Loving the Millionaire's Son...

By LjKizakiri

49.8K 810 13

"Sometimes, loving someone who's out of your league is the hardest part of all." Jennica Corsola Agrenecia is... More

Note.
Loving A Millionaire's Son (Love and Lust Series #2) -Soon-
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.

Chapter 19.

30 1 0
By LjKizakiri

Date Published: November 20, 2021

CORSOLA

Isang Linggo na ang nakakalipas simula nang nangyari 'yong gulo na 'yon mula sa café at ang date namin ni Clark.

Masaya naman ang naging date namin saka mas lalo ko pang nakilala sila Azel at Archi.

Tulad ng sinabi ni Clark ay talagang niligawan niya ko at mas lalo lang akong nahulog sa kaniya.

Saka medyo nagiging successful na din ang online business ko at nabayaran na namin ang mahigit 200 thousand na utang ni papa kaso...

Nadagdagan na naman at kung dati ay naging 600 thousand na lang siya, ngayon ay naginf 1 million na. Kaya naman mas lalo kaming nagta-trabaho ni kuya para lang mabayaran 'yon.

Nakakakuha na ko ng mga mahigit 300-400 thousand sa pag-commission at agad naman namin 'yon binabayad sa mga pinagkaka-utangan ni papa kaso, nangungutang ulit siya kaya mas lalong nadadagan ang utang namin.

Nandito kami ngayon sa loob ng library dahil sa Students' Week ngayon at walang pasok pero kailangan pa rin namin gamitin ang oras na 'to para makapag-plano para sa project namin.

Ang pinapagawa sa 'min ay gumawa ng business na talagang papatok sa masa dahil sa magbe-benta kami pagdating ng Final Term namin.

"Diba, kailangan daw business? Ano ba 'yung pwedeng gawin for business?" Tanong ko naman.

Napag-usapan na namin 'to last week pa kaso, hanggang ngayon ay hindi pa din kami sigurado kung ano ang gagawin namin para sa project.

"Ano ba mga business niyo? Baka pwede naman tayo doon, diba?" tanong ko naman at nagkatinginan silang tatlo.

"We can sell foods. That's most likely our best bet," komento ni Clark.

"Pero, anong klaseng pagkain naman? Dito tayo nahihirapan last week pa," komento ni Archi.

"Street foods? Masarap ang mga 'yon," suhestyon ko.

"Street foods? Tulad ng mga kikiam at fishball?" Tumango ako kay Azel habang nakangiti.

"Meron akong alam na bilihan kung saan mura lahat ang mga 'yon," komento ko pa.

"Pwede din 'yung mga inihaw tulad ng Barbeque at Isaw. Maghihirap nga lang tayo magtusok sa stick," dugtong ko pa.

"Saka, kailangan nga lang nating linisin ng todo ang mga 'yon para lang makasiguro na malinis 'yon," sabi ko pa.

"Let's try that. At least, bago sa pansala ng lahat, 'di ba?" pagsang-ayon naman ni Archi.

"Gusto ko ding makatikim kaya sige. 'Yan na lang ang i-benta natin," sagot naman ni Azel.

"I want to taste your Barbeque again, ai." Napangiti ako sa sinabi ni Clark.

"Sige. Gawan ko kayo muna pero bili muna tayo ng ingredients. Para matikman niyo lahat muna at saka tayo pumili kung ano ang mga ibe-benta natin," suhestyon ko.

"Sure. Wala naman tayong klase ngayon so, let's go?" pag-aya ni Azel.

Kaya naman tumayo na kaming apat at agad naglakad palabas mula sa library at pumunta sa sasakyan nila para pumunta na sa palengke.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nakarating na kami sa palengke na alam ko at agad napabuntong hininga si Azel dahil sa nakita niya.

"Hindi tayo madudulas diyan, 'di ba?" tanong niya.

"Hindi naman kung maingat lang tayong lahat," sagot ko naman at bumaba na. Nagsi-babaan na din sila at sumunod sa 'kin.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

"Magkano po dito sa pork?" tanong ko kay manong na nagtitinda.

"150 isang kilo lang 'yan, iha," sagot niya naman at napangiti ako.

"Ito po manong. Salamat," saad ni Azel at tinanggpa na ni manong 'yon. Tinanggap ko na din 'yung plastic.

"Maraming salamat, mga iha. Masaya din akong makita sa personal si Miss Azalea. Crush siya ng anak kong lalaki eh," kinikilig na komento ni manong.

"Nako po, manong..." nahihiyang saad naman ni Azel at napangiti ako ng todo.

Kanina pa kami namimili ng mga kakailanganin namin para sa mga lulutuin at aalis na sana ako nang may napansin ako.

"Hoy, anong ginagawa mo!" sigaw ko doon sa lalaki at agad ko siyang pinagpapalo ng bag ko.

May hawak siyang cellphone habang nakatapat ang camera nito sa bandang pwet nit Azel.

"Aray! Ano ba? Itigil mo nga 'yan!" sigaw naman no'ng lalaki at agad lumapit sa 'min sila Archi na bumibili ng gulay.

"Anong nangyari, Jen?" takang tanong ni Archi.

"Nakatapat 'yung camera ng cellphone niya sa bandang pwet ni Azel kanina," pagsumbong ko.

Nakita kong nagulat si Azel at namula sa sobrang galit. Kaya naman sinabunutan niya ito at agad siyang pinigilan ni Archi.

"Sis, kalma." Saad ni Archi at niyakap na niya si Azel para mapigilan ito.

"Why don't we just put him to jail? That's better than to hurt him physically," suhestyon ni Clark.

"Tama si Clark. I-reklamo na lang siya sa prisinto," pagsang-ayon ko naman. Hinawakan nang mga tambay 'yung lalaki.

"Nako, siya na naman. Matagal nang may issue 'yan dito. Marami nang reklamo pero dahil tatay niya 'yung hepe dito ay hindi pa rin siya napapakulong," sabi ni manong sa'min.

"Talaga po?" Napabuntong hininga.

"Tara na. Dalhin na natin 'yan sa prisinto at kung pagtatanggol man siya ng tatay niyang hepe, mayro'n din naman akong kilala na mas mataas pa sa posisyon ng tatay niya," pagdeklara ni Azel.

Naglakad na muna kami ni Clark papunta sa sasakyan para mailagay doon lahat ng mga pinamili naming habang sila Archi ay dumeretsyo na sa prisinto.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nakarating na kami ni Clark sa loob ng prisito at nandoon pa rin 'yung mga tambay kanina at may dalawang pulis din na nandoon.

Lumapit na kami at agad napatingin 'yung nakakatakot na pulis sa'min ni Clark.

"Good morning, sir," bati ni Clark.

"Good morning, Mister Chua," bati din no'ng pulis.

"Okay na 'to. Ako na ang bahala sa dito. Kaya naman, pwede na kayong magsi-uwi para makapagpahinga," sabi niya.

"Tawagan na lang kita Az about this. I won't tolerate this most especially that, naranasan ito ng pamangkin ko." Nagulat ako sa narinig ko.

'Tito nila Archi ang lalaking 'to?' tanong ko sa isip ko.

"Thank you po, uncle. Una nap o kami para makagawa agad ng project," sagot ni Azel at umalis na kami doon.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito kami ngayon sa isang malaking bahay at napatingin ako sa paligid ko. Ang ganda naman dito.

Nandito kami sa bahay nila Archi dahil sa hindi naman kami pwede sa bahay ni Clark dahil nga sa may mga issue kami sa magulang niya.

Dinala na din ng mga katulong ang mga pinamili naming kanina para hindi ito masira agad.

"Nakakahiya naman dito..." mahinang komento ko at napalingon si Azel sa'kin.

"Don't worry, hindi katulad ng parents ni Clark ang parents namin," paniniguro niya habang nakayakap sa braso ko.

"Kinakabahan pa rin ako," komento ko pa at napatingin sa dalawang tao na naglalakad palapit sa pwesto namin.

Parehas silang napatingin sa pwesto ko at ngumiti ng matamis.

"Ohh... A new friend. We are Dion and Yuki Samonte – parents nila Archimedes and Azalea. Nice to meet you," saad ni Mister Samonte.

"N-nice to meet you din po, sir. Jennica Corsola Agrenecia po," pagpapakilala ko naman.

Naramdaman kong hinawakan ako ni Clark sa bandang balikat ko para pakalmahin ako ng onti.

"Hey, calm down. They're not like my parents who don't like people who are not in their league," sabi ni Clark.

"Sabi ko naman sa'yo na iba sila dad eh," sabi naman ni Azel at napabuntong hininga lang si Archi.

"'Wag kang mag-alala, iha. Hindi ka namin sasaktan, iha," paniniguro naman ni Ma'am Samonte.

"We are so happy to meet you, Jennica." Niyakap nila akong dalawa at ngumiti sila sa'kin.

"Can we call you Corsola, instead?" Tumango ako sa kanila.

"Don't worry, okay? Hindi kami tulad ng iba diyan na matapobre 'pag dating sa mga katulad mo," paniniguro pa ni Ma'am Samonte.

"Just call us tito Dion and tita Yuki, alright?" Nginitian nila ako ng matamis at napangiti ako ng onti.

"S-Sige po, tito. Tita." Mas lalo silang napangiti at hinimas nila Clark at Azel ang balikat ko ng marahan.

"See? Sabi naman naming sa 'yo na okay lang eh. Just calm down," paniniguro ni Azel at tumango ako.

"Let's all sit down para naman malaman din namin kung meron ba kaming maitutulong for your project."

Sumunod kami sa kanila at umupo sa sofa. Medyo nagulat pa ko nang lumubog ako sa sofa at mas lalo akong nakaramdam ng hiya.

"'Wag kang mahiya, Corsola. Ayos lang naman," sabi ni tita sa 'kin kaya naman medyo kumalma ako.

"So, we've heard a lot of good things about you, Corsola. From both Arch and Az kaya we trust you," sabi ni tito Dion.

"So, ano ang plano niyo for your project para naman ay makatulong kami sa 'yo," dugtong niya pa.

"We've decided to make a street food stall po, dad. Bumili nap o kami kanina ng mga ingredients to taste everything first para makapag-decided po kung ano ang mga ibe-benta namin," sabi ni Azel.

"So, ayon pala 'yung mga plastic na nakita namin kanina na dala-dala ng mga katulong." Tumatangong komento ni tita Yuki.

"Ano-ano pala 'yung mga gagawin niyo ngayon?" tanong pa ni tito Dion at ngumiti ako.

"Ako na po ang bahala. Alam ko na po kung ano ang mga gagawin po ngayong araw para mapatikim po sa inyo," sagot ko.

Tumayo na ko at naglakad papunta doon sa kusina at naabutan ko pa ang mga katulong na may ginagawa doon.

Lumapit na ko sa kanila at ipinaliwanag na ang mga gagawin ko para sa project namin para maka-graduate.

••••• END OF CHAPTER 19. •••••

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

118K 3.1K 46
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
94.5K 1.3K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
4.7M 143K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.