Will I Wake Up?

By SakataChibi

11.5K 1.4K 4K

Aly is an ordinary student at Larson High. Normal lang sa kanya ang buhay kasama ang bestfriend niyang si Sop... More

Will I Wake Up?
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-One
Chapter Sixty-Two
Chapter Sixty-Three
Chapter Sixty-Four
Chapter Sixty-Five
Chapter Sixty-Six
Chapter Sixty-Seven
Chapter Sixty-Eight
Chapter Sixty-Nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy-One
Chapter Seventy-Two
Chapter Seventy-Three
Chapter Seventy-Four
Chapter Seventy-Five
Chapter Seventy-Six
Chapter Seventy-Seven
Chapter Seventy-Eight
Chapter Seventy-Nine
Chapter Eighty
Chapter Eighty-One
Chapter Eighty-Two
Chapter Eighty-Three
Chapter Eighty-Four
Chapter Eighty-Five
Yes, I woke up: The Epilogue

Chapter Forty-Five

72 12 14
By SakataChibi

Aly's PoV

Taka akong napatingin kay kuya nang biglang mag-walk out si Kei. Bahagya namang umiling si kuya at nagkibit balikat.

Tsk! Anong problema ng lalaking yun?!

Agad akong tumakbo palabas ng apartment at hinabol si Kei. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Kuya Leander pero hinayaan ko na lamang ito at nagpatuloy sa pagtakbo.Tss...

Nang makalabas na ako ng pinto ay nakita ko ang likuran ni Keifer na pababa na ng hagdan kaya naman agad akong sumigaw rito.

"Shokoy!!" malakas na sigaw ko rito.

Nakita kong bahagya itong huminto ngunit agad ring nagpatuloy sa pagtakbo.

Aba! Nagpapahabol ba siya?!

"SHOKOY!!" ulit kong sigaw dito.

Tumakbo ako nang tumakbo at parang timang itong si shokoy at mas binilisan pa ang paglalakad...no more on like tumatakbo na nga rin siya. Tss...

Pag ito hindi pa nakinig di ko na siya hahabulin.

"Hoy shokoy na pabebe!! Tumigil ka nga muna sa pagtakbo. Hoy!!"sa pagkakataong ito ay mas malakas na ang pagtawag ko sa kanya.

Nasa labas na kami ng ground kaya naman may mga taong nakatingin na rin sa direksyon namin. Tsk... Subukan mong di ako lingunin hindot kang shokoy ka.

Nakita kong bahagya itong huminto kaya naman mas binilisan ko ang pagtakbo para maabutan siya. Napakunot ang noo ko nang makitang bahagya itong humarap sa direksyon ko at tumaas ang kanang bahagi ng labi nito.

Nginingisihan niya ba ako??

"Habulin mo ko!!" sigaw nito at bahagyang itinaas ang kanang kamay saka tumakbo.

Eh? Ha-habulin mo ko?? Ay putcha ka!

"Hoy Shokoy!!Ano ka bata?!" malakas na sigaw ko rito saka huminto ng takbo.

Mas maraming tao na ang nakatingin sa amin ngayon kaya naman medyo nakakahiya na rin ng sumigaw.

"OO!!" malakas na sigaw nito pabalik at saglit na humarap sa akin bago tumakbo ulit.

Napanganga ako. Aba naman!! Tss...bahala siya dyan! Pabalik na sana ako sa apartment ko, tutal siya naman itong tumakbo eh. Alanganin naman sundan ko siya di ba?! Hmp!

"I'm planning to talk about it again...I mean, you haven't finished telling your stupid dream right?"

Nakakakonsensya!! Pumunta siya dito tapos wala rin pa lang mapapala!

Bakit naman kasi eh!! Honestly, inaasahan kong hihinto siya eh! Kaso hindi! Hindi ko maiwasang hindi makonsensya habang naglalakad pabalik.

ARGHHH!!!

Marahas akong tumakbo papunta sa pinto para sundan si Kei. Bwisit ka talaga!! Nang tuluyan na akong makalabas ng building ay agad akong lumingon sa kaliwa't kanan para tingnan kung nasaan na siya.

Tss...nasaan na ba ang shokoy na yun?! Bahagya pa akong tumakbo sa kanang bahagi nang makita ang isang lalaki na dahan-dahang naglalakad sa dilim.

Ano yun?

Napakurap pa ako. Hindi naman siguro si Kei yun noh?

Dahan-dahan akong tumalikod at naglakad pabalik nang may mapansin akong kakaiba. Te-teka...

Hindi naman... Tumingin ulit ako sa direksyon ng lalaking iyon ng makitang tumatakbo na ito.

Shit! Si Keifer yun eh!! "HOY!!! BUMALIK KA DITO!!" malakas na sigaw ko rito. Geez...Bakit parang mas bumilis ang takbo niya?

"HOY!!!" malakas na sigaw ko dito.

Ilang saglit pa ang tinagal ko sa pagtakbo hanggang sa mawala ito sa paningin ko. Nasaan na naman yun?! Tsk!Napabuntong hininga ako sa pagod. Hindi ko alam kung bakit ako tumatakbo pero ang tanga ko naman at hinabol ko pa siya.

Tatalikod na sana ako para bumalik na lang, tutal di ko na siya nakikita. Ang dilim pa naman ng paligid at baka nag-camouflage ang shokoy na yun sa dilim.

Ngunit bago pa man ako makatalikod ay may naramdaman akong pumalupot sa tiyan ko. Halos manlaki pa ang mga mata ko dahil ang kamay na ito mismo ang naghihila sa akin paharap sa kanya. At dahil sa gulat marahas ko itong tinapik pero hindi ko inaasahan ang pagkakamali kong iyon. Pataas ang pagtapik ko rito kaya naman napahawak ito sa dibdib ko.

Naramdaman ko ang dahan dahang pag-akyat lahat ng dugo sa mukha ko. Fuck! Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko at katulad ko ay nanlalaki ang mga mata nito habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak ang kaliwang dibdib ko.

"AAHHHHHHHHH!!"

"So-sorry," kinakabahan at pautal utal na saad nito saka mabilis na inalis ang kamay niyang nakadakot sa dibdib ko.

Dahil sa inis, galit, muhi at suklam na nararamdaman ko ay mabilis ko siyang pinagpapalo.

"WAHHHH!!! BASTOS!! BASTOS KA!!!"

Arghh!!! Bwisit kang shokoy ka!!!

"Te-tekaa...h-hindi ko...aray! Hin-hindi ko nga! Aray! Te-teka nga!" sambit nito ngunit patuloy lamang ako.

Sa lahat ba naman ng tao sa mundo eh siya pa!! What the hell?!!! Damn!

"Teka nga!! Wag ka nga mag-panic!!" malakas na sigaw ni Kei saka hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Arghh!!! Anong huwag magpanic?! Huh??! Sinong hindi magpa-panic sa nangyari huh? Sige nga! Hinawakan mo lang naman ang dib-"

Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko matapos niya akong hinatak palapit sa kanya at tinakpan ang bibig ko.

Arghh!!

"Ahrjrvejevkwidha"

"Shut up you woman!" inis na saad nito.

Nakatapat na ang ulo ko sa dibdib nito kaya naman hindi ko magawang makagalaw. Narinig ko na lamang ang mahinang bulungan sa tabi namin.

W-what??! Oh no!!! Wag mong sabihing may nakakita nun?! Sarap pakamatay!! Nakakahiya yun!

"Ano kayang nangyari?"

"Ewan ko...baka mag jowa yan..."

"Hindi...di sila bagay eh...baka third party yang babaeng yan"

"Hala oo nga...tsaka tingnan mo yung lalaki, di naman siya sweet doon sa babae eh,"

"Kaya nga eh...landi naman niyan,"

Halos malaglag ang panga ko sa mga narinig ko. Aba naman! Tawagin ba naman akong third party!! Pinilit kong kumawala sa pagkakahawak ni Kei ngunit mas humihigpit lamang ang pagkakahawak niya sa akin.

Geez!!

"Pakawalan mo nga ko shokoy ka!! May ipapakulto lang ako!! Hindi ako Third party!!! Bwisit!" malakas na sigaw ko ngunit kinaladkad lang ako ng lalaking ito palayo.

Arghh!! Sakit masabihan ng third party ah! Though medyo sakto sa nangyayari ngayon, but still! Arghh!! Paano ba mag-defense ng sarili??!! Hinila lang ako nito nang hinila hanggang sa makarating kami sa medyo mataong lugar.

"Shokoy ka talaga! Bwisit!!" anas ko rito saka marahas na umalis sa pagkakahawak niya.

"Geez...ang laki ng ulo mo!" reklamo ni Keifer matapos niya akong pakawalan sa pagkakahawak niya sa leeg ko.

Nanlaki ang mga mata ko.Ano daw??!!

"Hoy! ikaw kaya nanghila ng ulo ko!" sigaw ko rito.

"Oo nga! Pero bakit ang laki ng ulo mo? Maliit naman utak mo ah!" reklamo nito.

Agad ko siyang tinaasan ng kilay. Aba naman...namomoro ka na sa akin ah!

"Arghh!!! Kung hindi mo kasi hinawakan ang dibdib ko, edi sana hindi mo ko hinila...at hindi ka rin sana nagrereklamo ngayon!"

Kakabanas siya ah! Siya ang may kasalanan nito eh!

"Tss...wala naman akong nahawakan eh!" mahinang bulong nito saka naglakad palayo.

Aba! Hinahamon mo talaga ako?!

"Hoy! Ang bastos ng bunganga mo ah!" malakas na sigaw ko rito saka sinundan sa paglalakad.

Arghh!!! Nakakailan na siya ah! Sinundan ko lamang ito habang tahimik na naglalakad. Hindi katulad kanina ay may mga ilaw na sa gilid ng kalsada kaya naman kita na rin ang mga taong kasabayan namin sa paglalakad. Bukod pa rito ay may mga bata rin na naglalakad sa gilid ng park.

Ilang minuto pa kaming naglalakad hanggang sa bigla itong magsalita.

"Your cousin...si Lean, ganoon ba talaga kayo ka-close kaya iisang bubong lang kayo tumitira?" tanong nito.

Napakunot ang noo ko. For sure, may iba na naman itong iniisip hmp!

"Oo tsaka walang malisya yun!" saad ko.

"Hmm..." pagtanggo nito.

Napatingin ako sa kanya ngunit nakatingin lamang ito ng diretso sa harapan. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit kasama ko siya ngayon. Hindi ko nga rin alam kung saan kami papunta eh.

"Ano... yung tungkol kay kuya Sky ba-"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ng bigla siyang sumeryoso ng tingin at nakakatakot na tumingin sa akin.

"Don't mention his name," matalim na saad nito.

"W-why??" kinakabahan na tanong ko.

"I hate it,"

Natahimik ako matapos nitong magsalita. I don't know what is happening but I know he hates talking about Sky. Maybe mas makakatulong kung tatahimik na lang rin ako. Besides, it doesn't concern me kung ayaw nila sa isa't isa.

Maya-maya ay nagtanong ito tungkol sa amin...in the other world. Honestly, naninibago ako since hindi siya galit this time. Maybe may sapak siya sa utak ngayon kaya di siya high blood.

"How can I know that you're saying the truth?" tanong nito matapos kong i-explain ang mga tanong nito.

"I don't know...I mean, nobody can prove if I'm saying the truth except me so I don't think maniniwala ang kahit sino sa sasabihin ko," nakayukong saad ko.

"Then take me...for me to believe it,"

Napataas ang kilay ko.

"Seriously?? Take you? Paano kita masasama eh hindi ko nga rin alam kung bakit ako nandoon eh," inis na sagot ko.

"I can't believe it unless you take me," saad nito habang seryosong nakatingin sa akin.

"You don't have to believe me, Kei... Cause I know, no one will. Just let me correct what I did between your girlfriend," seryosong sagot ko rito at mapait na napangiti.

I get it now. I don't need to tell a lot of people on what is going on with me because no one will understand it.

Natahimik naman dito si Kei.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad habang bahagyang naiwan si Kei. Ilang saglit pa ay bumalik na ulit kami sa apartment ko. Inikot lang pala namin ang building kaya naman nakabalik rin kami agad. Hindi na rin naman ito nagtagal pa at agad nang umuwi bago pa siya makita ni Kuya.

*****

Kiane's POV

I was busy typing on my phone nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ko masyado itong pinagtuunan ng pansin kaya naman ipinagpatuloy ko lamang ang ginagawa ko hanggang sa makarinig ako ng mahinang tawa mula rito. Agad akong tumingin sa direksyon nito at nakita si Kei na halos mapunit ang mukha sa sobrang ngiti.

Ano na naman nakain ng taong to?!

"Hoy! Anong nginingiti ngiti mo dyan?" takang tanong ko rito.

Sa halip na sumagot ay mas lalo lamang ngumiti ang loko. Nasisiraan na ata ng bait itong si Kei. Napansin kong maging si Dylan ay nagtataka habang pasimpleng nakadungaw sa tabi nito.

"Hoy! Saya mo ata?" tanong ni Dylan.

"Tss... tutulog na ako," paalam nito habang nakangiti at umakyat na sa taas.

"Anong meron dun?" takang tanong ni Dy.

Nagkibit balikat lamang ako bilang sagot. Isa lang ang naiisip ko kung bakit masaya si Kei at iyon ay si Veena.

"Baka galing na naman yan kay Veena," komento ni Dy.

"Siguro,"

Maya maya ay ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaking langong lango habang pasuroy suroy sa paglalakad.

"Heyowww browtherssz," bati nito habang pa gewang gewang sa pagpasok.

"Geez...di talaga natuto ang lalaking to," saad ni Dy.

Hindi ko rin naman masisisi si Ross dahil first love niya si ate Mari, ang ate ni Kei. Sa totoo lang ay willing si Kei na tulungan si Ross sa ate niya pero si ate Mari na mismo ang umaayaw rito dahil di hamak na mas bata si Ross kaysa sa kanya.

Napalingon ako sa direksyon ni Ross at kasalukuyan na itong nakayukyok sa mesa habang walang tigil sa pag-iyak.

Continue Reading

You'll Also Like

13.7K 663 18
GANGTHROB means 'Gangster and Heartthrob' - A SB19 STORY ☽︎☾︎ [PROLOGUE] Hi, I'm Atina Bernardo I was a friend of Josh, Pablo, Stell, Ken and Justin...
125K 1.4K 16
In this boyfriend scenerio fanfic, I do the human versions of McQueen, Mater, Finn and Siddeley. Enjoy! :D None of the fan art used belongs to me. A...
3.1K 138 32
Parang namuo sa sikmura ni Gabriella ang kinain niya nang malamang ang secret crush ni Warren ang rason kung bakit gusto ng guwapong dyslexic na matu...
34.9K 1K 27
[THIS IS BASED ON THE MOVIE! I WILL BE CHANGING THE NAMES AND THE LINES] Jughead Jones and Veronica Lodge are very popular. They're rich and are step...