“Sino pang kasama? Sila lang ba ni Stellan?”

“Kasama nila si Hayce, syempre. ‘Di rin mawawala ‘yong batang ‘yon e,,” pagkukwento ni Leon bago bumuntong hininga. “Alam mo ba, manang-mana kay Zamiel ‘yong bata! Kamukha na nga, kinopya pa ugali.”

Humalakhak siya. “So is Remus, right? Kamukha mo ta’s kinopya rin ugali mo.”

“Hindi na nga kami magkamukha.” Ipinagkrus ni Leon ang mga braso’t tinitigan siya ng masama. “Bwakanang shit ka, anong ginawa mo sa kanya? Ako tatay pero mas kamukha ka pa sa ‘kin. Noong baby siya, ako ang kahawig pero ngayon? Hindi na!”

Kung hindi siguro binuksan ni Keith ang usapan tungkol sa pagiging kamukha ni Remus, hindi rin siguro magra-rant si Leon. Nagratrat na. Hindi matigil dahil ito naman daw ang nag-donate ng sperm at siya rin ang pinaglihian pero noong lumaki ang anak nila, bukod sa naging clingy ito kay Keith at biased, naging kamukha pa raw niya. Hindi raw maintindihan ni Leon ang takbo ng mundo’t parang hindi naman talaga genes ang importante para maging kamukha nito.

Sa kalagitnaan ng pagrireklamo ni Leon, muling lumapit si Remus dito at nagpapabuhat dahil gusto raw nitong kausapin ulit si Keith. Tinanong muna ni Leon ang anak kung nagligpit na ba ito ng mga laruan dahil hindi sila pwedeng mag-usap ni Keith kung makalat ang sala nila at noong marinig iyon, dali-daling ibinalibag daw ni Remus ang mga laruan sa kahon. Tawang-tawa pa si Leon dahil parang nagpa-panic daw ang anak noong sabihin nitong busy siya, baka raw mamatay ang tawag bago pa ito matapos magligpit kung babagalan e.

“Papa! Si Dada po!” sigaw ni Remus noong matapos itong maglinis.

Napailing-iling ang asawa niya ‘tsaka binuhat si Remus. Nilagay ito ni Leon sa hita at noong kumportable na ang anak nila, una siya nitong hinanap. Aliw na aliw si Keith dahil ilang beses nilapit ni Remus ang mukha sa camera para siya lang ang nakikita nito, namimilog pa ang mga mata nito bago maniningkit sa tuwing maririnig si Leon na magreklamo dahil hindi raw makikita ni Keith si Remus nang maayos.

“Tapos ka na maglaro? Limang minuto ka lang umalis,” natatawa-tawang tanong ni Keith habang pinapaupo nang maayos ni Leon si Remus.

Nginisian siya ng anak. “Tapos po! Ah! Dada, Papa, tatanong po ako!”

“Ano?” nakasimangot na sagot ni Leon. Bumuntong hininga ito nang mapansing namumuo na ang polbong nilagay nito sa anak kanina. “Namumuti ka, daig mo pa white lady.”

“Papa! Dada! Kailan po ‘ko kakaroon baby kapatid po?” pag-uusisa nito.

Natigilan silang dalawa sa narinig ‘tsaka niya hinanap ang mga mata ni Leon na noon ay nanlalaki at nanatiling nakatitig sa panganay nila. Hindi alam ni Keith kung matatawa siya o ano dahil ang expectant pakinggan ni Remus habang nanghihingi ng kapatid sa kanila. Hindi naman madaling maghanap ng surrogate mother dahil maging si Almira, kasal na rin ngayon at baka hindi na pumayag ang asawa nitong dalhin pa ang magiging bunso nila.

“Anong kapatid?!” napapantastikuhang tanong ni Leon sa anak na noo’y nilingon ito. “Sa’n mo nakuha ‘yan? Sinong nagturo sa ‘yo?”

“Si Hayce po,” simpleng sagot ng anak ‘tsaka ito kumapit kay Leon at halos ibaon ang sarili sa katawan ng ama. “Ririnig ko po siya, tatanong po siya kina ‘To Miel kailan daw po siya kakaroon kapatid. Ako rin po! Gusto ko kapatid!”

“Hindi pagkain ‘yon.” Halos mapahilamos ng mukha si Keith dahil ang labas sa pinagsasasabi ni Remus, parang nanghihingi lang ito ng kendi sa kanila ni Leon. “Gusto mo ba ng kapatid? Aalagaan mo ba siya?”

“Keith!” manghang singhal sa kanya ni Leon na ikinangisi lamang niya.

Tumango si Remus. “Alam ko po ‘di po food! Gusto ko po kapatid kasi po kakaroon din si Hayce.”

Mas isinandal ni Keith ang pisngi sa buko ng kamay niya. Hindi niya pinansin si Leon na mukhang tinatapunan siya ng masamang tingin dahil mangha’t aliw siya sa hinihingi ni Remus. Pakiramdam ni Keith, pupwede naman silang magkaanak ng isa pa. ‘Tsaka… Maganda ang pakiramdam niya sa oras na magkaroon sila ng bunso ni Leon.

Remus Gaviola may be a little devil, a mini-Leon— someone who’s clingy and cries whenever he’s away but… Keith liked their son’s idea of having another child.

*

Two Years Later…

HALOS HINDI MATIGIL sina Leon at Keith katatawa habang parehong pinanonood si Remus na magtiis dahil nginunguya ng walang ngiping si Hiro ang pisngi nito. It’s been two years since Leon and Keith discussed about having their second child— as per Remus’ request and wish. As usual, it’s another surrogate but this time, Hiro has Keith’s blood running on his vein, which meant that he’s the one who donated his sperm for the surrogacy to be possible.

Fortunately, they found someone who’s willing to carry their second child. It’s a blessing because they were both anxious since it took them time to find someone but when they did, the volunteer (her name’s Kenzie) immediately allowed another life to happen. They’ll be eternally grateful to her.

The thing is, Hiro looked a lot like him too. Though, he’s attached with Leon and he’s clingier on his husband instead of him— to the point that there are times where Leon had to bring Hiro with him during his work because Hiro won’t stop crying if he’s not with him. It even got to the point where their six month-old child got sick because he cried too much after realizing that he’s not with Leon since he woke up from an afternoon nap.

All in all, it’s been troublesome but very worth it.

“Bakit ka umiiyak, Remus?!” natatawang tanong ni Leon sa anak. Muntik pang manginig ang video camera na hawak niya dahil hinawakan ng asawa ang braso niya’t binaltak siya. Mabuti na lang at napwersa niya ang sariling huwag gumalaw masyado. “Keith, umiiyak na si Remus!”

Remus was already five years old and ever since having a younger brother, he evolved into a loving older brother. It’s cute and nice but… He’s still a demon incarnate in Keith’s eyes because recently, nginatngat ni Remus ang remote control ng telebisyon nila’t muntik itong mahulog sa cabinet noong gustong papakin iyong Nutella sa kusina.

It’s troublesome to have sons, huh.

“Papa! Ba’t po ganto si Hiro?! Kagat niya pisngi ko!” naiiyak nang reklamo ni Remus habang hinihila paalis dito ang kapatid ngunit mahigpit din ang kapit nito sa bata. “Amoy gatas po siya!”

Dumating na sa puntong napaluhod si Leon at hinahampas ang sahig dahil ang cute at kwelang panoorin ang mga anak nila. Maging siya, malawak ang ngisi dahil naluluha na si Remus pero hindi sila kumikilos ng asawa para patahanin ito.

But it’s just one of their golden moments. Nagngingipin na ang bunso nila at dahil iniidolo rin nito ang nakatatandang kapatid, imbes na si Leon ang kagatin ni Hiro ay si Remus ang madalas nitong lapitan. Nahuhulog din si Remus sa patibong nito dahil magpapalambing lang sa una si Hiro pero sa oras na mauto na ang panganay nila, ‘tsaka nito ngunguyain ang pisngi ni Remus. This is just one of those moments and this is the first time that they thought of taking a video of it.

“Papa! Dada!” mangiyak-ngiyak na tawag ni Remus sa kanilang dalawa pero masyadong abala si Keith na kuhanan ng video ang golden moment na ito samantalang si Leon naman e umiikot na sa sahig katatawa. “Kagat po ni Hiro pisngi ko! Masakit po!”

“He’s toothless!” dipensa ni Leon dahil maging ito na kinagat ni Hiro ang daliri, gilagid lang daw ang naramdaman. “Hayaan mo na muna ‘yan, ‘nak. Huhugasan ko na lang mukha mo ‘pag nagsawa na si Hiro sa ‘yo.”

“But it’s gooey!” reklamo ulit ni Remus. Muling humagalpak ng tawa si Leon dahil ang sassy raw pakinggan ng anak nila habang si Keith naman, natatawa-tawa na rin. “H’wag po kayo tumawa! Amoy baby po si Hiro pero po ang lambot ng ngipin niya.”

It would be a lie to say that they’re not amused because when Remus had finally taken Hiro off from his cheeks, there was this string of saliva that followed them and Leon just lost it there then Remus really cried that time since he’s disgusted although his younger brother looked really cute and derp.

Noong ngumawa si Remus, ‘tsaka pa lang kumilos si Leon para patahanin ito at punasan ang mukha nito. Kinuha rin ng asawa si Hiro mula sa panganay nila para aluin dahil naluluha na ang bunso habang pinanonood ang Kuya nito. Nahahawang umiyak kahit wala naman itong dahilan para makisabay sa nakatatandang kapatid.

“Dada! Ayoko na po kay Hiro!” pagsusumbong pa sa kanya ni Remus ‘tsaka ito nagmamadaling lumapit sa kanya nang mapunasan na ang mukha nito. Pinatay na ni Keith ang video camera noon dahil mukhang magta-tantrums ang panganay nila. “Dada, bad po si Hiro!”

Natatawa siyang nailing. Pinasadahan niya ng tingin si Leon at nang matagpuang pinapatahan din nito si Hiro na tuluyan na ngang ngumawa dahil nakita si Remus na umiyak, lihim siyang bumuntong hininga’t kinarga rin ang panganay.

“Bata pa kasi si Hiro, ‘tsaka ayaw mo no’n? Nagba-bonding kayo ng kapatid mo,” aniya.

Umiling si Remus at yumakap sa kanya. “Kadiri po laway ni Hiro, Dada! Lagkit po! ‘Tsaka baho po siya.”

“Hoy! Mabango ‘tong kapatid mo, a! Amoy baby!” singhal ni Leon sa panganay nila na natawa lamang noong lingunin ito ni Remus at simangutan. “Reklamador ka lang talaga. Ikaw din naman, ganito noon. Si Dada mo nga madalas mong kagatin.”

“Hindi! Hindi! Wala ako alala!” dipensa ni Remus na ikinatawa niya.

Pinigilan ni Keith ang asawa noong malapit na namang umiyak si Remus. Si Leon talaga, gustung-gusto nitong inaasar si Remus dahil pikon daw. Parang bigla nitong nakalimutan na maging ito, kaunti lang ang sabihin ni Keith ay nagagalit kaagad. Manang-mana sa asawa ang panganay nila. Mabuti na lang at limang minuto pa lamang ang lumilipas nang nakalimot na si Remus, lumalapit-lapit ulit ito sa crib ni Hiro at makikipaglaro. Nahuli pa ni Keith na umakyat ito sa crib ng kapatid para maglaro raw sila ng kotse kahit na madalas, binabalibag lang ni Hiro ang mga nilalaro nito.

Pero dahil tahimik na ang mga anak nila, pakiramdam ni Keith at Leon ay kahit papaano, makakapagpahinga silang dalawa. Day off pa naman nila pareho mula sa trabaho at imbes na mamasyal, pinili nilang dito muna sa bahay at mamayang gabi ay magba-barbeque sila sa likod-bahay kasama ang mga kabarkada ni Leon. May makakalaro ulit si Remus mamaya’t marami na namang mabibiktima si Hiro sa ka-cute-an nito.

Natigilan si Keith sa panonood sa mga anak nang lumapit sa kanya si Leon at pagod nitong isinandal ang noo sa balikat niya.

“Pagod ka na? Magba-barbeque pa tayo mamaya,” aniya sa asawa ‘tsaka hinapit ang beywang nito nang makasandal ito nang mas maayos.

Niyakap siya ni Leon. “Recharge lang sandali. Ang hirap palang magkaanak ng parehong lalaki.”

“I’m pretty sure your friends are experiencing it too,” natatawang aniya.

Nag-angat ng tingin sa kanya si Leon at baba naman nito ang isinandal sa balikat niya. “Sina Ridge at Zamiel? Hindi pa. Kinukuha pa lang nila ‘yong custody para sa anak ng namatay na pinsan ni Ridge… Ayaw daw ibigay sa kanila dahil ang pangit daw na parehong lalaki ang kalalakhan pero ayaw din namang ampunin ng mga kamag-anak nila. Parang gago, e.”

“Language. Naririnig ka ng mga anak natin,” aniya ‘tsaka hinawakan ang isang kamay ni Leon at dinala iyon sa mga labi niya para halikan. “That’s alright, they’ll get the child. Nang hindi out of place si Hiro’t mayroon siyang kaedad. The child’s about the same age as him, right?”

“Yeah… But he’s younger by two months, I guess.”

Bumuntong hininga si Leon at pinasadahan din ng tingin ang mga anak na noo’y abalang maglaro sa crib ni Hiro. Napangisi ito nang mapagtantong ang sarap tignan ng mga anak nilang masayang naglalaro. Habang siya, ninanamnam naman ang mga oras na matititigan ang asawa.

It still gets him… The wonders of life and how the world made it so that they would end up with each other.

Ngumiti si Keith habang pinagmamasdan ang asawa. Kung siguro sumuko siya kaagad noon at hinayaan niya ang sariling matalo ng pride nito, baka hindi sila ang end game ni Leon. But now that he’s here, he’s sure as fuck that the him from the past would celebrate once he finds out that he already built a family with Leon.

It’s a dream come true. A long-time desire that he’s thankful that he didn’t surrender. He’s glad that he held onto his dangerous addiction.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

944K 32.4K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
58.8K 2.8K 68
VARSITY BOYS SERIES #2: THE LOVE ENCOUNTER Content Warning: The Varsity Boys Series features a BL (Boys' Love) theme, which includes romantic relatio...
166K 3K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...