BHO CAMP #9: The Mismatched

By MsButterfly

648K 28.8K 7.4K

A night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pa... More

The Mismatched: Disclaimer
Synopsis
Prologue
Chapter 1: Lost Forever
Chapter 2: Darkness
Chapter 3: Phantom Pain
Chapter 4: Shift
Chapter 5: Twisted Fate
Chapter 6: Hate
Chapter 7: Unravelling
Chapter 8: Ultimatum
Chapter 9: Everyday
Chapter 10: Impact
Chapter 11: Missing
Chapter 12: Honey
Chapter 13: Echo
Chapter 14: Stuck
Chapter 15: Northern Star
Chapter 16: Morning
Chapter 17: Home
Chapter 18: Time
Chapter 19: Tangled Webs
Chapter 20: More
Chapter 21: Ligaw Is Essential
Chapter 22: Soon
Chapter 23: Flower Girl
Chapter 24: Fatal
Chapter 25: Present
Chapter 26: Familiar
Chapter 28: Prince
Chapter 29: Ride
Chapter 30: Want
Chapter 31: Surprise
Chapter 32: Sweet
Chapter 33: Target
Chapter 34: Run
Chapter 35: Magic
Chapter 36: Paubaya
Chapter 37: Rewind
Chapter 38: Eternity
Chapter 39: Match
Chapter 40: Gift
Epilogue
Author's Note

Chapter 27: Chess

11.1K 569 185
By MsButterfly

#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMP

CHAPTER 27: CHESS

ENYO'S POV

The tension around Stone is hitting the roof the moment that we entered the parking lot to take our vehicles. Inabot ko ang kamay niya at pinisil ko iyon pero igting ang pangang nakatingin lang siya sa harapan namin.

This is a trait that both Stone and Blaze have. They're both territorial when it comes to something they considered theirs.

Napapabuntong-hininga na hinila ko si Stone sa likod ng isang Ford transit van na nakaparada sa kinaroroonan namin kesa sundan ang mga kasamahan namin na nauna na. I caught him off guard but his face remain tight.

"You have no reason to be jealous," I whispered to him.

"I'm not jealous."

"Stone..."

"I'm not." He gritted his teeth together before he brush his hair up through his fingers, clearly agitated. Nang magbaba siya ng mga mata sa akin ay kita ko ang pag-aalala sa mga iyon. "For years I keep wanting you even though I know that you're his. There's no way that I'm jealous right now when I know that this time you're with me. But that doesn't mean that I'm not worried."

"Because I'm with him on this mission?"

"No." Umangat ang kamay niya at inilagay niya iyon sa balikat ko. He gently squeezed it while staring directly at me. "Because I'm not with you."

I can feel myself softening with his words. Inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya at pinaikot ko ang mga iyon sa leeg niya. Stone grew up surrounded by strong females. His mother was one of the greatest agent of her generation and his grandmother are the top Elite of BHO CAMP. Stone wouldn't invalidate the strength that women have.

Alam kong alam niya kung ano ang kaya kong gawin. Alam ko na naiintindihan niya na trained kaming lahat. He watched me over the years neutralize a lot of people. But it warms my heart knowing that even if he knows what I could do, it doesn't stop him for being worried and caring for me.

"Hindi lang ito ang magiging misyon kung saan hindi kita makakasama," sabi ko sa kaniya.

"Alam ko."

I raked my hands through his hair and when I still see the shadow in his eyes, I stood on my tiptoes to give him a kiss.

These past few days, we became closer than before. More intimate than I thought could be possible. Now that I think of it, it's like everything that take us to now has been building up for awhile now but like a contained fire, now that it's free... it's flaring up into a greater inferno.

We were naked and bare but it was not just undressing our clothes. It's more of stripping our walls until there's nothing but our soul being connected.

"I'll come back to you," I whispered.

"You better be."

Marahang hinaplos ko ang pisngi niya kasabay nang pagsilay ng ngiti ko sa sinabi niya. "Can you promise me one thing?"

"Hmm?"

Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya. Ang dami kong gustong ipaliwanag pero hindi ko alam kung saan sisimulan. For some reason it feels like this is it. Ito na lang ang natitirang piraso na hindi ko magawang punan.

I was empty for a long time at the same time that I was lost. As I was finding my way, I found myself deeper into the unknown until the path became more unclear each step that I take. But then life gave me the direction that I was looking for.

It lead me to him.

It wasn't all about the memories. I was lost because I haven't found my way back to him. Ngayon na nasa piling niya na ako... may isang parte pa rin ang naiwan kung sa'n ako noon huminto. Parte na hindi ko pa nagagawang sabihin sa kaniya.

I can't fully give myself to him if I let that part of myself stay in the dark.

"That you won't leave me. No matter what."

His forehead knotted in confusion. Yumuko siya dahilan para magdikit ang mga noo namin. "Honey... of course I won't."

Hindi na siya nagtanong pa pero hindi nawala ang pag-aalala sa mga mata niya. Kinintalan niya ako nang magaang halik sa mga labi bago bantulot niya akong pinakawalan. Umayos na siya ng tayo para sumunod sa iba pa pero hinawakan niya ang kamay ko bago kami lumabas sa pinagkukublian namin.

Naabutan namin ang iba pa na handa na at mukhang kami na lang ang hihintay.

"Kaya dapat hindi nagsasama ng mga taong nasa honeymoon stage pa eh," naiiling na sabi ni Sky nang mapatingin sa amin.

"Sky?"

Tinaasan ng kilay ng babae si Stone, "What?"

"Shut up."

Ngumisi lang si Sky na nakasandal sa malaking motorbike sa likod niya. Nilagpasan ko sila at lumapit ako kay Blaze na kasalukuyang may pininpindot sa maliit na screen na nasa harapan ng motor. When he felt my presence, his head went up to look at me.

"Ready?" he asked.

Tinanguhan ko siya at mukhang sapat na iyon na sagot sa kaniya dahil inabot na niya sa akin ang isang helmet. Sumampa na siya sa motor at inangat niya ang kamay niya sa direksyon ko. I took it and he helped me up so I could sit behind him.

"Pa'no?" Nakaangat ang sulok ng labi na sabi niya habang nakatingin kay Stone na nasa amin din pala ang atensyon. "Akin na muna 'tong asawa mo."

"Blaze," I hissed when I saw Stone stiffened at his words.

He chuckled under his breath before putting his helmet on. Pagkatapos no'n ay binuhay na niya ang makina ng motorbike. It roared to life but we didn't speed away yet.

"Blaze."

Saktong sinusuot ko pa lang ang helmet ko nang marinig ko ang boses ni Stone. Inangat ni Blaze ang visor ng suot niya na helmet at tinignan ang kapatid. "Hmm?"

"Ingatan mo 'yan."

Bilang sagot ay sumaludo lang si Blaze sa direksyon ni Stone bago niya pinaharurot paalis na ang sinasakyan namin. Napapabuntong-hininga na kumapit ako sa kaniya pero nang makalayo kami ay mahinang nagsalita ako.

Freezale are keeping the communication base on team first to avoid confusion. We can open the line later if we wanted to or it's needed.

"How are we going to do this?"

Knowing what I'm talking about, he immediately responded. "We'll take out Dylan Ramos then I'll handle Vasquez."

"Blaze, Vasquez' is Stone's new client."

Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. It's a conflict and we both know it. Stone is serious in terms of his clients but most specially when it comes to having the law proved the guilt or innocence of the said client.

"He told me about it. He trusted me enough to tell me," I whispered.

"Shit."

Sounds about right.



MULI akong tumingin sa suot ko na relos. Ten minutes. Sampung minuto na pero wala pa rin ang inaabangan namin. Marami namang maaaring maging dahilan ng delay pero hindi ko maialis sa akin ang pakiramdam na may mali sa nangyayari.

"Any luck there?" Blaze asked.

"Nothing yet," Sky answered.

Out line is connected to the others right now. Lahat kasi kami ay naghihintay pa rin sa sarili naming mga assignment pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari.

I could see the island from where were at. It doesn't really look like an island. It's more of a separated part of a city or province. Hindi iyon gano'n kalayo sa Manila but still there's a bit of a distance that boats could easily cross.

Tinakpan ni Blaze ang nakakabi sa suit niya na mic at humarap siya sa akin. I automatically reached for mine as well, covering it.

"I don't have a good feeling about this, Enyo."

"I don't either."

Kumilos siya at may inilabas siya mula sa itim na nakabalot sa likod ng motor. Sa pagtataka ko ay nakita ko na isa iyong diver propulsion vehicle, one that was enhanced by BHO CAMP. We call it Dolphin. It's a diving equipment used underwater. May handle iyon kung saan hahawak ang gagamit no'n. It will give the swimmer a range to travel faster in the water.

"Blaze, no."

Muli niyang tinakpan ang mic at binigyan ako ng makahulugan na tingin. "I need to do it. It's our mission."

Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Naiintindihan ko. A part of me believes in what Ender is doing. Sometimes it's the only way. Hindi naman lalabas ang pangalan nila sa Ender kung walang dahilan. It's not about just killing someone who did a grave crime. It's about ending those that won't stop doing them.

"He'll understand."

Umiling ako, "He won't."

"May conflict na ang BHO CAMP sa klase ng trabaho na pinili niya. What we're doing daily is already a conflict. BHO CAMP is not legal and how we do things are far from what is considered right. Ender is no different."

"It is. We rescue people, we retrieve things, we solve their problems but it's not our job to kill for them. Iyon ang isang bagay na tanging misyon ng Ender. To take lives."

"Enyo, even before BHO CAMP, this is what they do. BHO didn't rise up to just correct the wrongs. They end the people that caused them what they've lost. It started out of revenge. Every generation before us has something to fight for... someone they needed to avenge. We have our own way too. Yes we're getting our hands dirty. Pero sino ba sa atin ang hindi?"

"Ginawa nila ang mga iyon para ibigay sa atin ang kalayaan na meron tayo ngayon."

"That's bullshit," he sighed when he saw me flinched. "Do you really think they don't know? Dawn is not stupid. What happened to Storm changed BHO CAMP. Dawn will never take risk and make a decision without having the other generations in the know. Or at least some of them. Ender has an approval of the others."

"What?" I whispered.

"Dawn's father knows, Craige Lawrence also know about the Ender, our grandfathers Poseidon Davids and Greg Lawrence knows, and Mishiella Night gave her approval as well. This is not just out of whim. Dawn and Triton decided to have the Ender because it's needed right now." Ibinaba niya ang DPV sa tabi at muli niya akong tinignan. "Even our generation of agents have an idea of what's happening. Sa tingin mo ba maitatago natin sa kanila ito ng matagal? Hindi lang nila alam kung sino at hindi lang din sila nagtatanong. They won't dig deep because they know there's a good reason we're hiding it."

I've been thinking about that for awhile. We're surrounded by secret agents. Imposible na walang nakakatunog sa kanila lalo pa at hindi na bago na may nawawala bigla na mission. Minsan naman biglang may ikinakansela na trabaho. Those missions are being transferred to Ender.

"It's needed to be done, Enyo."

"We need to give him a chance."

Nagsalubong ang kilay niya at kita ko ang baga na unti-unting nabubuhay sa likod ng mga mata niya. "Leodel Vasquez doesn't deserve that chance. He's inside Cerrojo, Enyo. He's not just a rapist. He's also a murderer."

"It's not him I'm talking about."

Gumuhit ang realisasyon sa mga mata niya sa sinabi ko.

I could care less about Vasquez or any target that Ender have. Pero kahit naniniwala ako sa gusto ng Ender ay hindi ibig sabihin ay hindi ako naniniwala sa ipinaglalaban ni Stone. He wanted to believe the law and I want to to believe him.

"His name came up, Enyo," he whispered. "We need to end him."

"It doesn't need to be today."

Bumuka ang bibig niya pero naunahan ko na siya. Lumapit ako sa kaniya at may inilabas ako mula sa backpack na nakakabit sa likod ko. It's a small square container. Inabot ko iyon sa kaniya at nang buksan niya 'yon ay bumadha ang pagkagulat sa mga mata niya.

"Not today, Blaze, please. If you do this for me, I'll kill him myself."

His jaws clenched but he nodded. Binitbit niya ang Dolphin at walang salitang tumalikod para umalis. Binitawan ko ang pagkakahawak ko sa mic at napapabuntong-hininga na sumandal ako sa motorbike.

"Still nothing," Sky said impatiently.

I tried to tune out their voices as I focus on calming myself. Another five minutes passed, then another five, followed by another.

Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang makarinig ako nang pagkalabog sa linya ng listening device. Kuyom ang mga kamay na pinakinggan ko ang mga nangyayari pero bukod sa kaluskos ay walang kahit na anong maririnig.

"What's that?" Boses ni Stone iyon. "Enyo? Is everything okay?"

"Y-Yes. Still nothing here."

"What's that noise? Nyx? Sa inyo ba nanggaling iyon."

"Hindi, Kuya Stone. Akala nga namin sa inyo."

Kinakabahang lumakad ako sa edge ng breakwater na kinaroronan ko. We're the closes to the prison island. The second team are near the highway because they're planning to ambush the transport Declan would be in. Malapit din sa kanila sila Chalamity at Nyx. Kami naman ay si Dylan Ramos ang inaabatan.

Madaling-araw na at wala ng dumaan na sasakyan. Lalo na sa parte na ito ng Rizal.

"Abort the mission."

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko iyon na nanggaling kay Freezale. Something is not really right.

"What? Hindi ko narinig masyado. What the fuck is that sound? May nagsuswimming ba sa inyo o nagtapon ng mic sa tubig?" aburidong sabi ni Sky.

"Abort the mission, agents," Freezale repeated.

"Why?" tanong ko. "We're already in the middle of it."

"We were trying to reach the source but she wasn't responding. We sent someone out for her and we found her dead."

Muli kong narinig ang boses ni Sky. "Fuck!"

"Declan Ramos is nowhere to be found," Freezale continued. "His mother was the source."

Sa pagkakataon na ito ay ako naman ang mahinang napamura. I met that woman years ago and I can't say that she's a pleasant person. But what I know for sure is that she loves his son. Alam ko rin na sa ilang taon na lumipas ay walang kahit na sinong dumalaw kay Declan kundi ang ina niya at ang lawyer ng mga Ramos na nirerepresent ang pamilya ni Dylan at hindi ang side ni Declan.

Declan's mother, Maricar, is the only person who still cares for him. Iyon lang ang meron siya. Ang ina niya at si Daniel Ramos na matagal ng kinuha sa kaniya.

What I don't understand is why he's still alive. Dylan Ramos proved that he can do a lot of things. He's capable of killing... pero bakit buhay pa rin si Declan hanggang ngayon. He could easily have him killed inside the prison and nothing will be traced back to him.

So why is he making a move now? Bakit ngayon lang?

It's like he's running out of time. What happened on his warehouse followed by us trying to contact Declan... he knows that the clock is not on his favor. So why not just kill Declan then? Why prolong this?

Unless he still need something from Declan.

"The house," I whispered more to myself than to them. "Freezale, we need to go to that house."

"What house?"

"The old Ramos' mansion. Where Daniel Ramos died. I think Declan's there."

"I'm sending the information to Stone, Nyx, and Blaze."

Nakarinig ako ng mga pagtipa sa listening device kaya alam kong kumikilos na si Freezale. Pagkalipas ng ilang sandali ay narinig kong nagsalita si Stone. "I have it. I'm still familiar with the place. Blaze, you could just follow if you want."

Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil gaya ng inaasahan ay walang sagot si Blaze. Hindi niya dinala ang helmet na kasama ng Dolphin. It's like an astronaut head gear and we can still talk if he's wearing it. Pero dahil malaki rin iyon at dadagdag pa sa dalahin ay ang DPV lang ang dinala niya.

"Blaze?"

"We'll just use the navigation. Inaayos lang ni Blaze ang motorbike. Nagkaroon lang ng kaunting problema," mabilis na sabi ko.

"Do you want me to look at it?" Sky asked. "Mas marunong akong mag-ayos ng motor."

"I got it, nosy pants. Just go."

I reign in the sigh of relief that almost escaped from my lips when I saw Blaze at the edge of the breakwater. May ikinabit siya sa Dolphin at pagkatapos ay ibinaba niya ulit iyon sa tubig bago siya lumapit sa kinaroroonan ko.

He shook his wet hair and a smile curved his lips. Tinaasan niya ako ng kilay at sinagot ko lang siya sa paraan ng pagbibigay sa kaniya ng matalim na tingin.

"Hope on, babe."

I heard a growl at the other line of the listening device and Blaze just chuckled at that knowing that the sound came from his brother. Sumakay na siya sa motorbike at napapabuntong-hininga na sumunod ako sa kaniya. Sinuot ko ang helmet ko at pagkatapos ay kumapit na ako sa basang damit niya.

"You'll get yourself wet." The way he said it made the action sounds different than what it's actually is.

"Blaze," I hissed at the same time that I heard someone cursed from the other line of the LD. "Tubig lang ang pinag-uusapan namin, Stone. Natapon niya iyong mineral water niya."

"Blaze?" Stone asked in the same way he did when we were at the headquarters.

"What?"

"Fuck off."

Blaze just laugh at that. It was drown out by the sound of the motorbike. Mabilis na pinaandar niya ang sinasakyan namin. After a few moments the sound in the LD turned low so that we could avoid the noise blasting in all of our ears.

"Blaze," I whispered.

"It's done."

"In what way?"

He didn't answer for a moment before I felt him sigh, "Your way."

Nakahinga ng maluwag na tumango ako. Wala ng nagsalita pa sa aming dalawa. It's not like we can talk about it freely. Come to think of it... bihira rin naman naming pag-usapan ang Ender noon. When we're together we rather just forget about all of that. It's not something we wanted to relieve. Hindi rin kami nagkakaroon ng pagkakataon na nagkakasama sa iisang misyon.

It took us ten minutes after the thirtieth mark before we reached the exclusive village that the Ramos' residence is located. Wala naman kasing trapiko at kanina pa na-hack ng control room ang mga traffic lights.

"I'm activating the chameleon of your transports," Freezale informed us.

I only witnessed this twice but until now hindi ko pa rin mapigilan na mamangha habang pinapanood ang paglaho namin kasabay nang buong sinasakyan namin. It's blending on its surrounding like how a chameleon does.

Hininto namin di kalayuan sa bahay ang sasakyan para matiyak na walang makakarinig sa ugong no'n. Bumaba kami ni Blaze ng motorbike at pinindot namin ang buton na nasa mga suit namin pagkaalis namin ng helmet. The mask immediately went up, covering our faces.

Mabilis na tinakbo namin ang kinaroroonan ng bahay at kaagad na inilapat namin ang sarili sa bakuran. We disappeared in an instant.

"We'll take the east side of the mansion."

Si Sky ang siyang nagsalita.

"We'll take the front," I said. "We're in position. Freeze, status on the fences?"

"Standard. It's not electrified."

I put a hand on top of another, my foot pushing up to hoist myself up. It wasn't easy but it was not hard either. The suit has a built in sticky which is a device that are used to be able to climb solid walls. May it be glass, cement, rock, or whatever.

Nang magawa kong makaakyat ay kinuha ko sa holster ang kutsilyo ko at pinutol ko ang barbed wire na nasa harapan ko para mabigyan kami ng daan. When I manage to clear a bit of the space, I pulled myself up before turning to climb down on the other side. Ramdam kong nakasunod sa akin si Blaze.

It took us two minutes or less before our feet landed to the ground.

"We have a lot of friends here apparently. I'm engaging," Sky told us.

Hindi siya nagkakamali. Maging sa harapan kung nasaan kami ay maraming mga taong nagpapalakad-lakad. Lahat armado.

"I hate using this."

I looked at Blaze's direction. Kung hindi dahil sa suot ko na contact lenses ay hindi ko siya makikita dahil activated ang suot namin na mga suit. We're the only ones that can see each other unless we moved away from the wall we're currently leaning on to.

Nagbaba ako ng tingin sa hawak niya na baril. It's a Mist gun. It's a gun with a bullet that can place anyone into a state where that person would be dead to the world. Temporarily nga lang dahil magigising din siya pagkalipas ng ilang oras.

I rolled my eyes but I put back my knife to the holster. We both have the same sentiments.

Tinanguhan niya ako at sabay na umalis kami sa kinakukublian. Tinakbo namin ang distansiya ng apat na lalaking nasa labas ng bahay. I grabbed one on the collar while swiping his leg in an instant. Nang bumagsak siya ay mabilis na kumilos ako. I placed my hand on the circular slot on the bag at my back and I felt it released a ball like object.

Nilagay ko iyon sa tapat ng ilong niya bago ko iyon dinurog. When he managed to inhale it, I felt his body went heavy. His body created a loud thud when I just let him fall. I was already on the move specially when I saw a man closing to Blaze.

I threw my body on the air and I hit the man, stopping him on his tracks. I tightly wound my legs around the waist of the big man before I wrapped an arm around his neck. Inulit ko lang ang ginawa ko sa isa pang kasamahan niya kasabay nang pagkarinig ko ng dalawang mahinang putok. Not loud enough to be heard from a distance but enought that I could hear.

Blaze lifted a hand. Magkadikit ang hintuturo at hinlalato na tumuro siya sa harapan. Tumango ako at tahimik na lumapit sa kabahayan. Iyon nga lang bago ko mabuksan ang bintana ay pabalabag na bumukas ang pintuan sa harapan ng bahay.

"Kanina pa kayo tinatawag! Anong-"

Malakas na sumigaw ang lalaki na para bang may tinatawag sa loob nang makita niya ang mga nakahandusay niya na mga kasamahan. Blazed crossed their distance and he immediately neutralized the man.

Nilagpasan ko sila at pumasok na ako sa loob. CBS will halt on moments like this. It can't keep the chameleon when there's too much movements and we're not leaning on to a solid object.

Yumuko ako para maprotektahan ko ang sarili ko sa humahangos na isa pang lalaki na inaasahan ko na. I hit him with my shoulder and when his body naturally bend, I used it as a leverage to throw him on my back. Gumalabog ang katawan niya sa semento pero bago siya makabawi ay muli akong kumuha ng black sand at pinakawalan ko iyon sa tapat ng mukha niya.

It was a second away from me grabbing a gun, aiming, then I fired... twice. Dalawang lalaki pa ang bumagsak na walang malay sa sahig.

"You're hogging the party," Blaze murmured.

"Don't worry. You'll get your turn."

Randam ko ang pagtulo ng pawis sa gilid ng mukha ko nang iniangat ko ang ulo ko sa direksyon ng malawak na living room. Ilang mga lalaki ang lumalabas mula sa isang panig ng bahay habang ang ilan ay bumababa mula sa hagdanan.

"Ilan ba ang dinala nila rito na tauhan nila? Isang buong bayan?" bulong ko.

"Probably. We already wiped out eight of them." Sky said.

Napailing na lang ako. Nagrereklamo ang kapatid niya sa akin samantalang sa kanila nga ay mukhang tig-apat pa sila ni Stone.

"We're done here," Stone informed us.

Another man fall on Blaze's feet. "Go up and secure Declan. I have a feeling there's more men there. We're not done here."

Sumabit ako sa leeg nang lalaking lumapit sa akin at hinayaan kong tumama ang mga paa ko sa kasunod niya. I applied pressure on the man's neck who instantly choked but my other hand was busy on aiming a gun on the man that fell to his feet after I kicked him.

"We're not," I pulled the trigger. "We're definitely not done."

Tinulak ko ang naka-head lock sa akin na lalaki papunta sa direksyon ni Blaze bago ako umatake sa pinakamalapit sa akin. I grabbed a man's wrist, pulled it on his back so I could grab the gun he's holding. Itinapon ko iyon sa malayo at suwerte ko na lang nang malakas na pumalo iyon sa isa pang lalaki na susugod sana papunta sa direksyon ko. Walang malay na bumulagta siya sa sahig.

"Back up here!"

Napalingon ako sa pintuan at nakita kong nakatayo roon si Chalamity. Pero hindi sa kaniya natuon ang atensyon ko kundi kay Nyx na may hawak na malaking bagay sa balikat niya at nakaturo iyon sa direksyon namin.

What the fuck.

She's holding a bazooka.

"Kapag may kumilos ng masama sa inyo, pasasabugin ko kayong lahat," banta niya sa mga lalaking napatigil sa kinatatayuan. "Itaas ang mga kamay!"

"Iwagayway!" segunda ni Chalamity na may dalang dalawang machine gun sa magkabilang kamay.

I heard Blaze chuckled and when I turned my wide eyes to him, he inclined his head to the stairs. "Go. We'll be fine here."

I gave him a nod before I ran up the stairs. Nang makarating doon ay naabutan ko pa si Sky na kasalukuyang inuumpog ang ulo ng isang lalaki sa pader habang si Stone ay inilalayo sa kaniya ang mga umaatake sa kanila.

I raise my gun and pointed towards Stone. Walang pag-aalinlangan na nagpaputok ako kahit pa na ilang dangkal lang ang layo no'n sa kaniya. His eyes went to me before he looked at his back. Sa lapag ay naroon ang lalaking kanina ay kakalabitin na sana ang gatilyo ng sariling baril.

There's something about Stone combating men that probably bigger than him turns me on. I can't see Stone behind his mask but I know that he's as sweaty as I am. Hindi ko tuloy mapigilan isipin ang ilang mga pagkakataon na napagmamasdan ko siya na pawisan. Hindi sa training area... kundi sa- Maghunusdili ka, Enyo.

Ewan ko ba. Tama siguro si Sky. Nasa honeymoon stage talaga kami. All the pent up emotions I had before are now resurfacing in a way that is uncontrollable. Not that I want to stop myself anymore. But it's kind of strange to love and want someone this much. Without any constraints or doubts.

"Nice catch, honey," he said to me.

"Ako nga sinalo mo eh."

Kaagad nag-init ang mukha ko sa mga salitang dumulas sa bibig ko lalo pa at napaubo si Sky sa narinig. Hindi rin iyon nakaligtas sa iba pa na sa kabila ng kinahaharap namin ngayon ay nakuha pa akong pagtawanan.

"Ewan ko sa inyo," sabi ko bago ko sinaklit ang kuwelyo ng isa pa sa mga tauhan ng mga Ramos na dumaan sa harapan ko.

He tried to grab me on the neck but I was quicker. An advantage of someone as small as me. Paulit-ulit ko na siniko ang tagiliran niya hanggang sa maramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.

Dinantayan ko ang likod ng tuhod niya dahilan para mapaluhod siya sa sahig. Sinaklit ko ang buhok niya at malakas na inumpog ko siya sa tuhod ko na buong puwersa ko na inangat.

It took us five minutes more before the whole hallway was left with nothing but bodies of men that fell on top of each other. Hindi ko na tinangkang bilangin. Bago pa ako nakaakyat ay marami ng mga katawan ang nakahandusay doon dahil kaila Sky.

Sinenyas ni Stone ang kinaroronan ng kuwarto na sa pagkakatanda ko ay pag-aari ni Daniel. Sky and I positioned ourselves on each side of the door while Stone stood in front.

"Ready," I whispered.

He kicked the door and Sky and I crouched low. Nasa harapan ang mga baril na pumasok kami pero napatigil kami sa nakita.

Dylan is sitting comfortably on one of the chairs. Sa likod niya ay may dalawang armadong lalaki habang sa harapan naman niya ay naroon si Declan na namumutla. The book Declan is holding caught my attention. I know I've seen it with him before.

Hindi ko na nagawang pagtuunan iyon masyado ng pansin dahil napatingin ako sa isa pang tao na nasa kuwarto na iyon. For some reason, chess came into my mind. Because in that game... it's difficult to win without big pieces playing for them. Just like right now.

It wasn't just Daniel, Declan, and Dylan. Another presence is in the room and she's standing beside Declan... holding a knife to the man's neck.

Stella Ramos.

______________________End of Chapter 27.

Continue Reading

You'll Also Like

54.7K 1K 103
Just A 2 of 4. Kealla have thought that Zio, a new transferee from an international school that he's just clearly but a nobody. Not until he slowly r...
2.8M 70.7K 35
Now a published book under Lifebooks. Available in bookstores nationwide! It takes a second to read the word, love-- but it takes a lifetime to under...
187K 12.1K 44
For Luna Alondra Dawson, marriage is a word so simple but holds so much weight. Some people are scared of it, some don't care much about it, for some...
21.5M 313K 54
It hurts the most when the person that made you feel special yesterday can make you feel unwanted today.