BHO CAMP #9: The Mismatched

By MsButterfly

751K 30K 7.6K

A night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pa... More

The Mismatched: Disclaimer
Synopsis
Prologue
Chapter 1: Lost Forever
Chapter 2: Darkness
Chapter 3: Phantom Pain
Chapter 4: Shift
Chapter 5: Twisted Fate
Chapter 6: Hate
Chapter 7: Unravelling
Chapter 8: Ultimatum
Chapter 9: Everyday
Chapter 10: Impact
Chapter 11: Missing
Chapter 12: Honey
Chapter 13: Echo
Chapter 14: Stuck
Chapter 15: Northern Star
Chapter 16: Morning
Chapter 17: Home
Chapter 18: Time
Chapter 19: Tangled Webs
Chapter 20: More
Chapter 21: Ligaw Is Essential
Chapter 22: Soon
Chapter 23: Flower Girl
Chapter 24: Fatal
Chapter 25: Present
Chapter 26: Familiar
Chapter 27: Chess
Chapter 28: Prince
Chapter 30: Want
Chapter 31: Surprise
Chapter 32: Sweet
Chapter 33: Target
Chapter 34: Run
Chapter 35: Magic
Chapter 36: Paubaya
Chapter 37: Rewind
Chapter 38: Eternity
Chapter 39: Match
Chapter 40: Gift
Epilogue
Author's Note

Chapter 29: Ride

13.8K 686 471
By MsButterfly

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

CHAPTER 29: RIDE

ENYO'S POV

Mahinang umungol ako at umikot lang ako para ibaon ang mukha ko sa kama nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik sa akin ni Stone. I'm exhausted. The "Prince" mission was draining both physically and mentally. Parang gusto ko na lang matulog ng isang linggo.

"Take a shower alone. I'm going to sleep more," Nang maramdaman ko na marahan niya akong niyugyog ay lalo ko lang niyakap ang unan na nasa gilid ko. "Mayaman tayo. Hindi na natin kailangan magtipid masyado sa tubig. You can shower alone this time."

Feeling ko iyon ang isa sa advantage ng mga taong nag-aasawa o tumitira na kasama ng significant other nila sa iisang bahay. Tipid.

Gustong magtipid sa tubig? Maligo ng sabay. Gustong makatipid sa kuryente para isang aircon lang ang bubuksan? Matulog sa iisang kuwarto. Stone and I even shared a plate one time. Partida siya pa ang naghugas ng pinggan.

When I felt Stone's hand continued to shake me, I opened one eye to look at him. Hindi siya sa akin nakatingin pero kita ko ang tensyon sa katawan niya.

"I'm really tired. Can we just have our shower later? I'll give you a blow-"

Napadilat na ako ng tuluyan nang bigla na lang niyang takpan ang bibig ko. Nahihintakutan na tinignan niya ako pagkatapos ay muli niyang binaling ang atensyon niya sa direksyon na tinitignan niya kanina.

"W-Wala po kaming ginagawa na iba," napapalunok na sabi ni Stone.

My entire body stiffened. Tinulak ko ang kamay niya at pabiglang napaupo ako. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga magulang ko na kasalukuyang nakatayo sa pintuan ng kuwarto habang nakatingin sa amin. My mom is fighting a smile but my father looks like as if he's having a brain hemorrhage.

"B-Blow dryer ang ibig ko pong sabihin. Umm... alagang-alaga kasi ni Stone ang buhok niya."

Parang biktima sa horror movie na dahan-dahang lumingon sa akin si Stone. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ano kasing sasabihin ko? Alangan namang panindigan ko. Kahit siguro sixty na ako, baby pa rin ang magiging turing sa akin ng tatay ko.

"Anong... anong ginagawa niyo pala rito, Ma? Pa?"

"Your sister has an appointment. Alam niyang galing ka sa mission pero hindi ka raw niya madadalan ng pagkain kaya kami na ang nagdala," paliwanag ni Mama.

Si Eris kasi talaga ang laging nagluluto ng pagkain para sa akin. Ganoon na siya kahit noong mga bata pa kami. Kapag nagigising ako sa madaling-araw at wala akong makain, even when we were ten, she would make me a sandwich kahit nga ba simpleng peanut butter and jelly lang iyon.

Kapag may mission ako at alam niyang mas pipiliin kong matulog kesa kumain ay sinisiguro niyang nag-iiwan siya ng pagkain sa bahay. Kapag siya naman ang may mission ay pinapadalan ko siya ng galing sa Craige's o sa dining hall. Mas appreciated niya iyon kesa subukan kong magluto at ma-food poisoning pa siya.

"Marami naman kaming dala. Para may makain din ang asawa mo," sabi pa ni Mama.

My father turned his eyes on her and he gave her a look. Tinaasan lang siya ng kilay ni Mama na ngingiti-ngiti lang.

"Ano pong almusal ang dala niyo?" tanong ko.

My mother's lips widened at my question. "Jollibee."

Inihit ako ng ubo sa sinabi niya. Lalong tumalim ang mga mata ni Papa pero sa pagkakataon na ito ay sa akin na siya nakatingin lalo pa at inabot ako ni Stone at marahang tinapik ang likod ko habang umuubo pa rin ako.

I'm wearing a thin nightie while Stone's wearing nothing but a boxer shorts. It doesn't take a genius to understand that Stone and I did more than just sleeping in the same bed together if we manage to be this comfortable wearing just tiny pieces of clothing. Kahit pa sabihin na hindi pa naman kami umaabot sa bagay na "iyon".

"Are you going to marry my daughter?"

Lalong napalakas ang pag-ubo ko pero nagpatuloy lang sa pagtapik sa akin si Stone.

"Pa!" Nilingon ko si Stone at umiling ako nang akmang bubuka ang mga labi niya para magsalita. "You don't need to answer that."

"He does."

I rolled my eyes at my father, "We're already married, Pa."

"You've been married for years and you didn't even know. I'm not going to count that as being married." Pinagkrus niya ang mga braso at direktang tinignan si Stone. "So are you going to marry my daughter?"

"M-Mamaya po- I mean... bukas?" Kinakabahang nilingon ako ni Stone na parang naghahanap ng tamang isasagot. He's always been collected and calm. Ngayon ko lang siya nakita na natataranta. "Ngayon?"

"No," I hissed.

Sunod-sunod na napakurap siya at naglaho lahat ng pagkabalisa niya at napalitan iyon ng iba. Naningkit ang mga mata niya na para bang hindi siya makapaniwala sa naging sagot ko.

"No?"

"No," I said again.

"No?"

Malakas na bumuntong-hininga ako. "No. I'm not going to marry you because my father is pressuring you to do so. Hindi naman kailangan kung tutuusin. Kasal na nga tayo di ba?"

May sasabihin pa sana si Stone pero natigilan siya ng tumawa si Mama. My mom snorted and shook her head. "Ang ibig lang naman sabihin ng maganda kong anak, mag-effort ka munang mag propose at hindi dahil tinatakot ka lang ng asawa ko."

"That's not what I meant."

"Sus, Enyo Lawrence Wright. Para namang hindi kita kilala. Five years old pa lang kayo ni Eris namili na kayo ng gusto niyong wedding song pagkatapos niyong i-marathon ang wedding videos ng mga agent. You both chose a favorite bukod sa kasal namin ng Papa niyo. Kung tama ang pagkakaalala ko Eris' favorite was Cloak and Fierce's. Also, when you got addicted to that movie A Walk To Remember, you and your sister decided that if your partners wouldn't be as sweet as Landon then you two won't marry them."

"What was your favorite?" tanong ni Stone sa akin.

Nang hindi ako sumagot ay natatawang napailing si Mama. "Your parents' wedding."

Stone blinked at that information but I just threw my mom a look. Inabot ko ang robe ko at mabilis na isinuot ko iyon. Nang magawa kong itali ang sash no'n ay nagdadabog na tumayo ako at lumapit sa mga magulang ko. I kissed both their cheeks before I squeezed myself between them so I could go to the kitchen.

Inilabas ko na ang mga pagkain na nakalagay pa sa paper bag. My mom ordered a bucket of chicken and three big burger steaks. Kumuha ako ng isang plato at itinabi ko iyon bago ako humila ng high stool at umupo roon.

Nagsimula akong kumain pero nang masamid ako ay naiiling na inabutan ako ni Papa ng inumin nang makalapit siya sa akin. Umupo siya sa harapan ko at si Mama naman ay pumuwesto sa tabi niya. Kasalukuyang nilalantakan ko ang hawak ko na fried chicken nang lumabas si Stone sa kuwarto. He's wearing his gray loose pants and a black sando. Umupo siya sa tabi ko at itinulak ko sa kaniya ang plato na kinuha ko kanina.

"Tatlong burger steak lang ang inorder nila, Mama," sabi ko sa kaniya.

"It's okay."

Kumuha siya ng manok pero dahil hindi naman gano'ng kasama ang ugali ko ay hinati ko ang burger steak ko at inilagay ko iyon sa plato niya. Big burger steak naman kasi iyon.

I was about to take a bite of the steak when my father sliced his own in half too. My heart instantly felt warm when he put it on my plate.

I will never understand what it's like to be a father. Sa una ikaw lang ang lalaki sa buhay niya; tinatakbuhan niya sa lahat ng oras. Then you'll watch your own little girl grow up and find a man that she will love. She will always be your little girl but you won't be the only man in her life anymore.

Alam kong iyon ang nasa isip niya lalo pa nang mag-iwas siya ng tingin sa akin. My mother, always the perceptive one, cleared her throat and turned to her husband.

"Huwag mo ng asahan na hahatiin ko ang akin at ibibigay ko sa iyo. Mag Jollibee na lang tayo ulit." Nang may maisip siya ay napangisi siya. "Mamayang gabi pwede."

"Ma!" angal ko.

"Aba bakit? Mag di-dinner lang naman kami pagkatapos ng meeting-"

"Ma, oh my god!"

Umakto akong naduduwal nang tumawa lang siya. Lahat naman kasi sa BHO CAMP ay alam ang iba pang ibig sabihin ng Jollibee at ng salitang "meeting". Jollibee daw kasi ang paboritong kainin ng mga taong walang time magluto dahil busy sa mga nakakapagod na aktibidad. It's easy to order and they deliver fast kaya raw perfect para sa mga kailangan i-replenish ang lakas nila. Meeting is well... not just a meeting. It's more of meeting of the bodies.

In short, ang dalawang salitang iyon ay walang magandang ibig sabihin sa BHO CAMP. Produkto talaga iyon ng kahalayan ng mga agent.

"Dadating ang araw na magiging suki ka na rin ng fast food chain na iyon," sabi ni Mama.

My father skewered her with his eyes. "Paige..."

"What? Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Eat your food before I decided to never buy anything from that fast food again."

My mother flipper her hair but she didn't say anything more. Napapabuntong-hininga na umiling ako pero nang mapatingin ako sa gawi ni Stone ay nakita kong nasa akin ang atensyon niya. I raised an eyebrow but he just smiled at himself.

"What?"

Sandaling tinapunan niya ng tingin ang mga magulang ko na abala sa panibago na naman nilang pinagdidiskusyonan bago siya bahagyang yumuko sa direksyon ko para magawa niyang bumulong sa tapat ng tenga ko.

"I'm thinking of buying the whole store when the time comes that you're wearing my ring because there's no way that I'm letting you out of the room."

Shit. Parang gusto ko iyong una niyang sinabi kanina.

Magpakasal na kaya kami mamaya?

INIKOT ko ang balikat ko na bahagya ng nananakit. Sa hindi ko mabilang kung ilang beses na pagkakataon sa gabi na ito ay lumapit ako sa mini bar ng Paige's para ibigay sa bartender ng gabi na ito na si Killian ang order na kinuha ko sa mga bagong dating na guest.

"Tough night, right?" Killian asked with a grin when he saw me.

"The worst. Hindi ko nga lang kung bakit pumayag kang maging official bartender ng Paige's." The only requirement at Paige's before is if you have a pleasing personality, you're a night owl, and you have a love for alcohol in a way that it's not just about drinking but also making it. Dati paiba-iba ang bartender sa lugar na ito pero ngayon ay laging si Killian ang nandito maliban na lang kung may mission siya. "Bullet To The Head, Slit The Throat, and Bang The Chef. Two of each. Sino ba na ang malakas ang trip na nagpangalan sa mga cocktail na 'to?"

He started making the drinks but he was shaking his head with a smile. "I named the first two recipes but Ocean named the last."

I tried not to roll my eyes at the last one. Of course Ocean would name his recipe "Bang The Chef". Malamang ginagamit niya sa panghaharot niya sa mga guest na napapadpad sa lugar na ito. Lalo pa at dinadayo talaga ang Paige's hindi lang ng mga naka-check in sa BHO CAMP. We also accept those that will just travel here for the bar as long as they will make an early reservation.

"Ang morbid naman ng mga pangalan na naisip mo," sabi ko.

"You will really feel someone shot you in the head once you're on glass number three with the Bullet On The Head."

"And the other one?"

"You'll ask someone to just slit your throat when you wake up the next day with the worst hangover on existence."

Napangiwi ako. Hindi ako mahilig uminom pero hindi ibig sabihin ay hindi ako sumasama sa mga agent kapag trip nila. The agents love to party. I enjoyed being with them since they are a ruckus but I rather not feel the result of my bad decisions the next morning.

Nang matapos ni Killian ang mga order ay dinala ko iyon sa lamesa kung saan may birthday ata silang sineselebra. I was about to turn to another table to check if they need a refill but someone caught my attention.

Kunot ang noo na lumapit ako sa kinaroroonan ni Eris na ngayon ay nakapalumbaba habang nakatingin sa kawalan. Nang huminto ako sa tabi niya ay hindi man lang nag-aangat ng tingin na nagsalita siya. "Scotch on the rocks."

"Okay?"

Her head snapped up when she heard my voice. "Ate! Hindi ko alam na duty ka today."

Something's wrong. Eris rarely call me "ate" kahit pa na pinalaki kami na laging sinasabi ng mga magulang namin na ako raw ang pinakamatanda. Nang ilang minutes. Wala kasing pakielam si Mama sa sinabi ng mga mahilig diktahan sila dahil may ilan na nagsasabi na kung sino raw ang unang lumabas ay siyang bunso. But my mother follows what she wants to believe in at para sa kaniya ako ang may karapatan ng titulo na "Ate" dahil ako ang unang nagpahirap daw sa kaniya.

But Eris and I are always like the best of friends and we like being equal. Kaya kapag kami lang ay okay na kami na magtawagan sa pangalan namin.

"Nyx is sick and I'm taking her shift." Nagdududang tinignan ko siya. "What happened?"

"H-Ha? Wala naman."

"Eh bakit nandito ka at umiinom ng mag-isa?"

"Technically hindi pa ako umiinom." Pinaningkitan ko siya ng mga mata at napapakamot sa pisngi na tinignan niya ako. "I just want to have a drink. It's been a stressful day."

"Sinong kaaway natin?"

"No one."

Kilala ko ang likaw ng bituka niya. Marami man kaming pagkakaiba pero hindi ibig sabihin ay wala kaming pagkakapareho. When we're guarding a secret, we'll guard it hard. Lalo na kapag hindi pa kami handa na harapin iyon.

"Drink at the bar," I told her.

"I want to stay here."

Malayo sa tao ang kinaroroonan niya. Usually sa mini bar ay makakasalamuha ka ng ibang tao lalo na at nandoon si Killian na bukod sa pagiging agent at bartender ay magaling din sa pagkausap sa mga taong nasa harapan niya sa paraan na baka buong buhay mo ay makuwento mo na sa kaniya.

"Fine. But I'm keeping an aye on you," banta ko sa kaniya. "Ilang Scotch on the rocks?"

"One... but keep it coming."

I bit the inside of my lower lip to stop myself from asking questions. She'll talk to me when she's ready. I'm the last person to be pushy about secrets when I kept a lot to myself for years.

Bumalik ako kay Killian at ibinigay ko ang order ni Eris. Habang naghihintay ay nagpadala ako ng group message sa mga babaeng agent. I went back to Eris when I have her drink and then I busied myself with the other customers.

About ten minuted passed when the doors opened and I saw the female agents entered Paige's. Naiiling na lumapit ako sa kanila at pinandilatan ko si Athena. "Ikaw lang at si Chalamity ang minessage ko."

"The more the merrier," nakangising sabi niya.

Sa tabi niya ay naroon si Sky na parang game na game. She's almost bouncing on her feet. Sa tabi niya ay naroon si Dawn na as usual ay dala ang tablet PC niya. Chalamity has her arm linked to Hera.

"Hoy buntis. Bakit ka nandito?" tanong ko sa babae.

Three set of eyes went to her. Sky, Dawn, and Chalamity's. Of course Athena knew because they're best friends.

"Wow. Salamat ha?" sarkastikong sabi ni Hera. "Hindi ako iinom. Nandito lang ako kasi sasabog na ang ulo ko kay Thunder. He's always hovering. I love him but I also want to punch him."

Nag-peace sign ako at kinuha ko na lang ang order nila bago ko itinuro ang kinaroroonan ni Eris. A few seconds later, I went back to Killian with an order of three Cosmopolitan and one orange juice. Nang dalin ko iyon sa table na kinaroroonan ni Eris kung saan kasama niya na ang iba pang mga agent ay nakita kong naniningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

Wala naman akong sinabi kay Athena at Chalamity. I just told them that if they have the time, they should drop by Paige's and drink with Eris. Dahil hindi naman sila manhid ay alam kong kahit hindi nila alam kung ano ay may nararamdaman silang nangyayari. And because I was one of them before when it comes to the other agents, I know that they understand that this is not the time to ask her questions or make her talk.

Ganoon din naman sila sa akin. Ang tagal bago nila ako kinulit na magsalita. They know when someone just needed a company or when someone needs an intervention.

"Himala na lumabas ka ngayon Dawn. Kung wala ka sa opisina ay lagi kang nasa bahay," sabi ni Athena.

"It's not like I have a choice. Work is hectic and my house is a pandemonium. I have four babies."

"I have three babies," Athena said while nodding her head, clearly understanding.

"I have a triplets who cry at the same time and because they're waking Vodka up, my oldest daughter will also get antsy. Minsan parang gusto na rin silang sabayan ng iyak ni Triton. So that's four babies and a man child that are crying or about to cry."

"And you?"

"I want to kill him."

Pinigilan kong matawa. Minsan talaga kung makapagsalita ang mga babaeng agent akala mo ay wala silang kinalaman kung bakit ang dadami nilang anak. Kung bakit ba naman kasi uso ang multiple babies sa lugar namin.

Hindi ko na nga minsan matandaan kung sino ang unang nanganak o kung kailan ang birthday ng babies nila. Sunod-sunod ba naman kasi sila sa pagpapadami ng lahi nila.

"I have a triplets and a baby on the way. I'm happy... we're happy but Thunder and I are also terrified." Nagtama ang mga mata namin ni Hera pero nginitian niya ako. "We're fine. Thunder and I talked about it. I'll have my tube tied after the baby. He wanted a vasectomy but I rather they don't traumatize my favorite thing in the world." Hindi niya pinansin ang reaksyon namin sa sinabi niya at nagpatuloy siya. "We should have done that the first thing but we never thought we would get pregnant this fast because we were careful. There's really no such thing as one hundred percent contraceptive, I guess."

"Meron naman," sabi ni Dawn.

"Ano?"

"Abstinence."

Hera scoffed at that and the other laughed. Except kay Chalamity na nalukot ang ilong. Wala naman kasi sa mga may asawa na agent ang kakayanin na hindi mag... Jollibee kasama ang mga asawa nila.

"But are you really happy about the baby?" Sky asked.

"I am. We are. Pero di ba sinabi ko na rin sa inyo noon? Masaya na ako sa pamilya na meron kami ni Thunder before this. I already have my babies even if they didn't came from me. Makikitid lang ang utak ng mga tao na magsasabing hindi ako nanay dahil lang sa hindi ako ang nag-anak sa kanila o iyong mga magsasabi na iba pa rin kung sa akin nanggaling. Ang daming babae diyan na pinababayaan na lang basta ang anak nila. Some even will leave them to die in a thrash bag and throw them like garbage. Sarili nilang anak iyon pero nanay pa rin sila kasi sa kanila nanggaling? I'm the one who's changing the diapers of the triplets, I feed them, I wake up every two hours at night because they keep on crying, and I'm the one who's loving them everyday. Pero hindi ako pwedeng tawagin na nanay kasi hindi sila sa akin nanggaling?" Hera shook her head with a bitter smile. I heard about her schoolmate who talked shit about her and the babies in social medial. Sa pagkakatanda ko Miley ang pangalan no'n. "This baby that I'm carrying is mine too but I don't feel any difference. I love my adopted babies and I love this one inside me too. But I was a mother before and I'm still a mother now. So yes, I'm happy even though I'm scared out of my mind."

Hera grew so much. Pakiramdam ko sa lahat siya iyong ang daming pinagbago. Not in a way that she lose herself but in a way that everyone can see how stronger she is now. She grew up having a princess attitude and she could be a diva if she wanted to, but she's also admirable, loyal, and true to herself.

"Kapag may nagkuwestiyon sa pagiging nanay mo, sabihin mo lang sa akin. Babarilin ko," seryosong sabi ko sa kaniya.

Nagtaas ng kamay si Sky, "Same."

"Ditto," Eris mumbled.

"I'll slice that person to pieces," Chalamity said.

"I'll feed that person to Twinkle." Dawn looked at the ceiling for a moment before she shook her head. "Wag na lang pala. Hindi kumakain ng tanga ang alaga ko."

Nangingiting tumingin si Hera kay Athena at tinaasan niya ng kilay ang matalik na kaibigan. Athena rolled her eyes. "Sa tingin mo ba mauunahan ako ng mga 'to? Pinaglalamayan na ang mang-iinsulto sa pagiging nanay mo bago pa nila mahanap 'yon. I even sent a bullet to Miley's home with a letter saying that if she don't shut her trap, that bullet will be in her head."

"Athena!" gulat na sabi ni Hera.

"That bitch won't cause trouble. Subukan niya lang at ipapadala ko sa lahat ng kakilala niya ang sex tape nila ng gym coach niya samantalang nasa daliri niya na ang engagement ring na binigay sa kaniya ng boyfriend niya. I told her so and she knows me. Hindi ako marunong magbiro pagdating sa mga taong katulad niya."

Naiiling na umalis muna ako sa puwesto nila para puntahan ang iba pang table. Almost half an hour later, I went back to them and asked them if they want a refill. They did and Hera wanted fries. Lumapit ako kay Killian at ibinigay ko ang orders nila.

"You can drink with them," he said while he's making the drinks.

"I'm working."

"I don't think may dadating pa na guests pero kung meron ay papaunta na si Cade. I asked him to come since I know those women will ask you to join them."

"I don't drink that much-"

"Just enjoy the night. I'll open a bottle of rum for you guys. Cade like that spirit and he's good with making a recipe so I'll ask him to serve his experiment to your table." Nang nanatiling akong nakatayo sa harapan niya ay napabuntong-hininga siya. "I have a girlfriend now but I had a crush with your sister before. Saglit lang iyon but she's a kind person and right now she look sad. I think it's better if you're having fun with them since you're her best friend."

Sumilay ang ngiti sa labi ko. Killian is one of the greatest agent that I ever met. His nickname "Kill" is not just about his killer smile. He's a danger to anyone that will anger him. Kaya nga hindi nakakapagtaka na sa dami ng agent na sumubok umakyat sa Elite ay siya ang unang-una na nagawang makapasa ro'n.

His smile and his easy go lucky vibe never convinced me that he's just all that. Dahil ilang beses ko na rin siyang nakita sa field. That's why I never thought he could be sweet.

"Sa akin hindi ka nagka-crush?" nakangising tanong ko.

"You have two men fighting over you. I rather not join them."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin bago natatawa rin na inalis ko ang apron na suot ko. Ibinigay ko sa kaniya iyon bago ko kinuha ang order ng mga kasamahan ko. I went back to the table and I sit beside Eris who looked up from her drink.

"Tapos na ang duty mo?"

Nagkibit-balikat ako, "Pinapalayas na ako ni Killian."

The conversation commence and it wasn't hard to get on with them. Lalo pa at ang dami talagang kuwento na sumisirkulo sa BHO CAMP. Tanging si Dawn lang ang hindi masyadong nagkukumento na isang bagay na sanay naman na kami sa kaniya.

Ten minutes after and Cade who was taking the duty now approached us with a couple of glasses. I took one that looks innocent enough and I gave him a look.

"Magsisisi ba ako?" tanong ko.

"Depende kung gaanong kadami ang iinumin mo," alanganing sabi niya.

"I'm sticking to one then."

It wasn't a lie. I really will stick to one drink. Kilala ko ang sarili ko kaya wala akong balak na gumapang. Iyon nga lang ay hindi ko natantiya kung gaano kagaling mangumbinsi ang mga kasama ko na parang walang balak tumigil sa kakainom.

One drink became two until it became three glass... and then four.

"It's not just my always fertile eggs fault. Kasalanan din iyon ng sperm niya na kasing harot niya dahil sabay-sabay silang naka-jackpot sa akin. Nakipag-inuman nga siya kasama ang mga asawa niyo noong isang linggo pero may narinig ba siya sa akin?"

Namumungay na ang mga mata ni Dawn habang naglilitanya pero nagpatuloy lang siya sa pag-inom. Tinanong kasi ni Sky kung paanong pumayag si Triton na magbantay sa mga anak nila ngayong gabi. Apparently, Dawn put the babies to sleep and then she just left.

"Wala nga ba siyang narinig?" tanong ni Sky.

"Malamang wala kasi for sure na-silent treatment na naman si Kuya Triton," humahagikhik na sabi ni Athena.

"Gumagana ba talaga 'yon?" Tinungga ko ang natitirang alcohol na nasa baso ko. "I mean we know how hard headed those boys are. Effective ba talaga ang silent treatment?"

Si Hera ang sumagot. "Minsan. Pero kapag hindi may alam akong trick para ma-realize niya na mali siya."

"Ano?"

Dumukwang siya sa table na para bang may sikretong ibubulong sa amin. Dahil mga lango na rin kami sa alak ay lahat kami yumuko rin. Kahit na si Eris at Chalamity na kanina ay napapailing na lang sa mga pinag-uusapan namin.

"Don't let him have his ways with you. No sex. Wala pang isang araw titino 'yan."

Eris and Chalamity groan and I joined them. Napatingin tuloy sa akin si Dawn na nakataas ang isang kilay.

"It's true though. Hindi mo pa nasusubukan?" tanong niya.

"I don't want to hear this," Eris said and she covered her ears.

Natatawang inalis ko iyon at pinandilatan ko siya ng mga mata. "I'm married on a piece of paper but I haven't done anything that married people do."

"Sus. Ginawa ko nga 'yon hindi pa ako kasal," sabi ni Athena.

"You know what I mean."

"Uh no, I don't. Have you look at your husband? Mahal ko si Fiere pero marunong akong mag-appreciate. Stone is like a walking definition of sex."

"Hurl," Sky said with a grimace.

"We're taking it slow," I told them with a roll of my eyes.

"Ilang taon na kayong nagpapatintero. Hindi na slow ang tawag diyan. Ang tawag sa inyo super mega slow na. I mean... I'm pretty sure you're sleeping in the same room. Nakita namin siyang pumasok sa flat mo ilang beses this week. So how could you not jump that man?"

"Ang sabi ko hindi pa lang namin ginagawa ang dapat ay ginagawa ng mga may asawa na. I didn't say that I haven't... sampled the merchandise."

Napahiyaw si Athena at Hera. Maging si Chalamity na namumula ang mga mukha ay nadamay sa kanila. Dawn just shook her head while Sky looked up to the ceiling as if trying to erase what I said from her mind. Ganoon din si Eris na parang gusto ng iumpog ang ulo niya sa lamesa.

"Omg!" Athena screamed. "Was it hot?"

"Oh no. We're not talking about this," Sky complained.

"What? Para namang hindi ka nagkuwento noon about kay Kuya Adonis. Do you think I enjoyed hearing that he loves doing the sixty-nine position? Hell no!"

"We haven't done that," I whispered. Pinilig ko ang ulo ko na parang lumulutang na. "That's actually a good idea."

Eris bumped her head on the table lightly and I just laughed at her. Mukhang iba ang tama ng alak na isinusupply sa amin ni Cade. Dumudulas masyado ang dila ko.

"It's the best," Sky breathed as if she forgot what we're talking about.

Athena made a face before she turned to me. "So?"

"Everything with Stone is hot. I think even him just looking at me could send me into an orgasm." My eyes glazed and I smiled. "He went down on me the first time in his office that day you keyed his secretary's car."

Muling nagsigawan ang mga kasama ko pero sa pagkakataon na ito ay may kasama na iyon na tulakan. Muntik akong humagis patagilid kung nagkaton lang na wala si Eris sa tabi ko. Since it's comfy leaning to her, I didn't move. Mukhang wala na rin siyang lakas dahil hinayaan niya na lang ako.

"Parang gusto kong pagtrabahuhin sa office si Thunder kahit isang araw lang," nakangising sabi ni Hera. "For experience."

"Trust me, it's not always ideal. Lalo na kapag hectic sa trabaho at bigla na lang may papasok sa opisina niyo na hindi niyo napapansin kasi busy kayo." Lahat kami napanganga nang magsalita si Dawn. She gave us a pointed look. "What? I have an office and my husband's office is next to mine. Do you really think those desks didn't proved their other purpose? Or the couch, chair, or the bathroom?"

"Feeling ko maliligo ako kada papasok ako sa opisina mo, Ate," sabi ni Chalamity.

Tinapik siya ni Athena sa balikat. "Wag kang mag-alala. Malapit ka na rin sumunod sa yapak namin na mahahalay."

Napatawa rin ako kasabay nila nang umakto si Chalamity na parang nasusuka. We continued drinking until I can feel my body starting to overheat. Hinubad ko ang suot ko na button up blouse at itinira ko ang itim na sando ko sa loob.

"Psst."

Nilingon ko si Athena na nakasandal na ang mukha sa kamay.

"What?"

"You know what's better than a sixty-nine?"

I smiled drunkenly at her. Ginaya ko siya at itinukod ko rin ang siko ko sa lamesa bago ko ipinatong doon ang mukha ko. "Ano?"

"Ride his face. He will enjoy the show specially when you come apart."

Nag-init ang mukha ko pero sa pagkakataon na ito ay hindi iyon dahil sa hiya. It's because of anticipation. "But... but how do you tell him that you want that?"

"Just tell him."

Bahagya ko siyang tinulak, "Bitch, nakakahiya."

"Bitch, just try." Tinulak niya rin ako ng mahina. "I swear it will work."

"Ano 'yon? Sasabihin ko lang na, "Stone, I want to ride your face. Now." Gano'n?"

"I think the other guests no matter how drunk they are will frown on that, Honey. But maybe later?"

Muntik sumalpok ang noo ko sa lamesa nang dumulas ang siko ko dahil sa boses na narinig ko. Mabuti na lang ay may kamay na sumalo sa noo ko at inayos ako sa pagkakaupo ko. When I look up, I met Stone's eyes that are dancing with amusement.

He's still wearing his work clothes but his ties are loosen. "Hey, Honey. Want to go home?"

"Wala na akong buto sa katawan," pag-amin ko sa kaniya.

"Hala. Sinong kumuha?" singhap ni Sky. Tinuro niya ang sarili niya. "Hindi ako ha?"

"Hindi rin ako," sabi ni Dawn na namumungay na ang mga mata. "Aanhin mo? Hindi masarap na pulutan ang puto."

"Sinong may kuto?" tanong ni Eris na nakasandal na ang pisngi sa lamesa. "Wag kayong lalapit sa akin. Ayokong magkakakuto. Wait... pinupulutan ba ang kuto? Ew!"

"Sinong uto-uto? Sinong nagsabi?" sunod-sunod na tanong ni Chalamity habang nagpapalingon-lingon. "Kasalanan pa ng nauto kung bakit siya nauto? Bakit siya ipupulutan eh siya na nga ang biktima?!"

Napapakamot sa ulo niya na napailing si Hera, "Wala. Wala na 'tong mga 'to."

"Ang hihina no?" humahagikhik na sabi ni Athena. "Hindi kasi sila kasing sanay natin sa inuman eh. Pero ano nga bang hinahanap ni Enyo? Bakit nawala iyong nagluluto? Si Ocean? Hala!" Nanlalaki ang mga mata na niyugyog niya si Chalamity. "Hala! Nawawala si Ocean!"

Nakatingin lang ako sa kanila habang paminsan-minsan ay napapapikit na ako sa kinauupuan ko. Ano nga bang nawala ko ulit? Stone sighed loudly and I look at him. "What was I saying again?"

"Nothing, Honey."

Inilahad niya sa direksyon ko ang kamay niya pero nang abutin ko iyon ay hangin lang ang sumalubong sa kamay ko. Ilang beses ko pa iyong inulit pero hindi ko magawang hawakan ang kamay niya.

Sinimangutan ko siya. "Wag kang malikot, nahihilo ako!"

He sighed again before he moved to take my hand himself. Tinulungan niya akong makatayo pero iyon nga lang ay muntik akong makipag face to face sa lamesa kung hindi niya lang ako naagapan at nasalo.

"Oh! I remember!"

"What?" Stone asked.

Binalingan ko ang mga kasamahan ko sa lamesa. "Nawawala iyong buto ko!"

Sabay-sabay na nag "ahh" sila na para bang nasagot na ang biggest mystery sa buhay namin. Tanging si Hera lang ang ngingisi-ngising pinapanood kami habang kumakain.

Stone struggled to keep me up. Iyon nga lang kahit anong gawin niya ay para akong inflatable mascot na gumegewang-gewang lang. Muli niya akong inupo at nginitian ko lang siya. Itinaas ko ang mga kamay ko sa direksyon niya.

"Carry me," I said to him.

"Ako rin!" sabi ni Athena.

Binigyan ko ng masamang tingin ang babae. "He's mine!"

"Nagpapabuhat lang naman hindi ko naman kinakanya. Para kang others."

"Stay away."

"But I want to be carried too!"

"May sarili kang asawa. This one is mine!"

Napatigil siya at pagkaraan ay napangisi siya, "Oo nga pala no?"

I harrumphed before I turned to Stone and raise my arms again to his direction. Naiiling na yumuko siya at napahagikhik ako nang maramdaman ko na umangat ang katawan ko sa lupa.

"Your husbands are on their way here," Stone told them before he looked to Chalamity and Eris. "Kasasara lang ng Craige's. Papunta na si Chlymate at si Ocean para ihatid kayong dalawa. Hera pakibantayan na lang 'tong mga 'to."

"Sure thing."

Kinawayan ko ang mga babaeng kasama ko na sa kabila ng kalasingan ay mga nakangiting kinawayan din ako. Even my sister is smiling huge.

"Thank you for the advice guys!" I thanked them loudly.

"Welcome!" they chorused.

"I'll ask him to let me ride his face!"

"Cool!" Athena said with a thumbs up. "And try the sixty-nine!"

"Okay!"

Stone's chest grumble and when I looked at him I saw his lips twitching as if he's fighting hard not to smile. "What?"

"You just shouted to the whole bar what you plan on doing with me."

"Bar?" I gave him a confuse look. "Mag ba-bar exam ka ulit? Bakit?"

Tuluyan na siyang napatawa pero hindi na siya sumagot at sa halip ay kinarga na lang ako palabas ng bar. Oh! Bar! Kinawayan ko ang ilang mga tao na nasa labas ng Paige's kahit na hindi ko alam kung kilala ko ba ang mga iyon. Pero mukhang mababait naman sila kasi kinawayan din nila ako pabalik.

Nang makalayo na kami ni Stone ay sumubsob ako sa leeg niya.

"Honey?"

"Hmm?" I mumbled.

"You won't need to ask twice. I'll let you ride me anytime."

Pinilig ko ang ulo ko at pilit na iminulat ko ang mga mata ko. When my eyes stayed heavy, I raised one of my hands and pry one eye open with my fingers. "Ha?"

Stone's chest vibrated with laughter.

"I'll remind you tomorrow when we're having Jollibee for breakfast."

Nakangiting itinaas ko ang mga kamay ko at iwinagayway ko iyon na para bang nasa concert ako. "Sa Jollibee... bida ang saya!"

_________________End of Chapter 29.

Continue Reading

You'll Also Like

481K 6.8K 54
WARNING: This story May have mature content and some parts may not be suitable with young readers. I cannot assure you that you would not have encoun...
1.3K 67 50
The sight of lovers around me actually amuses me in many ways. Bakit? Because they try to mask their pain with laughter. I have my friends as perfect...
71.3K 1.2K 56
Kung nakukuha sa isang tingin lamang ang kabuuhan ng paghuhusga, ano na lang kaya kung kikilalanin ang babaeng bukod tangi sa lahat ng nilalang. Min...
Wattpad App - Unlock exclusive features