Yes, I'm a Secret Agent ✓

By leorieisthename

21K 1.2K 432

Sa lahat ng biktima ng mapaglarong tadhana, isa si Alice sa mga iyon. Ang pangarap nyang trabaho ang maglalag... More

SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 40
WAKAS
Note - Must Read
Special Chapter

Kabanata 39

319 16 13
By leorieisthename

Kabanata 39: Pagtatapos ng Laban

"Kuya Adamson, bakit?" Naluluha na sabi ko.

Itinayo ni Brent ni Kuya.

"Isa kang malas sa buhay ko, Alice! Nagsisi ako na hinayaan ko ang mama ko na magkaroon ng bagong asawa!" Sigaw niya.

Napatakip ako ng bibig. B-bagong asawa.

"Kuya..."

"Sa tuwing nagkakasama kayo sa litrato, ako 'yung lumalabas na anak sa labas, Alice! Sa buong buhay ko, pinasan ko lahat ng paghihirap at pagtitimpi!" Sigaw niya.

"Hindi mo papa ang papa ko?" Nauutal na bigkas ko.

"Oo! Kinamumuhian ko ang papa mo, Alice! Gusto ko siyang saktan pero masasaktan rin ang mama ko. Dumadaloy sayo ang dugo niya, dapat rin sayo 'to!" Sigaw niya pa.

"B-bakit?"

"Namatay ang papa ko dahil sa papa mo. Hindi matanggap ng papa ko na pinipili ni mama ang papa mo kesa sa papa ko." May hinanakit sa bawat sigaw niya.

"Kaya mo ako pinaparusahan ng ganito, tama?" Sabi ko.

"Kulang pa 'yan." Ngisi niya.

"Kapatid mo parin ako! Pareho tayo ng inang nagluwal! Parehong bahay tayo lumaki!" Bulyaw ko habang tumatangis.

"Hindi kita kailan man tinuring na kapatid, Alice. Dahil buong buhay ko, kinamumuhian kita at ang tatay mo."

"Kuya..."

"Gusto kong gawing impyerno ang buhay mo, Alice. Nang sa ganon ay maka bawi ako sa tatay mo. Gusto kong maghiganti para sa pagkamatay ng papa ko. Galit ako sainyo! Galit na galit!" Sabi niya.

Magkahalong awa, lungkot at galit ang nararamdaman ko. Buong buhay ko, akala ko maswerte ako dahil mayroon akong kuya. Lahat kasi ng kaibigan ko noon ay pinapangarap ng kuya na mag po-protekta sakanila. Ibang kaklase ko nga noong high school ako ay naiinggit saakin dahil palagi kong kinukwento si kuya sakanila. Sabi nila sana may kuya rin daw sila.

Dati, hindi na talaga maganda ang samahan namin ni kuya. Mabibilang lang sa daliri 'yung mga araw na nagkasundo kami. Bipolar ang unang akala ko pero hindi pala. Ngayon alam ko na kung bakit noon palang ay ganito na ang pakikitungo saakin ngayon. Kinakain siya ng galit.

Nawalan ako ng balanse nang maramdaman ko ang malakas na tama ng tubo sa ulo ko. Hindi ko inaasahan 'yon. Napahiga ako sa sahig, nanlalabo ang paningin ko at dumidilim ito. Nakita ko pa si Brent na tumatakbo papalapit saakin dahilan para maka takas si Lucifer.

Bago ko maramdaman ang paglapat ni Brent sa balat ko ay naunang may bumuhay ng ulo ko ay inalalayan ito. Nang tignan ay si Miguel iyon na akala ko ay umalis na.

"Vespera don't!" Rinig kong sigaw niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya, hinalikan niya ang noo ko habang naka tingin saamin si Brent.

Nagalit ata si Brent sa naging kilos ni Miguel kaya tinulak niya ito nang bitawan ako ni Miguel.

"Wala kang karapatang gawin 'yon sa kanya!" Rinig kong sigaw ni Brent.

"Why?! She's my fiancè. What's wrong with that?!" Sigaw pabalik ni Miguel.

Nanatili akong naka higa at nanghihina.

Potangina ang lakas ng impact sa ulo oo nung tubo! Hayop na 'yan!

Tila nawala lahat ng sakit na naramdaman ko noong makarinig ako ng isang putok ng baril. Napabalikwas pa ako ng bangon kaya nakita ko kung  sinong may pakana.

Si Kuya...

Naka ngisi lang siya saakin habang asar na pinaglalaruan ang baril na nasa kamay niya. Itinutok niya ang baril saakin, kinakabahan man ay binunot ko ang baril sa beywang ko at itinutok iyon sakanya. Dahan dahan akong naglakad sa direksyon niya. Maingat at swabe.

"Noon lagi kitang inaayang maglaro ng baril barilan. Iniisip ko nun na sana, sana totoong baril ang hawak ko para kahit isang kalabit ko lang ng gatilyo ay wala kana." Sabi niya.

"Hindi na ako magtataka kung bakit ganoong nalang kaayaw sayo ni mama," ngumisi ako nang makita ang pagka inis niya.

Nanatili kaming nagtutukan ng baril. Mga sampong metro rin ang layo namin ni Kuya sa isa't isa kaya madali lang siyang makakatakbo palayo kung gugustuhin niya.

"Alice..." Rinig kong sambit ni Sean mula sa malayo.

Dahil doon ay nilingon ko siya. Nakikipag hampasan siya ng cocolumber at dumudugo na rin ang balikat niya. Nag aalala akong tumingin sakanya pero tinanguan niya lang ako at ngumiti.

"Sean!" Sigaw ko dala ng mag aalala.

He mounthed. "I'm okay." Before  nooding.

Muli kong nilingon si kuya na tinatansiya ang baril saakin. Hindi na ako naka kilos ng marinig ko ang pagkawala ng bala.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay iyon na dumapo saakin pero wala akong naramdaman. Ang naramdaman ko lang ay ang brasong yumakap saakin hanggang sa bumagsak kami.

Napariin pa ang pikit ko dahil sa pagkabagsak. Nang imulat ko ang mga mata ko, bumungad saakin ang mukha ni Miguel na naka ngiti na parang walang alinlangan.

"You're safe..." He said while smiling.

Doon ko nalang namalayan na nagdurugo na ang tagiliran niya dahil sa bala ng baril.

Sa pangalawang pagkakataon, may sumalo ng bala na para saakin. Karren at Josh.

Naluluha akong tumayo at inalalayan siya. Nahagip ng mga mata ko si Lucifer na tumatakbo palayo pero hinayaan ko siya dahil naka sunod naman sakanya si Brent.

"Miguel, kaya mo bang maglakad?" Nauutal na sabi ko.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko bagkus ay ngumiti lang siya. "I'm fine, Vespera. I'm okay." He said.

"Ihahatid kita sa labas. Sina Sanha at Joy na ang bahala sayo, okay?" Sabi ko.

"Babalik ka naman agad diba?" Parang bata niyang sabi.

"Nangako ako sayo diba? U-uuwi ako kasi diba k-kasal na natin sa susunod na b-buwan." Tuluyan na akong naluha.

"Alice." Sabi niya na nagpatahimik saakin. "I know you remember everything now..."

"Miguel..."

"Pwede kang umatras sa kasal kung gusto mo," he smiled at me.

"P-pero nangako ako diba? K-kapag nangako ako, hindi ko 'yon babaliin." Sabi ko.

Nakahawak siya ngayon sa tagiliran na nagdudugo. Naka akbay siya saakin dahil inaalalayan ko siya.

"Pero ayaw ko naman na makasal saakin diba?" He said.

I know he's  in pain.

"You just said 'yes' that time dahil ayaw mo na mapahiya ako, right?"

Hindi ako naka sagot.

"It's okay, Alice. I forgive you."

"Minahal mo naman ako bilang Samantha, diba? Tinulungan mo ako kasi kamukha ko si Samantha. Binigyan mo ako ng pagkakataong mabuhay pero bilang Samantha. Inalagaan, binihisan, pinakain at sinustentuhan mo ang pangangailangan ko kaya bakit ako hihindi?" I cried.

"I love you. I love you not because you look like Samantha but I love you as Alice Saavedra."

Napatingin ako sakanya sa mata. Naguguluhan.

"Miguel."

"Don't worry, hindi ko na itutuloy ang kasal." He smiled to make me comfortable.

"I'll marry you." Sabi ko. Labag man sa kalooban ay sinabi ko iyon.

He just smiled.

Hindi na kami muling nag usap at hinatid ko na siya sa labas at sinalubong kami ni Sanha. Nauna na raw si tita Minerva sa agency. Binilin ko si Miguel na dalhin sa pinaka malapit na hospital.

Bumalik ako sa loob. Naroon parin ang mga taong nagkakaguluhan. Sinalubong ako ni Sean.

"Nasaan sila?" Tanong ko.

"Taas, second door." Sabi niya.

"Tara." Sabi ko naman.

Magkasabay kaming naglakad paakyat. Sinalubong kami ng mga tauhan ni kuya.

Wala kaming ibang choice ni Sean kundi ang labanan sila.

"Hoy unano nandito ako!" Sigaw ko sa isa.

Naglakad siya palapit sakin pero bago siya tuluyang makalapit ay natadyakan ko siya sa tyan.

Sunod naman ang isang payat na lalaki.

"Kapag pinitik kita, pustahan tayo mawawalan ka ng balanse." Hirit ko bago hinampas ng tubo na napulot ko lang kung saan.

Isang malaking tao nalang ang natitira.

Nasa gilid ko si Sean. "Kaya ba natin 'to?" Tanong niya.

"Naman! Sean at Alice 'to! Kayang kaya, sisiw lang 'to!" Sigaw ko.

Napatawa siya sa sinabi ko. Ilang saglit ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Mukha kayong tanga." Hirit ng nasa harap namin.

"Ikaw nga tanga na, nagreklamo ba kami?" Magkasabay namin na sabi ni Sean.

Nagsimula ng maglakad ang lalaki sa gawi namin. Bago ito maka lapit ay hinawakan ni Sean ang beywang ko ay inangat para masipa ko ang pagmumukha ng lalaking nasa harap namin.

Nawalan ito ng balanse. Bago makabalik sa wisyo niya ay hinila ko ang ulo niya at tinuhod. Napalakas pa ata dahil tumunog pa ang ulo siya.

Sunod naman ay tinuhod ni Sean ang tuhod ng lalaki.

Hindi nagtagal ay bumagsak iyon.

"Sabi sayo kaya natin." Sabi ko.

Ngumiti lang siya dahilan ng pagkawala ng mata niya.

"Tara na. Baka naghihingalo na si Zamora doon." Sabi niya pa at hinawakan ang beywang ko habang naglalakad papunta sa pangalawang pinto.

Naabutan namin si Brent at si Kuya na nagtututukan ng baril.

"Kuya!" Sigaw ko pero hindi siya natinag.

"Alice, labas!" Sigaw ni Brent na ikina inis ko.

"Suntukan nalang oh!" Hamon ko pa.

Laking gulat ko ng tinutukan na ni Sean si kuya ng baril.

"You're arrested, Adamson Saavedra." Seryosong sabi ni Brent.

"Arrested arrested, utot mo!" Sigaw naman ni kuya.

"Shuta alam ko na kung saan nagmana si Alice." Rinig kong bulong ni Sean.

Binato ko ang kamay na kuya ng patalim noong kakalabutin niya sana ang gatilyo ng baril. Nabitawan niya iyon at nagdugo ang kamay niya.

Hinarangan ko siya gamit ang katawan ko.

"H'wag niyong babarilin ang kuya ko..." Pagsusumamo ko.

"Alice!" Sigaw ni Brent.

"Brent kuya ko parin siya."

"Siya ang dahilan ng pagkamatay ng bestfriend mo!" Sabat ni Sean.

"Ikukulong siya. H'wag niyo lang siyang babarilin." Sabi ko

"Alice..." Rinig kong singhao ni Kuya sa likod ko.

"Alice, tumabi ka diyan." Utos ni Brent.

"Hindi." Pagmamatigas ko.

Bago pa man ako muling makapagsalita ay naramdaman ko ang malamig na bagay na tumarak sa tyan ko.

Napahawak ako sa tyan ko bago nanlaki ang mga matang tumingin sa dalawang nasa harap ko.

Nang hugutin ni kuya at kutsilyong itinarak niya sa tyan ko ay humalhak siya.

Nanlabo ang paningin ko at parang nabingi. Narinig ko ang sigaw nila Brent at Sean pero parang sobrang layo nila kahit nasa tabi ko lang siya.

Natumba ako at nanghihinang bumulong. "H'wag niyong papatayin ang kuya ko." Sabi ko bago tumulo ang mga luha ko.

Tinabihan ako ni Brent habang tinatapik ang pisngi ko. Hindi ko marinig ang sinasabi niya.

Nakikita ko ang pagbaril ni Sean kay kuya pero hindi ito natatamaan dahil maliksi ang kuya ko.

Para lang akong nanonood ng live action movie sa nakikita ko.

Pilit kong sumigaw noong makitang natamaan ni Sean ang tagiliran at tuhod ni kuya. Nang kukuhanin ni Kuya ang baril sa sahig ay natamaan uli siya ng bala ng baril sa kamay pero hindi na iyon galing kay Sean kundi galing kay Brent.

"Kuya..." Bulong ko.

Naabot parin ni kuya ang baril at itinutok iyon kay Brent. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kaba. Kinapa ko ang nasa likod ko, nang may makapa ako ay isa iyong dart.

Parang bumagal ang oras noong tinatansiya ko kung paano iyon itatama kay kuya.

Sa naka awang na palad kung saan niya hawak ang baril ang target ko. Ipinikit ko ang kaliwang mata ko at inayos ang tira.

Nang ikawala iyon ay sumakto iyon kung saan iyon dapat tumama.

Bumaon iyon sa palad ni kuya dahilan para mabitawan niya ang baril.

Kaagad pumasok ang mga kasamang pulis at pinosasan si kuya.

Hindi ko na alam kung ano ang sunod na nangyari dahil binuhat ako ni Brent palabas.

"May bomba ang factory!" Sigaw ng isa sa mga kasama namin.

Nagmamadaling lumabas ang mga tao. Ang mga sugatan na kalaban ay inalalayan palabas. Nauna silang lumabas at nakita ko pa si Sean na mabagal na naglalakad.

"Brent ibaba mo ako." Madaling utos ko.

"May bomba. May sugat ka pa." Sabi nito.

"Si Sean. Si Sean magpapaiwan. Sasabog ang buong lugar!" Sigaw ko pa.

Hinampas ko ang dibdib niya.

Nilingon ko si Sean na naka ngiting kumakaway saakin.

Walang nagawa si Brent kundi ang binatawan ako.

Masakit man ang sugat ko ay pinilit kong tumakbo palapit kay Sean. Humahangos akong lumapit sakanya.

"Tara na!" Sigaw ko sakanya.

Bawat segundo, feeling ko sasabog ang bomba.

"Alice..."

"Sean! Lumabas na tayo dito! Tara na! Nasisira na ba ang ulo mo at magpapaiwan ka dito?!" Sigaw ko.

Nakangiti siyang naluluha.

"Sean naman." Pahinang boses na sabi ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din ang ginawa niya.

"Shhh, don't cry Alice ko."

"H'wag mo akong iwan please?" Sabi ko habang naka subsob ang ulo ko sa leeg niya.

Hinaplos niya ang buhok ko. Nag eecho ang hagulgol ko sa buong factory.

"Alice. My cry baby Alice..." Sabi niya pa.

"Sean. Ayaw ko ng may mawala pa. Please, h'wag mo din akong iwan. Hindi ko kaya. Hindi ko na kakayanin." Sabi ko.

"Hindi ako mawawala." Sabi niya.

Humiwalay siya sa yakap kaya ganun din ang ginawa ko. Pinunasan siya ang mga luha ko gamit ang kamay niya.

"Hindi kita iiwan. Hinding hindi, Alice." Sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"Kapag umalis ka, hindi tayo bati kuha mo?" Sabi ko pa.

Tumawa lang siya tumango bago ginulo ang buhok ko.

"Kuha ko." Sabi niya pa.

"Tara na! Tinakot mo ako doon ah!" Sabi ko pa.

Lakad-takbo ang ginawa namin. Nang marating namin ang pinto ay naroon rin si Brent na naghihintay.

"Dapat nauna kana." Sabi ko.

"Ayoko. Nasa loob kapa. Paano kapag sumabog doon, edi wala kana. Paano ako? Maghihintay uli ako?" Sabi naman nito.

"Drama mo!" Puna ni Sean.

"Five seconds." Sabi ni Brent na nagpalingon saamin.

"Hah?" Sabay na tanong namin ni Sean.

"Sasabog na ang bomba within five seconds, tara na."

Tumakbo kami habang naka alalay ang braso ni Brent at braso ni Sean sa likuran ko.

Bago pa man kami tuluyang makalayo ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog ng factory. Tumilapon kami sa damuhan.

Napadaing kami.

"Are you okay?" Sabi saakin ni Brent.

"Zamora hindi ako okay!" Hirit ni Sean.

Napatawa naman kaming pareho ni Sean dahil sa itsura ni Brent.

Tumayo kaming tatlo at nilingon ang umaapoy na factory.

Nasa gitna nila ako at naka akbang sila saakin kaya ganun din ang ginawa ko.

"Sean, Brent?" Tawag ko sakanila ng hindi sila nililingon.

"Hmmm?"

"Why?"

"Tapos na diba?"

"Tapos na, Alice. Wala ng mang gugulo sa buhay ko at kung meron man, nandito kami." Sabi ni Sean na ikinangiti ko.

"You did a great job, Alice. I'm so proud of you." Sabi naman ni Brent.

"Tapos na 'yon? 'yon na 'yon? Walang thrill!" Biro ko pa na ikinatawa nila.

Sabay kaming tumalikod sa nag aapoy na factory.

Sa nagdaang taon, akala ko talo ako. Akala ko hindi ako aabot sa final round ng buhay ko.

Akala ko isa lang akong lampang babae. Akala ko isa lang ako duwag.

Noon lagi kong iniisip na sa lahat ng bagay, ako lagi 'yung talo.

Pero sa pagkakataong ito, nanalo ako.

Sa laro ng tadhana, masaya akong malaman na sa pagkakataong ito ay ako ang panalo...
_______

Idkleorie

Continue Reading

You'll Also Like

20.4M 703K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
31K 1K 43
Sino naman Hindi mag aakala na Ang isang babae na taga tinda lang ng mga gulay ay magiging isang Crown princess Ng Bansang Zinainbra at Ang babaeng k...
96.9K 8K 53
Akala mo tapos na..... Pero Nagsisimila palang ...akala mo alam mona ang lahat... Pero marami pa palang mga sekreto... Akala mo happy ending na...yu...