Artius Academy :The Unknown G...

By salemnly

45.4K 1.3K 64

"Time has come, I need to conquer it all" Isang babae na gustong makalaya at makita ang totoong mundo. Ngunit... More

author's note
Artius Academy: The Unknown Girl
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55

Chapter 54

202 8 4
By salemnly

CHAPTER 54

"Hadwin's POV"

Ilang buwan ng hindi magising si Knight at naging maayos ang mga nangyari dito dahil sa tulong ni Clint at Diamond. Ipinaliwanag nila saamin ang nangyari. Nasundan nila kami dito sa paaralan dahil sa potion na nagamit namin, mayroon din plaa iyong masamang epekto at mabuti naman ay  may solusyon sila doon.  Simula ng masolusyonan iyon ay malimit namin makita ang dalawa at palagi na ding busy sina Hallie at Stephen dahil sa mga estyudante at kami naman ay nag eensayo kung minsan ay nag-aaral kami upang maipagpatuloy ang mga nalalaman namin. 

Nakakapanibago ang mga pangyayari ngunit alam ko naman babalik sa sigla ang paaralan. Nalalapit na rin ang aming kasal ni Ingrid dahil hindi naman kami mismo ang magdedesisyon ng lugar, oras at panahon sapagkat may ninuno kami at libro na kung saan sila ang magdedesisyon kung kailan at nasabi saakin ng mahal na reyna na sa sunod na linggo ang aming kasal. 

Alam namang pareho ni Ingrid na ganito ang mangyayari dahil sa kawalan ng aming tiwala ay nasayang ang panahon na nagkasama kaming nagmamahalan at hindi natuloy ang kasal noon. Laking pasalamat nalamang namin na pinagbigyan nila kaming muli na maituloy ang kasala kahit na binigo namin sila. 

"Hadwin," napatingin naman ako kay Corwin na tumawag saakin. Seryoso niya akong tiningnan habang umiinom ng tubig. Minsan langf ito magseryoso paniguradong marami siyang iniisip kaya danito siya. 

"Oh?" 

"Sa tingin mo kailan babalik si Azriel? Buhay pa kaya si Akira? Magigising pa kaya si Knight?" kunot-noo niyang sabi. Hindi naman siguro halata na close niya ang pangalang nabanggit niya 

"Hindi ko din alam. Magtiwala nalang tayo pero ang hindi ko lamang sigurado ay si Akira. " sabay baling ko sa kanya ng makaupo ako sa sahig " Kita naman nating lahat sa mga mata natin ang paglalaho niya dala-dala ng mga abo. " 

Malungkot naman siyang napabuntong-hininga saka may hinawakan na kwintas na hindi ko naman alam kung ano iyon. "Alam mo bang may ibinigay saakin si Akira, kahit hindi ko naman kakailanganin ay ibinigay niya. Hindi ako humihiling ng kahit ano kina Ina ngunit simula ng magig malapit ako kay Akira gusto ko hilingin kay Ina na maging kapatid ko si Akira kahit hindi sa dugo" 

Napangiti naman ako ng malungkot sa sinabi niya saka tinapik siya " Huwag kang mag-aala paniguradong makakausap mo si Akira kahit hindi man siya buhay may paaran naman. Hintayin mo ang bilog na buwan nalalapit na 'yon" natahimik naman siya sa sinabi ko at napahiga. 

Ilang minutong katahimikan at magyaya na sana akong umalis sa gym ng biglang dumating si Ingrid na humihingal. Nilapitan ko naman siya at binigyan ng tubig ngunit hindi niya tinanggap " Si Knight... gising niya " hapo-hapo niyang sabi. 

Nagulat naman kami ni Corwin at nagkatinginan. Hinawakan ako ni Corwin at si Ingrid saka niya ginamit ang kanyang kapangyarihang weather manipulator at naramdaman ko nalamang ang malakas na hangin na tumatama sa mukha ko at nakarating agad kami sa clinic.  Hindi na niya ulit iyon magagamit at kailangan ni Corwin ng mahabang pahinga dahil basta niya ginamit ang kapangyarihan niya. 

"Knight," sabay-saby naming sabi. Nakatulala lamang siya at hindi umiimik. 

"Ayos ka lang ba?" mahinang sabi ni Hallie na siyang tumitingin ngayon kay Knight kung may masakit sa kanya ngunit wala siyang nakuhang sagot mula rito kaya umiling si Hallie saamin " Siguro'y kailangan niya muna ng maraming pahinga." 

Tumango naman kami " Mabuti at nagising na din siya." ika ni Ingrid. Hinawakan ko naman sa balikat si Ingrid laya napatingin siya saakin. 

"Magpahinga muna tayo saka na tayo bumalik. Kailangan din ng pahinga ni Knight" ika ko at nagsitanguan naman silang lahat at lumabas. Tiningnan ko naman si Stephen at Hallie " kayo muna ang bahala sa kanya. Tawagin niyo lang kami kung may kailangan kayo" 

Ngumiti nama si Stephen " Huwag kayong mag-alala, kami ang bahala sa kanya. Magpahinga na kayo at mukhang pagod kayo sa training niyo" 

Lumabas naman ako at pumunta na kami sa kwarto namin. Sana ay maging maayos ang lahat. Gusto ko na ding manghina ngunit saakin kumukuha ng lakas si Ingrid lalo na at nalalapit na ang aming kasal.

Napatingin naman ako sa pinto ng may kumatok. Tumayo naman ako at binuksan iyon nakita ko si Corwin na nakatalikod "bakit?"

"Tara, kakain" ika niya. Palagi na siyang ganiuto kaya nasanay na ako. Sumunod na ako sa kanya sa baba at siya lang naman ang kumain kaya nahiga ako sa sofa at napatingin sa kisame.

"Dapat ay nagpapahinga ka ngayon dahil ginamit mo basta ang kapangyarihan mo lalo na at hindi naman iyon ang mismong kapangyarihan mo" ika ko sa kanya

Tumikhim naman siya bago magsalita " Pahinga ko na ang pagkain saka hindi naman natin inaasahan ang  pangyayari kaya ayos lang " 

Napabuntong-hininga nalamang ako ganito talaga siya makulit ewan ko ba at kanino niya namana. "Sa isang lingo na ang kasal namin " bulong ko 

"huh? may sinasabi ka ba?" takang tanong ni Corwin. 

"Pagbati" napaupo naman ako ng may magsalita at si Diamond pala iyon nakangiti sa harapan namin at naupo sa isahang sofa. 

"Anong pagbati Diamond?" nagtatakang sabi ni Corwin at nakakunot-noo pa siya 

Ngumiti lamang siya kay Corwin at saakin " Kailangan ko na sigurong maghanda ng maisusuot" kita ko sa mata niya ang kagalakan 

"Hoy, ano iyon?" pagsingit ni Corwin 


"Nalalapit na ang aming kasal Corwin" napatingin naman ako sa nagsalita  at  si Ingrid pala iyon. 

Nanlaki naman ang mata ni Corwin at napatayo siya. Mabuti at hindi siya kumakain ng marami sa oras na iyon " Seryoso?"

Sabay naman kaming tumango  ni Ingrid. Kaunti palang nakakaalam nito, Hindi naman namin agad pinapaalam dahil sa mga sabay-sabay na nangyari. Masaya naman kami kahit kaunti lamang ang dumalo kahit ang mga reyna, hari at kaibigan lamang namin ay pwede na ang mabuti ay naikasal kami ng ayos. Ngunit sa isip-isip ko ay hindi kami papayagan nina Ina lalo na ng ikinatataas sapagkat kami ang susunod na reyna at hari ng aming palasyo kaya naman mabuting mas  makilala kami.


Natahimik naman silang lahat pero alam  kong masaya sila ngunit alam kong parehas kaming lahat ng inaalala "Huwag kayo mag-alala magiging ligtas tayo" sabay ngiti ko sa kanila "Bakit nga pala kayo narito? Hindi ba dapat nagpapahinga kayo?" ika ko

Umiling naman si Ingrid "Hindi ako makatulog, Nag-aalala pa din ako kay Knight" malungkot na sabi niya. Niyakap ko naman siya 

"Magiging maayos din si Knight, isipin mo nalang na bumalik siya sa pagiging tahimik niya" sabi ko. 

Umupo naman muli si Corwin at kumain doon kaya napatingin ako kay Diamond ng marinig ko ang yapak nito. "Diamond,  kailan?" tanong ko

Hindi naman siya humarap saakin ngunit sinagot niya ang tanong ko " Hindi ko masasabi sayo kung kailan ngunit huwag na kayong mag-alala pa" saby taas nito sa hagdan . 

Hinwakan ko naman sa balikat si Ingrid. "narinig mo iyon, huwag ka ng mag-alala. Tumaas ka na at matulog." sabay hinalikan ko siay sa kanyang noo. 

Tumango naman siya at pinilit na ngumiti "Magpahinga din kayo," ika niya saka tumaas na din. Padaskol naman akong nahiga sa sofa. Kahit miski ako ay nag-aalala para kay Knight. 

Kahit alam kong dapat wala kaming ipag-aalala ay hindi namin mapigilan lalo na at malapit na ang kasal namin gusto kong kahit papaano ay maging maayos ang lahat bago kami ikasal.


Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako kung hindi lamang may tumapik sa pisnge ko "Gising ka muna" napamulat naman ako sa boses ni Ingrid. Nakapajama ito. "Dapat sa kwarto mo ka na natulog." 

Napaupo naman ako saka tiningnan ang kinauupuan ni Corwin kanina ngunit wala siya doon " Nakatulog din siya pinataas ko na" ika niya kaya napakamot ako sa ulo at napahikab

"Anong oras na ba?"tanong ko at nakita kong madilim na sa labas

"Umaga na, " sabi niya sabay pinatayo ako " Matulog ka na muna doon. Mamaya ka na gumising ng maliwanag na " sabi niya at tinulak-tulak ako sa may hagdan kaya tumango ako 

"Okay, pagkatapos mong kumuha ng pagkain magpahinga ka na din " sabi ko. Ganito kasi siya, nagising dahil gutom. 

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga ngunit hindi ako makatulog hanggang sa sumapit ang araw ay nakatitig lamang ako sa kisame. Naisipan kong maligo na at magbihis. Baka gising na silang lahat at makakain na marahil ay magsasabay-sabay kaming lahat sa pagkain. 

Nakababa na ako ng makita ko si Diamond at Clint na nag-uusap ngunit tumigil sila ng makita nila ako. "Gising na ba ang iba?" tanong ko

Si Diamond naman ang sumagot " Oo, dumiretso na sila  kay Knight upang kmaustahin. Mukhang parating na din sila maya-maya kumain ka muna ng pagkain mo. Inihanda iyon ni Ingrid para sayo" sabi niya

Tumango naman ako saka dumiretso sa  kusina at doon na kumain. Akala ko pa naman ay sabay-sabay kaming kumain. Dapat pala ay inagahan ko ang pagbangon ko. Naubos ko na naman ang pagkain ko ng maisipan kong pumuntang kwarto ng biglang bumukas ang pintuan "Hadwin!" napalingo naman ako at nakita ko si Corwin 

"Bakit?"  nakahawak ito sa tuhod niya at ang isa ay sa bewang at pawis na pawis pa siya. Rinig ko naman ang pagmura niya ng mahina at tumingin saakin 

"Langya, pinatakbo nila ako papunta dito. " sabay tayo niya ng ayos " Nga pala, dumiretso sila sa mall sumunod daw tayo" 

Napakamot naman ako sa ulo ko. Anong naisipan nila at pupunta sila ng Mall "bakit naman ?"

Kibit-balikat niya akong sinagot "Bigla nalamang nilang nagustuhang pumunta doon " sabi niya 

"Hayaan mo na sila doon. Magbo-bonding lang sila" sabi ko at tumaas na. Wala naman naggawa si Corwin kung hindi tumaas na din at pumunta sa kwarto niya. Naupo lang ako sa tapat ng bintana at pinagkatitigan ang labas. 

Ang daming gumugulo sa isipan ko ngunit ayokong sabihin sa lahat. May magiging asawa na ako at magiging hari ng palasyo kaya nararapat na maging matatag ako at maging malakas. 


"INGRID'S POV"

Hindi na bumalik pa si Corwin at wala ding sumipot na Hadwin kaya napasimangot kami pauwi noon kaya ilang araw ko silang hindi pinansing dalawa. Natatawa nalamang si Harmonie dahil may balak pa daw akong hindi pansinin si Hadwin e malapit na ang aming kasal. 

Pwede naman kasing hindi sila sumama pero sana nagsabi man lang sila edi sana hindi kami naghintay doon. Sana nakabili na kami ng marami na gusto namin. Minsan kasi ang dalawang iyon ay hindi nag-iisip kay nakakaiyamot. 

Bigla namang may kumatok sa pintuan ko kaya napatayo ako at padaskol na binuksan ang pinto na dapat ay hindi ko na binuksan pa. Sasaraduhan ko na sana ng tawgain niya ang pangalan ko "Ingrid," napairap naman ako at binuksan iyon 

"Ano?" sabay taas ko ng kilay 

" Bakit hindi mo ako pinapansin? May ginawa  ba akong kasalanan?" saka niya ako tinitigan sa mata. Halata naman siyang pagod kaya napaiwas ako 

"Wala," sabi ko 

"Ingrid." matigas na sabi nito"Sabihin mo kung anong nagawa kong kasalanan. Naguguluhan ako dahil isang araw bigla mo nalang akong hindi pinansin. Alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang mali pero may nakita ka bang mali o may kasalanan ba akong naggawa na hindi kaakit--"

"Shh" sabay lapat ng hintuturo ko sa labi niya "Wala, nagtatampo lang ako" sabay iwas ko ng mata at ibaba na sana ang kamay ko ng hawaka niya iyon 

"Saan ka naman nagtampo?" napalunok naman ako sa seryosong boses niya. Ilang araw na niya kasi akong pinipilit kausapin ngunit lagi akong may dahilan upang hindi niya ako makausap. 

"Hindi ka kasi sumipot sa mall, alam mo bang naghihintay kami tapos wala naman palang dadating hindi man lang kami nakabili ng  marami" sabay simangot ko. Napatanga naman siya sa sinabi ko at binuka niya ang bibig niya at sinara muli mistulang may sasabihin. 

"Iy-yon lang?" hindi makapaniwalang sabi niya 

Napairap naman ako sa kinuha ang kamay ko " Anong iyon lang? Ikaw kaya ang maghintay ng ilang oras. Ha? Sinong hindi maiinis doon, wala naman palang darating" 

"Naranasan ko ng maghintay, hindi lang oras ang ginugol ko pati taon" sabay titig at ngisi niya saakin na nagpasimangot saakin. 

"Heh!" inis na sabi ko 

Napatawa naman siya at ginulo ang buhok ko saka yinakap ang bewang ko at isiniksik ang mukha sa leeg ko "Kung magtatampo ka o may problema sabihin mo agad saakin. Magiging asawa na kita kaya ayokong may itinatago ka saakin. " ika niya na ikinamula ko. 

Paggaling talaga sa kanya ang salitang asawa hindi ko parin maimagine o kaya naman ay namumula nalamang ako bigla. 

"Luh!" napatingin naman ako sa biglang magsalita at nakita ko si Corwin na nasa dulong taas ng hagdan mukhang pupunta sa kwarto niya.

Binitawan naman ako ni Hadwin saka hinawakan sa bewang at tumingin kay Corwin "Luh--v u sabi ko" sabay kamot niya sa noo niya at nagmadaling pumasok sa kwarto niya. 

Napailing naman ako at napatawa. Humarap naman saakin si Hadwin at hinawakan ang pisnge ko " Magpahinga ka na," ika niya kaya tumango ako. 

Halata namang pagod siya pero hindi niya sinasabi. Kung ipapanatag niyang magpahinga ako ay susundin ko. Hinalikan ko naman siya sa pisnge niya at sasaraduhan na sana ang pinto ng biglang bumukas ang pintuan ni Diamond at tumingin saamin. 

Ngumiti lang kami sa kanya at ganun din ang ginawa niya saka kumatok sa kwarto ni Clint at binuksan naman iyon ni Clint at pinapasok sa kanya 

"ano kayang mayroon sa dalawa?" takang tanong ko 

Ginulo naman ni Hadwin ang buhok ko "Hayaan mo na ang dalawa" ika niya kaya napasimangot ako at tumango. "sige na magpahinga ka na"

Sinaraduhan ko na ang pinto at nahiga. Kakahiga ko lamang ay may biglang kumatok at hindi lang isang katok iyon kung hindi maraming katok. Mabilis naman akong bumango at bubulyawan na sana ang nasa may pintuan ngunit nakita ko ang galak sa mukha ni Harmonie. 

"Si Knight!" pagkasabi pa lang niya ng pangalan ay hinigit ko na siya at tumakbo kami papunta kay Knight. Nandoon na din ang lahat maliban kay Clint at Diamond.

"Naalala ko na" ika niya habang nakatulala. "May isang babaeng lumapit saakin. Ang sabi niya ay tinawag ako ng prinsesa kaya pumunta ako. Nakausap ko ang prinsesa at may pinainom siya saakin at huli kong naalala ay may dumating na kamukha ko at tumatawa ang prinsesa. Nagising ako sa isang madilim na kweba at purong sugat ang nadatnan ko sa katawan ko. Hindi ko rin magamit ang kapangyarihan ko dahil may pumipigil. Gusto ko sana kayong bigyan ng babala ngunit humihina ang enerhiya ko. Hindi nila ako pinakain o pinainom. Hanggang sa muntikan na akong mamatay at dumating ang prinsesa doon na tumatawa kasama ang impostor na kamukha ko. Ginamitan nila ako ng kapangyarihan upang saktan ako at doon ako nawalan ng malay hanggang sa magising muli akong bumabalik ang enerhiya ko ngunit bigo muli ako dahil hindi ko na kayanang mahimatay ng sobrang daming sumugod saakin" 

Nagkatinginan naman kaming lahat ngmarinig namain ang sinabi niya "Ayos ka na ba Knight?"

Tumango naman siya "Mag-ensayo muli tayo dahil mas lumalakas sila." Huling sabi niya 

Nakalipas ang ilang araw ay nag-eensayo pa rin kami at ito na muna ang huli naming ensayo dahil malapit na din ang kasal namin ni Hadwin. Hindi ko nakikita sina Clint at Diamond palagi na din silang nawawala at palagi na silang magkasama. Hindi pa rin bumabalik si Azriel at si Knight ay naging masyadong mailap saamin. 

Nakaupo na kami sa secret room sa ilalaim ng puno at ang iba ay nakahiga. As usual nakahiga sa may puno si Knight. Hagya na kasi namin mapilit lalo na sina Clint at Diamond na nasa malayong puno at thaimik lang silang nagbabasa. 

Nag-iisip ako ng paraan upang bumalik ang masayang samahan namin ngunit malabo na ata iyon lalo na't may dumagdag saamin ngumit lumisan din. Mas maganda pang mas lumakas kami ng makuha namin ang sagot sa mga tanong na hindi naman masagot. Alam kong lahat kami ay  naguguluhan na kaya naman isa lang ang nasa isip namin kung hindi ang lumaban.

"Narito pala kayo," napatingin naman ako sa pumasok at si Stephen lamang pala iyon.

"Anong hanap mo?" takang tanong ni Hadwin 

"Ilang araw ko na kayong hindi nakakamusta at mukhang hindi niyo ngayon kailangan ng pahinga." pare-pareho kaming sumama ang tingin kay Stephen maliban sa tatlo. Si Diamond, Clint at Knight.  "Magbabasa lamang naman kayo upang mas madagdagan ang inyong kaalaman, kahit may digmaang nagaganap ay tuloy parin ang pag-aaral. Ngayon araw ay kailangan niyong makatapos ng isang libro" 


Sa pagsabi niyang iyon ay sa gilid niya ay may lumutang na  mga libro--maraming libro at nagmistulang library ang kabilang gilid ng secret garden namin dahil puno iyon ng libro. Papaano niya nadala iyon dito?

"Lahat 'yan?" takang tanong ni Corwin 

"Oo, saka noong isang araw pa ang mga libro diyan hindi niyo lang napapansin dahil sa shield na nilagay ko." Ah, sabagay hindi naman kami pumupunta sa gilid nito " Pagkatapos niyong basahin ang mga libro may kinakailangan kayong sagutan upang bigyan kayo ng mga guardian niyo ng protection." 

Napangalumbaba naman ako ng umalis na si Stephen at puro makakapal na libro ang nandito wala man lamang manipis na libro. 

"Ang dami," reklamo ni Hadwin "Kailangan pa ba namin 'to gawin? Malapit na kasal namin" 

"Sakal gusto mo?"Napatalon naman sa gulat si Hadwin ng bumalik si Stephen "Hindi porket malapit na kasal mo dapat hindi ka na kasali"

"harsh," biglang sabi ni Corwin kaya napatawa ako na siyang sinamaan naman ni Stephen ng tingin. 

"Makibasa ka kaya din saamin, Stephen." suhestiyon ko

" Ayoko," sabi niya at mabilis na nawala. 

"Panigurado ako mas marami basahin nun" sabi ko at tumango sila. 

Lahat naman kami nagbasa, miski isa ay walang umimik saamin. Mukhang kahit papano ay may naiiinitindihan ako sa nababasa ko. Hindi ko trip ang pagbabasa pero mukhang may kapangyarihan ang libro at naiintindihan ko. Dati kasi ay wala ako maysadong maintindihan kahit komplikado kaya mas gusto kong napaparinig ko doon ko mas naiintindihan. 


Sa hinaba ng haba ng araw ay kahit sa tahimik na lugar ay naginhawaan ako. Ngayon ko muling naranasan ito. Mas kumalma ang pakiramdam ko-- halos lahat kami dahil paruloy lamang kmai sa pagbabasa. Pagkagising man ay nagbabasa kami. 

Mukhang nakakatulong ang pagbabasa sa pagpapakalma ng isip namin.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I'm sorry naging busy ako. Actually kakatapos lang ng exam ko kahapon. I hope this update may help a little in this story. 

Continue Reading

You'll Also Like

19.8K 1K 24
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
247K 8.7K 113
HOURGLASS SERIES #2 Ang akala ni Alecxie ay namatay siya. She feels the pain of dying, but instead of really dying, she was being reincarnated in th...
4M 190K 61
GIFTED SERIES #1 Their eyes are different. It changes. It can turn blue like the ocean and gray like a smoke. It can burn like a fire and have letter...
9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...