BHO CAMP #9: The Mismatched

By MsButterfly

648K 28.8K 7.4K

A night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pa... More

The Mismatched: Disclaimer
Synopsis
Prologue
Chapter 1: Lost Forever
Chapter 2: Darkness
Chapter 3: Phantom Pain
Chapter 5: Twisted Fate
Chapter 6: Hate
Chapter 7: Unravelling
Chapter 8: Ultimatum
Chapter 9: Everyday
Chapter 10: Impact
Chapter 11: Missing
Chapter 12: Honey
Chapter 13: Echo
Chapter 14: Stuck
Chapter 15: Northern Star
Chapter 16: Morning
Chapter 17: Home
Chapter 18: Time
Chapter 19: Tangled Webs
Chapter 20: More
Chapter 21: Ligaw Is Essential
Chapter 22: Soon
Chapter 23: Flower Girl
Chapter 24: Fatal
Chapter 25: Present
Chapter 26: Familiar
Chapter 27: Chess
Chapter 28: Prince
Chapter 29: Ride
Chapter 30: Want
Chapter 31: Surprise
Chapter 32: Sweet
Chapter 33: Target
Chapter 34: Run
Chapter 35: Magic
Chapter 36: Paubaya
Chapter 37: Rewind
Chapter 38: Eternity
Chapter 39: Match
Chapter 40: Gift
Epilogue
Author's Note

Chapter 4: Shift

11.8K 531 93
By MsButterfly


#BHOCAMP9TMM #TonYo #BHOCAMPTMM

A/N: Next Saturday pa ulit ako makakabalik :) Busy lamangs.

CHAPTER 4: SHIFT

ENYO'S POV

Bumuntong-hininga ako at imbis na sagutin ang taong nasa harapan ko ay ang iniiom ko na lang na iced tea ang pinagbalingan ko. I'm waiting for the food that I ordered. Iyon nga lang ay dito pa ako natagpuan ng taong kanina ko pa tinataguan.

"Please?"

"Bukas na." sagot ko. "I have a date. It's movie day with Blaze."

"But he's here today. Kung bukas pa, mapipilitan akong sumama sa kaniya ngayon." Pinagsalikop niya ang mga kamay. "Matitiis mo ako eh kapatid mo ako? Ipagpapalit mo ako sa boyfriend lang? You'll leave me alone with that annoying man?"

"Then tell him no."

Sa pangalawang pagkakataon ay napabuntong-hininga ako nang makita kong nalukot ang mukha ng kapatid ko. Sa aming dalawa ay mas suplada siya. Mas prangka lang ako. Eris love the company of our family and our friends but she's the type of person na mas gusto ang sariling company niya.

And again the irony of my life.

Ako iyong mas outgoing, mas lumalabas at gumagala, pero ako iyong may mas maraming sikreto. Eris on the other hand is more introverted but she's always an open book. I don't mind the company of others while she prefer to be alone. I don't care about what other people think of me but she does.

"Dalawang letra lang ang salitang "No". Hindi mahirap sabihin iyon."

"Pero nahihirapan ang iba na intindihin."

She has a point. "Eh di ipaintindi mo."

"And why would I need to in the first place? Bakit kailangan pang magpaliwanag kung bakit ayaw ko? Why can't people just take a hint? Mas gusto pa nila iyong lahat ng tao uncomfortable."

"Because people always need validation at the same time that they want excuses. Gusto nilang ipaliwanag sa kanila para makahanap sila ng rason para masunod pa rin ang gusto nila. Ang ending kailangan pa silang masampal at masaktan sa katotohanan."

"And I hate that. I hate being cruel."

"And I don't?"

Nakita kong natigilan siya sa naging tanong ko. I rolled my eyes because I know she's chewing out herself inside her brain. I'm not kidding when I said that Eris feel too much. She really hate it. Being the bad guy and hurting other people. Siya iyong klase ng tao na sobrang sensitive pagdating sa nararamdaman ng iba. That's why she overthinks a lot kasi pati iyong problema ng iba ginagawa niyang responsibilidad niya.

"Fine. Let's go."

"Enyo-"

"Magbabago ang isip ko in 3... 2-"

Naiiling na napangiti ako nang makita kong nauna pa siya papunta sa comfort room ng Craige's, ang official restaurant ng BHO CAMP. Hindi masyadong madami ang tao dahil hindi naman peak season ngayon. Ang iba ay mga return guests na nagustuhan ang service ng BHO CAMP. Hindi rin bago sa lugar na may mga artista na pagala-gala.

The place has a tight security. Hindi basta-basta ang pagpasok. We entertain walk ins since may mga pagkakataon talaga na nahahanap lang nila ang lugar. Usually pag nawawala sila. We welcome them but the moment they set foot on the place, they are already being investigated in the control room.

Tambayan din ang lugar na ito ng Royalty. The most famous rock band of the country that is even making their names known internationally. In fact, ang isa sa miyembro nila ay kasamahan namin sa BHO CAMP. Thunder is one of us. A secret agent. The vocalist of the band, King, is married to an agent.

Royalty is the exception to our rules. They are our extension. Sila lang din ang hindi parte ng BHO CAMP na hinayaan namin na mag acquire ng properties dito. They are part of the secret because they are too intertwined with us.

Nang makarating sa banyo ay ni-lock ko iyon. Animo sanay na sanay na basta na lang namin hinubad ang mga damit na suot namin. Hindi naman kasi ito talaga ang unang beses. We always do this when we're wearing different clothes and we need to swap ours.

We did this once in college when Eris took my Math exam for me. Ginawa rin namin ito nang ako naman ang umattend sa PE nila. Magkaiba kami ng klase kasi iyon ang kagustuhan ng mga magulang namin. I guess for us to have other friends. Kasi kung magkasama kami tiyak na hindi kami hihiwalay sa isa't isa. I wonder kung naisip din ni Mama na paghiwalayin kami para mas madali kaming makapandaya sa exam.

Our mom can discipline us though our father usually take that role. Sa kabila no'n ay mahigpit din ang ina namin lalo pa at parehas kami na babae. But I know our mother well. Behind her doll like look that never fade despite the years, she's very quick-witted with the right amount of hard headedness. She will ask us to stop cheating, but I'm pretty sure that she will applaud our resourcefulness too.

Hindi naman sa hindi ko kaya iyong subject na iyon. Hindi rin ibig sabihin hindi rin kaya ni Eris ang pinagagawa sa PE. We just don't like being uncomfortable. At kung may madali namang paraan... why not? We don't study hard. We study smart.

Cheating is wrong. We know that. We already know the result of doing that. Katulad ko, kailangan ko tuloy maghabol kasi hindi ko maintindihan iyong ibang lesson dahil si Eris ang pinagagawa ko no'n. Katulad niya na clueless sa PE kasi ako ang umaattend para sa kaniya. We both learn the hard way but if given the chance will we do it again? Probably.

So sue us.

Mabilis kaming nakapagpalit ng damit ni Eris. Inilugay niya ang ngayon ay alon-alon na mahabang buhok habang ako naman ay tumalikod para simulan niyang i-braid iyon. Her fingers were fast and it was almost relaxing.

"Kunin mo ang mga inorder ko at ibigay mo iyon kay Blaze. For goodness sake don't kiss my boyfriend. Just make an excuse and leave."

"It was one time at sa pisngi lang iyon, okay? And he kissed me. Iba 'yon. Past is past, remember?"

Pinaikot ko ang mga mata ko. Hindi naman ako nagalit sa kaniya. I don't particularly like her being kissed by my man, but I understand her. Minsan na rin nangyari iyon sa akin. Mas malala pa nga. Her then boyfriend kissed me on the lips.

Thank goodness I was with Blaze first. Ayoko ngang napunta pa sa iba ang first kiss ko.

"Tell me about the poor man that is about to be heartbroken because of me," I said to her.

She started telling me about him. Nakilala niya iyong lalaki sa isang party na pinuntahan niya noon. For some reason ay nagkataon naman na dito sa BHO CAMP ginanap ang conference ng lalaki at ng kompanya na pag-aari niya. Ang ending nagkita sila rito at kinukulit siya na makipag-date. Eris said that the man asked for a date before kaya lang minali niya iyong number na ibinigay niya para hindi talaga siya matawagan ng lalaki.

My sister. Lagi na lang iyong mahihirapan siya na sitwasyon ang pinipili niya. So just she can spare the feelings of that person. Gano'n din naman sa huli. May masasaktan pa rin.

"Pasalamat ka kapatid kita," sabi ko sa kaniya.

"Alam mo namang hindi kita ipagpapalit kahit na kanino. Your existence is my existence. Kaya nga love kita."

I let her words resonate in my heart. Slowly... I can feel it for what it is. Not just because I think about it. Dahil kay Blaze. I just don't know when I'll get all of me back. But I'm not impatient. I should be thankful that I'm healing. Kahit na sa bagay na hindi ko alam kung ano.

"Oo na." Humarap ako sa kaniya at inayos ko ang bestida na kanina ay suot niya. Pinigilan ko ang pagsakit ng ulo ko sa napakadaming bulaklak na naka-imprenta ro'n. I prefer plain colors and designs and I rarely wear a dress. Kung may bulaklakin man akong damit ay sa mga squared neck long sleeve blouses ko lang o iyong mga damit na sinadiya naming bilin na magkapareho. "I hate you."

"You love me," she said, clearly undeterred.

Lumabas na kami ng banyo pero imbis sumama sa akin pabalik sa kinauupuan ko ay dire-diretso siyang pumasok ng kusina. I heard voices inside that's probably telling her to get out but she didn't come back. Malamang sa pintuan na sa likod ng kusina iyon dadaan pagkakuha ng mga binili ko.

Pinagpatuloy ko ang pakikipagtuos sa iced tea ko pero nakatadhana atang hindi ko maubos iyon dahil sa pangalawang pagkakataon ay naistorbo ako. I've been craving this lychee lemonade since yesterday that I could probably consume a gallon of this and they're disturbing me.

"Eris, finally! Kanina pa kita hinahanap."

Pag di makita ibig sabihin lang ayaw magpakita. "You're looking for me? Why?"

Nakita kong natigilan siya sa naging tanong ko at sa paraan nang pagkakatingin ko sa kaniya. I sighed and stand up while looking back at my drink. Eris owe me. Kailangan niya akong bilan ng tatlong pitchel nito.

"We have a date remember?"

"I don't remember saying yes, Jake." I cushioned my words with a smile. After all, I'm pretending to be Eris. "I'm really busy, I'm sorry."

"It's James," He corrected. "I already reserved a whole restaurant for us."

That's why you should ask first. "I'm really sorry but I can't go."

Akmang maglalakad na ako palabas ng Craige's nang harangan niya ako. I can see the stubbornness in his eyes. He's probably not used to being turned down. He better get used to it. Hindi ginawa ang mundo para umikot sa kaniya. Not everyone will like him. The same goes for everyone.

"You need to go with me."

Sounds like a kidnapping. "I said I can't."

"Dahil ba sa trabaho mo rito?" He scoffed. "Ano lang ba ang isang araw na suweldo? I could convince the management to even double your pay. Malaki ang kinita ng overprice na lugar na ito dahil sa three-day conference namin."

Right there and then I felt a spark inside me. Irritation and the need to punch a person. I welcomed it because it's like a piece of me returning.

"Iyong kinita ng lugar na ito dahil sa conference niyo ay barya lang para sa BHOCAMP. I could ask them to return it if I want to."

Halatang napahiya siya sa sinabi ko. "At bakit naman nila gagawin iyon para sa waitress lang?"

Lang. I hate that word. I used to hate that word and I think it's returning too. "If I'm just a waitress it still doesn't give you any write to belittle me. But I'm also not just a waitress." Lumapit ako palapit sa kaniya at direkta ko siyang tinitigan sa mga mata. "I'm Eris Lawrence Wright. The niece of Craige Lawrence. The owner of this "over-priced" restaurant and one of the owners of this whole place is my mother. So no. You can't just convince them because I won't let them. Absorb this please." Pinalakpak ko ang kamay ko sa harapan niya sa bawat salita na binibitawan ko. "Ayokong. Sumama. Sa. Iyo. Kasi. Hindi. Kita. Gusto. Kuha. Mo?"

Pain hit me when he suddenly grabbed my arm. Pero hindi nagtagal iyon dahil kasabay nang pagsigaw ng lalaki ay ang halos paghagis niya palayo sa akin. He stumbled on a table and fell embarrassingly to the floor.

I look at the man beside me that is now towering over James-schmuck. Stone. Napakurap ako nang para bang ibinulong sa akin iyon ng hangin. Gano'n kadali. Gano'n kabilis ko siyang makilala.

"If a woman said no, it means no." Stone's voice sounded dangerous. If looks could kill baka kanina pa bumubula ang bibig ni James. "If it's me, I'll slap you with a lawsuit for harassment."

Tumayo si James at halata ang nerbyos sa kaniya. "H-Hindi ko alam na may boyfriend siya. I mean she should have told me and instead of leading me on-" Tinigil niya ang sasabihin nang makita niya na lalong tumalim ang tingin ng lalaki.

"She's not my girlfriend."

Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya. I stared daggers at his back before I turned away to leave the place. Saktong nasa labas na ako ay naramdaman kong may nakasunod sa akin.

Muli akong umikot at bumuka ang mga labi ko para sana kausapin si Stone pero sa halip ay si James ang nakita ko roon. Seriously.

"You shouldn't do those things. Nagpapaasa ka ng tao."

"Did I ever made you feel like I want to date you?"

"But-"

"I keep giving you the brush off but you're too thick to notice. Gusto mo ng prangkahan pero no'ng ginawa ko naman, nagalit ka. Sinong mali sa ating dalawa? Persistence is different from being annoyingly insistent. Learn the difference."

Pulang-pula na ang mukha niya sa pagkapahiya. Hindi ko siya masisisi. Kanina pa siya nasosopla. Ang mga taong katulad niya ay pamilyar na sa akin. Mga taong akala ay luluhod ang mundo sa kanila. That for some reason it's like the world should hand everything to them. Entitled in short.

"Walang tatagal sa iyo ng lalaki. You'll be alone because you're a snotty little bitc-"

"Finish that word and I'll cut your tongue to feed it to you."

Sa pangalawang pagkakataon ay sumingit si Stone sa mga nangyayari. Alam kong nagbabanta lang siya pero sa paraan ng pagkakatingin niya sa lalaki ay parang gusto niyang totohanin iyon. Nasa may pintuan siya ng Craige's pero nang lumingon si James ay ibang direksyon ang hinintuan ng mga mata niya. My own eyes widened when I saw another person near us.

Uh oh.

"What's happening?" tanong ni Blaze.

"Umm... nothing?"

Pinandilatan ko si Stone na walang ekspresyon ang mukha na naglakad paalis. Hindi na nga siya nakita ni James na kita kong kunot ang noo habang nakatingin kay Blaze. He's probably wondering why Blaze is wearing a red shirt habang asul ang kaninang nakita niyang suot ng taong may kaparehas na mukha ng sa lalaki.

Blaze like the color red or anything that is darker. I know it because Stone always wear blue clothes or something light colored.

Sandaling natigilan ako sa naiisip. Minsan ay napapansin ko iyon sa sarili ko. Nalalaman ko ang gusto ni Blaze dahil alam kong hindi iyon ang gusto ni Stone. Which is so confusing because I don't know Stone that much.

"Let's go. We have a date."

"I know." I said.

"Akala ko hindi mo siya boyfriend?"

Mariing pinikit ko ang mga mata ko at nang idilat ko iyon ay alam kong puno lang iyon ng iritasyon para kay James. Seriously this man is so clueless. Kung ako siya nanahimik na lang ako.

"Sinong may sabi na hindi niya ako boyfriend?"

"Ikaw?" patanong na sabi ni James.

Blaze looked at me and I closed my mouth shut when I saw the realization in him. Malamang iniisip niya na kung paanong ibinigay sa kaniya ni Eris ang mga pagkain na binili ko at pagkatapos ay basta na lang siya iniwan.

"Hindi na ngayon." Blaze said and looked at the man as if he wanted to scorched him to death. "Do you have a problem with that?"

"Wha... what?"

I throw my hands up before I went to Blaze. Hinawakan ko sa braso ang lalaki bago nilingon ang naguguluhan na lalaki. "For goodness sake, James, just shut up."

Hinila ko na palayo si Blaze dahil kilala ko ang ugali niya. Blaze strike before he speak. Dahil si Stone nagbabanta muna para magbigay ng warning. Then he strike too. Stop, Enyo.

"You and your sister will be the death of me."

"Why? Did you kissed her again?"

"Fuck's sake, no."

Niyakap ko ang isa kong braso sa bewang niya at kaagad naman niyang pinalibot ang braso niya sa balikat ko. "Aminin mo na. You still find it hard to differentiate us."

"Hindi na ngayon." Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, "Because I know you."

The guilt hit me so hard that I was surprised that I'm still standing. I don't know why. If I know I would change it. Kasi mali. Hindi tama. Blaze is mine and I am his. That's the reality. He saved me when I know I'm starting to lose me. He was there for me.

I love him.

I should only see him.

So why?

"You have a mission tonight, right? Do you want me to come?"

"You know it can't be like that," I said to him.

"Who cares? Tayo lang dalawa ang nakakaalam dahil parehas nating tinatago iyon. We vowed to keep it to ourselves but why should we if we have the same secret?"

"Your family knows too."

"I didn't tell them but you know them. I never acknowledge it and they never asked."

Tama ako noon. May alam si Sky. Pero tama rin si Blaze. I think our family knows because they know us too well. It doesn't mean that we should tell them the truth. What they don't know won't hurt them.

We were both chosen. O mas tamang sabihin na siya ang pinili habang ako ay boluntaryong sinalo iyon. Ender.

"I need to do it alone," I whispered.

Namayani ang katahimikan sa amin habang naglalakad. He let go of my shoulder but it didn't felt like I was denied because he reached for my hand instead. Marahan niyang pinisil iyon at pagkatapos ay inangat niya para bigyan ng magaan na halik.

"Finish the mission and come back to me. Go to me so you won't need to go to that cliff."

Tumango ako at pilit na ngumiti, "Okay."

He stopped walking and I halted my steps too. Hinarap niya ako sa kaniya at pagkatapos ay bahagyang inangat ang baba ko para direktang magtama ang mga mata namin. "Who owns your heart, Enyo?"

"You."

"Me, what?"

Inangat ko ang kamay ko at marahan kong hinaplos ang pisngi niya, "You, Blaze."

I didn't understand then. I failed to see the reason behind his questions.

____________________End of Chapter 4.

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
2.3M 63.2K 45
Just because I'm a gentleman, it doesn't mean I will beg for you to stay in my life. I will never beg for someone to stay where they don't want to be.
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
5.6M 107K 33
Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm an agent, I kick butts and they say that...