Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.8K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 06
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 07

29.7K 722 130
By IyaLee04

(LC) Chapter 07




"Just schedule it tomorrow, Lola!"

"Saint!"

Hindi na naawat ng Senyora si Jax nang tumakbo ito pababa ng hagdan. May laro raw sila ngayon kaya bukas nalang daw simulan ang pagtuturo sa kanya. Pabor sa akin iyon para maihanda ko ang sarili ko. Galing kami sa sigawan, kung tuturuan ko siya ngayon hanggang sa matapos baka nag-aaway kami.

Kinabukasan, sinubukan kong maging mas pasensyosa sa kanya. Kahit pa panay ang ngisi niya sa tuwing mapapalingon ako sa kinauupuan nila. Nagpa-praktis kami at dahil tapos na silang maglaro'y narito sila ngayon sa gym kung nasaan kami.

I don't mind him watching me dancing. Sanay ako na pinapanuod ng mga tao. Ang kinaiirita ko lang ay sa pang-upo ko siya nakatingin! Kahit tuloy sanay ako, nakakaramdam ako ng pagkailang sa suot kong hapit na cycling shorts.

Pumikit ako ng mariin pagkatapos ng huling set. Habang nagpupunas ng pawis ay patago kong sinulyapan si Jax. Nasa mga hita at pang-upo ko ang mga mata niya. Padabog kong hinagis sa aking bag ang maliit na towel bilang pamunas ng pawis at hindi na napigilan ang mga paa na magmartsa papunta sa pwesto niya. Nagtama ang mga mata namin bago pa ako makalapit. Walang emosyon iyon na akala mo'y hindi niya ako minamanyak kani kanina lang!

"Anong problema mo?!" Sigaw ko pagkalapit sa inuokupa nilang bleachers.

Nahatak ko ang atensyon ng ibang mag-aaral. Nagulat din ang mga kaibigan niya dahil sa ginawa kong paglapit at pagsigaw sa kanya. Nakaupo siya. Nakatayo ako. Nakatingala siya sa akin ngayon habang naka-dekwatro.

Magulo ang may kahabaan niyang buhok. Kung saan saan iyon naka-direksyon at halatang ilang beses na pinadaanan ng mga daliri. Nakasuot siya ng soccer uniform shorts, black cotton jacket, at black sport shirt na panloob. Para siyang inosenteng bata na nagulat dahil pinagalitan ko. Nakatitig lang siya sa akin at nasa mukha na hindi alam ang ikinagagalit ko. O siguro'y nagkukunwari siyang hindi niya alam!

"Wala akong problema. Bakit nanunugod ka nalang diyan bigla-"

"Akala mo hindi ko napapansin?! Bastos ka! Kanina ka pa tingin ng tingin sa pwet ko!"

Mabilis akong pinamulahan dahil sa narinig na sabay sabay na tawanan. Kahit ang mga kaibigan niya'y hindi na napigilang tumawa sa harapan ko. Nang lingunin ko ang mga kasama ko sa sayaw, may ilan sa kanilang natatawa rin at may ilan na pinipigilan.

Napansin ko kung saan sila nakatingin. Lalo akong pinamulahan dahil natutok ang mga mata nila sa pang-upo ko, marahil ay dahil binanggit ko na doon tingin ng tingin si Jax. Hindi ko naman ikinakahiya kahit sobrang bilugan ng mga hita ko at matambok ang pang-upo ngunit kung ganitong lahat ay nakatingin sa akin, pakiramdam ko kung hindi pa ako aalis ay mababastos ako.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin at tsaka umalis sa harapan niya. Padabog kong hinablot ang aking bag. Natahimik sila nang makitang nagalit ako sa ginawa nilang pagtawa. Nakatayo na si Jax nang bigyan ko siya ng huling sulyap bago lumabas sa gym.

Gago iyon! Gusto ko siyang turuan ng maayos mamaya pero kung palaging ganito, hindi kami magkakasundong dalawa! Nakakainis! Nakakapanlambot ng tuhod ang mga ginagawa niya! Mabuti nalang at hindi ako nahulog nang buhatin ako para sa pyramid kanina. Sa aktwal na sayaw, ihahagis pa ako sa ere. Sana lang ay hindi siya manuod dahil nahihirapan akong gumalaw sa tuwing nanunuod siya. Lahat ng galaw ko sinusundan niya kaya hindi ako makapag-focus sa ginagawa.

"Clementine!"

Napairap ako. Hindi pa ako nakakalayo sa gym nakasunod na siya! Naramdaman ko ang paghigit niya sa aking braso. Binawi ko ang braso kong hinila niya at hinarap siya.

"Keep your eyes on yourself, Jax! Nakakahiya! Siguro iniisip nila na nagf-feeling ako kahit totoo naman na nakatingin ka sa akin!"

Salubong ang kilay niya at mukhang siya pa ang galit. Nagbaba siya ng tingin sa suot kong shorts kaya napaatras ako.

"Dito ka nga sa mga mata ko tumingin!" namumula ako at naitakip ang aking dalawang kamay sa ibaba kong katawan.

Ginawa niya ang sinabi ko. Nag-angat siya ng tingin at masama akong tinignan.

"Hindi ko itatanggi na nakatingin ako sayo! But if I ask you, do you know why I was looking at you?"

Napakunot noo ako sa sarkastikong boses niya. Naghubad siya ng jacket sa harapan ko. Ang suot niyang jacket na mayroong nakasulat na Dawson sa likod ay pilit niyang ipinapasuot sa akin. Amoy na amoy ko mula sa jacket ang panlalaking bango niya. Sa palagay ko'y kakapit ang kanyang amoy sa katawan ko sa oras na maisuot niya sa akin iyon ng tuluyan. Itutulak ko sana ang kamay niya kasama ng jacket kung hindi siya ulit nagsalita.

"Butas ang short mo," bulong niya.

"Ano?!" Pagalit kong tanong dahil hindi ko naintindihan.

Nasa harapan ko na siya. Hinayaan ko siyang isuot sa akin ang jacket niya. Malaki sa akin iyon at umabot hanggang kalahati ng aking hita. Mas matangkad din siya kaya't kinailangan ko siyang tingalain.

"Anong sinabi mo?"

Nagkatinginan kami. Hindi pa siya kaagad lumayo kahit naisuot na niya sa akin ang jacket niya. Hinila pa niya ang laylayan niyon sa paraang may tinatakpan.

"I'm not looking at your butt. I was looking at your tight shorts because I'm not sure. Nang lapitan mo ako doon ko lang nasiguro na butas nga. Ako lang ang nakapansin pero dahil sa isinigaw mo, nakita na nilang lahat na butas ang shorts mo."

Panandalian akong hindi nakagalaw. Ang isang kamay ko'y mabilis na napahawak sa aking pang-upo. Umawang ang mga labi ko at nanlalaki ang mga mata kong nakatingala kay Jax nang makapa ko ang malaking butas sa gitnang parte ng aking salawal.

Napamaang ako at naalala ang pagtingin nilang lahat sa pang-upo ko at sabay sabay na nagtawanan. Tinaasan niya ako nang kilay nang mapatunayan na hindi siya sa pwet ko nakatingin. Hawak ako sa braso ni Jax at hindi magawang bawiin iyon dahil sa pagkabigla. Ako pala ang gumawa ng sarili kong ikapapahiya!

"Ihahatid na kita. Magpalit ka ng damit mo at sabay tayong uuwi sa bahay. Lola's right, I have to graduate this year. I don't want to be stuck in this province."

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan niya at itinulak papasok sa shotgun seat. May mga naiwan pa akong gamit subalit hindi ko na yata kayang balikan iyon pagkatapos kong ipahiya ang sarili ko.

"This place is boring. Wala akong balak na tumira rito ng matagal."

Salita lang siya ng salita samantalang ako'y naiwan sa eskwelahan ang utak. Maya maya, nang maproseso ang lahat, napatakip ako ng mga palad sa aking mukha dahil sa kahihiyan at mahinang naipadyak ang aking isang paa.

"Tigilan mo nga ang kakasipa sa sasakyan ko! Baka magasgasan mo iyan!"

Hindi ko pinansin ang pagrereklamo niya dahil mas nangingibabaw sa isip ko ang nangyari sa gym. I bit my lower lip hard and lightly knocked my head. I was the one who put myself to that shame!

"My god! Nakakahiya!" Ungot ko at walang pakialam kahit nakatingin si Jax ng masama dahil hindi ako tumigil sa pagpadyak.

"We just saw your panties. Anong nakakahiya doon? Lahat naman kayong mga babae nagsusuot ng panty. Maganda rin naman ang kulay pula na suot mo at hindi butas-"

Hinarap ko siya at sa halip na magpasalamat sa ibinigay niyang jacket ay sinigawan ko pa siya at sinuntok sa braso. Napangiwi siya dahil mukhang napalakas ang suntok ko. Hindi siya nagkomento ngunit tinignan niya ako ng masama.

"Siguro para sayo hindi nakakahiya kasi nanghuhubad ka sa eskwelahan! Sanay kang mantanggal ng panty! Pero para sa akin, nakakahiya ito! Ano nalang ang sasabihin nila! Sinabihan pa kitang nakatingin sa pwet ko!" Napatakip ulit ako ng mukha nang maalala ang ginawa. "Hindi ako papasok bukas! Gagawin lang nila akong katatawanan!"

"Kasalanan mo iyan. Bigla ka nalang sumusugod. Iniisip mo pang pinagnanasahan ko ang katawan mo-"

"It was still your fault! Kung sana'y lumapit ka at sinabi mo, sana hindi ako mapapahiya ng gano'n! Nakita mo na pala, sana sinenyasan mo ako! Hindi 'yung nakatitig ka pa na para mo akong hinuhubaran at gusto mo akong kainin ng buo!"

Mahina siyang natawa at hindi makapaniwalang inilingan ako. Salitan ang sulyap niya sa akin at sa kalsada.

"Ako na nga ang nagmagandang loob, ako pa ngayon ang masama? Dapat pala hinayaan nalang kita na magpalakad lakad sa school na butas ang shorts at hindi ko na ipinahiram 'yang jacket ko sayo!"

Kahit tinulungan niya ako hindi ko mapigilan na magalit sa kanya. Napansin na niya hindi pa niya kaagad ipinaalam sa akin. Sa huli, natanto ko na kasalanan ko at hindi sa kanya. Hindi niya kasalanan kung nabutasan ako ng salawal.

Tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng bahay. Hindi na siya bumaba dahil magpapalit lang naman ako ng damit. Nasa gate na ako at binubuksan iyon. Bago makapasok ay napabaling ako sa sasakyan nang marinig ko ang pagbaba ng bintana niya. Nakasilip siya doon at mayabang na nakalabas ang isang kamay.

"Pumili ka ng malaking shorts. Hindi ganyan na sobrang liit. Kaya ka nabubutasan."

"Hindi ito maliit! Nagkataon lang na nabutas ngayon!"

"Hindi maliit? Hapit na hapit sayo iyan at namumutok ang katawan mo. Kung ayaw mong maulit ang nangyari kanina iwasan mong magsuot ng ganyan. Ang hilig mong magdamit ng bakat ang katawan mo kapag nagsasayaw ka tapos kapag tinignan kita, iisipin mo kaagad na minamanyak ka-"

"Kasi manyak ka naman talaga!"

"Manyak ang tawag sa mga panget na mahilig sa babae-"

"Ibig sabihin, hindi ka manyak dahil hindi ka panget? Sige nga, anong tawag mo sa sarili mo?"

"Kapag kasing gwapo ko ang maraming babae. Ang tawag, casanova. Kapag panget, manyak," ngumisi siya at ang isang kamay na nakalabas sa sasakyan ay mayabang na hinimas sa kanyang mukha.

"Kahit anong tawag mo doon, para sa akin manyak ka pa rin-"

"Sa ibang babae pero hindi sayo! Maganda nga ang katawan mo at magaling sumayaw. Ang problema, mukhang virgin ka pa kaya mahirap pasukin-"

Nanlaki ang mga mata ko at napatakbo para takpan ang bibig niya. Tinanaw ko ang bahay at nag-aalala na baka marinig kami dito ni nanay. Pagbalik ko ng tingin sa kanya na nasa loob ng sasakyan, natatawa siya at pilit na inaalis ang kamay kong nakatakip pa rin sa bibig niya.

"Gunggong ka talaga! Huwag ka ngang nagsasalita ng ganyan kapag nandito sa amin!"

"Ang layo naman ng gate niyo. Hindi tayo maririnig dito kahit gumawa pa tayo ng bata-" lalo kong idiniin ang kamay ko sa bibig niya.

Nakulong ang halakhak niya sa aking kamay. Pulang pula na ako at pakiramdam ko'y mauubusan na ako ng oxygen sa katawan dahil sa mga kahalayan na ipinapasok niya sa isip ko! Ipinasok ko ang aking ulo sa bintana para maglapit ang mga mukha namin at para kahit pagalitan ko siya'y hindi ako marinig sa loob ng bahay.

"Kung hindi ka titigil, hindi kita tuturuan!"

"Alisin mo muna ang kamay mo," mahina ang boses niya dahil nakulong iyon sa kamay ko. Ramdam ko ang malaking ngisi niya sa palad ko.

"Mangako ka muna na hindi ka magsasalita!"

Natawa lang siya kaya tinignan ko siya ng masama. Nakahawak na siya sa braso ko. Hindi ko pa rin siya binitawan dahil sa palagay ko'y mag-iingay nanaman ito kung aalisin ko ang kamay ko.

Huminga ako ng malalim nang tumigil siya at tumahimik. Balak ko na sanang bawiin ang aking kamay ngunit bago pa iyon ay naramdaman ko nang mayroong gumagalaw sa aking palad. Basa at mainit. Nakakapanindig balahibo ang mabilis at magaling nitong paggalaw sa palad ko. Nag-init ang magkabilang pisngi ko nang matanto na dila iyon ni Jax!

"Shit!" sigaw ko at naipunas ang basa kong palad sa suot kong jacket niya. "Kadiri ka talaga!"

"Clementine? Ikaw ba iyan?"

Napaikot ako paharap sa gate namin nang marinig ko ang boses ni Nanay. Base sa boses nito'y nasa pintuan palang siya ng bahay. Binalingan ko si Jax at nahuling malaki ang ngisi niya. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at malokong nagbaba ng tingin sa kamay kong dinilaan niya.

"Ang sarap pala ng kamay mo," paos na saad niya't inilabas ang kanyang dila para padaanan ang kanyang labi.

Sinundan ko ng tingin ang dila niya at naalala ang pakiramdam kung paano niya iyon hinagod sa palad ko. Sa galaw palang ng dila niya'y masasabi ko kaagad kung gaano siya ka-eksperto sa ganoong bagay. Mahina siyang natawa nang laglag panga ko siyang inilingan habang hindi ko mapigilang mas lalong pamulahan dahil alam ko ang tumatakbong kaberdehan sa utak niya!

Mariin kong isinara ang aking mga labi at kinalma ang sarili. Pilit kinakalimutan ang kiliting hatid ng dila niya sa palad ko. Wala akong panahon sa kababuyan niya dahil mas inaalala kong baka lumabas si Nanay at makita siyang narito. Kung mangyari iyon, hindi ko alam kung paano magpapaliwanag. Ni hindi ko masabi na magtu-tutor ako kay Jax at tanging naidadahilan ko lang ay ang pag-aayos ko ng libro sa opisina ng Don.

"Huwag ka na bumaba at huwag kang magpapakita kay Nanay! Mabilis lang ako!"

"Gaano kabilis, Clem?" Ngisi niya.

"Wala pang isang segundo! Magte-teleport ako!" Sarkastiko at may pagpipigil na magmurang sabi ko.

Tinalikuran ko siya't nagmamadaling pumasok sa bahay sa halip na ipagpatuloy ang pakikipagtalo sa siraulong manyakis na tumatawa na naman ngayon!

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 34.2K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...
138K 4.9K 18
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
3M 184K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...