Beauty and the Beast

By hyunjiwon_sg4ever

288K 7.5K 588

Fairytale Series #1: Saerin Gail Dela Cruz is a simple ordinary student who dreams to have her freedom to mak... More

Simula
#1: She's the Beauty of the Beast
#2: Flashback
#3: Ang Paglayas
#4: The Beast
#5: Yung Katabing Bahay
#6: Reality
#7: Rason
#8: Know Him Better
#9: Lumuhod?
#10: Effect
#11: Confuse
#12: Iisang Bubong
#13: 6417
#14: Three Years Ago
#15: Anino
#16: His Mom
#17: Three Hours
#18: Marry Me
#19: JAIL
#20: Celebrating Alone
#21: Beauty and the Beast
#22: Ma Femme
#23: Darryl Castro
#24: Offer
#25: Magic Words
#27: Hindi Bagay
#28: Selfish
#29: Obsession
#30: Fear
#31: Stay
#32: His Secret
#33: Surrender
#34: Under a Curse
#35: First Love
#36: Friendly Kiss
#37: Hindi Pwede
#38: Blueprint
#39: Layuan Mo
#40: Fine
#41: Totoo
#42: Tayong Dalawa
#43: Sai
#44: Anything
#45: Promise
#46: Naaalala
#47: Hate
#48: Wala Na
#49: Right Time
#50: Goodbye
Wakas
Untold #1
Untold #2

#26: Kiss

4.5K 122 7
By hyunjiwon_sg4ever

Kabanata 26: Kiss

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Buong biyahe namin ni Jared papunta doon sa party ay hindi ako umimik. Nalunod na ata ako sa mga iniisip ko dahil sa sinabi kahapon ni Chanel tungkol kay Jared. I was about to ask her to expand what she said but then suddenly Jerome appeared then she leave. May mga bagay tuloy na gumugulo sa akin mula kahapon hanggang ngayon. Wala na nga sa focus ko yung party chuchu na ‘to eh.

“May problema ka ba Gail?” Jared asked. I looked at him and slowly shook my head. He sighed then he focused again his attention on the road.

“Napansin ko kasi na parang ang lalim ng iniisip mo, ayaw mo na bang tumuloy doon sa party? Maybe we can just go home if you’re not feeling well” sabi habang nagmamaneho.

Napayuko naman ako at napatingin doon sa mga daliri ko. Gusto ko sana siyang tanungin about doon sa nalaman ko pero parang hindi iyon ang tamang oras para doon. Masyado na siyang abala sa maraming bagay at ayoko namang dumagdag sa mga alalahanin niya.

“Wala, okay lang talaga ako Jared” sabi ko sa kanya at tumingin na lang sa daan.

“Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin okay?” he sincerely said as I felt his free hand held my left hand. Napatingin naman ako sa kanya pero diretso lang ang tingin niya sa daan. Tinignan ko yung magkahawak naming kamay.

Palihim akong napangiti doon. Lihim akong nanalangin na sana tama ang lahat ng nangyayari sa buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ni Chanel sa sinabi niya pero sana hindi ako masaktan. I’m afraid that my decisions I made were wrong. Ayokong patunayan sa mga magulang ko na tama sila, na lahat ng desisyon ko hindi makakabuti sa akin. I want to prove to them that I can decide on my own.

Tumingin na lang ulit ako sa malayo para i-divert ang isip ko sa pag-iisip. I closed my eyes and tried to find peace in my heart. Kailangan kong mai-condition ang sarili ko para sa party na iyon. Ayokong mapahiya si Jared ng dahil sa akin.

Psh! Kung bakit naman kasi kailangang kasama pa ako?

Huminga ako ng malalim at isinandal ang ulo ko sa may headrest tapos ay pinikit ko ang mata ko. Ayoko na sanang mag-isip pa ng kung ano pero hindi ko maiwasan. Pakiramdam ko tuloy madidistract ako mamaya doon sa party na yun. Sana naman i-ignore na lang ako ng mga tao doon. Okay lang naman sa akin na maging wallflower doon dahil wala rin naman akong planong makipagsosyalan at makipag-plastikan sa mga tao doon.

Sorry pero ganun talaga minsan ang point of view ko sa mga ganito. Gaya nga ng sabi ko, hindi ako into business and other elite activities. Feeling ko kasi if you just focus your attention on things like this you’re being ignorant to the reality that not all people can do things that you can do. Kaya naman maraming nagwa-waste na lang basta-basta ng mga resources nila dahil sure sila na kahit sayangin nila yun meron pa rin sila. Some people are taking things for granted, for their own satisfaction.

Bumuntong hininga ako.

Kaya kung ako lang din ang masusunod, I rather have a simple life and be contented on the things I have.

“We’re here” pagkasabing iyon ni Jared ay agad kong minulat ang mata ko. Tumingin ako sa labas at nakita ko yung mga mararangyang sasakyan na nakaparada sa paligid. Tinignan ko si Jared at nakita ko ang nag-aalala niyang tingin sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanya.

“You sure that you want to come?” aniya at para bang may kung ano sa tingin niya na nagsasabi na ‘If you say no then we will not go so please say no’ pero hindi ko lang alam kung yun nga ba ang pinapahiwatig niya.

“Andito na tayo eh, tsaka kailangan ka nila” I softly said. Bumuntong hininga naman siya at napayuko. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hinawakan niya yung isang kamay ko.

“Wala akong pakialam kung kailangan nila ako, just say that you need me then I’m willing to leave them right away for you, Gail” malumanay na sabi niya at tumingin sa akin ng diretso. Marahan naman akong tumango at palihim na napalunok dahil sa sinabi niya.

Shocks. Kinikilig na naman ako. Grabe kasi yung mga banat niya eh.

Nakaka-speechless.

Namayani naman ulit ang katahimikan sa pagitan namin dalawa. We still both directly looking at each others eyes. Fudge! Yung puso ko nagsisimula na namang magwala parang ewan lang. Pero mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko ng bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Oh my gulay!

He’s about to move closer to me when I stopped him and move away from him.

“Uhm tara na? Baba na tayo?” I awkwardly asked. He cleared his throat.

“Tss. Okay” tipid na sabi niya. Tumingin ako sa kanya at palihim na lang akong napangiti nung makita ko yung medyo frustrated niyang itsura habang bumababa ng sasakyan.

***

Papasok na kami sa venue nung bigla akong makaramdam ng matinding kaba. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ulit ang sarili ko. First time ko rin kasing pumunta sa ganito, nakapunta naman na ako ng ibang party pero hindi yung ganito ka-formal, kung formal man ay kasama ko ang mga magulang ko. Pero ngayon iba na, iba yung feeling na haharap ka sa mga tao na hindi ka na lang basta anak ng isang mayamang pamilya kundi asawa ka rin ni Jared Montello.

Nakakakaba talaga.

Bigla naman akong natigilan nung hawakan ni Jared yung kanang kamay ko ng mahigpit. I looked at him and he’s looking at me worriedly. Marahan lang akong tumango at nagsimula na ulit humakbang papasok doon sa loob.

As what I expected, ganun pa rin talaga ang makikita ko. Mga taong nakasuot ng mga marangyang damit at kung anu-ano pang mamahaling bagay, show-off kumbaga. Ewan ko basta typical elite party talaga ito. Nakikipag-usap sila sa iba’t ibang tao para mapalaganap ang connection nila para mas lalo pa silang yumaman.

Nung tuluyan na kaming makarating sa loob ay agad namang napalingon ang mga tao sa amin? O baka kay Jared lang, hindi naman kasi nila ako kilala. Agad namang may lumapit sa amin dahilan para lalo akong kabahan. Geeez! Wala talaga akong alam sa ganito.

Natigilan ulit ako nung maramdaman kong hinigpitan ni Jared yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

“I thought you will not come?” sabi ng isang may edad na lalaki sa kanya. Ngumiti naman sa kanya si Jared, a formal smile I guess.

“May mga inasikaso lang po ako kaya hindi agad ako nakapag-reply sa invitation niyo sa amin” he firmly said. Tumango naman yung may edad na lalaki at ibinaling sa akin ang tingin niya. Pilit naman akong ngumiti sa kanya.

“So she’s your wife? Totoo talaga yung balitang nagpakasal ka na?” hindi makapaniwalang sabi ng lalaki habang nakatingin pa rin sa akin.

Binitawan ni Jared yung kamay kong hawak niya at inakbayan ako at mas inilapit pa sa kanya. Para naman akong na-stiff na dito sa kinatatayuan ko at napapasunod na lang sa mga nangyayari. Parang ang hirap tuloy huminga.

“Yes, she’s my wife, Saerin Gail Montello” mariing sabi ni Jared doon sa lalaki. The old guy looked at him then slowly nodded. Muli naman siyang tumingin sa akin at pilit na ngumiti. Inaabsorb niya pa ata yung sinabi ni Jared.

Ako rin eh. Inaabsorb ko rin yung sinabi niya.

“Hi ija,” he greeted me as he offered his hand. Napatingin naman ako doon at medyo nagdalawang isip na iabot sa kanya yung kamay ko.

“Hello po” I softly said. He smiled at me.

“I’m Xin Chan, you can just call me Mr. Chan, nice meeting you” sabi niya sa akin. Tumango naman ako at nag-formal hand shake kami.

“Nice meeting you din po” I replied as we let go our hands.

Bumaling naman ulit siya kay Jared na matamang nakatingin sa kanya.

“Nga pala ijo, andito na rin yung pamangkin ko. Maybe you two should talk for the project para naman makapag-plano na at masimulan niyo na agad” sabi niya kay Jared.

Tumango naman si Jared at biglang napatingin sa akin. I faked a smile at him. Wala naman kasi akong alam sa pinag-uusapan nila. Malay ko ba sa mga ganyan di ba?

“Tito!” natigilan kaming tatlo nung may tumawag dito kay Mr. Chan. Napatingin ako sa pinanggalingan nung boses na iyon at nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng isang eleganteng black gown na palapit sa amin.

Nilingon naman siya ni Mr. Chan at ngumiti ng tuluyan na itong makalapit sa amin. She’s smiling and I admit that she’s very pretty. Nakaka-intimidate ang aura niya kaya bigla tuloy akong nakaramdam ng ilang. Sinulyapan ko yung kamay ni Jared na naka-akbay sa akin dahil biglang humigpit yung pagkakakapit niya sa akin nung makalapit sa amin yung babae.

“Hi Jared” she greeted him then she looked at me. “Buti naman at nakarating kayo dito, it’s nice to have you… both” she said and she grinned while looking at me.

Tumango na lang ako at huminga ng malalim dahil sa tingin niya sa akin. She’s very intimidating, para bang minamaliit niya ako sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin. Alam kong maliit na ako at mas matangkad siya sa akin pero hindi naman dapat tignan ako na minamaliit pa rin di ba?

“Anyways, let’s talk about my Tito’s project. Maybe we should start it as soon as possible para naman mabilis nating matapos di ba? What do you think?” sunod-sunod na sabi niya habang nakatingin na kay Jared.

Bakit ganun? Hindi pa nga kami nakakalayo sa entrance ng venue, usap agad sila? Yung totoo? Nakakangawit kayang nakatayo!

“Maybe we can talk about that later,” malamig na sabi ni Jared sa kanya. Tumango naman si girl at bahagyang ngumiti na para bang medyo napahiya siya sa ginawa niya.

Excited kasi masyado.

Nilingon naman namin si Mr. Chan nung tumikhim siya habang nakatingin sa amin. He smiled at us then he motioned that he’s going to leave us. Tumango naman kami at umalis na siya para makipag-usap sa iba pang nandoon. Muli na namang tumingin kay Jared si girl.   

“Okay,” she simply said then she looked at me again. “So she’s your wife?” tanong niya sa kanya habang nakatingin sa akin.

Hindi na niya hinintay yung sagot ni Jared nung magsalita ulit siya. This time I know that she’s talking to me.

“I think your ex girlfriend before is better than her” aniya habang nakangisi sa akin. Yung puso ko ata yung nagulat sa sinabi niya pero hindi ko yun pinahalata sa kanya. Ang bitch naman ng ugali nitong babaeng ‘to. Hindi bagay sa mala-anghel niyang mukha.

She suddenly faked a laugh.

“I’m just joking, please don’t get offended” she said, pero iba ang pakiramdam ko sa tono niya. Dahil sa pagbabasa ko ng mga romantic stories, marami na akong na-encounter na bitchy type ng tao at masasabi ko na isa siya doon. I faked a smile at her.

“Okay lang,” sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

She’s about to say something when Jared cleared his throat that made us look at him. Seryoso na siyang nakatingin doon sa babae.

“Baby, she’s Alice Marie Tan, siya yung sinasabi ni Mr. Chan na pamangkin niya na kasama ko doon sa project na gagawin namin” pagpapakilala ni Jared doon sa babae sa akin.

Alice Marie Tan? Bakit parang pamilyar sa akin yung name niya?

Okay na sana yung pagpapakilala ni Jared eh, kung wala sana yung ‘Baby’. Shete! Bigla tuloy akong nakaramdam ng matinding awkwardness sa paligid.

“A-ahhh, siya pala yun” yun na lang ang nasabi ko at marahang tumango.

“Ms. Tan, she’s Saerin Gail Montello, my wife” sabi niya doon kay Alice. She nodded then looked at me, meaningfully.

Saerin Gail Montello? Dumadalawa na ‘tong si Jared ah! Hindi pa rin ako sanay sa ganun! Ilang beses niya pa bang sasabihin yan? Baka pag-uwi namin mamaya lutang na ako dahil sa ‘Saerin Gail Montello’ na yan!

“Nice meeting you” she simply said then she offered her hand.

“Nice meeting you too…” sabi ko at inangat ko na yung kamay ko para tanggapin yung pakikipagkamay niya pero bago pa man magdikit yung palad namin ay bigla niyang binaba yung kamay niya at tumingin kay Jared.

Aba bastusan?

Binaba ko na yung kamay ko at huminga ng malalim. Kalma Gail. Kalma lang.

“Sige, so I’ll just see you around, Mr. Montello, nice seeing you here” yun na lang ang sinabi niya at tinalikuran na kami.

Grabe? Bakit ang bitchy naman ng ugali ng isang yun? Sayang naman yung mukha niya kung ganun kamaldita ang ugali niya.

I sighed.

“Are you okay?” tanong ni Jared. Tumingin ako sa kanya at marahang tumango.

Dalawang tao palang ang nakikilala grabe na yung nararamdaman kong stress. Kaloka!

“Oo,” sandali akong huminto “Tara upo na tayo? Nangangawit na rin kasi akong tumayo eh ang hirap talaga kapag naka-heels” nakangusong sabi ko sa kanya. He smiled at me then held my hand again as we walked towards one of the empty tables near our place.

Umupo na kami sa doon at tumabi naman siya sa akin. Ang weird nga niya kasi mas inilapit niya oa yung silya niya sa akin at inilagay niya yung kamay niya sa likod ng upuan ko at humarap sa akin. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Shemay!

“Oy wag ka ngang ganyan, madaming tao dito” pabulong na sabi ko sa kanya dahil napapansin ko na rin na may mga napapalingon sa amin. PDA na ba ‘to?

“Maybe we should fine a place where we could spend time together, alone” sabi niya at hindi na pinansin yung sinabi ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero nanatili yung mapanuksong ngiti niya habang tinititigan ako.

“Jared naman…” mahinang sabi ko.

Naiilang na ako sa totoo lang.

“I want to kiss you” aniya at pinanlakihan ko siya ng tingin. Shet! Paano na lang kung may makakarinig sa amin dito?

“Tumahimik ka nga” pabulong na singhal ko sa kanya.

“Patahimikin mo ko” aniya at ngumuso na para bang sinasabi na i-kiss ko siya para tumahimik siya. Wahhhhh!

“Ganito ka ba kapag may mga formal event?” asik ko sa kanya. He smiled at me then leaned closer.

“Hindi,” he said while looking at me directly. “Pero dahil kasama kita wala na akong pakialam kung nasaan ako. Ang importante mapakita ko sa’yo ang nararamdaman ko” he huskily said.

“Pero maraming tao dito…” nahihiyang sabi ko. He smiled at me and he touched my face using his free hand.

“Mas maganda, para malaman nila na pag-aari mo ako” aniya. Halos mamula naman yung mukha ko dahil sa sinabi niya. My heart started to beat fast again.

“Dati pangarap kong pumunta sa mga event na kasama ko ang babaeng mahal ko,” aniya at mas inilalapit niya pa yung mukha niya sa may tainga ko. Palihim naman akong napalunok. “Kanina nung ipinapakilala kita sa kanila, tuwang-tuwa ako kasi naipakilala kita sa kanila gamit ang apelyido ko. Bagay na bagay pala talaga sa’yo ang apelyido ko, Gail. Pero mas maganda siguro kung hinalikan din kita sa harap nila para malaman nila na ikaw nga ang asawa ko” he chuckled. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa niya.

“Walanghiya ka!” singhal ko sa kanya.

“Maybe I should do that later, makaka-ilang halik kaya ako sa’yo?” nang-aasar na tanong niya sa akin. Hinampas ko siya ng mahina sa braso pero tumawa lang siya.

“Subukan mo lang Jared” pagbabanta ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin at ngumisi.

“Sige” he simply replied and suddenly claimed my lips. Humiwalay naman siya agad at hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

“Alam mo bang maraming tao dito?” asik ko sa kanya.

“Yeah, that’s a kiss to prove them that you’re my wife”  

***

Sorry for late update! Happy 20k reads for Beauty and the Beast! Happy 21k reads na pala siya. Hahahaha. Keep supporting our JAIL Couple <3 

Vote| Comment| Be a Fan  

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 265 55
Angela Dianne Lucero and Thorn Lonier Flores has a complicated relationship since the start.. Would their status change from It's Complicated to It's...
397 107 42
GOMEZ SERIES #1 Esha, the only girl in the family used to lived in America with her family. After a years of living there she finally camed back, and...
164K 8.8K 60
When do we meet the bestfriend who will sacrifice everything just for the sake of our health? We all know that every girl needs a boy bestfriend. The...
663K 14.8K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...