Meet My Boyfriend: Ana's Ace...

Galing kay Lyfavie

102K 1.7K 353

[ONGOING STORY] [Cliche story coz life is cliche] Dala ng pagkakamali at pagsisinungaling, ay naituro ni Ana... Higit pa

Meet My Boyfriend: Ana's Ace
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 - Part one
Chapter 17 - Part two
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26

Chapter 8

3.2K 56 10
Galing kay Lyfavie

Chapter EIGHT

"Life is full of surprises. It's best to just go with the flow."

                                                          -Anonymous

“…so that’s what happen.” Pagtatapos ni Ace sa maikling kuwento nito kung paano nito nalaman kay Kelly kung saan nag-aaral si Ana. Minus the last part nga lang dahil hindi pa rin maintindihan ni Ace ang ibig sabihin ni Kelly doon.

“Hmmp! Okay given ng voluntary ngang sinabi iyon sa iyo ni Kelly. Ang pinagtatakhan ko lang, bakit kanina sa classroom, sinabi mong wala ako doon kahit nakita mo naman pala ako. Dahil base sa mga narinig ko, gumawa ka na ng paraan para malaman siguro schedule ko. Tama ba?”

Ace nodded and smirked. “Mas exciting hulihin ang daga kapag ang buong akala nito ay ligtas na ito. See, you let your guard down when you thought I left the classroom without noticing you.”

Napaisip bigla si Ana. Maybe nga she let her guard down a little lang naman. Kasi ang dahilan naman kaya siya nagmamadaling umuwi kanina ay para makaiwas na kay Ace. Maaari ngang nakampante siya ng mapag-alamang hindi siya nito nakita sa classroom. Kaya tuloy hindi siya masyadong nag-ingat o naisip man lang ang posibilidad na Ace was just trapping her!

“Natahimik bigla baby ko?” saka ito bahagyang tumawa.

Agad siyang napasimangot. Alam niyang tinatawag lang siyang ‘baby’ nitong tukmol na Ace na ito para inisin. At napagtanto niyang kung lalo niyang ipapakitang naiinis at nagagalit siya kapag tinatawag siya nitong ganoon, gagamitin lang nito iyon ng todo-todo.She knows Ace loves tormenting her!

Lord! Pinagtagpo niyo ba kami nitong si Ace para lang gawin nitong miserable buhay ko? : (

Napabuntong-hininga na lang si Ana. Di bale sabi naman ng nanay niya hindi magbibigay si Lord ng isang problema or difficulty sa buhay ng isang tao na hindi kayang iovercome ng taong yun. Kaya kayang-kaya niya siguro itong si Ace.

Tama! Hahabaan na lang niya pasensiya kay Ace!

Sumulyap ito kay Ace na nagmamaneho.

Guwapo nga ang tukmol!

Marami kasi talaga ang nagkakagusto kay Ace. Una ng dahilan sa listahan ang kaguwapuhan nito. Hindi na nakapagtataka iyon. Syempre, alangan namang magkagusto ang marami sa pangit di ba? Ayon kay Chichi, may lahing Kastila raw kasi ang mother nitong si Ace kaya maputi ang binta. Hindi iyong puting nagmumukhang bading. In his case, tama lang ang pagkaputi nito. Nagmumukha nga itong malinis at mabangong tignan dahil sa kutis nito. Perpekto din ang pagkakatangos ng ilong nito. Naghanap siya ng puwedeng maipintas sa mukha nito, pero nabigo lang siya.

Aside from the very obvious fact na guwapo nga ito, nagmula rin sa mayamang angkan ang pamilya ni Ace. Pag-aari ng pamilya nito ang pinakamalaking minahan sa Benguet. Nagkalat din ang mga businesses ng pamilya nito sa Baguio at maging sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas. May architectural firm ang pamilyang Tolentino. Kaya din siguro architecture kinuha ni Ace na kurso.

At pinakahuling dahilan kaya maraming nagkakagusto kay Ace ay dahil di lang ito good looks and money, dahil may brains din ito at magaling sa sports. Kaya nga ito tinawag na Ace eh. Dahil ito ang ace player ng SBU sa larong basketball. Sa academics, sa buong SEA ay ito din ang laging DL number one.

Sabihin na nating guwapo ito. Mayaman. Matalino. Magaling sa sports. Ngunit bakit puro positive things lang nakikita ng lahat dito? Ang yabang kaya nito! Antipatiko! Presko! Arogante! Blackmailer! Walang modo! Walang respeto! Isa pa, kilala din ito sa pagiging playboy. Kung sinu-sino lang nagiging girlfriend nito. Marami ng umiyak na babae ng dahil dito. Kaya hindi niya lubos maisip kung bakit marami pa ring nagkakagusto dito?

“In love ka na ba sa kaguwapuhan ko?” nakakalokong tanong nito sa kanya ng mahuli nitong pinagmamasdan niya mukha nito.

“Hindi ah!” mabilis niyang tanggi.

“Aminin mo na kasi. Kanina mo pa ako pinagmamasdan. Okay lang naman yun sa akin eh, sanay na ako.”

Yabang!

“Pinagmamasdan ko nga ang NAPAKAGUWAPO mong mukha hindi dahil inlove na ako sa iyo. Kung hindi dahil inaassess ko lang kung bakit ang daming nagkakagusto sa iyo na hindi man lang makita ang ‘ke sama mong ugali at nabubulag sa SOBRANG GUWAPO mong mukha. Satisfied?”

Napasipol lang ito. “Yan ang gusto ko sa iyo, ang sinasagot-sagot ako.”

“Tse! Sabihin mo na kasi kung ano ba talagang gusto mo sa akin nang makauwi na ako.” Nakairap niyang tugon.

“Sakto…Andito na tayo.”

Sumilip siya sa labas at napag-alaman niyang nasa Cool-Jives na pala sila. Isa iyong sikat na tambayan ng mga estudyante. May bilyaran kasi doon at inuman din.

Inayos ni Ace pagkakapark saka pinatay na ang makina ng sasakyan. Bumaba na ito ng sasakyan kaya bumaba na din si Ana. Papasok na sana si Ace sa loob ng Cool-Jives ng pigilan ni Ana ito sa pagpasok.

“Teka nga muna! Bakit mo ako dinala dito?” tanong ni Ana kay Ace.

Naglabas ito ng sigarilyo saka iyon sinindihan.

Sa harap ko pa talaga nagsindi ha!

Exaggerated tuloy siyang nagtakip ng ilong. “Allergic ako sa usok ng sigarilyo! Pwede bang wag kang manigarilyo kapag kasama mo ako?”

Mataman lang tinignan ni Ace si Ana. Napasimangot ang huli ng makitang muli lang itong humitit at bumuga.

Laking gulat nga lang niya sa sumunod nitong ginawa. TInapon nito sa daan ang yosi kahit di pa ubos saka tinapakan iyon.

“Happy?” tanong nito sa kanya after.

Sa halip na sagutin ito ay inulit niya ang nauna niyang katanungan. “Ang tanong ko, bakit mo ako dinala dito?”

“Dahil girlfriend nga kita. As my girlfriend, it’s your duty to accompany me sa mga lakad ko. May lakad ako ngayon dito sa Cool-Jives kaya sinama kita.”

“Alalay yata dinidescribe mo eh! And hindi pa ako pumapayag na maging girlfriend mo!”

“Wala ka ng magagawa doon. If I say you are my girlfriend, then you are my girlfriend.”

“Ano ba talagang nakita mo sa akin at gustong-gusto mo akong maging girlfriend? Teka nga…Di kaya ikaw ang inlove sa akin?” taas kilay na tanong ni Ana kay Ace.

“What are you talking about? Me in love? You gotta be kidding me!”

“Di ka naman pala inlove. Oh, ano ngang dahilan at pinipilit mong maging girlfriend mo ako?!”

“Well…I find you interesting. I have never met a girl like you before. Iba ka sa kanila…Kaya para maiba naman sa mga usual kong nagiging girlfriend, ikaw na lang muna for the meantime.”

Ikaw na lang muna for the meantime. Kung makapagsalita ito para lang siyang spare tire ng sasakyan ah. Reserved ba. Sarap tadtarin ng pinong-pino itong tukmol na Ace na ito!

I have never met a girl like you before…

Hmmm…

Iba ka sa kanila…

Ganun pala ha!

Aha! May naisip siyang isang henyong ideya!

“Okay…sige, pumapayag na akong maging GF mo.”

Napansin niya ang pagsalubong ng mga kilay ni Ace. Nagtataka siguro ito sa biglang pagpapayag niya. “Really? Kala ko ba ayawmong maging GF ko?”

“Napag-isip-isip ko kasi, wala na din lang akong magagawa dahil sobrang kulit mo. Alam kong hindi mo ako tatantanan hangga’t di ako pumapayag. Kaya bakit ko pa pahahabain, di ba?”

“Are you sure?” paniniyak pa nito.

Ngumiti ng pagkatamis-tamis si Ana saka umabistre kayAce. “Oo nga! Kaya tara na sa loob.”

Takang nagpatinaod na lang si Ace kay Ana.

Lihim namang nagdidiwang ang puso ni Ana. Sa plano niya, tignan lang natin kung hindi si Ace din lang ang unang sumuko sa kanilang dalawa.

I will be the best girlfriend you will ever have, RENZ VINCENT TOLENTINO!

I will make sure of that!

Ahohohoho! >:D

================

A/N: I'm sick today. Anniversary pa naman namin ni Watty. :(

Anyways, sana nagustuhan niyo update. ComVo din po! :) Arigato!

Pasensiya na sa mga grammar mistakes. Hindi ko na naedit pa.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...