MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.6K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

46

6 1 0
By RonneSerene

Umagang-umaga, bumungad sa akin ang isang mensaheng mula kay Mrs. Delman. She tried to save my scholarship pero huli na raw ang lahat. Marami raw akong nilabag na rules against sa regulations ng scholarship, idagdag pang bumaba ang grades ko, walang mai-compute dahil hindi ako nagpapasa ng mga activities. Nasabi niya ring suspendido ako ng ilang araw. 

Hindi na ako nagreply pa. Wala naman akong sasabihin sa kaniya. Alangan namang sabihin kong ikinatutuwa ko ang pagsuspendido nila sa akin? Eh, ‘di baka tuluyan akong na-kick out! 

Matapos kong gumayak, bumaba na ako sa dining area at naabutan kong kumakain ng tahimik ang pinsan ko. Napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin nang makita kong namumugto ang mga mata niya. 

He's definitely not okay. 

Wala kaming kibo sa isa't-isa hanggang sa matapos kumain. Pumunta naman ako sa kusina para kuhanin ang gamot ko. Nangunot ang noo ko nang mapansin nakatingin si Manang Lucy sa akin habang umiinom ako ng gamot. 

“Bakit po?” nagpunas ako ng bibig saka hinarap siya. 

“Wala, hija.”

I just nodded a bit. Bumalik ako sa dinig area at sinuri ang pinsan ko.

Ang bigat-bigat ng awra rito sa bahay ni Havier. Pati ang mga kasambahay, tila nahawa na rin sa kalungkutan niya. 

“Where are you going?” he asked. “You're suspended, right?” 

“Sa trabaho ko,” sagot ko sa kaniya. “Doon ko lang uubusin ang oras hangga't hindi pa ako p'wedeng pumasok.”

“Take care of yourself, avoid trouble, please?” 

“Magpahinga ka,” sabi ko naman sa kaniya. He was just nodded. “Call me if you want someone to talk, okay?” 

Hindi ako sanay na makitang namumugto ang mga mata niya. Muli siyang tumango sa akin. May gusto pa sana akong sabihin sa kaniya ngunit pinigilan ko na lamang ang sarili kong magsalita. Tinapik ko ang balikat niya saka pumihit papaalis. 

Ang daya ng mundong ginagalawan ko. Bakit kailangan maging malungkot ang mga tao? Hindi pa p'wedeng maging masaya na lang kami habang-buhay? Hanggang sa mamamatay? Mahirap bang hilingin 'yon? Mahirap bang ibigay 'yon? 

Nakarating ako sa pinagta-trabahunan ko nang hindi ko namamalayan. Nanlaki pa ang mga ko nang makitang nasa tapat na ako nito. 

“Ang aga mo, hija,” si Manang Clara ang nabungaran ko. “Wala ka bang pasok?”

“Wala po.” 

“O, s'ya, sige. Magpalit ka na ng damit mo. Siya nga pala, linisin mo muna ang glass wall hangga't hindi pa dumarating ang ibang customer.”

I nodded. 

Dumiresto ako sa staff room at nagpalit ng damit. Sinuot ko rin ang apron at cap. Nang matapos, kinuha ko ang panglinis at sinimulang linisin ang glass wall malapit sa entrance door.

“Trabaho ni Manuel 'yan, ah,” sabi nung guard.

“Inutusan po ako ni Manang Chara.”

“Naku, iyong talagang matandang 'yon,” mahinang angil niya at humalakhak. “Pinapalinis ang mga bagay na malinis na. Sige, hija. Ipagpatuloy mo lamang ang ginagawa mo.”

Napatango ako sa kaniya. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Nainis naman ako dahil mayroon nakadikit na bubble gum.

Putek!

Hindi na ito matatanggal!

Kahit pa pilitin ko itong tanggalin, hindi na talaga matatanggal pa. Inis ko na lang tinapos ang pagpupunas ng glass wall. Nang matapos ako, dumiresto ako sa banyo para linisin iyon.

“Uy, nandito ka na pala!” si Louisa, may kung ano pa siyang ipinahid sa mukha niya. “Ang aga mo, ah! Wala kang pasok?”

“Wala.”

“Nagtatanong lang ako, 'wag kang nagagalit!”

Hindi ko na siya pinansin. Tinapos ko na ang paglilinis sa mga inidoro at naghugas ng mga kamay. Nagdaan ang ilang mga oras, nagdagsaan ang mga tao. Balik ulit ako sa pagse-serve ng mga pagkain.

“Can I have another soup?” old woman said.

“Ikukuha ko po kayo.”

“Okay, I will wait!”

Bumalik ako sa counter para kumuha ulit ng isa pang soup at binigay sa kaniya.

“Thank you!”

Tumango na lang ako sa kaniya at nagpatuloy ulit sa ginagawa. Nang mapatingin ako sa wall clock, humigit alas dos na pala.

“Oh, tapos na shift mo,” wika ni Louisa. “Mag-oover time ka?”

“Hindi, tapusin ko lang ito saglit.”

Sinerve ko ang mga na-iready ng pagkain. Matapos no'n, nagpalit na ulit ako ng damit. Nagpaalam na rin ako kay Manang Chara bago umalis. 

Nasa Plaza ako nang biglang sumagi sa isip ko si Anjoe kaya agad-agad akong naghanap ng masasakyan para pumaroon.  

Nang makarating sa ospital, dumiretso ako sa kwarto ni Anjoe ngunit napahinto ako sa tapat ng pinto para ayusin muna ang bangs kong magulo at ang mukha kong naglalagkit. 

Nakakahiya naman kung haharap ako sa kaniya na mukhang dugyot, 'di ba? Ang linis-linis ni Anjoe, baka sabihin niyang kaybabae kong tao, hindi ako marunong mag-ayos. 

May isang nurse ang nagtatakang tumingin sa akin dahil siguro nakanguso ako sa harap ng cellphone habang nagpapahid ng lipblam at pulbos. Hindi ko siya pinansin, tinago ko na ang mga hawak ko sa bulsa ng bag at kumatok sa pintuan. Ako na rin mismo ang nagbukas. 

Sumalubong ang nanunuyang tingin ni Asher. “Ano pakiramdam ng masuspende? Masaya ba?” 

Inismiran ko siya. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto. Naabutan kong kumakain si Anjoe.

“Hi!”

“Hi,” bati kong pabalik. “Kumusta?” 

“You broke your promise,” he uttered. “I'm a bit disappointed to you.”

“I'm sorry,” bahagya akong napayuko. “Gusto ko lang ipaghiganti ka sa hinayupak kong kaklase. Hindi ko naman alam na magsusumbong pala ang duwag na 'yon kay Mrs. Nalandress.”

“Pero mali 'yon, you put yourself in danger. Plus, inaway mo pa ang school principal. Tell your reason kung bakit mo inambahan si Mrs. Alegre?”

“Sabi ni Arion kagabi, may nasabing masama ang principal n'yo kaya lalong nagalit si Rosane,” siya namang singit ni Asher. “Sinong hindi magagalit? Pagsabihan ka ba namang baliw at may sira sa utak sa harap ng maraming tao!” 

“Did she really said that?” halata ang gulat sa mukha ni Anjoe. “She's so...”

“'Wag mo nang intindihin 'yon, Anjoe.”

“May anger management pala 'tong kapatid natin,” asar na sabi ni Asher. “Kanino ka ba nagmana? Ang tigas kasi ng bungo mo!”

“May malambot bang bungo?” Inirapan ko siya. Kumuha ako ng mansanas sa basket at kinagatan iyon. “Kailan ka madi-discharge?” 

Kinuha ni Asher ang pinagkainan ni Anjoe at nilagay ito sa sink.

“Thursday pa,” sagot ni Anjoe. “I guess, next week pa talaga ako makakapasok sa school.”

“Kung ako sa inyo, 'wag na kayong mag-aral. Para walang problema!” hirit ni Asher. “Tingnan niyo ako, pa-chill-chill lang. Pagala-gala sa kung saan. At least, masaya ako.”

“Masaya ka now, magdudusa ka naman later.”

Sinamaan niya ako ng tingin. “Ang mahalaga masaya. Hindi ako magsisisi sa tinahak kong landas. Someday, I'm gonna be a star—” 

“Starfish?”

“Shut up!” asar niyang sigaw sa akin. Narinig ko namang natawa ng mahina si Anjoe.

“Wala ka bang balak tumira sa bahay namin, barakuda?” 

Bahagya akong natigilan. Hindi dahil sa tinanong niya. Kundi dahil sa tinawag sa akin ni Asher. 

“Anong barakuda?” inis kong tanong. “Gusto mo bang tadyakan kita?” 

“Ang hot mo naman masyado! Easy,” nginisihan niya pa ako. Nakita ko siyang kumuha ng mansanas at binigay sa akin, napansin niya sigurong ubos na ang kinangatngat ko. “Wala ka ba talagang balak sumama sa amin?” 

“Wala,” sagot ko. Hindi ako titira sa bahay nila kahit pa pilitin nila ako. Never! Never in my dreams and reality! 

“Bakit? Ayaw mo ba kaming makasama sa iisang bubong?”

Napakamot ako ng batok. Isa't kalahati ring maisyuso si Asher, ngayon ko lang nalaman. 

“Hindi naman sa gano'n,” usal ko sabay ngiwi. “Sadyang ayoko lang ng maraming kasama sa bahay.”

May kumatok sa pintuan kaya pare-pareho kaming napalingon doon. Si Asher ang tumayo para pagbuksan ang taong kumatok. Nagpaiwas ako ng tingin ng unang dumapo sa akin ang paningin ni Manager Avi. 

Napatayo ako. “Sige, Anjoe. Alis na ako, may gagawin pa pala ako,” ngumiti pa ako sa kaniya. 

“Oh? Kararating mo lang,”  lumungkit ang mukha niya. “Aalis ka na agad?”

“Dadalaw na lang ulit ako bukas.”

“Sus!” asik ni Asher. “Dumating lang si Aveir, aalis ka na? Ayaw mong ma-sermonan ng dragon?”

Sinamaan ko ng tingin si Asher. Epal talaga! Muli akong bumalik sa pagkakaupo, hindi na ako makakaalis dahil humarang si Asher sa pintuan. Napunta ang tingin ko kay Manager Avi nang umupo siya 'di kaluyuan sa akin. Napaiwas ako ng tingin nang muling magsalubong ang paningin namin. 

“So, how was your doing?” Manager Avi asked. Alam kong ako ang tinatanong niya. 

“Okay naman.”

Narinig ko siyang pumihit ng buntong hininga ngunit nasa akin pa rin ang paningin niya. 

“I won't gonna scold you if that's what you think,” usal niya, kaya napaangat ako ng tingin. “I'm just here, Avera. My ears are free to listen.”

“Wala naman akong sasabihin.”

“Why are you avoiding me, then?” 

“Nahihiya ako dahil hindi man lang ako nagpaalam na aalis sa shop mo.”

“It's not a big deal for me,” seryosong saad niya at nag-angat ng kilay. “Always remember, Avera. Me, and your siblings will help you no matter what. You can rely on us..”

“Kuya Aveir is right,” pagsang-ayon ni Anjoe. “Kung anuman ang problema mo, sabihin mo lang sa amin.”

“Nandito kami, Rosane,” ani Asher. “Kung ayaw kang tigilan ng problema... Alak ang sagot d'yan!” 

“Asher!” 

“Kuya Asher!” 

“Joke lang mga bro!” natatawang wika ni Asher. “Ang seryoso n'yo naman! Parang mamamatay kayo kapag nakarinig ng biro!” 

Napailing na lang ako sa kaniya. Nakita kong pinatay ni Manager Aveir ang TV dahil sinabi ni Anjoe na matutulog muna siya. Nanahimik naman sa isang gilid si Asher at kinalikot ang cellphone niya. 

“I heard from Aven that you're nominated for expulsion,” sumimsim siya sa kape niya bago muling nagpatuloy. “What's your plan? Do you want me to talk to your adviser or your school principal?” 

Umiling ako. “Hindi na, Manager Avi. Ako na lang ang kakausap sa kanila,” turan ko. “Kung talagang i-e-expel nila ako, ayos lang. I admit, may kasalanan ako pero hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nagplay nung video ni Gabrielle sa big screen sa waiting shed.”

“Avera...”

“Iyun lang naman ang kinagagalit ko, Manager Avi,” pinigilan kong sumigaw kahit pa may namumuong galit sa dibdib ko. “Pero bakit kailangan akong pagsabihin ng baliw at may sira sa utak ni Mrs. Alegre?” 

“That's why you gestured like you were gonna punch her?” 

“Tinatakot ko lang s'ya, hindi ko naman itutuloy,” nakangusong saad ko. “Tao rin ako, 'no? May puso, may damdamin at nasasaktan kapag binabato ng masasakit na salita. Wala siyang karapatan na talkshit-in ako.”

“Are you not scared? Paano mo nagagawang pumasok sa gulo?” 

Ngumiwi ako. “Bakit? Hindi mo ba naranasang makipag-away?” 

“Hindi!” biglang singit ni Asher. “Si Mr. Goodboy 'yan, eh. Wala pa nga yatang nasasapak 'yan kahit isa.”

“Talaga?” 

“Shut up, Asher. I just don't want to involve in any troubles,” seryosong saad ni Manager Avi. “In fact, it's not helpful in my career path.” 

“Nagsalita si Mr. Career-Oriented,” bubulong-bulong na wika ni Asher. “Buti na lang ako, masaya!” 

“Sana all.”

Nilingon ako ni Asher. “Bakit? Hindi ka ba masaya?” 

“Masaya,” sagot ko. “Masayang manuntok!” 

Inismiran niya lang ako saka muling binalik ang tingin sa cellphone niya. Napatingin ulit ako kay Manager Avi. 

“Any tips Manager Avi, kung paano humaba ang pasensya?” may halong biro ang tanong ko. 

“Just don't mind their shitty opinions,” parang biglang nagbago ang awra, at tumalim ang kaniyang mga mata. “Try to ignore them if they keep on talking nonsense. They are full of bullshit.”

“Ganito, Rosane...” napabangon si Asher. “Kapag hindi sila tumigil sa kakasatsat...” he paused, nagkunyaring nag-iisip pa. “Bigwasan mo hanggang sa magkalasan ang mga ngipin nila!” 

Then he laughed harder. 

“You're so loud, Kuya Asher,” reklamo ni Anjoe. “Hindi ako makatulog ng dahil sa 'yo.”

“Makaalis na nga!” nakabusangot sa usal ni Asher. Tumayo siya at inayos ang nagusot niyang damit. “Ay, sandali! Magpicture muna tayo. Ipo-post ko lang sa IG!” 

Nagdaingan ang dalawa. Mukhang hindi rin sila mahilig sa selfie-selfie. 

“Dali na mga kapatid!” Inangat ni Asher ang braso niya at tumabi sa akin. Wala namang kaming magawa kundi ang ngumiti ng pilit sa camera. “Isa pa!” 

Napakunot ang noo ko nang sunod-sunod ang naging pagpindot niya sa camera. Hindi pa siya nasiyahan sa dalawang shot, talagang dinamihan niya. Putek! Halos masira na ang screen ng cellphone. 

“Tama na,” pag-awat ko. “Ang dami mo ng nakuha!” 

“Last one, tayong dalawa lang!” 

Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan at tinapat sa mukha namin ang camera. Muntik na akong mapapikit dahil sa silaw ng flash. 

“Ayan, ayos!” Inalis ko ang braso niya sa balikat ko. “May Facebook ka ba?” 

“Bakit?” 

“Add kita, accept mo ako.”

“Hindi ako nakakapag-online ngayon.”

“Bakit?” tanong niya pa. “Mag-online ka ngayon. Accept mo ako.”

“Tinatamad ako.”

“Bilis na!” 

“Ayoko nga.”

“Eh 'di don't!” 

Napakamot ako ng ulo, hindi ko siya maintindihan kung minsan. Iba ang pagtakbo ng utak, parang may saltik. 




_





Magdi-dilim na rin nang umalis ako sa ospital. Naiwan si Manager Avi para bantayan si Anjoe. Hindi raw kasi uubrang magbantay si Madame Rozel at Governor dahil may mga important business. 

Dumaan ako ng Mall para bumili ng birthday gift para sa pinakamamahal kong pinsan. Habang tumitingin ako sa mga stall siya namang pagtulog ng cellphone ko. 

Ariess is calling... 

Sinagot ko ang tawag habang pinagpapatuloy ang pagtingin sa mga nadadaanan kong stall. 

“Rosane...”

“Napatawag ka?” 

“Did you open your facebook account?” 

“Bakit?”

“You are trending on Facebook. Deactivate your account now.”

Napahinto ako sa paglalakad. “Ano? Ako? Trending? Bakit?” 

Muntik na akong mapamura nang maputol ang tawag. Ano ba naman 'tong si Ariess, bastos kausap! 

Medyo na-curious ako sa sinabi ni Ariess kaya dali-dali akong nagbukas ng Facebook. Namilog ang mga mata ko nang makatanggap ng sunod-sunod na notification. 

Puro mga kaklase ko ang mga nagme-mention sa akin. Hindi ko alam kung anong post 'yon kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pang tingnan iyon. 

Mariah Duan posted two photos:
Pokpok sa umaga, sampaguita vendor sa gabi. The one and only, Rosane Avera Beindz!

Napairap ako. Ito iyung kagabi kung saan inabutan ko ng sampaguita ang matandang babae. 

“Punyeta! Pati ba naman ito issue sa kanila,” inis kong saad. Napatingin ako sa mga nagco-comment. 

Winston Castillo:
@Rosane Avera Beindz, someone is desperate to drag you down. Itumba ko na ba? 

Persus Bartolome:
There's nothing wrong for being sampaguita vendor. Alam mo kung ano 'yung mali at nakakahiya @Mariah Duan? Mukha kang walang pinag-aralan at parang hindi ka galing sa pilot section. @Rosane Avera Beindz is more better than you. 

Lerman Ajie:
@Rosane, busalan ko na ba ang bibig? 

Bernabe Quia:
@Rosane, abangan ko 'to bukas sa gate. 

Iris Santos:
Pathetic! Napaka-miserable ng buhay. Karma mo na 'yan, bitch! 

Hindi ko na pinagpatuloy pa ang pagbabasa ng mga kumento nila. Hindi na kasi maganda ang mga sinasabi at puro pambubully lang ang nilalaman ng mga kumento. 

Napabuntong hininga ako. Hindi ko dineactivate ang Facebook ko. Wala naman akong paki kay Mariah. Bahala siya, siya rin naman ang magdudusa sa huli. 

Asher Lucifer Amadeo sent you a friend request. 

Asher Lucifer Amadeo sent you a message request. 

Napaangat ang kilay ko nang makitang nagmessage request ni Asher, binasa ko iyon. 

Asher Lucifer Amadeo:
Accept o kulam? 

Hindi na ako nagreply sa kaniya. I accepted his friend request at sandali kong binisita ang timeline niya. 

Wala naman siyang mga post. Wala rin siyang profile picture. I was about to log out nang may mag-pop out na notification. 

Asher Lucifer Amadeo tagged you on his profile picture. 

“Anak ng tokwa!” inis kong saad dahil pinosted niya ang picture naming dalawa. Nakanguso siya habang ako naman ay nakabusangot. 

May caption pang, “Lucifer meet the Satan.”

Pinatay ko na lang ang cellphone ko at nagpatuloy sa paghahanap ng mai-reregalo kay Havier. May nakita akong bucket hat. Napaisip naman ako. Hindi ko pa siya nakikitang nagsuot ng sumbrelo ni-minsan. 

“Miss, magkano po ito?” 

Wala kasing price tag na nakalagay. Nakangiting lumapit sa akin ang sales lady. 

“Wait lang po, Ma'am, check ko.”

Tumango ako sa kaniya. Dinala naman niya ang bucket hat sa counter. Habang hinihintay ang sales lady, may nakaagaw ng pansin ko. 

Napaangat ang kilay ko. Mag-iiwas sana ako ng tingin nang tumingin na siya sa gawi ko. 

“Sy, what do you think?” dinig kong tanong nung babaeng kasama niya. “This is so cute! Bagay sa 'yo 'to, I'm sure!” 

“Miss Beindz...”

“What? Anong Miss Beindz?” 

“Ma'am, 599 pesos po,” dumating ang sales lady. “If you want po, Ma'am, may free personalised name po kami.”

“Po?”

“I-thre-thread po namin ang pangalan niyo d'yan,” turo niya pa sa bucket hat. “Kung gusto niyo lang po.”

Tumango ako sa babae at sinundan siya patungo sa counter. 

“Ma'am, ano po ang pangalan?” 

“Havier Beindz.”

Sinulat niya sa isang maliit na papel ang pangalan ng pinsan ko. 

“Maghihintay po kayo ng 1-2 hours po. Okay lang po, Ma'am?” 

“Okay lang.”

Binagay ko na ang bayad ko para mamaya ay kukunin ko na lang ang item. Pagkabigay niya sa akin ng resibo, umupo naman ako sa waiting area. Ipipikit ko sana ang mga mata ko dahil nakaramdam ako ng antok nang may lumapit na babae sa gawi ko. She looks familiar, but yeah, wala akong pakialam sa presenya niya. 

“Hi!” isang plastic na ngiti. “Ikaw na naman!” 

I made a weird face. 

“Matapos mong landiin ang boyfriend ko. Pinsan ko naman ngayon?!” 

“What the hell are you saying?” may inis sa tono ko. “Do I know you?” 

“Oh? Nakalimutan mo?” natatawang turan niya. “I'm Oranne, nag-meet na tayo before sa Patisserie Boulangerie!” 

“Ahh,” nasabi ko. “Sorry, hindi pa rin kita kilala. Kung nagmeet man tayo before, baka isa ka sa mga nakaaway ko.”

“You're so—” 

“Can you just leave me alone?” 

Hindi ko na siya pinansin pa. Binaling ko sa iba ang paningin ko. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong papalapit si Syrone. 

Napabuntong hininga ako. 

“Oranne..”

“You're so stupid, Sy! Nagkagusto ka sa isang cheap at mukhang dugyot!”

Napairap ako ng wala sa oras. Ayokong gumawa ng gulo rito pero kung sasagarin ng impaktang 'to ang pasensya ko, pasensya na lang. 

“Seriously, Sy? A beggar and sampaguita vendor? Are you blind?” 

Inis akong napabuntong hininga saka tumayo para iwan ang impaktang nagtata-talak ng kung anu-anong walang kwentang bagay. 

Habang naglalakad-lakad ako papunta sa bookstore, pakiramdam ko parang may nakamasid sa akin. Hindi ko na lang pinansin, baka iyong mga tao lang na nakakasalubong ko at napapalingon sa akin. 

Naalala kong mahilig si Havier magbasa ng komiks nung mga bata pa kami kaya naman iyon na lang ang hinanap ko pagdating sa bookstore. Tanda ko pang mahilig siya sa detective comics stories kaya gano'ng genre na lang ang hinanap ko. 

“Oh! You are here too?!” 

Muntikan pa akong mapatalon nang may biglang sumulpot na parang kabute sa gilid ko. 

Pusanggala! 

“Nakikita mo naman, 'di ba?” may halong inis. “At saka, bakit ba bigla-bigla ka na lang sumisigaw?” 

“Nagulat lang ako,” ani Persus. “Galit ka na naman! Natuwa lang akong makita ka, eh!” 

Ramdam ko ang paglukot ng mukha ko. “Pwes, ako hindi.”

“Ito naman, ang harsh mo lagi sa 'kin,” sabi niya. Lumakad naman ako, ramdam kong sumunod siya. “Nandito rin sina Ariess at Menases, bumili lang ng drinks.”

“Tinatanong?” 

“Share ko lang!” 

“Tss, manahimik ka nga.”

“Oo nga pala,” biglang sumeryoso ang mukha niya. “Kumalat sa school ang picture mo na nagtitinda ka ng sampaguita. Totoo ba?” 

Umiling ako. “Binigay ko lang sa ale 'yung kalahating sampaguita.”

“Ang sama nung ugali ni Mariah Duan! Magpinsan ba talaga sila ni Marga? Magkaiba ang ugali nilang dalawa! Pinosted pa, ang pangit naman ng caption.”

Hindi na ako kumibo pa. Chineck ko lang ilang nakuha kong komiks. 

“At saka nga pala, kalat din sa school na si Mayen ang pumatay kay Gabrielle.”

“A-Ano?” nagugulat akong nag-angat ng tingin. “Sino ang nagkalat n'yan?” 

Tanging Aeñoso family, ako at sila Jahm ang nakakaalam no'n. Nangako pa kami sa isa't isa na hindi ito makakarating sa iba lalo na sa school. 

“Hindi ko alam, Rosane. Pagpasok ko kaninang umaga, 'yon na ang pinag-uusapan nila. Kaya pala hindi pumapasok si Mayen. Pero, totoo ba? Si Mayen talaga ang pumatay kay Gabrielle?” 

Nagkibit-balikat ako. Wala akong balak na sabihin sa kaniya ang tungkol doon. 

“Kung siya man...” may binubulong pa siya pero hindi ko na narinig pa. 

“Persus!” 

“Oh, nandito na pala sila, Rosane!” may nginuso si Persus. Sinundan ko iyon ng tingin, sila Ariess at Menases lang pala. 

Nagtaka naman ako. Buti pinapasok sila ng guard? Ang alam ko kasi bawal magpasok ng pagkain dito sa bookstore. 

“Hi, Rosane!” nakangiting bati ni Ariess. 

Tumango ako bilang pagbati sa kanilang dalawa ni Menases. 

“Rosane, tuluyan ka na bang maki-kick out?” ang tsismosong si Persus. “Sayang, ilang months na lang... Moving up ceremony na.”

“Ewan ko."

“Pero ang angas mo, ah!” tumawa siya. “Inambahan mo ang principal natin. Paano 'yon? Paturo naman?”

“Willing ka bang masira at madumihan ang records mo sa school?” 

Kaagad siyang umiling. “S'yempre hindi. Patay ako sa lolo ko!” 

Natahimik kami nang may sumaway sa amin na sales lady. Nakita kong napairap si Persus at napanguso. Dumiretso ako sa counter para bayaran na itong mga komiks. 

Paglabas ko ng bookstore siya namang pagring ng cellphone ko. Nagsalubong ang kilay ko ng makitang numero ni Inspector Colima ang tumatawag. 

“Bakit po?” bungad ko. 

“Miss Beindz, si Miss Mazon, nawawala!”

“A-Ano po?!” 

“Ni-report sa amin kaninang hapon na nawawala nga si Miss Mazon. Iniwan lang ito sa kwarto niya para mamahinga. Matapos ang dalawang oras, binalikan nila ito ngunit wala na silang nadatnan pa.”

Napamura ako sa isip ko. Tila, isa-isa nang nakakatotoo ang mga hinala ko. 

“Inspector, gawin n'yo ang lahat para mahanap siya. Hindi siya p'wedeng makatakas.”

“Sige, hija. Tumawag lang ako para bigyan ka ng babala. Hindi natin masabi pero baka balikan ka ni Miss Mazon. Mag-iingat ka!” 

“Salamat,” tanging nasabi ko at pinutol na ang tawag. Binalikan ko ang stall na binilhan ko kanina. Sakto namang tapos na ang paglagay ng pangalan ni Havier sa bucket hat. 

Nagmamadali naman akong lumabas ng Mall para makauwi na. Pero sa pagmamadali kong iyon, siya namang may humablot sa akin. Naging mabilis ang pagkilos ko para kumawala sa kaniya. Sinubukang kong aninagin ang mukha niya ngunit nakatakip ang mukha nito. 

“Anong kailangan mo?” inis kong tanong at saka siya sinipa sa tuhod. Mukhang hindi naman siya nakaramdam ng sakit. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. “Anong kailangan mo? Tangina ka!” 

Inagat ko ang braso ko para ipadapo ang kamao ko sa mukha niya pero nasalag niya. Mabilis niya akong nasikmuraan na siyang ikinahina ko. Hindi ko ininda ang sakit saka kinuha sa bulsa ang nail cutter at nilabas ang patalim. 

Hindi ako nag-alinlangang iturok sa balikat niya ang patalim nang sumugod siya sa akin. Napahiyaw siya, napangisi ako at bahagyang diniin ang patalim. 

“T-Tama na,” nanghihina niyang wika, napaluhod siya. “T-Tama na, Rosane!” 

Imbis na maawa. Pinaulan ko siya ng suntok hanggang sa mapahiga siya sa lupa. Inis akong yumuko. Hinablot ko ang nail cutter sa balikat niya. Dinig ko ang pagngawa niya ng malakas. Inalis ko ang nakaharang na tela sa mukha niya. 

“Palihim ka talagang tumira, Gensen!”

Naghahabol siya ng hininga ngayon. Ang bawat paghinga niya ay nagiging mabigat. Saka ko lang din naalalang may hika nga pala ang isang 'to. 

“Sakit ka talaga ng ulo, Gensen! Makikipag-away ka, ikaw pa 'tong may hika. Gago ka!” nanggagalaiti kong saad. Nagmadali akong tumawag ng tricycle saka dinala siya sa ospital. 

“Anong nangyari?” tanong ng nurse. 

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko silang asikasuhin ang naghihingalong si Gensen. Napabuntong hininga ako. Pumasok na naman ako sa gulo! Mukhang makakapatay pa ako kung hindi ko dinala agad ang kupal na 'yon dito sa ospital. 

Paniguradong pagagalitan ako ni Havier sa oras na malaman niya ito. Nanghihina akong naupo upang hintayin na maging maayos ang kalagayan ni Gensen. Hindi ko naman siya p'wedeng iwan lang basta dahil kargo ko na siya. 

“Rosane?” 

Nagulantang ako nang makitang papalapit si Aven. Mukhang kagagaling niya lang sa kwarto ni Anjoe. 

“What are you doing here?”Hindi ako nakasagot. Tumingin siya sa mga kamay kong natuyuan ng dugo mula kay Gensen. “What happened? Napaaway ka na naman ba?” 

“Aven...”

Bumalatay ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Gusto kong umiyak sa kaniya pero pinigilan ko. Ayokong mag-alala pa siya lalo. Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko, nagpigil ng luha at nagbaba ng tingin. 

“What happened, Rosane?” tanong niya ulit. Ramdam kong nanunuri ang mga mata niya. “Meron bang ulit umaway sa 'yo? Would you mind to share?” 

I swallowed hard. 

Natatakot ako... Baka sermonan niya ako at pagalitan. Ayokong makarinig ng kung anong masasakit na salita ngayon. Pagod na ang utak at puso ko. 

“Rosane,” marahan niya akong pinaharap sa kaniya. Pilit na hinuhuli ang tingin ko. “I'll listen with no judgements.”

“Nasaksak ko si Gensen,” gumaralgal ang boses ko. “M-Makukulong na ba ako no'n?”

“What?” His eyes grew bigger. “Are you serious?” 

“Aven, hindi ko naman sinasadya. S-Sinaktan niya ako kaya napilitan akong saktan siya...” my tears started to fall on my cheeks. “Tapos... Bigla siyang inatake ng hika niya. A-Anong gagawin ko ngayon? Makukulong ba ako? A-Ayokong makulong...”

Ilang beses akong umiling nang umiling sa kaniya. Lalo pang bumuhos ang mga luha ko. 

“Self-defense lang ang ginawa mo,” pang-aalo niya. “Kumalma ka, Rosane.”

“M-Makukulong ba ako? Ayokong makulong, Aven. H-Hindi ako p'wedeng makulong...”

“No, Rosane. Hindi ka makukulong... I won't let that happen,” turan niya saka hinawakan ang mga kamay ko. “I'm here, hindi kita pababayaan...”

He hugged me. Mahina niyang tinapik-tapik ang likod ko. I bit my lower lip, pinipigilan ang paghikbi. 

I shouldn't be crying right now but I can't help it. Ang bigat-bigat na ng dibdib ko, konti na lang, sasabog na ito. 

“Iuuwi na kita sa inyo. Masyado ng gabi, Rosane. You have to rest,” mahinang aniya nang maging kalmado na ako. 

Umiling ako. “Kailangan ko munang siguraduhing maayos ang kalagayan ni Gensen bago siya iwan.”

He nodded. “We will wait, then..”

Napatulala ako sandali. Iniisip ko kung paano ako makalulusot mamaya sa pinsan ko at kung anong dahilan ang p'wede kong sabihin. Kung kagabi, hindi niya ako napagalitan dahil nga kay Lolo, nasisiguro kong masesermonan niya ako mamaya. 

Hindi ako p'wedeng magsinungaling, kabisado na niya ako, mas lalo siyang magagalit kung magsisinungaling ako sa kaniya. 

“Miss,” isang nurse ang lumapit. “Okay na ang pasyente, Miss. Nalinis na namin ang sugat niya, mabuti na lang at hindi ito masyadong malalim kaya hindi na kailangan tahiin.”

Napatango ako. 

“P'wede na s'yang ma-discharge bukas ng umaga,” dagdag niya pa. “Sige, Miss. May aasikasuhin pa ako.”

“Salamat po.”

Tumango na lang ito bago tuluyang tumalikod. Napahinga ako ng malalim. Bago kami umalis ni Aven, binayaran ko muna ang bills ni Gensen para wala na itong problemahin pa. 

“D'yan na lang po,” sabi ko sa driver. Huminto naman ang sasakyan. Bumaba ako saka tumingin kay Aven. “Salamat...

“Hindi mo ba ako papapasukin man lang?” nakataas kilay na tanong ni Aven. 

I sighed. “Hindi ko naman kasi 'to bahay. Sa pinsan ko 'to, nakikitira lang ako.”

“I want to meet your cousin.”

“Hindi magandang idea dahil wala sa magandang kondisyon si Havier,” turan ko. “Sa susunod na lang..”

“Okay, I understand.” He nodded slowly. “See you tomorrow!” 

Ngumiti ako. “Salamat ulit. Ingat kayo!” 

Sinarado ko na ang pinto. Nang mawala sa paningin ko ang sasakyang sinasakyan ni Aven, naupo ako sa labas ng gate at nagmuni-muni. 

Kinakabahan ako sa sasabihin ni Havier. Natatakot ako na baka magalit siya sa akin at pati siya mawalan ng tiwala dahil sa paulit-ulit akong pumapasok sa gulo. Marami na nga siyang problema, dumadagdag pa ako. This is insane. 

“Ikaw na bata ka,” tinig ni Manang Lucy ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. “Anong ginagawa mo rito at nakaupo ka pa sa semento? Kakabagan ka n'yan, hija.”

Napatayo ako, nagpagpag ng pang-upo saka nahihiyang ngumiti sa kaniya. 

“Ang ganda po kasi ng buwan,” dahilan ko. “Ang sarap mong tingnan.”

“Mahamog na, pumasok ka na sa loob at magpahinga.”

I nodded. 

“Sige po, susunod po ako sa inyo sa loob.” 

Tumango ang matanda. Nauna siyang pumasok sa loob, nagpalipas muna ako ng ilang sandali bago napagdesisyunang pumasok. 

Siyang pagpasok ko, naabutan kong nanonood ng TV ang pinsan ko, may nakasapak na headphone sa tainga niya at matalim ang tinging pinupukol sa television. 

I sighed. Wala pa man nag-init na ang bawat sulok ng mga mata ko. Ito namang puso ko parang sasabog sa kaba. 

I swallowed hard. Kahit natatakot, pinilit ko ang sarili kong kalabitan siya. Unti-unti siyang napalingon sa akin, tinanggal ang headphone at hininaan ang volume ng TV. 

“What?” he asked while raising his brow. “What trouble you cause again, Valentina?”

Dapat pala naghugas muna ako ng kamay bago siya kinalabit ngunit huli na nang maisip ko 'yon. Nakita na niya ang kamay at damit kong may dugo. May ilang pasa rin ako sa braso. 

Kahit kinakabahan at natatakot, kinuha ko sa bag ang pinamili ko at binaba sa center table. 

“Advance gift ko saka peace offering. Huwag ka munang magalit sa akin ngayon, oh. Gagawa naman ako ng paraan para ayusin ang mga ginawa kong gulo,”  nangatog ang mga tuhod ko kaya nagbaba ako ng tingin. “Sa ngayon, intindihin mo muna ang sarili mo, Havier... Hindi ko kayang nakikitang kang malungkot at wala sa sarili.”

He stared at my gifts. Hindi sumagot, nanatiling nasa baba ang tingin. Maya-maya pa'y nakarinig ako ng mahihinang hikbi mula sa kaniya. 

“I'm really mad at him,” dinig kong bulong niya. “Pero ni minsan, Valentina... Hindi ko hiniling na mamatay siya. I just wanted from him to treat us right. Iyung bang turing ng mga karaniwang lolo sa mga apo nila...”

Huminto siya at saka huminga ng malalim. “Kasi, ni minsan ko hindi naranasang maalagaan ng isang lolo o lola man lang. They're always mad at us. Puro na lang sermon! Sermon dito, sermon doon. Kahit saan makarating, sasampalin ka sa harap ng maraming tao! Para bang pinagmamalaki nilang isa tayong talunan at walang kwentang tao! Tapos ngayon, ano? Humihingi siya ng tawad sa atin dahil sa may sakit siya. Kung wala pala siyang sakit, hindi pa siya magpapakumbaba sa atin?”

“Havier...”

“Nakakatang ina lang kasi. Bakit nung mga panahong wala pa siyang sakit, hindi niya magawang makipag-ayos sa atin?” sabi niya, puno ng hinanakit ang tinig. “Kailangan bang parusahan muna siya bago siya magpakumbaba sa atin? Ano? Nagsisisi na siya sa lahat nang ginawa niyang ka-demonyuhan?”

He cried harder. Naupo ako malapit sa kaniya at tinapik-tapik ang likod niya. Napatingin ako sa kung saan, nagpipigil ng mga luha at paghikbi. 

Akala ko, ako lang ang may matinding galit kay Lolo at Lola. Gaya ko, parehas kaming naghahangad ng mabuting pagtrato mula sa kanila ngunit bakit ngayon lang nila ibibigay gayong nauubusan na sila ng panahon? 

Continue Reading

You'll Also Like

645 128 51
Stellan Salvatore, a man who is full of dreams and positivity. Even with the death of his mother, Stellan did his best to be the responsible brother...
HIGHEST TEN By ATLAS

Mystery / Thriller

6.7K 404 32
Isang paaralan na kung saan mayayaman lang may alam. Kung saan bawal ang social media, gadgets are not allowed. Isang ordinaryong paaralan pero may n...
9.3K 185 32
[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer playe...
6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...