Will I Wake Up?

By SakataChibi

11.5K 1.4K 4K

Aly is an ordinary student at Larson High. Normal lang sa kanya ang buhay kasama ang bestfriend niyang si Sop... More

Will I Wake Up?
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-One
Chapter Sixty-Two
Chapter Sixty-Three
Chapter Sixty-Four
Chapter Sixty-Five
Chapter Sixty-Six
Chapter Sixty-Seven
Chapter Sixty-Eight
Chapter Sixty-Nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy-One
Chapter Seventy-Two
Chapter Seventy-Three
Chapter Seventy-Four
Chapter Seventy-Five
Chapter Seventy-Six
Chapter Seventy-Seven
Chapter Seventy-Eight
Chapter Seventy-Nine
Chapter Eighty
Chapter Eighty-One
Chapter Eighty-Two
Chapter Eighty-Three
Chapter Eighty-Four
Chapter Eighty-Five
Yes, I woke up: The Epilogue

Chapter Thirty-One

107 16 48
By SakataChibi

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso na ako sa kusina at nakita si kuya na nakapambahay lang.

"Oh...kuya, wala kang pasok?" takang tanong ko.

"Wala, bakit?" aniya saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Friday ngayon di ba?" takang tanong ko.

Hindi ako maaaring magkamali. Tiningnan ko kanina sa kalendaryo at biyernes nga ngayon.

"Oo, eh sa wala kaming pasok eh" simpleng saad nito.

"Eh, sinong maghahatid sa akin?" takang tanong ko saka umupo sa upuan kaharap ang mga pagkaing mukhang kanina pa niya niluto.

"Malamang ako," sagot nito saka ako tinaasan ng kilay.

"Okay...akala ko kasi di mo na ako ihahatid eh...hehehe," nahihiyang sagot ko.

"Ewan ko sa'yo Aly, siya nga pala, nag-text sa akin kagabi sina tita, hindi ka raw nila macontact. Ano bang ginagawa mo sa cellphone mo huh?" tanong nito.

Agad akong natigilan.

Oo nga pala at hindi ko pa nache-check ang cellphone ko. Di bale na, mamaya na lang.

"Ah,, hehehe busy lang kasi ako. Pasabi na lang. Tsaka tatawagan ko na lang rin sila mamaya," sagot ko saka nilantakan ang pagkain sa harap ko.

"Bahala ka, pero... sinasabi ko sa'yo. Wag mong i-airplane mode yang cellphone mo para any time ay matawagan ka nila. Nag-aalala na tuloy sila sa'yo," paalala nito sa akin saka umupo sa harap ko.

Napayuko ako. Siya kasi ang tumatayong kuya ko lalo na tuwing may nagagawa akong kalokohan sa school kaya siya rin ang palaging pinapagalitan nina Mom at Dad. Strict kasi ang magulang ko at gusto nilang magfocus ako sa pag-aaral lalo na si Mom na lumaki sa hirap.Kaya naman suportado nila ang lahat ng expenses ko makapagtapos lang ako ng pag-aaral.

"Naiintindihan mo ba?" tanong nito habang seryosong nakatingin sa akin.

"Opo..." sagot ko saka napayuko.

Hindi rin nagtagal ay natapos na rin kami sa pagkain at dumiretso na ako sa kotse upang pumasok sa school.Hindi ko pa pala natatawagan si Sophie, na-miss ko rin kasi ang babaeng iyon kahit medyo clingy kung minsan.

Agad kong inilabas ang cellphone ko upang tingnan ang mga last messages ko habang pinaandar naman ni Kuya ang kotse.Napakunot noo ako habang tinitingnan ang wallpaper ko.

Hell no!!!

"Kuya, sino...sino nangialam ng phone ko?" takang tanong ko habang tinititigan ang hawak ko.

"Huh? Wala. Ikaw lang naman ang may hawak niyan ah?" takang tanong nito habang nakatingin sa side mirror.

Napakunot noo ako.

Kung ganoon ay kaya pala iba rin ang ringtone ng cellphone ko kanina nang magising ako. At...pati ang wallpaper ay naiba rin.

ARGHHHH!!!

Patay ako pag may nakakita nito. Baka akalain pa nila eh may gusto ako sa shokoy na ito.

Napatingin ulit ako rito. Akala mo kung sinong gwapo at naka-fierce look pa ang dating. Ano siya, pa-hot? Nakasuot ito ng hawaiian shirt habang nakabukas ang unang tatlong butones nito. Hindi naman kita ang buong katawan niya gayong mas malapit siya sa camera ng kinuhaan ng litrato. Nakaayos rin ang buhok nito na akala mo ay artista.

Agad kong pinalitan ang wallpaper at inilagay ang picture ko.

Damn! I know this is weird but yeah... I'm gonna kill Aly. I mean,the another Aly! Sino ba naman kasing baliw ang ilalagay sa wallpaper ang mukha ng kaaway niya? Tss...

Saktong pagdating naman namin sa school nang mapalitan ko na ito kaya iniligpit ko na agad ang cellphone sa bag ko. Mamaya ko na lang ipagpatuloy ang ginagawa ko.Nang makapasok na ako ay agad namang humarurot paalis ang kotse ni kuya.

Oh my! Nakaka-miss pumasok sa school... Agad na hinanap ng paningin ko si Sophie.

"Tss... Nasaan na yun?" tanong ko sa sarili.

"Aly!!!"

Agad akong napalingon sa tumawag sa akin nang mapansin ang isang babaeng tumatakbo sa direksyon ko. Wait...

"Aly!!! "

Sino 'to?

"Uyy!! Ayos ka lang?" tanong nito sa akin saka iwinagayway ang kamay sa harap ko.

"Sophie?"

"Eh?? Uy, Aly? Ano ba?! Malamang ako to??!"

Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa kanya.

"Bakit...bakit iba buhok mo?" tanong ko rito.

"Duh?? Nagpagupit tayo last time ah," pambabara nito sa akin. Huh?!

Bakit hindi naman nagbago ang buhok ko?

"Tss...yan ba ang change na gusto mo, Aly?" tanong nito sa akin.

"Change?"

"Sabi mo, gusto mo magbago...kaya sinamahan kita sa trip mo...tingnan mo likuran ng tenga mo,"

Napakunot noo ako. Agad niyang iniharap sa akin ang salamin at pinatingin ang nasa likuran ng tenga ko.

Oh no...This can't be happening!!! Who the hell make me do this!!For God sake!! Sino naglagay ng Kei na tattoo sa bandang likuran ng tenga ko!!

Shit!

"See?"

"Wait...ako nagpalagay nito?" takang tanong ko kay Sophie.

"Yeah...sabi mo magpa-tatto rin ako but i resist so in exchange nagpakulay na lang ako then nagpa gupit ng buhok," litanya nito.

Ang weird...

Hindi ba siya nagtataka kung bakit nakasulat name ni Kei sa tattoo ko?

"Nga pala...you promise to tell me who this Kei is...Sabi mo kasi love of your life mo siya eh...sooo... sino si Kei? Hehehe," curious na tanong nito.

Oh God Aly...

What have you done??!!!

"Huh? Ahh, ehh..."

Pilit akong naghahanap ng pwede kong isagot sa kanya habang seryosong nakatingin sa akin si Sophie at naghihintay ng sagot.

Shit naman kasi eh. Ano ba naman ito, Aly!!!

Maya-maya ay bigla itong napasigaw at napahawak pa sa bibig nito na para bang gulat na gulat.

"Don't tell me..."

Nanlaki ang mga mata ko.

Wait...wait...wag mong sabihing kilala na niya?! Arghhh!! I'm not saying na ang 'Kei' na ito ay si Keifer pero siya lang naman kasi ang kilala kong Kei eh..

"I knew it!" nakangising saad ni Sophie habang nakakalokong nakatingin sa akin.

"Huh? W-wait...hi-hindi siya yun..."

"Sus...maniwala!"

"Hi-hindi nga!!"

"Eh sino? Huh? Sige nga!!" nanghahamon na saad nito.

"Eh...hindi naman kasi yun yun eh!!" angil ko.

Mahina lang naman ang boses ko gayong may mga tao rin sa paligid.

"Tssss...sabihin mo na lang kasi kung sino kasi kung hindi, iisipin kong siya talaga yun...hahaha,"

"Ehhh!! Hindi nga kasi ganun yun eh,"

"Eh, sino nga?" pangungulit nito sa akin.

"Basta hindi siya!"

Natahimik ito kaya naman awkward akong napatingin sa kanya. Masyado ba akong defensive??

"Haist! Malalaman ko rin kung sino yang Kei na yan! Ngayon ay pumasok muna tayo late na pala tayo eh," natatarantang suhestiyon niya saka tumingin sa kanyang relo.

Napabuntong hininga ako saka napatingin sa daanan namin. Sabay na kaming naglakad papunta sa room. Haist...pati ang hallway ay na-miss ko na rin. Nang makapasok na kami ay laking gulat ko nang makitang lahat sila ay nakatingin sa amin, partikular na sa akin.

Bahagya akong nataranta dahil baka nakakatawa pala ang mukha ko o di kaya naman ay may dumi sa pisngi ko kaya naman pasimple kong kinalabit si Sophie.

"Psst..."

"Hmm??"

Umupo ito sa kanyang upuan at ganoon rin ako ngunit nasa akin pa rin ang kanilang atensyon.

"Bakit nakatingin silang lahat sa akin?" takang tanong ko.

"Hmm..." saka inikot niya ang paningin sa paligid

"Bakit? Eh sa naninibago pa rin sila sa iyo eh,"

"Naninibago? Pa-paano, ba-bakit??" takang tanong ko.

"Haist...eto na naman ba tayo sa amnesia scheme mo?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"Sophie...hindi ako nagmamaang maangan okay, ano bang meron?" seryosong saad ko dito dahilan para magseryoso rin ito sa pagsagot. Halos magmakaawa na ako sa harap niya dahil sa alam kong hindi niya ako naintindihan.

Unti unti na akong tinutubuan ng kaba sa dibdib dahil sa mga tingin nila sa akin na para bang nandidiri sila sa akin. Natahimik si Sophie saka dahan dahang tumingin ulit sa akin.

"You flirt with their boyfriends, remember?"

H-Ha???

"A-Ano??"

"You don't remember?" takang tanong nito

Te-teka...Napayuko ako. Flirt? Ako? Sa boyfriend nila?

What??!!

"W-wait... actually not that flirting way tulad ng mga bitches but a little bit since kung sino sino ang pinag cha-chat mo last time. And it turns out, nakikita pala ng mga girlfriend nila."

The hell?? Seriously?? Laglag balikat akong napatulala sa harapan ko.Unti unti na ring namumuo ang mga luha sa mga mata ko at hindi ko maiwasang hindi masaktan sa tinging ibinabato sa akin. Mapait akong napangiti.

So, I'm acting weird again. Nung napunta ako sa ibang mundo?

"Huh?..." Walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. Para bang ang bawat tingin na iyon ay sapat para saktan ako.

Napayuko ako.

"Aly, you okay?"

Bakit... Bakit kailangang makaranas ako ng ganito?? Agad kong pinunasan ang namuuong luha sa mata ko bago pa ito tumulo at pilit ngiting tumingin sa kanya.

"Yeah...ayos lang..."

"We need to talk after class, okay?"

Tumango na lamang ako at saktong pagpasok ng prof namin. Buong klase akong wala sa sarili. Nakatingin lamang ako sa labas ng room at tinitingnan ang mga taong dumadaan sa labas.

"Tss...akala mo maganda."

"Kaya nga"

"Nakakarindi pa ang tawag niya sa boyfriend ko, ano daw Darling? Hahaha nagpapatawa ba siya??"

Kaliwa't kanang bulungan ang naririnig ko habang naglalakad kami ni Sophie papunta sa cafeteria. Nanatili lamang ako sa table kaya rinig na rinig ko ang bulungan sa kabilang table.

"Ang kapal ng mukha! Sino ba kasi yan!" naiinis at nanggigil na saad ng isang babae sa likuran ko.

Hindi ko sila nakikita ngunit ramdam ko ang inis nila sa akin. Napayuko ako sa table. Ano ba namang sitwasyon to? Wala akong magawa! Wala akong masabi para maipagtanggol ang sarili ko!.

Anong sasabihin ko? Na...hindi ako ang gumawa noon kung hindi ang taong kamukha ko na palaging pumapalit sa akin tuwing napupunta ako sa ibang mundo? Iyon ba? Maniniwala ba sila sa akin? Napariin ang pagpikit ko ng mata habang pinipilit na hindi umiyak.

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko habang nakatingin sa ibaba.

Aly... Ano bang ginawa mo??

"Ay! sorry natapon..."

Nakaramdam ako ng malamig na tubig na nahulog sa aking harapan at nabasa nito ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa.

Shit! Yung notebook ko. Nataranta ako sa pagliligpit para lang hindi mabasa ang lahat ng pahina nito.

"Hahahaha," Mas lumakas pa ang tawanan ng mga ito nang makita kung gaano ako kataranta.Tuluyan nang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Bakit??!!!

Gusto kong sumigaw! Gusto kong murahin sila! Gusto kong lumaban! Hindi ako to eh! Hindi ako yung tipo ng tao na nagpapaapi! Hindi ako yung tipo ng tao na nagpapaapak sa kung sino!!

Pero...Pero bakit wala akong magawa??! Bakit hindi ko makayang tumingin sa kanila ng taas noo??

"Ohh...pathetic, ang babaeng tulad ni Aly ay umiiyak na? Wow! That's a great news! Hahaha," tawang tawang sambit ng isang babae

Dahan-dahan kong iniangat ang tingin at nakita ang isang babaeng hindi ko naman kilala. Nakataas ang mga kilay nito habang nanliliit na nakatingin sa akin.

"Hm, bakit hindi ka na lumalaban, Aly?" nang-iinsulto na tanong nito.

Sunod sunod na tawanan uli ang narinig ko mula sa kanila ngunit wala akong nagawa. Shit naman Aly!! Hindi ikaw to!! Lumaban ka!! Dahan dahan akong tumayo ngunit nakayuko pa rin ako at humarap sa direksyon niya at tumingin sa kanya.

"Ohhh, may mukha ka pa rin pa lang ihaharap sa amin,huh? Hahaha... sa dinami dami ng lalaki rito sa school ay ang mga may girlfriend pa talaga ang pinatos mo! Hahaha, desperada ka na ba girl?" nakangising tanong nito.

Napayuko ulit ako.Bakit? Bakit kailangan niya pang ipamukha sa akin iyon? Kahit kailan ay wala akong nilandi! Kahit kailan ay wala akong ginawang masama sa kanila!!

"Oh baka naman...sasabihin mo na namang kami ang nang-agaw... dahil sa iyo lang ang darling mo...hahaha,"

Halos manlaki ang mga mata ko at nag-igting ang mga tenga ko.

Darling??

"H-ha?" wala sa sariling tanong ko.

"Haha... nagi-imagine ka girl? Hahaha," malakas na sigaw ng isa.

"Darling daw niya, like duh?? Wake up girl! Boyfriend ko yun!Haha," sigaw naman ng isa

"A-anong pinagsasabi niyo??"

"Maka-darling wagas! Ano ka, chix? Haha, di papatol boyfriend ko sa'yo noh!"

"Ano bang pinagsasabi niyo??"

Naguguluhan na ako...Please tama na...

"Bitch!"

Tama na...

"Di ka maganda, uy!"

Pakiusap... Hindi ko na maramdaman ang sarili ko na nakatayo dahil lahat ng bigat ko ay para bang nawala. Pakiramdam ko ay nakalutang ako.

Ang sakit. Bakit?! Ano bang ginawa ko?!!!

Bakit... bakit kung kailan nakabalik na ako, ay saka naman akong napunta sa ganitong sitwasyon?! Wala akong alam sa sinasabi niyo!!! Maya maya ay isang malakas na sigaw ang nagpatigil sa lahat

"SABI NANG TIGIL NA EH!" malakas na sigaw ni Sophie kasunod ng isang malakas na sampal sa mukha ng babae sa harapan ko. Halos hindi ako makagalaw matapos makita ang babaeng pulang pula ang pisngi dahil sa pagkakasampal ni Sophie.

'Sophie...'

"Pag sinabing tama na, tama na... naiintindihan niyo ba?" malamig na saad ni Sophie na ikinatahimik ng lahat.

"Si-sino...sino ka naman?" matapang na tanong ng babae.

"Ako?" nakangising tanong nito sa babae.

"Malamang!" naiinis na sigaw ng babae.

Mas lalong napangisi si Sophie.

"Sophie, nice to meet you," saad nito saka nakangising inilahad ang kamay sa kaharap.

"Like I care!!" galit na sigaw ng babae.

"YOU ASKED ME, BITCH!" sigaw nito na ikinagulat ng babae. I don't know if she's joking or what but I think she's pissed of.

"Tch!" saad nito saka humarap sa akin.

"Di pa ako tapos sa'yo, bitch!" saad nito saka tumalikod sa amin ngunit bago pa ito makaalis ay biglang hinila ni Sophie ang kamay nito.

"So do I. I'm not yet done with you as well."

Ngunit imbes na humarap ito ay mabilis na tinapik ng babae ang kamay ni Sophie na nakahawak sa kanya at dahil sa hindi ito inaasahan ni Sophie ay mabilis siyang napaupo sa sahig.

Sophie! Akma na akong lalapit sa kanya ng humarap sa amin ang babae.

"Don't mess with me! You slut! Pareho lang naman kayo eh! I don't know who the hell you are, Ms. Sophie but this girl beside you, known as Aly Vasper is flirting with our boyfriend. And guess what? She even tell us na kami na ang mag-back off since kami ang pangalawa at siya ang kauna unahang darling ng mga boyfriend namin, like duh? Is she insane?" hindi makapaniwalang saad nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.

Napakuyom ako ng kamao. She hurt Sophie because I hurt them. Ako ba may kasalanan ng lahat ng ito?I-aangat ko na sana ang mukha ko ng isang malutong na sampal ang umabot sa pisngi ko.

Pak!

Agad akong napahawak rito dahil sa sobrang lakas. At dahan dahan akong napatingin sa taong iyon.

Ve-Veena...

"You deserve it, Aly..." nakataas na kilay na saad nito.

Mas lalo pa akong naluha ng makita kung sino ang kasama nito na kasalukuyang nakatingin rin sa akin.




Authors Note: 

Hi! I just published my new story yesterday entitled "Marrying A Manga Artist". I hope you'll still support me on that one. I'm sure that if you enjoy this story, then you'll also like that one. I'll start the update, hopefully next month. 



Sankyuu!

Continue Reading

You'll Also Like

65.1K 3.2K 29
They said that a nerd can't love a snobber. But in the end, a nerd suddenly fell in love with a snobber. Meet Nathan Liu Anderson a half-korean and...
41.9K 1.5K 18
Season Two Seventeen isn't Much Fucking Easier ---
66.4K 545 27
This STORY is under Renovation and Republish by my Second account @Mr_Ish2pid For continue Reading my Story please click the link Below ⬇⬇⬇⬇⬇ htt...
34.9K 1K 27
[THIS IS BASED ON THE MOVIE! I WILL BE CHANGING THE NAMES AND THE LINES] Jughead Jones and Veronica Lodge are very popular. They're rich and are step...