Serendipity

By injeelll

2.9K 263 6

[Completed] Kiana Fortunato, a young woman who sees her own life as an unfortunate life will fall in love to... More

SERENDIPITY
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Serendipity

Chapter 27

38 6 0
By injeelll

Home...


Tahimik kong hinihintay na magbukas ang elevator pero nangangawit na ang paa ko kakahintay, hindi pa rin 'yon nagbubukas. Inis kong nilingon ang paa ko at nakita ang nakakamatay na taas ng heels ko. Why do i even have to wear these?

"Ah, Ma'am, sasakay ka po ng elevator?"

Nilingon ko ang utility man na tumawag sa'kin. I smiled at him and nodded. Nagtaka naman ako dahil napakamot siya bigla sa ulo niya.

"Opo, eh kaso ang tagal bumukas."

"Ay, nako, Ma'am! Sira ho kasi 'yan."

Kumunot ang noo ko. Sira? E, kaninang pagpasok ko, nagamit ko pa 'to, ah?

"Paanong sira po? Kaninang umaga ay ayos pa naman po 'to?"

"Kani-kanina lang din po 'yan nasira, Ma'am. Dalawang oras pa raw ho bago makarating ang tinawagang mag-aayos." paliwanag niya.

I guess, i have no other choice.

"I'll just take the stairs po. Thank you!"

Habang naglalakad ay hindi ko inaasahang makasalubong si Keifer. Ilang araw na rin simula noong huli kaming mag-usap at dahil parehong abala sa trabaho ay hindi kami nagkaroon ng time na magkita. Actually, ngayon lang talaga kami nagkasalubong.

But i was shocked when he didn't even say hi to me. Nagulat ako nang dire-diretso lang siyang maglakad na parang hindi ako nakita. Usually, tuwing makikita niya ako kahit sa malayo pa lang ay ngingiti na siya at minsan ay kumakaway pa, but today's different. We were so close, but he acted as if he didn't see me or he didn't know me at all.

Naiwan akong nakatayo sa pwesto ko. Nagtatakang iniisip kung bakit naging gano'n ang trato niya. Ilang araw na simula nung hindi kami magkita at ngayon ay parang nag-iba siya bigla.

Lumingon ako patalikod para lang makita ang likod niya. And he didn't even dare to look back at me!

I dont know what's with Keifer. Why does he acted that way? Is he mad at me?

Pilit kong inalala ang naging huling pag-uusap namin at nagkasagutan kami no'n kaya siguro ganito ang trato niya sakin ngayon. After all, ilang araw na ang nakalipas. Maybe, after our conversation that day, he was really upset with me, but i didn't even apologize. I think, he has all the rights to be mad at me for what i've done.

"Thank you, Miss!"

Wala sa sariling tumango na lang ako sa babaeng kumuha ng inabot ko at saka dire-diretsong naglakad pabalik. Iniisip ko kung ano bang dapat na gawin. Should i just let Keifer treat me that way so that he can finally move on from me? But he's my friend! What if this will lead him to getting mad at me? I don't think kakayanin ko pang pakisamahan siya.

What should i do? The best way to do is to apologize. Kahit pa advantage yung galit niya para layuan niya ako at tuluyan niyang makalimutan ang feelings niya for me ay hindi ko kakayaning isipin ang sama ng loob niya sa'kin. For all the good things he did for me, hindi ko hahayaang ito ang maisusukli ko.

When i went to my table ay nabalutan ng labis na pagtataka ang isip ko. Malayo pa lang ay kapansin-pansin na ito dahil sa pulang-pulang ribbon nito, but hindi ko naman inaasahan na ganito ang madadatnan kom

"What's this?" Nagtatakang tanong ko kay Rica.

"Are you blind?" Maarteng tanong niya kaya naman lihim na lang akong napangiwi.

Muli kong sinipat ang bastket sa table ko. Medyo may kalakihan 'yon pero hindi naman OA sa laki. Gaya ng sabi ko, may malaking ribbon din 'yon na hanep sa pula kaya naman kahit nasa malayo ay mapapansin na talaga. Ang laman ng basket ay puro sweets. Hindi ko naman hilig ang mga 'to kaya imposibleng para sa'kin 'to. Aside from the fact that no one would buy something like this for me, wala naman talagang rason para bilhan ako ng ganito.

"Who put this here? I think, they're mistaken."

Rice turned to me with her usually bored eyes.

"Secretary ni Engr. Torres."

"What?!" Gulat na tanong ko.

Muli ko na namang nilingon 'yon at hindi ko talaga maiwasang magtaka. Now, this is even more weird. How come that this is from Keifer? Eh kanina nga ay daig ko pa ang hangin kung daan-daanan niya lang!

"Now, you're deaf."

Inis muna akong inirapan ni Rica bago umalis sa pwesto niya sa tabi ko. Hindi ko na siya pinansin pa at inisip na lang ang mas magulong set-up ngayon.

Napansin ko ang isang cute na card sa gilid ng basket kaya naman kinuha ko 'yon at binasa.

I know that you don't like eating sweets, but i want to give these to you for more energy. You can eat one each day for a week and read every letter behind its wrapper. I hope you will get my message at the end of the week. Don't you dare share it with others because these sweets are only meant for the sweetest girl i've ever met and love.

                                                                              - Keifer

Kunot-noong ibinaba ko ang hawak na card at saka sinilip ang bawat sweets. Halatang mamahalin dahil kakaiba ang design ng packaging. Halatang full of effort kaya naman hindi na rin ako nagtataka pero ano namang meron sa mga letters?

Keifer said that i should just eat one piece each day. Seven pieces ang nasa loob ng basket kaya naman enough talaga for a week. Napapabuntong hiningang itinabi ko na lang 'yon sa table ko at saka nagpatuloy sa trabaho. Thinking too much about it won't give me answers. Sasabayan ko na lang ang trip niya sa buhay.

"Are you sure that that's enough?" Tanong ni Archer nang makasakay ako sa kotse niya.

Ngayon ang araw na napag-usapan namin or siya lang talaga ang umaya sakin na pumunta kasama niya sa ancestral house na nabili niya dahil may balak siyang ibenta sakin 'to, kuno.

"We're just going to stay there for two days, right?"

"Yes. We're just going to take a look at it and i have to get some things done there."

"Hindi ka ba mahihirapan niyan?" Nag-aalalang tanong ko.

Naisip ko lang kasi na napakarami na niyang trabaho. May malaking project siya ngayon at balak niyang isabay ang renovations sa bagong bili niyang bahay.

"Why would i?" Walang ganang tanong niya.

I sighed

"You have a big project that is about to start next week and you're going to renovate a house. Isn't it hassle for you?"

"It's fine, Kiana."

"Why don't you just focus on one project only? It's a big project so you need to focus more to it. You can just postpone renovating your house because you can do it anytime you want unlike this project," suhestiyon ko.

"I can do both."

"But it's better for you to do one at a time. I'm just worried. You already have too much in your plate and you're barely taking care of yourself. I'm afraid that you will overload yourself with work and end up getting sick because of this."

"That won't happen, so you don't have to worry."

Mas lalo akong nangamba. Sa itsura pa lang niya ay para bang siguradong sigurado na siya. How can he be so calm when i'm so worried right here? Wala ba talaga siyang pakialam sa sarili niya?

"Your parents would be so worried. You don't have to do this for yourself. You've already reached the top, so stop doing too much things. It's time for you to take a break and focus on yourself more. Don't risk your health for work because this won't pay off."

"Look who's talking? Kiana, aren't you aware that you're workaholic too?"

Natigilan ako sa sinabi niya saka mahinang natawa. He's right, tho. Even i, i am so fond of my work that i sometimes forget the word rest.

"Not workaholic as you, Archer. But seriously, can't you just postpone the renovation first? It can wait."

"Hindi ko naman mapapabayaan ang sarili ko,"

"And how are you so sure of that?"

Saglit niya akong nilingon at nginitian dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kaniya. Kahit saang anggulo ay napaka gwapo niya. Maswerte ako dahil nakikita ko siya ng ganito kalapit. Abot kamay ko lang siya kahit na palaging parang napakalayo niya.

"You're gonna take care of me, right?"

Now, mas lalo akong natigilan. How can he say such thing straight into my face?!

"Ha?" Wala sa sariling tanong ko.

How am i be able to answer him? He's getting weirder each day! Palagi na lang siyang ganito and i hate it! He's making my heart beat like crazy yet he acts as if it's just nothing!

"I'm sure that even if i spend my whole life working, someone would be there for me to take care of me. Someone will always look out for me, so why would i worry if i know that someone always got my back? And that someone is you, Kiana, that's why i'm too confident. You're not gonna leave me and will always be at my back, right?"

Hindi ko nagawang sumagot. Pinagmasdan ko lang siya. Alam kong sincere siya sa sinasabi niya dahil kilala ko siya. I think, i've known him too long and too well. Even his eyes says it all. His smiling because he's happy and it's because of me!

"Kiana?"

I was caught off guard. Hindi ko namalayang saglit na naman akong nawala sa sarili ko kaya naman agad akong tumango at tipid na ngumiti sa kaniya.

"Of course, i'll never leave. I'll always look at you." I sincereley said.

"It's nice to always have someone who got your back and i'll do the same to you, Kiana. You're important that's why i'll never leave you, too."

"Until when?"

I want to ask him. Until when will he act like this? I'm getting confuse each day and now, i just want an answer. A clear answer to avoid getting hurt more.

"I'll stay with you until you find someone who will walk with you. I just got your back, but you need someone who will walk beside you and not who will just stay behind you. Someone who will hold your hand and fearlessly take the lead beside you."

"Why just stay in my back when you can just be beside me?" Wala sa sariling tanong ko.

He casually laugh dahilan para magtaka ako.

"You don't get it, don't you? What i'm trying to say is someone who's ready to spend the rest of his life with you. In our case, we just got each other's back because we're special to each other, but that doesn't mean that we can walk beside each other. There's a big difference with it so make sure to find someone who can hold your hand not just who can look out for you."

Maayos niyang ipinaliwanag sa'kin yon. Walang bahid ng kung ano, but why does it feel so painful? I understand him. Everything that he said, i understand it clearly, but why does it hurt? Why does it feel like my heart is broken apart by his words.

I faked a smile at him. I made sure that even myself can be fooled by the smile i gave to him. I want to make sure that everyone will believe that i'm okay with the words he just said.

"I will. I'll make sure to find the man who will walk beside me."

Matapos kong sabihin 'yon ay itinuon ko na lang sa labas ng bintana ang paningin ko. Pinagmasdan ko ang bawat gusaling nadadaanan namin.

This isn't for me. Why am i trying so hard? Ano ba talagang gusto ko? Why can't i get what i liked the most when all i do is just my best. Is my best really not enough? Am i really not enough or i'm just dreaming for something that i don't really deserve in the first place?

I don't want to be in his back. I don't want to look at him from behind. All i ever wanted is to be beside him. I want to walk beside him. I want to hold his hand and face the world with him.

I don't want to be with his shadow because what i want and need is him. Archer only.

"We're almost there."

Tumango na lang ako kay Archer bilang sagot saka muling ibinalik ang paningin sa labas. Papalubog na ang araw kaya naman mas gumanda ang tanawin. Wala ng mga building na makikita at panay mga simpleng bahay na lang ang nadadaanan ng sasakyan namin.

Nilingon ko ang katabi ko at napalitan ng pag-aalala ang mukha ko. Kaninang umaga pa siya nagmamaneho. Hindi ko naman alam kung ano bang pwede kong maitulong. I'm sure that he's already tired. Ako ngang nakaupo lang ay pagod na, siya pa kaya?

Hindi naman ako marunong mag drive. If i tried to help him by substituting as a driver, instead of trip to the province, we'll be possibly going on a trip to heaven!

I just watched him drive. A smile formed in my lips. He looks so cool while driving. The way his hands smoothly manouvered the steering wheel of the car. It's just so cool that i can't stop smiling.

"What are you staring at?"

Nagulat ako sa tanong niyang 'yon kaya naman agad akong umayos. Nakakahiyang nalaman niyang nakatingin ako sa kaniya!

"Nothing. I was just thinking of getting driving lessons."

"You're interested in driving?"

No.

"Yes. I saw you, Symon and Keifer drive a car and i think its cool. I want to try it too." I fakely answered.

"For sure, i'm cooler than those two."

Bahagya akong natawa.

"You're cold as ice. You shut people out!" Natatawang ani ko.

"I let one person in."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"I didn"t shut you out, Kiana. In fact, i let you in."

Muli akong napatitig sa kaniya, but then i remember our conversation earlier that's why i rolled my eyes at him.

"You almost did! I was just so persistent because everyone is worried about you, so you're left with no choice but just to let me in!"

Saglit niya akong nilingon saka tinawanan kaya naman natawa na rin ako. It's just so true. He was cold as ice. He talks so rude to everyone. He doesn't care about his surroundings anymore that sometimes, people get hurt by his actions and words.

But i was a persistent girl who tried my best to come in to his goddamn life. No matter how hurtful his actions and words are, i just ignored all of it and stayed with him because who will? I am the only one who have the tolerance to tolerate this side of him for over a year now.

"Wow..." manghang bulong ko matapos makarating sa ancestral house na sinasabi ni Archer.

I don't know what to say or how to describe aside from the word wonderful. Napakaganda at napakalaki ng bahay. Hindi ko pa man nagagawang libutin ang loob ay sapat na ang nakita ko para masabing mansyon ang isang 'to.

Their house in the city is much bigger but this one is just different. Since its an ancestral house, natural lang na maramdaman ang kalumaan ng style and everything in the house, but it speaks for its own elegance. It's beautiful.

"You like it?"

Hindi ko nagawang lingunin si Archer dahil nakatutok lang sa bahay ang paningin ko. Sinusuri ang bawat madaanan ng mga mata ko.

"Yeah. It's beautiful and elegant."

Nilingon ko siya at nginitian.

"You're right. Seeing it now makes me want to buy it."

"Sir Archer! Mabuti na lang at nakabalik ka na ulit dito!"

Nakangiting lumapit sa pwesto namin ang isang may edad ng ginang. I bet, she's in her late 40's. Bakas sa mukha ang pagiging magiliw at masiyahin.

"Nako at maggagabi na! Mabuti na lang at hindi ka inabutan ng gabi dahil magiging delikado na sa daan at baka mapano ka pa!" Muling aniya.

"It's nice to see you too, Manang Flor."

So her name is Manang Flor? Mukhang siya ang nakuha ni Archer na tagapangalaga ng bahay. Sa suot niya ay mukhang nagluluto siya. She's wearing a pink apron which make her look so cute.

"At sino naman itong magandang babaeng kasama mo?"

Nagulat ako nang nakangiting hawakan ni Manang Flor ang kamay ko. Todo ngiti siya sa'kin kaya naman kahit naiilang ay pinilit kong ngumiti rin.

"Hello po!" Sinubukan kong sabayan ang pagiging jolly niya.

"Hello din, Ma'am?"

Naiilang akong tumingin sa kaniya. Mukhang hinihintay niyang sabihin ko ang pangalan ko.

"Manang Flor, her name is Kiana and sinabi ko na pong 'wag niyo na akong tawaging Sir, 'di ba? Just Archer."

Parehas kaming napalingon nang magsalita si Archer. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil napakabait niya talaga. Kahit kailan ay hindi niya itinuring ang sarili niya bilang nakakaangat dahil dati, nabanggit niya sa'kin na para sa kaniya, lahat ng tao ay pantay- pantay.

I can't forget that. He once said to me na kahit gaano karaming achievements pa ang matanggap niya, kahit pa naabot niya na lahat ng pangarap niya, he will never be too high.

He believes that everyone has their own timing. It just happened that his timing is a little bit earlier than the others. He believes that everyone do their best every day so no one, even him, can be too high or too low.

"Napakaganda ng pangalan mo, Ma'am Kiana! Ako naman si Manang Flor. Ako ang nakuhang katiwala rito ni Archer."

"Ah, eh, Manang Flor, you can just call me Kiana," nahihiyang sambit ko.

Nginitian niya lang ako bago muling nilingon si Archer.

"Ito na ba ang nobya mo?"

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Napakalaki ng ngiti niya sa labi ngayon at katulad ko, nagulat rin si Archer sa naging tanong niya.

"Hindi po!"

"No!"

Nagkatinginan kami ni Archer dahil sa sabay naming sagot. Nagpapalit-palit naman sa'ming dalawa ang tingin ni Manang Flor.

"Ay, sayang naman at napaka ganda niyong tignan! Ano ba ang relasyon niyo sa isa't isa?"

Napalingon ako kay Archer. I'm waiting for him to answer. Ano nga lang ba ako sa kaniya?

But Archer didn't answer her. Instead, napakalayo ng sinabi ni Archer sa tanong ni Manang Flor

"Aren't you cooking, Manang Flor? You're wearing an apron."

Nanlaki ang dalawang mata ni Manang Flor dahil mukhang nawala rin sa isip niya ang kaninang ginagawa

"Oo nga pala! Ako ay nagluluto na ng hapunan dahil nasabi mo ngang darating ka! Natuwa naman ako kaya gusto kong salubungin ka at nakita kong may kasama ka pang napakagandang dalaga! Nawala na sa isip ko ang aking niluluto!"

Hindi ko maiwasang hindi matawa kay Manang Flor. She's so cute. Mukhang sobrang saya niya nga dahil sa pagbisita ni Archer.

"Sige at mauuna na akong pumasok sa loob dahil baka masunog ang niluluto ko! Dalian niyo ring pumasok dahil gumagabi na at baka lamukin kayo rito!"

Hindi na kami hinintay pa ni Manang Flor na makasagot at saka dali-dali na siyang tumakbo papasok sa loob. Pinanood na lang namin siya ni Archer na tumakbo. Ako man ay natatawa dahil mukhang napakabait ni Manang Flor at mukhang masaya kasama.

"You can go inside too." Napalingon ako kay Archer nang magsalita niya. He's smiling at me.

"Ha?" Takang tanong ko.

"Pumasok ka na sa loob dahil gabi na."

"How about you?"

"Dadalhin ko pa ang mga gamit natin."

Agad akong ngumiti. Grabe na ang abala ko sa kaniya! Nakakahiya kung iaasa ko pa sa kaniya ang gamit ko.

"I'll get mine too. Sabay na tayo."

"You sure?"

I just nodded at him at nanguna na pabalik sa sasakyan. Kinuha ko ang mga gamit ko pati na rin ang sa kaniya at saka inabot yon.

"I'll carry that for you." Presinta niya habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay.

Umiling ako at ngumiti. Itinaas ko pa ang bitbit kong bag para ipakitang kayang kaya ko na 'to.

"I can carry it. Magaan lang naman."

"I'm sure you're already tired. Mahaba ang naging byahe natin."

Napangiwi ako dahil sa sinabi niya. How can he worry about me if i'm tired, eh, saming dalawa, siya ang pinakapagod. Ako naman ay nakaupo lang at paminsan- minsan ay nakakaidlip sa byahe.

"Hindi naman. Ikaw nga dyan ang pagod! Nagmaneho ka kaya buong araw!"

"That's nothing. You like it here so there's no point to be tired. At least it's worth it."

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Nagwala na naman ang puso ko. Masiyadong mabilis ang naging tibok nito dahilan para wala akong ibang maisip kung hindi ang mga sinabi niya.

There he goes again. Saying words that can actually make girls heart flutter. Words that can make my heart flutter.

"Come on, Kiana! Gumagabi na!" Sigaw niya.

I sighed. I should be more careful. I should always keep in mind that whatever he says, there's no meaning behind it. It's just pure kindness. There's nothing for me to assume.

"Eto na!" Sigaw ko rin pabalik saka tumakbo papalapit sa kaniya para makasabay sa paglalakad.

Masaya kong pinanood si Manang Flor na ihain lahat ng iniluto niya. Amoy pa lang ay alam ko ng masarap ang mga yon pero ngayong nasa harapan ko na sila ay hindi ko maiwasang hindi matakam.

"Sana po ay hinayaan niyo na lang akong tulungan ka," nahihiyang sambit ko.

Dito kasi ako dumeretso sa kusina. Nakakahiya naman kasing hindi ako tumulong habang nandito at saka napakabango ng niluluto niya dahilan para hindi ko maiwasang hindi matakam talaga. Nag presinta akong tumulong kahit sa paghahain na lang, but he just made me sit on the chair at hinayaang panoorin siya sa ginagawa.

"Alam kong mahaba ang naging byahe niyo at pagod na kayo kaya naman hayaan niyo na ako. Hindi naman mabigat na trabaho ang pagluluto, hija." nakangiting sabi niya.

"I'm sure you had a long day, too. Gusto ko lang pong makatulong sana dahil mukhang masarap ang niluluto mo."

Natawa siya sa sinabi ko dahilan para bahagya rin akong matawa. Ang mga inihain niya ay puro seafoods. Hindi ko man hilig 'to ay paniguradong marami ang makakain ko.

"Hindi naman. D'yan lang sa malapit ang bahay ko at hindi naman mabigat ang trabaho ko dito. Sa katunayan nga ay ngayon ko lang naramdaman na may trabaho ako dahil ngayon lang ulit nagkaro'n ng tao dito! Nako, ako nga'y natuwa nang ibalita sa'kin ni Archer na balak niyang bumisita at mas natuwa pa ako nang makita kita!"

"He was just trying to show me this house po. He said that he would make some renovations and jokingly said that he would sell this to me later. Sinabayan ko na lang po ang trip niya."

"Ay, oo nga pala! Nasabi niya ngang balak niyang ipaayos ang ilang kwarto rito sa bahay dahil may mga sira na. Luma na kasi talaga ang bahay na 'to. Panahon pa yata ng mga Español nang maitayo ang bahay na ito at naalagaan lang ng maayos ng dating may-ari kaya hanggang ngayon ay nakatayo pa. Pero sigurado ka bang hindi ka nobya ni Archer? Hindi ako nagbibiro noong sinabi kong bagay kayong dalawa! Aba't may kakaiba noong tinignan ko kayo! Aakalain ko talaga na may espesyal na relasyon kayo sa isa't isa!"

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Nakakaaliw ang paraan niya ng pakikipag-usap. Kumpara sa mga kaedaran niya, kung makipag-usap siya ay para siyang bata dahilan para mabawasan ang hiya ko.

"Hindi po talaga. We're just friends po."

"Friends, friends, nako! Ang tatay at nanay ko ay dyan rin nag-umpisa! Todo tanggi at panay sabing magkaibigan lang, e, tignan mo ngayon? Ako'y narito at ngayon ay may anak na rin!"

I laughed again "Totoo pong magkaibigan lang talaga kami. He just see me as his friend. Nothing more, nothing less."

"E, ikaw? Ano bang tingin mo sa kaniya?"

Natigilan ako dahil sa biglang pagseryoso ni Manang Flor. Nakangiti man siya ay ramdam ko ang pagiging seryoso niya.

"Po?"

"Ikaw, Kiana, ano bang tingin mo sa kaniya? Kung si Archer ay kaibigan lang ang tingin sayo, ano namang tingin mo kay Archer?"

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Bakit napaka prangka niya? Ano bang dapat kong isagot? Kakakilala ko pa lang naman sa kaniya, ah!

"Naiintindihan ko, hija. Naging bata rin ako at isang dalaga. Lahat ng pinagdaraanan mo ngayon ay napagdaanan ko na rin at sinasabi ko sayo, normal lang lahat ng yan. Maaari mong itanggi sa ibang tao ang nararamdaman mo. Maaaring maloko mo ang lahat ng nasa paligid mo pero kahit kailanman ay hindi mo maloloko ang sarili mo dahil ikaw mismo, kilala mo kung ano at sino ka. Higit sa sino pa man, ikaw ang nakakaramdam niyan. Hindi mo kailangang itanggi at magsinungaling dahil madalas, mas masarap ang magpakatotoo lalo na sa nararamdaman mo."

I stared at her. She was sincere while saying it. She smiled at me at saka muling bumalik sa ginagawa habang ako naman ay naiwang nakatulala. How can she tell me something like that when she just met me? Wala pa ngang isang araw simula nang magkakilala kami.

But even though we just met, i feel comfortable. I find her words comforting. It's like a magical word that can reach my heart.

"How can you do that? Paano niyo po nagagawang pagaanin ang loob ko?" Biglang tanong ko.

Nilingon niya ako saka nginitian nang malaki.

"Isa akong ina at may anak akong babae. Nakikita ko sayo ang anak kong babae kaya naman gusto kong kausapin ka batay sa kung anong nakita ko. Kahit na saglit na oras pa lang kitang nakakasama, sinabi na lahat ng mga mata mo kung anong nilalaman niyang puso mo at pakiramdam ko ay kailangan mo lang ng isang ina."

"Paano niyo po nalaman na wala akong nanay?"

Kumunot ang noo niya dahil sa naging tanong ko.

"Wala kang nanay?" Inosenteng tanong niya kaya naman umawang ang labi ko.

"Nako, Kiana, pasensiya na at hindi ko alam." Agad na sabi niya.

Malungkot akong napangiti. There's nothing to be sorry about me having no mother by my side.

"It's okay, Manang Flor."

Napatungo ako. Pakiramdam ko ay nawalan na ako ng ganang kumain. Noong nakaraan lang ay hinahanap hanap ko ang nanay ko at ngayon ay heto na naman ako. Nangungulila sa isang taong kahit kailan ay hindi ko man lang nasilayan.

"Kiana, lahat ng tao ay may nanay. Ang pagiging isang ina ay hindi nababase sa dugo. Ang pagiging isang ina ay isang pakiramdam. Ang pagmamahal na walang katumbas na halaga. H'wag mo sabihing wala kang nanay dahil naniniwala akong meron. Hindi man siya ang nagluwal sayo, may isang taong gumabay sayo sa bawat daang tinatahak mo."

Hindi na lang ako sumagot. Hindi ko naintindihan lahat ng sinabi niya. Pakiramdam ko ay nabingi ako bigla or ayaw ko lang talagang intindihin ang sinasabi niya?

"Paano ba 'to?" Inis na bulong ko habang sinusubukang ibuka ang shell ng kinakain ko.

Kanina ko pa 'to sinusubukan pero hindi ko talaga magawa. Pakiramdam ko ay nawala na ang gutom ko dahil masiyado nang nakatutok ang atensyon ko sa pagbubukas nito.

"Let me help you."

Nagulat ako nang hawakan ni Archer ang kamay ko at kunin ang hawak ko. Hindi sa akin nakatuon ang pansin niya kung hindi sa hawak ko kanina.

"This is how you do it..."

Marahan niyang ipinaliwanag kung paano ang tamang pagbubukas at pagkain no'n. Tahimik ko siyang pinagmasdan. How can he act so casual while my heart is beating so damn fast?

"This way, your hands won't hurt." he said after explaining it to me.

Tumango na lang ako at tahimik na kumain. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko kaya naman mas minabuti kong manahimik na lang.

Mabuti na lang at wala dito si Manang Flor. Ang sabi niya ay kailangan niyang umuwi dahil nandon ang mga anak niya at sabay-sabay silang maghahapunan.

"I'll do the dishes," tipid ang ngiting sabi ko matapos naming dalawa kumain.

"Just go upstairs. I'll do this one."

Pinilit kong labanan ang tingin niya pero sumuko rin ako kaagad. Wala akong gana na makipag matigasan sa kaniya ngayon kaya naman tumango na lang ako at tahimik na pumanhik sa taas.

Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad kong inayos lahat ng gamit ko. Mukhang kanina pa naiayos ni Archer ang mga gamit niya dahil galing siya sa kwarto niya bago bumaba sa dining area.

Nang matapos ako sa ginagawa ay saglit kong sinilip si Archer. Isang oras din siguro akong nag stay sa kwarto ko. Di hamak na mas malaki rin yon kaysa sa naging kwarto ko noong nasa bahay ako ni Keifer. Sabagay, una pa lang ay kapansin-pansin na talaga ang laki ng bahay.

Nakita ko si Archer na nakaupo habang nakatutok ang pansin si laptop. Napailing na lang ako. Kahit na gabing-gabi na at wala siya sa city ay trabaho pa rin ang inaatupag niya. But i guess not. Madalas, kapag ganitong oras ay nag-a-update sa kaniya ang mga inihire niya sa paghahanap kay Celine.

Until now, there's still no lead where she is. All of us are getting worried each day. Habang lumilipas ang araw at wala kaming nababalitaan sa kaniya ay nadaragdagan ang kaba naming lahat.

I wonder how Symon would feel right now. I'm sure that he's really disappointed. Ramdam na ramdam ko ang pangugulila niya sa kapatid at ang paninisi niya sa sarili. Even though he's not to blame, he can't see anyone to be blamed. Tanging sarili niya lang ang naiisip niyang may kasalanan kung bakit nagkaganito ang sitwasyon.

Hindi na lang ako lumapit kay Archer. I chose to stay silent and walk away. Maganda naman ang panahon sa labas kahit medyo malalim na ang gabi.

Nang makarating ako sa labas ay agad na sumalubong sa'kin ang malamig na hangin. Napayakap pa ako sa sarili dahil sa lamig. Medyo may kanipisan ang suot ko dahil matutulog na sana ako pero kaya ko namang tiisin ang lamig and besides, hindi pa naman ako inaantok.

Tahimik akong naglakad lakad. Masiyadong malawak ang buong bahay maging sa labas nito. Wala na rin masiyadong makikita dahil madilim na. Habang yakap- yakap ang sarili ay nakatingala akong naglakad.

Napakaliwanag ng buwan. Maging ang mga bituin sa paligid nito ay nagkikinangan.

If the moon can only speak for itself, i'm sure that it would thank all the stars for staying. The stars above always stay with the moon in the darkest times. It shines with it so it wouldn't feel lonely while shining alone in the dark. Both of them stayed beside each other giving light and direction to whomever sees them. They shine for anyone, but no one shines for them aside from theirselves only.

Nang makakita ng upuan ay agad akong lumapit do'n. Pakiramdam ko ay nakaabot na ako sa likod ng bahay dahil mas madilim na sa parteng ito. Ang tanging ilaw na lang talaga ay ang buwan at mga bituin.

Hindi ko alam kung ilang minuto o kung gaano ako katagal na nakatitig sa itaas. Nagulat na lang ako nang maramdaman ang isang kumot na bumalot sa'kin.

Nagbaba ako ng tingin at nakita ang mga seryosong mata ni Archer. I was shocked. How did he find out that i am here?

"Archer?"

He didn't answer me and just sat beside me. Agad naman akong umusog para mabigyan siya ng kumportableng space.

"How did you know that i'm here?"

"I went to your room, but you were not there. I searched the whole house until i find you here. Sitting alone while smiling."

Agad akong nahiya. Siguro ay mukha akong tanga no'ng nakita niya ako!

"What were you smiling at earlier? You look so happy. I didn't intend to interrupt you, but it's so cold out here and you might get sick."

"Thank you. I was just taking a walk at dito ako dinala ng mga paa ko. It's so nice in here tho, kahit medyo malamig." i laughed in the end, but it seems like he didn't care kaya naman muli na lang akong tumingin sa taas at ngumiti.

"I was just staring at the moon and the stars. I was just thinking how the stars always stay with the moon in the dark."

"Because they'll only shine in the dark, Kiana."

Bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya. Tama nga naman siya.

"It's just so beautiful. They shine together at night to shine for anyone who always feel dark. The stars and the moon always stay with each other throughout the night to give light and direction."

I sighed. I wish, i can be a star someday.

"I read that stars gives direction to the lost. Once you followed it, you will be on your target destination. I wonder if i have a star. Is there a star for me? It always seems like my life has no direction at all. I don't know where i'm going."

"Where is your target destination?"

Natigilan ako dahil sa tanong ni Archer. Akala ko ay multo ang kasama ko dahil wala naman akong maramdaman. Mas malala pa nga siya sa multo. At least yun may paramdam kahit kaunti.

"Sometimes, we all think that our life has no direction. We think that we can't overcome this and will just always stay like this, but where are we really going? We won't know. We will never know because sometimes, there's no really a target destination. Sometimes, we just go with the path where we think is the best, but we don't know where we should stop. There's no such thing as target destination because all we have in life is just checkpoints. All the achievements and even the failures that we had, it's all just a checkpoint that we stop by and then continue to go on again."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Sa totoo lang ay wala akong naintindihan. Ang mahalaga ay naririnig ko ang boses niya. Pakiramdam ko ay gumagaan na talaga ang pakiramdam ko.

"Why did you become an Engineer? Is it because of your family? Or personal choice?"

"I chose to become an Engineer because i want to do it. I love doing it. I love building houses where a family can call it their home. I want to build anything that people cam be excited to go at. I want people to have a place where they can go when things get rough."

"Schools are built by the Engineers. I hate going there. That is where life gets rough!" natatawang saad ko.

Bahagya rin naman siyang natawa. Nakatitig rin siya sa langit kaya naman nang ibinaba ako ang tingin ko sa kaniya ay napagmasdan ko ang magandang tawa niya. Ang liwanag na ibinibigay ng buwan at mga bituin ang nagbigay kislap sa napakagandang mga mata niya.

"I want you to be the Engineer for my house. I don't want it to just be called a house. I want it to be a home where i would look forward to go at the end of the day. I want a home and not just a house, Archer."

Nagbaba siya sa'kin ng tingin. Ang mga mata niya ngayon ay napakaseryoso na. Hindi ko inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig ko dahil nagkusa. Para bang nagsalita na ng kusa ang puso ko.

"Why?" He seriously asked.

I smiled at him genuinely.

Because you are my home.




Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 172K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
729K 10.2K 53
Leigh Scarlett Alegre has everything she needed. Materyal na bagay, pera, at edukasyon. Naging marangya ang buhay niya dahil naiibigay sa kanya ang l...
563K 18.1K 48
Every summer has a story. Every story has a sinner. Monteverde Series 5 Alexiana Callisto Monteverde © All rights reserved. Property of Patyeah (Pa...
12.6K 265 39
COMPLETED: AFFECTION SERIES #1 A group of friends are known for being successful on their own way, Mariatracia Jaren Pores is one of them. She's know...