Will I Wake Up?

By SakataChibi

11.5K 1.4K 4K

Aly is an ordinary student at Larson High. Normal lang sa kanya ang buhay kasama ang bestfriend niyang si Sop... More

Will I Wake Up?
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-One
Chapter Sixty-Two
Chapter Sixty-Three
Chapter Sixty-Four
Chapter Sixty-Five
Chapter Sixty-Six
Chapter Sixty-Seven
Chapter Sixty-Eight
Chapter Sixty-Nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy-One
Chapter Seventy-Two
Chapter Seventy-Three
Chapter Seventy-Four
Chapter Seventy-Five
Chapter Seventy-Six
Chapter Seventy-Seven
Chapter Seventy-Eight
Chapter Seventy-Nine
Chapter Eighty
Chapter Eighty-One
Chapter Eighty-Two
Chapter Eighty-Three
Chapter Eighty-Four
Chapter Eighty-Five
Yes, I woke up: The Epilogue

Chapter Fifty-Three

65 7 0
By SakataChibi

Aly's POV

"Hija..." bati sa akin ng mama ni Kei ngunit hindi agad ako nakasagot rito. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lamang ang mga kamay na pumalibot sa baywang ko.

Agad akong napaharap kay Kei na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa akin. Bahagya itong tumango saka ako inalalayan na lumapit sa mga magulang nito. Medyo nailang pa ako dahil iba ang pakiramdam ko sa mga hawak niyang iyon. At isa pa ay unang beses ko pa lamang nakita ang mga magulang niya.

Pakiramdam ko tuloy ay magpapakilala ako bilang girlfriend niya kahit na kasal naman na kami. Nagmano ako rito at naiilang na ngumiti. Lalapit na sana ako sa ama ni Kei ngunit hinawakan lamang nito ang ulo ko at bahagyang hinaplos saka ngumiti. Bilang sagot ay ngumiti na lamang ako at pormal na pinapasok sa loob ng bahay.

Nanginginig pa akong naghain ng mga dala nilang pagkain habang si Kei naman ay masayang kinakausap ang mama niya.

"How are you, Aly?" nakangiting tanong ni Ate Mari nang sumunod ito sa akin sa kusina upang tumulong sa paghahain.

Napangiti ako.

"I'm fine ate," nakangiting sagot ko.

"Well, that's great. Sabi nina mom baka matagalan pa ulit bago sila makakabisita rito kaya mag i-stay siya ng mga 3 more days bago umalis. Habang si Dad naman ay sa susunod na araw ang alis," mahabang litanya nito saka tumingin sa ama.

Sinundan ko rin ang tinitignan nito. Kasalukuyang nilalaro ng ama ni Kei ang mga bata. Hindi ko maiwasang mapangiti. I never thought na sa ganitong sitwasyon ko pa unang makikita ang parents niya. Hindi naman sila harmful at toxic na masyadong mapagmataas, in fact they are too good to be true. Kaya medyo nagtataka rin ako.

I don't know Kei's background lalo na ang about sa family niya dahil di naman kami close, at isa pa ay di ako interesado sa kanya noon...but I guess, kailangan kong malaman iyon kung nandito ako.

Napalingon ako kay ate Mari. Mula sa mga mata hanggang sa braso at mukha ay sigurado akong iisa lamang siya sa kapatid ni Kei sa kabilang mundo. Ilang beses na akong napunta rito bilang asawa ni Kei pero ngayon ko lang napagtanto na hindi ito naiiba sa mundong ginagalawan ko.

Agad kong naalala ang sinabi noon ni Kei. Paano nga kaya kung future ko ito? Future namin ni Kei? I don't want to accept it as my future dahil ayokong makatuluyan si Keifer... that's why I want to do something para di mangyari ang mangyayari.

Kei is here. His parents and even ate Mari. Sa pagkakaalala ko ay may gusto si Kuya Ross kay Ate Mari, nagkatuluyan ba sila? How about Sophie? Dylan? Si Kiane may asawa na rin ba siya?!

Napayuko ako sa mga iniisip ko. Maybe I'll talk to Ate Mari later. Marami ng bagay ang pumapasok sa isip ko kaya naman gusto ko yung makuhaan ng kasagutan. ang mga ito.

Pagkatapos kong kumuha ng drinks ay agad na rin akong nagpunta sa table habang si ate Mari naman ay tinawag na ang iba. Magkatabi kami ni Keifer sa upuan habang nasa harapan namin ang dalawang bata. Habang si Ate Mari naman ay nasa bandang kanan ko at kaharap ang mama nito.

"Let's eat," aya ng ama ni Kei saka nag-umpisa nang hainan ang sariling hapag.

Tahimik lamang akong kumain habang bahagya akong kinukwentuhan ni Ate Mari. Si Kei naman ay katawanan ang ama habang nakikinig lamang ang ina nito. After naming kumain ay dumiretso muna ako sa kwarto para magbihis. Di ko rin alam kung bakit kabado ako kanina habang kaharap ng parents ni Kei kaya naman pawis na pawis ako.

Agad akong nagtungo sa cabinet para kumuha ng pamalit nang biglang bumukas ang pinto.

"Darling, hinahanap ka ni mom s-"

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang walang pakundangan itong pumasok sa kwarto.

"Oh shi-" pigil na saad nito na animo'y namilog ang mga mata.

"Argh! Lumabas ka nga!!" sigaw ko rito habang pilit na tinatakpan ang sarili ng manipis na tela.

Bakit ba bigla bigla na lang siyang papasok!! Oo mag-asawa kami sa sitwasyon naming ito pero...geez!! Hindi ako yung inano niya noh! Sa halip na lumabas ay pumasok si Kei saka tulalang umupo sa kama habang nakaharap sa akin.

"A-anong...lumabas ka nga!!" sigaw ko rito.

"Hinihintay ka nga ni mom...kaya hihintayin na rin kita," nakangising saad nito habang parang bata na tumatawa-tawa. Napakunot naman ang noo ko. Marahas akong tumalikod saka mabilis na hinanap ang damit at isinuot.

"Hihihihi," rinig kong halinghing nito kaya naman inis akong lumingon rito.

"Ano ba?! Tumalikod ka naman!!"

"Haist...mag-asawa na kayo lahat lahat, nagkakahiyaan pa kayo,"

Gulat kaming napaharap ni Kei sa nagsalita at nakita namin roon si ate Mari na nakasandal sa pinto habang nakacross ang mga braso.

"Ate! Anong ginagawa mo rito?!" inis na saad ni Kei saka inis na lumapit sa kapatid. Mas napahigpit ang pagkakahawak ko sa damit ko.

"Ate! Makikita mo si Aly na nakahubad eh! Umalis ka na dito!!" inis na saad ni Kei habang tinutulak pa ang kapatid ngunit mukhang di man lang natinag ang kaharap.

"Ano naman masama? Parehas naman kaming babae noh!" sagot nito sa kapatid.

"Anong babae? Tomboy ka kaya! Kaya nga wala ka pa asaw-" hindi na niya ito naituloy matapos siyang nitong tuktukan sa ulo.

"Di nga ako tomboy!" asar na sigaw ni ate Mari sa kapatid saka nilampasan ang kapatid upang tuluyang makapasok sa kwarto. Napabusangot naman si Kei nang makitang nakahiga na sa kama si Ate Mari.

"Ate! Wag kang humiga dyan! Higaan namin yan eh! Madudumihan!" inis na sigaw na naman ni Kei. Medyo OA na siya ah. Parang higaan lang. Ano siya bata?!!

"Wag ka ngang epal, kapatid. Eto higaan niyo? Ang liit naman!"

"Anong maliit dyan?! Kasya naman kami eh!"

"Ah talaga? Ano yun nakabaluktot kayo matulog? Ang liit oh!" reklamo ni ate Mari habang umiikot ikot sa kama.

" Hindi kaya! Kasya kami dyan! Malaki ka lang kasi!" pagbawi naman sa kaniya ni Kei. Nanatili pa rin akong nakatayo habang nakatingin sa kanilang dalawa.

"Psh! Ewan ko sa'yo! Sinong magkakasya sa ganito kaliit na kama?!" pasaring ni Ate Mari saka napasimangot.

"Kami! Magkapatong naman eh"

Agad na nagpantig ang mga tenga ko sa narinig kaya di ko napigilan na ibato sa kanya ang hawak na hinubad na damit.

"Bastos ka talaga!"

"Haist...proud ako sa'yo kapatid. Ganyan dapat! hahaha," natatawang saad naman ni Ate Mari kaya agad na napakunot ang noo ko.

So ganun? Bigla silang nagkasundo??

"HAHAHAHA," tawa ni Kei habang sinusulsulan pa ng kapatid.

Arghh!! Di ko alam na may gantong side rin pala si Ate Mari.Arghh!! Magkapatid nga sila!

"Hahahha...sige na. Hinahanap ka ni Dad kanina pa. Iwan mo muna kami ng asawa mo at magu-usap muna kami," saad nito sa kapatid.

"Sige, basta ate ah...wag mo re rape-in ah . Tayo magkakatalo niyan," pagbabanta nito sa sariling ate niya.

"Tanga! Di nga ako tomboy! Bwisit talaga,"

Napatawa na lamang si ate Mari sa kapatid habang tinitingnan itong naglalakad palayo. Nang tuluyan nang mawala sa paningin namin si Kei ay dahan dahan itong umayos ng upo saka diretsong tumingin sa akin.

"So... hmm," Napatingin ako sa kaniya nang makita ang seryoso nitong mukha.

"You're not Aly, right?"

Huh? Agad na nanlaki ang mga mata ko. Te-tekaaa...anong?!! Unti unting kumurba ang ngiti sa mga labi nito.

"I knew it. Kaya pala weird ka nung last time tayong nagkita. Anyway, I don't want to surprised you but you can ask me anything," nakangiting saad nito.

Te-teka...she knows? Anong alam niya?

Na hindi ako ang totoong Aly na asawa ng kapatid niya? Or...or baka na-misunderstood ko lang ang ibig niyang sabihin.

"I'm waiting..." pasaring ni ate Mari saka nahiga muli sa kama.

I don't know if I should trust her with this dahil maski ako ay walang ideya sa nangyayari, but if they can help me...maybe...maybe I can, no...I should trust them!

Dahan-dahan akong umupo sa tabi nito saka nag-umpisang magtanong.

"A-am I dreaming?" tanong ko rito. Malakas naman itong napabuntong hininga.

"Haist...paano ko ba ieexplain. Honestly, wala akong masyadong alam but I can answer your curiosity about your current situation. Pwede ba nating i-skip ang tungkol dito? Baka masyado kang maoverwhelm eh" pag-aalinlangan nito.

I'm about to say na di ako ma-ooverwhelm since gusto ko na talagang malaman ang nangyayari, but looking at Ate Mari, mukhang nahihirapan rin siya. I decided na hayaan na lamang siyang magsalita tungkol sa alam niya.

"I won't say if this is just your dream or what since di ko rin sigurado kung ano ba talaga. But I'm sure, only you can solve the mystery. But trust me, this is not the reality,"

Napaisip naman ako sa sinabi niyang ito. I don't know exactly what she mean about that kaya minabuti ko na lamang na manahimik. Maya maya pa ay bigla kong naalala ang isang bagay.

"Do you...do you know a person named Ross?" Natigilan ito nang marinig ang pangalang iyon.

"Ross? I don't think so..."

"Then...then why don't you have a husband? Hindi ba kayo nagkatuluyan?" curious na tanong ko.

"I don't know who are you referring to at kung sino man yang Ross na yan, but...I stayed single for a reason. I once loved someone but he died and even I don't know why. I didn't even see how he died or kung namatay ba talaga siya" she said while trying not to cry.

Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Maya maya pa ay tumayo na ito na para bang walang nangyari.

"Come on, mukhang pauwi na rin sina Mom," aya nito saka nauna nang maglakad palabas.

Continue Reading

You'll Also Like

22.6K 1.3K 20
Those who haven't watched kyy show can also read this.It's a story of our fav MANAN and FAB5 with various changes.What if Nandani is in place of Alya...
1.6M 108K 25
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
65.1K 3.2K 29
They said that a nerd can't love a snobber. But in the end, a nerd suddenly fell in love with a snobber. Meet Nathan Liu Anderson a half-korean and...
3.5K 143 56
"Couleurs de l'amour Series" o "The Colors of Love", ay mag papakita ng iba't-ibang tao sa iba't-ibang sitwasyon kung saan dito masusubukan, ( ゚∀ ゚) ...