Loving the Millionaire's Son...

By LjKizakiri

49.8K 810 13

"Sometimes, loving someone who's out of your league is the hardest part of all." Jennica Corsola Agrenecia is... More

Note.
Loving A Millionaire's Son (Love and Lust Series #2) -Soon-
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 15.
Chapter 16.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Chapter 32.
Chapter 33.
Chapter 34.
Chapter 35.

Chapter 14.

33 3 0
By LjKizakiri

Date Published: October 16, 2021

CORSOLA

Nandito kami ngayon sa loob ng opisina ni Azel habang hinihintay silang magkapatid na dumating dito ngayon.

Kinuwento ko na din kay Clark 'yung dahilan kung bakit gusto akong saktan ng grupo na 'yon. Hanggang ngayon ay pinapakalma niya pa rin ako.

"Don't worry, you're safe. You're with me right now, Jen," paniniguro niya at tumingin ako sa kaniya. Sumandal ako sa kaniya.

"Thank you dahil nandito ka ngayon, Clark," bulong ko at yumakap ulit sa kaniya.

"I told you, didn't I? I'll be always be here to protect you so, I won't let anyone hurt you," sagot naman niya sa 'kin.

"For you to feel better, here. Eat this." May inabot siyang candy sa 'kin at tinanggap ko naman 'yon. Nang tinignan ko 'yon ay mukhang mamahalin na naman ito.

"Mukhang mahal 'to ah? 'Wag mong sabihin na umaabot na naman 'to sa 1 thousand?" tanong ko sa kaniya.

"Don't worry, it only costs 500 pesos. It's not that expensive just like the chocolate yesterday," sagot naman niya.

"Buti naman kung gano'n." Natawa ako ng onti. Napatingin kami sa pintuan nang nagbukas na 'yon at nakita ko sila Azel na pumasok sa loob.

"Hmm...? Anong ginagawa niyong dalawa dito? May nangyari ba?" tanong ni Azel sa 'min.

"Avichi's group wants to hurt Jen because you suspended them," sagot ni Clark. Nilapag nila Azel ang gamit nila sa sofa.

"Dahil daw kasi sa 'kin ay na-suspend sila kaya gusto nila akong saktan kanina. Inapakan ko lang 'yung mga paa nila kaya ako nakatakas," paliwanag ko naman.

"Really? Those bitches... Don't worry, ako na ang bahala sa grupong 'yon. No one dares on hurting my best friend." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Best friend?" takang tanong ko at tumango siya habang nakangiti.

"You're my best friend now. I won't let anyone hurt you and aagawin na kita mula kay Clark kaya ako na ang bago mong best friend." Niyakap niya ko.

"What the? Don't you ever dare take my girlfriend away from me, Azel!" Hinila naman ako ni Clark palapit sa kaniya.

"G-Girlfriend?" gulat kong tanong sa kaniya at ngayon ko lang napansin na ang lapit na pala ng mukha namin sa isa't isa.

"'Wag mong agawin ang bago kong best friend, Clark!" Hihilahin na sana ulit ako ni Azel nang pinigilan na siya ni Archi.

"Sis, kalma. Okay? 'Wag mo nang istorbohin 'yung dalawa for now. Ang sweet pa nilang tignan eh," pagsita ni Archi.

"Yes, girlfriend. I believe that I already told those bitches that you're mine?" paalala niya at tumango ako.

"Paano mo siya naging girlfriend? Hindi mo nga siya nililigawan eh," pagsusungit ni Azel at natawa naman si Archi.

"I'm already courting her but, she didn't because she's too numb to know it," sagot naman ni Clark.

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung maniniwala ba ko sa sinasabi niya o hindi dahil baka pinagti-tripan niya lang ako ngayon.

"N-Nga pala, Azel. Ito 'yung address ng karinderya na pinagbilhan ko ng Palabok kahapon," sabi ko at humiwalay mula kay Clark.

Kinuha ko 'yung card at binigay kay Azel 'yon saka tinanggap niya. Tinignan niya 'yon at napangiti.

"Thank you, Jen. Mapuntahan nga 'to mamaya para makabili. Meron din ba silang mga lutong bahay na ulam?" tanong niya.

"Oo. Pero nagluluto sila 'pag mga 10 AM na dahil sa malapit sila sa isang call center na building kaya sa kanila nagsisi-kainan ang mga nagta-trabaho doon," sagot ko.

"I see... Makabili nga doon. Masarap kasi 'yung Palabok so, I think that masarap din ang iba nilang putahe," komento niya.

"Masarap din 'yung Sopas na nakain ko noon mula sa kanila eh. Saka, bumili naman ako ng Spaghetti ngayon," pag-deklara ko.

"Really? Patikim ako mamaya." Tumango ako at kinain na 'yung candy na binigay sa 'kin ni Clark kanina.

"Clark, sa Sabado ba ay busy ka?" tanong ko at lumingon sa kaniya.

"Yeah, why?" Napangiti ako.

"Date tayo? Gusto ko kasing bumawi sa 'yo no'ng Sabado," sabi ko sa kaniya at napangiti siya.

"Sure. Let's have a date at 9 AM. Let's meet each other again at the park where we met last time." Tumango ako.

"Jen, dapat hindi ikaw ang nagyayayang makipag-date. Si Clark dapat ang unang nagyayaya," pagsita ni Azel.

"Hindi ba pwede na ako ang magyaya? Masama ba 'yon?" tanong ko naman at napabuntong hininga siya.

"Ano ba ang gagawin ko sa 'yo? Mamaya, turuan kita para naman mahirapan si Clark kahit paano mula sa panliligaw niya sa 'yo," pag-deklara niya.

"Fine. I'll make sure that whatever you do, I'll get her, Azel. She'll love me too." Natigilan ako sa sinabi ni Clark.

'She'll love me too...' Too...? Mahal niya din ako? Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil doon.

"Malapit nang mag-7. Tara na sa classroom at baka ma-late pa tayo nang wala sa oras," pag-aya ni Archi at tumayo na kami.

Naglakad na kami palabas pero hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang tungkol sa sinabi ni Clark dahil sa mas lalo akong umasa.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa klase at nakikinig kay ma'am. Meron daw siyang ibibigay na activity at by pair ang paggawa no'n.

Kailangan daw naming mag-ikot sa buong campus at hahanapin ang mga sagot sa tanong na ibibigay sa'min mula sa paligid.

Kaya naman naghanda na ko at gusto kong maka-partner si Clark para naman matanong ko siya tungkol sa sinabi niya kanina.

Aayain ko na sana siya nang biglang lumapit si Azel sa'kin at hinawakan ako sa kamay ko.

"Ako ang partner mo at hindi si Clark." Sinamaan agad siya ng tingin ni Clark dahil sa sinabi niya.

"Ako ang mas nauna, Clark. Kaya 'wag kang magalit diyan. Ang bagal mo kasi." Natawa naman si Archi dahil sa nangyari.

"Sige. Tayo na ang mag-partner," pag-payag ko sa sinabi ni Azel. Napabuntong hininga naman si Clark dahil sa sagot ko.

"Next time, she's my partner. Remember that, Azel," mariing saad ni Clark at napangiti si Azel.

"Tara na. Magsimula na tayo, Jen." Tumango ako at tumayo na mula sa upuan ko.

Kinuha ko na ang mga gamit ko saka naglakad na palabas ng room para umpisahan na ang paghahanap ng sagot para sa mga tanong na binigay.

•*•*•*•*•*•*•*•*•*

Nandito na kami sa playgroud ng campus pero wala pa rin kaming nasasagutan kahit na isa. Kaya naman tumingin kami sa buong paligid.

"Jen, what're your feelings for Clark? Do you like him?" tanong niya sa 'kin.

"Bakit mo naitanong?"

"Nothing... It's just like, Clark is a heartless guy when it comes to other people but, pagdating sa 'yo ay napaka-gentle niya," paliwanag niya.

"Ayokong may gawin siya sa 'yo wherein, masasaktan ka niya. As your best friend, ayokong makita na nasasaktan ka," nag-aalala niyang saad.

"Sa totoo lang?" Tumango siya.

"Mahal ko siya, mas higit pa sa pagiging best friend, Azel. Pero, ayokong umamin sa kaniya dahil natatakot ako," sagot ko.

"Bakit? Ano nangyari? Dahil ba ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyo?" Tumango ako at bumuntong hininga.

Hula ko ay p'wede ko naman siyang pagkatiwalaan at hula ko ay pwede kong i-kwento sa kaniya at tungkol dito sa problema ng magulang namin.

"Saka may isa pang problema eh..." nag-aalala kong saad at umupo sa bench. Umupo naman siya sa tabi ko.

"Tell me, I'll listen. I know that Clark is your best friend but, there are still some things that you can't tell him and you can tell me." Niyakap niya ko.

"May issue ang parents niya sa tatay ko. Hindi lang namin alam kung ano 'yong issue na 'yon dahil hindi naman kami sinasagot sa tuwing nagtatanong kami," pag-kuwento ko.

"Saka..." Tumingin ako sa kaniya ng seryoso.

"Ipangako mo na hindi mo sasabihin kay Clark o kahit na kanino ang tungkol dito." Tumango siya at hinawakan ang mga kamay ko.

"Don't worry, you can trust me," paniniguro niya.

"No'ng nalaman ng tatay ko na nandito na sila Clark ay inutusan niya kong akitin at saktan si Clark sa huli."

••••• END OF CHAPTER 14. •••••

Continue Reading

You'll Also Like

96.5K 1.4K 57
Ayara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the p...
1.6M 53.2K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
15.2M 587K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
2.9M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...