Lascivious Casanova (R-18) (E...

By IyaLee04

2.2M 56.6K 16.4K

Warning: Read At Your Own Risk! EXPLICIT AND MATURE CONTENT❗❗❗ Series 7 of 8 "Do you smoke?" natatawang tanon... More

Lascivious Casanova 01
Lascivious Casanova 02
Lascivious Casanova 03
Lascivious Casanova 04
Lascivious Casanova 05
Lascivious Casanova 07
Lascivious Casanova 08
Lascivious Casanova 09
Lascivious Casanova 10
Lascivious Casanova 11
Lascivious Casanova 12
Lascivious Casanova 13
Lascivious Casanova 14
Lascivioua Casanova 15
Lascivious Casanova 16
Lascivious Casanova 17
Lascivious Casanova 18
Lascivious Casanova 19
Lascivious Casanova 20
Lascivious Casanova 21
Lascivious Casanova 22
Lascivious Casanova 23
Lascivious Casanova 24
Lascivious Casanova 25
Lascivious Casanova 26
Lascivious Casanova 27
Lascivious Casanova 28
Lascivious Casanova 29
Lascivious Casanova 30
Lascivious Casanova 31
Lascivious Casanova 32
Lascivious Casanova 33
Lascivious Casanova 34
Lascivious Casanova 35
Lascivious Casanova 36
Lascivious Casanova 37
Lascivious Casanova 38
Lascivious Casanova 39
Lascivious Casanova 40
Lascivious Casanova 41
Lascivious Casanova 42
Lascivious Casanova 43
Lascivious Casanova 44
Lascivious Casanova 45
Lascivious Casanova 46
Lascivious Casanova 47
Lascivious Casanova 48
Lascivious Casanova 49
Lascivious Casanova 50
Lascivious Casanova 51
Lascivious Casanova 52
Lascivious Casanova 53
Lascivious Casanova 54
Lascivious Casanova 55
Lascivious Casanova 56
Lascivious Casanova 57
Lascivious Casanova 58
Lascivious Casanova 59
Lascivious Casanova 60
Lascivious Casanova 61
Lascivious Casanova 62
Lascivious Casanova 63
Lascivious Casanova 64
Lascivious Casanova 65
Lascivious Casanova 66
Lascivious Casanova 67
Lascivious Casanova 68
Lascivious Casanova 69
Lascivious Casanova 70
Lascivious Casanova 71
Lascivious Casanova 72
Lascivious Casanova 73
Lascivious Casanova 74
Lascivious Casanova 75
Lascivious Casanova 76
Lascivious Casanova 77
Lascivious Casanova 78

Lascivious Casanova 06

29.9K 755 65
By IyaLee04

(LC) Chapter 06








I don’t know why I suddenly felt nervous when I saw Jax in the field. Hindi siya sa akin nakatingin dahil abala sa paglalaro. Nagkakagulo na naman ang mga babae roon sa bleachers at ang iba pa'y may mga dalang bottled water at pamunas na sa palagay ko'y para ibigay sa mga naglalaro.

Naalis na sa isip ko ang ginawa ni Jax kay Maya at Ms. Abadiano, subalit pumalit naman ang utos ng Lola niya. Wala akong ideya kung paano magiging mabait kay Jax gayong masulyapan lang siya'y tumataas na ang presyon ko.

Pero iba ngayon, kinakabahan ako. Siguro dahil pakiramdam ko'y mali ang inuutos sa akin ng Lola niya na para bang binabayaran ako nito ng malaking halaga para gumawa ng isang krimen. I honestly don't need thirty hectares. Masiyadong malaking lupa iyon para kailanganin namin. Magtataka rin ang mga nakakakilala sa amin kung bakit kami nagkaroon ng ganoong kalawak na lupa.

Ang gusto ko lang ay ang mapanatili kami sa bahay at hayaan si Tatay na magtanim sa maliit na lupang ipinahiram ng Don kay Tatay noong nabubuhay pa. Tanggapin ko man o hindi ang alok na tatlumpung hektarya, kailangan ko pa ring sundin ang Lola niya.

Muntik na akong mapatid at dali daling inalis ang mga mata kay Jax. Muntik na niya akong mahuling nakatingin sa kanya. Napasuklay ako ng mga daliri sa aking buhok at lalong kinabahan nang marinig ko ang panunukso niya nang makita ako.

"Saang building ang tungo mo, Clementine? Naglalaro ako, wala kang mapapanuod ngayon," tukso niyang sinabayan ng pagtawa.

Nawala ang kaba ko at napalitan ng irita. Ang galing niya talagang gumawa ng paraan para sirain ang araw ko. Tapos gusto pa ng Senyora na maging malapit kami? Baka magkalmutan at magkagatan lang kami nito!

Nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga't bumaling sa kanya. Iniwan niya ang mga kalaro para sabayan ako sa paglalakad. Katulad noon na nasa loob siya ng field at tanging bakod na chain link lang ang nakaharang sa amin.

"Hindi kami sa building pupunta, Jax. Sa gym lang kami," si Irene na namumula.

Napalingon siya kay Irene at napataas ang makakapal na mga kilay. Ngumuso siya nang magkatinginan kami, nasa itsurang nagpipigil matawa dahil sa inosenteng sagot ni Irene dahil wala siyang alam.

"Mabuti naman. Bantayan mo iyang kaibigan mo para hindi kung saan saan na building napupunta," sa akin siya nakatingin habang sinasabi iyon kay Irene.

"Hindi ko na siya kailangang bantayan, Jax! Hindi naman iyan maliligaw kahit malaki ang school! Kabisado niya kaya ito! Kaya nga kapag may mga bagong estudyante, siya ang inaatasan na mag-guide!"

"Oh? Kabisado niya? Kaya pala alam na alam kung saan makakakita-"

Hinatak ko sa braso si Irene upang kaladkarin hanggang sa makalagpas kami sa field. Mahinang tawa niya nalang ang narinig ko bago makalayo. Pilit kong itinaboy sa aking utak ang utos ng Senyora. Hindi ko susundin iyon! Wala akong balak! Hindi ko kayang lumapit kay Jax kung palaging ganito na nagkakainitan kami!

Napaismid ako sa mahinang tili ni Irene sa tabi ko dahil kinausap siya ni Jaxsen. Umikot ang mga mata ko't inunahan siyang maglakad. Nakauwi na sa bahay at lahat dala dala ko pa rin ang iniwan sa aking alalahanin nang mag-lola.

Pagkagising ko kinaumagahan sa labahan ako dumiretso. Tinanghali ako. Naabutan ko nalang na binabanlawan na ni Nanay ang mga damit na ako dapat ang maglalaba.

"Pinapatawag ka ng Senyora. Gigisingin na sana kita kaya lang sinabi niyang hintayin nalang kitang kusang magising."

"Nanggaling po kayo sa Mansion?"

"Oo! Nakakahiya nga't nagpadala pa ng mga prutas dito sa bahay! Nag-utos pa kay Karding na ihatid dito iyan gamit ang pick up nila!"

Iginala ko ang tingin sa bakuran. Ang bahay namin ay mayroong bakod at gate na kahoy na aabot lang ang taas sa aking dibdib. Pagkapasok sa gate ay pababa ang daan papunta sa bahay. Ang mga prutas ay nasa tabi ng puno ng alateris at kaimito. Mayroon din sa tabi ng puno ng mangga.

"Bakit ang dami nito?" Wala sa sariling naibulalas ko.

Ang ipinadala ng Senyora ay limang malalaking basket na mayroon laman na iba't ibang uri ng prutas. Tatlo lang kaming nakatira rito kaya't paano namin mauubos ito na walang nabubulok?

"Nagulat nga rin ako! Mag-almusal ka muna! Pagkatapos mo ay dumiretso ka na sa Mansion at baka kanina pa naghihintay ang Senyora!"

Hindi ko siya sinunod at tumulong muna ako sa pagbanlaw. Sinaway niya ako at inagaw ang hinawakan kong damit.

"Huwag ka nang tumulong! Kaya ko na ito! Mag-ayos ka na at mas importante yata ang pag-uusapan niyo ng Senyora!"

"Bakit daw po ba ako pinapapunta?"

"Hindi ko alam! Hindi ba't kayong dalawa ang nagkausap noong sabado? Ano bang sinabi niya sayo? Baka tungkol ulit doon?"

"Baka nga po," sabi ko nalang at tinigilan na ang kakapilit na tumulong dahil pinagduduldulan niya akong magtungo na sa mansion.

"Ano ba ang inutos sayo ng Senyora noong nakaraan?" Usisa niyang nasa labahin ang atensyon.

"Wala naman po, Nay-"

"Pwede bang wala?"

Napatingin siya sa akin dahil sa sagot ko. May pagdududa niya akong tinignan at nabitin sa ere ang hawak niyang tumutulong damit. Kilala ko si Nanay. Hindi ito titigil na walang nakukuhang sagot.

"Wala nga po, Nay. Pinapaayos niya lang po ang mga libro sa opisina ng Don."

Napaiwas ako ng tingin at nagsimulang bumalik sa loob ng bahay. Kahit nasa loob na ay narinig ko pa rin ang sinabi niya dahil magkalapit lang naman ang labahan na nasa labas at ang sala. Medyo nilakasan niya rin ang boses niya dahil nasa loob na ako.

"Madali lang naman pala! Puntahan mo na ang Senyora at sundin mo ang lahat ng iuutos niya, Clementine! Para hindi nakakahiya! Kung may alam lang ako sa mga libro, tutulungan na kita! Hindi naman ako nakapag-aral kaya ikaw nalang!"

Mabuti nalang talaga, Nay. Kasi hindi niyo rin naman pwedeng gawin ang inuutos niya. Hindi na ako sumagot at humila nalang ng tuwalya upang makaligo. Bago pa ako ulit tanungin ni Nanay ay umalis na ako kahit basa pa ang buhok ko.

"Good morning po, Senyora-"

"Lumapit ka."

Patago akong nagbuntong hininga. Isinara ko ang pinto ng opisina ng Don at sinunod ang sinabi niyang lumapit ako. Tumigil lang ako nang nasa tapat na ako ng lamesa. Naka-upo siya sa swivel chair. Nakasuot ng salamin at mayroong binabasa nang pumasok ako.

Pinalapit niya lang ako ngunit hindi naman siya nagsalita. Nanatili sa binabasa ang mga mata niya hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto. Iginalaw ko ang aking ulo upang alamin kung sino ang pumasok.

Si Jax iyon, nakasuot ito ng sumbrero na pabaliktad ang suot. Ang bola ng soccer ay yakap niya sa isang kamay, nakaipit iyon sa pagitan ng kanyang braso at bewang. Kunot noo akong tinitigan nito. Nang makalapit siya sa tabi ko, doon niya lang inilipat ang tingin sa Lola niya.

"Bakit mo ako pinatawag, Lola?" tanong niya sabay baling ulit sa akin. "At anong ginagawa mo rito?"

Nasa Senyora ang tingin ko. Ayokong umirap pero hindi ko napigilan ang pag-ikot ng mga mata ko. Sumakto pa na ginawa ko iyon sa pagtingin sa akin ng Senyora kaya't binalot ako ng hiya at hindi na sinagot si Jax kahit gusto ko siyang barahin.

Ano? Natatakot ka na magsumbong ako sa ginawa mo sa guro at sa top student? Hindi ko na kailangang ipagsabi iyan dahil sigurado akong isang araw ay mahuhuli rin siya sa mga kalokohan niya. Huwag lang sana niyang ikapahamak dahil tatawanan ko talaga siya.

"Simula ngayon, kailangan niyong magkita araw araw," panimula ng Senyora.

Isinara nito ang hawak niyang libro. Ipinatong niya iyon sa lamesa at pinagsalikop ang mga kamay sa ibabaw ng libro. Salubong ang kilay ko't nag-aabang ng karugtong. Sinabi na niya sa akin ito noon pero hindi niya naman siguro ipapaalam kay Jax ang plano niyang paglapit ko sa kanyang Apo. Kaya hinintay ko dahil sigurado akong may ibang dahilan.

"What do you mean, La? Nagkikita naman kami araw araw sa school-"

"You failed all your subjects!"

Isang beses pang humakbang palapit si Jax sa lamesa para malapitan ang Lola niya dahil sa tinuran nito.

"I failed? Paano nangyari iyon?"

Umismid ako sa isip. Talaga bang itatanong niya pa kung bakit siya bumagsak? Sa ginagawa niya nga'y dapat napatalsik pa siya!

"Bumagsak ka dahil sinabi ko sa kanila! Ask her nicely to teach you or else you will fail this year!"

"Who's her? Clementine?!" Nilingon ako ni Jax at sinamaan ng tingin.

Napatingin ako sa Senyora dahil wala pa siyang nabanggit sa akin na turuan ko ang Apo niya. Ngayon palang, naiisip ko nang hindi ko kakayaning turuan ang Apo niya. Subalit ano nga bang magagawa ko? Kung ito ang kagustuhan ng Senyora'y hindi ko maaaring salungatin.

"You are twenty four, Saint! Ilan taon ka na ba sa college? Kung ayaw mong nasa paaralan, ayusin mo ang pag-aaral mo ngayon para makapasa ka at makawala ka na sa eskwelahan! Kung babagsak ka, wala akong magagawa kundi ang i-enroll ka ulit sa susunod na taon!"

"Can't you Just pay them, Lola? Anong silbi ng pera mo?"

"Hindi lahat nababayaran, Saint! Hindi ako gagamit ng pera para lang magkadiploma ka! Kailangang paghirapan mo iyon kahit pinaka mababang grades pa ang makuha mo!"

Hinampas ni Jax ng isang beses ang lamesa. Pinigilan ko ang magulat dahil sa ginawang ingay no'n. Tinignan ko siyang nasa tabi ko. Hinubad niya ang sumbrero niya kaya't lumitaw sa paningin ko ang magulo niyang buhok. Sinundan ko rin ng tingin ang bawat pagbuka ng mga labi niya. Salubong ang kilay nito at galit na nagsalita.

"Ibalik niyo nalang ako sa Ireland! Bakit kasi dito nila ako pinatapon? Kung ayaw nila akong kasama, sana kahit sa Manila nalang!"

"Wala ka nang magagawa dahil dito ka na nakatira. Ang kailangan mo nalang gawin ay sundin ang sinasabi ko. Dahil kung hindi, hindi ka makakaalis dito kung hindi ka makakapagtapos ng pag-aaral mo."

"But I don't like her to teach me! Iba nalang ang kunin niyong magtuturo sa akin! Ms. Abadiano is much better than her! Baka nga walang alam sa pagtuturo iyan!"

Sobra sobrang pagpipigil talaga ang ginawa ko para hindi sumagot sa harapan niya! Kung tanggihan niya ako akala mo wala ako rito at hindi ko naririnig ang sinasabi niya! Si Ms. Abadiano ang gusto niya dahil maaari silang gumawa ng milagro sa opisina na ito! Wala siyang matututunan, panigurado!

"I'm doing this for you, Apo. Please, pagbigyan mo na si Lola."

Tumaas ang kilay ko sa malambing na boses ng Senyora. Gusto kong matawa dahil mukhang umepekto naman iyon kay Jax dahil huminahon ito. Nagkasundo silang mag-Lola na ako ang magtuturo sa kanya. Isang oras mula lunes hanggang biyernes ko siyang tuturuan araw araw. Gusto ng Senyora ay tatlong oras araw araw na mabilis inapilahan ni Jax. Kaya't napagkasunduang isang oras nalang.

Kalaunan, nagpaalam na ako at nagkasabay pa kami sa paglabas ni Jax sa opisina ng Don. Madaraanan ko siya dahil malapit sa kanya ang hagdan pababa. Ayoko na sana siyang kausapin, hindi ko na nga lang natiis ang tingin niya na akala mo'y ako ang nag-plano ng tutorial session na ito!

Bago ko siya malagpasan ay pairap ko siyang hinarap. Huling huli ko ang masama niyang tingin na lalong nagpatindi sa pagkulo ng dugo ko. Kung tusukin niya ako ng masamang tingin akala mo naman ginusto ko ito! Sino ang gugustuhin na turuan siya kung siya na yata ang pinaka estupidong gunggong na nakilala ko!

"Bakit sa akin masama ang tingin mo?! Ako ba ang Lola mo?! Ako ba ang nagsabi na ibagsak ka?! Kung nag-aaral ka kasi ng mabuti, sana hindi ka namomroblema ngayon! Kung pag-aaral ang inaatupag mo at hindi mga babae, bisyo, at pagiging basagulero mo, sana matagal ka nang gumraduate dahil mas matanda ka pala sa akin! Kung inayos mo ang sarili mo, wala ka sana rito at wala akong sakit ng ulo!"

Napangiwi siya at itinusok ang kanyang isang daliri sa kanyang kaliwang tainga. Sa palagay ko'y gusto niya ring takpan ang kabilang tainga niya, hindi niya lang magawa dahil hawak niya sa isang kamay niya ang bola.

"Ang ingay mo. Ang dami mong sinabi, tinignan ka lang-"

"Huwag mo akong tignan kung ayaw mo ng maingay!"

Natatawang lumabas ng opisina ang Lola niya. Natahimik ako dahil kahit alam niyang hindi kami nagkakasundo ng Apo niya'y ayoko naman ipakitang nag-aaway kami sa harapan niya bilang respeto.

"Magsimula na kayo ngayon. Gamitin niyo itong opisina ni Romulo."

Napanganga ako sa sinabi ng Senyora. Iiwan niya kami sa opisina ng Lolo ni Jax?! Kapag ako nainis sa Apo niya, ibabato ko sa kanya ang lahat ng makakapal na librong nandiyan!

"Sa sala nalang po kami," suhestiyon ko na agad nitong inilingan.

"Pumasok na kayo. Kung mag-aaral kayo, kailangan ay sa tahimik at pribadong lugar para maturuan mo ng maayos si Saint. Walang papasok diyan at walang iistorbo sa inyo. Sinabihan ko na ang mga tauhan bago pa kayo dumating."

Continue Reading

You'll Also Like

28.1K 7 40
R18
420K 6.1K 24
Dice and Madisson
27.8K 1.3K 19
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...
373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...