MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.7K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

45

18 1 2
By RonneSerene

“Yasuko Miyamoto!” 

She called my japanese name with a thundered voice. Mariin akong napapikit matapos dumapo ang palad niya sa aking pisngi. Kumuyom ang mga kamao ko nang sampalin niya ulit ako. 

Pusanggala! 

Hindi ko lubos maisip kung bakit nandito sila ngayon sa school. Nagkataon pang nagkakagulo kung kailan sila dumating dito at naabutan pa nila akong hawak ko ang kwelyuhan ni Mrs. Alegre. 

Malas! 

“Hindi ka na nadala!” sigaw ni Lola. Napayuko ako dahil alam kong nasa akin ang mga tingin ng mga tao rito. “Gustong-gusto mo talagang napapagalitan ka! Problema na lang parati ang dala mo sa pamilya at sa paaralang ito!”

I swallowed hard. Nagmulat ako ng mga mata saka pasaring tinapunan siya ng tingin. 

“Problema? Problema ang dala sa pamilya mo?” umikot ang mga mata ko at tumawa ng pagak. “Minsan ba naitanong n'yo sa 'kin kung ano o sino ang problema ko?!”

“Sumasagot ka pa talagang bata ka! Bastos ka! Wala ka talagang pinag-aralan!” akma niya akong sasampalin ulit nang pigilan ko siya. 

“P'wede ba?! Tama na ang pananakit mo sa akin!” pabagsak kong binitawan ang braso niya. “Nakakasawa na! Hindi ka ba napapagod na saktan ako?!”

“Hindi, hangga't hindi ka nadadala!”

"Ano?! Dalang-dala na ako! Pagod na pagod na rin ako sa pananakit niyo! Gusto niyo bang saktan ko rin kayo para madala kayo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay pu-p'wede n'yo akong saktan!”

“Walang hiya ka talagang bata ka!”

“Oo na, Lola! Walang hiya na ako... bastos at walang pinag-aralan! Huwag nang paulit-ulit. Nakakarindi. Kung gusto mo pang ipaglandakan sa buong mundo, magpa-media ka!”

“Miss Rosane Beindz!” sumingit si Mrs. Nalandress. Hinatak niya ang braso ko. “Nakahihiya itong ginagawa mo. Ikaw na nga ang may kasalanan, ikaw pa ang may ganang magalit sa mga nakakatanda sa iyo! Ano bang klaseng tao ka?! Wala bang natitirang kahihiyan sa katawan mo o kahit respeto man lang?! Demonyita ka talaga!”

I gritted my teeth. Sinamaan ko siya ng tingin. Bwisit! Dumadagdag pa ang bruha na 'to sa problema ko! Hilig laging umeksena! 

“Nakaperwisyo ka na nga, binabastos mo pa ang principal, ikaw pa ang matapang ngayon at nagmamagaling!”

Hinayaan ko siyang batuk-batukan niya ako. Hinintay ko naman kung ano ang gagawin o magiging reaksyon nina Lolo at Lola. Ngunit parang may sumabog sa loob nang panoorin lang nilang batuk-batukan ako at walang makikitang emosyon sa pagmumukha nila! Peste! 

“Mrs. Nalandress, that's not the right to discipline your student!” pag-awat ni Mrs. Delman. “You're hurting her! That's not supposed to treat her!”

“Shut up, Mrs. Delman!”

“You shut up, Mrs. Nalandress!” sigaw pabalik ni Mrs. Delman. She glared at her. “Kung hindi mo ititigil 'yan, ako mismo ang magsasampa ng kaso against you!”

Napasinghap si Mrs. Nalandress. Naramdaman kong binaba ni Mrs. Nalandress ang kamay niya mula sa batok ko. 

Punyeta! 

Magsasalita sana ako nang mahagip ng mga mata ko si Ohne. Sa gilid naman niya, nakaupo si Gariel, hindi maipinta ang mukha. 

“This is fucking bullshit!”

“Gari.”

“I will call my mom, Karl,” dinig kong sabi ni Gariel. “They are evil!”

“Lower your voice.”

“I don't fucking care if they hear me! Totoo naman! They were always hurting my best enemy! Ang sama nila! Imbis na kampihan nila ang apo nila, they chose to manipulate and abuse her! Fuck… Sumasapaw pa ang teacher na 'to!”

“Excuse me, Mr. Aeñoso?” Mrs. Alegre voice. “Could you please—” 

“It's school fault! It's your fault, Mrs. Alegre!” dumagundong ang malalim na boses ni Gariel. “Kung naging maingat lang sana ang pesteng school na 'to, hindi mangyayari ang lahat ng ito! Hindi sana mamamatay ang kakambal ko! Wala sanang mangyayaring ganitong kahangalan!”

“Mr. Aeñoso—” 

Napasinghap si Mrs. Alegre nang biglang tumayo si Gariel at padabog na lumabas ng silid. Napangisi ako. Kung hindi pa siya lalabas, siguradong magtutuloy-tuloy ang galit niya at baka magkataong magwala ang tukmol dito. 

“Mrs. Alegre,” si Lolo, sa kaniya napunta ang tingin ko. “Kick my granddaughter out now. I want you to drag her off and cut her scholarship!”

Napapitlag ako. I was about to say something when someone pulled my arm and went out of the office. 

Hindi na ako umangal pa kung saan niya ako dinala. Napatianod lang ako hanggang sa makita kong nasa labas na kami ng school. 

“Bakit mo ako—”

Namilog ang mga mata ko nang bigla niyang pinatong ang ulo niya sa balikat ko. 

“Don't let anyone hurt you, woman…”

I frozed.

May kung ano akong naramdaman nang marinig iyon mula sa kaniya. Parang piniga ang puso ko. 

“I hate seeing you hurting,” bulong niya. Halos hindi ko na marinig ang boses niya. “Please, woman... Don't let them manipulate you…”

I sighed. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Naramdaman kong nag-init ang gilid ng mga mata ko.

“L-Leave me alone…”

Kita kong napaangat siya ng ulo, nagsalubong ang aming mga tingin. Mayroong pagtataka sa mga mata niya. 

“W-What?”

“Leave me alone,” ulit ko. “I hate seeing you—” 

“I didn't do anything wrong here, so why do you want me to leave you, woman?”

Gulong-gulo ang isip ko. Walang anumang salita ang lumabas sa bibig ko. Napayuko na lamang ako. 

“No, woman. I have a promise. I won't ever leave you in your hardest time…”

“Ohne…”

“Are you free today?” tanong niya. “I would like to bring you to the safest place that I know.”

"Saan tayo pupunta?" 

He didn't answer me. Hinawakan niya  ang palapulsuhan ko at marahang hinila. Wala akong idea kung saan kami tutungo, nagpatianod lang ako. Kung hawakan niya naman ako parang isang batang paslit na basta na lang mawawala. 

Namilog ang mga mata ko nang huminto kami sa isang simbahan sa likod ng school namin. 

”Anong gagawin natin dito?”

Hindi ulit sumagot si Ohne. Hila-hila niya pa rin ako papasok ng simbahan. Walang tao nang pumasok kami, tanging kaming dalawa lamang ang tao. 

“Lemme pray first, woman,” usal niya. Nagtataka akong lumingon sa kaniya. “I just wanna ask Jesus if he's missing an angel.”

Isang ngiti ang pinakawalan niya bago nagtapon ng tingin sa altar.

Pusanggala! 

Napakurap-kurap ako. Ano ba 'tong sinasabi niya? 

Binitawan niya ang kamay ko. Lumakad siya palayo sa akin at lumuhod mismo sa gitna ng altar. Napapikit siya ng mga mata at bahagyang napayuko. 

Umangat ang tingin ko sa imaheng nasa altar. Dagliang nanggilid ang mga luha ko. Hindi ko nalamayang napaluhod na ako sa luhuran at yumuko. 

Lord...

Gusto ko po kayong kwestyunin kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin. Kung bakit po sa lahat ng tao sa mundo... Bakit ako pa po ang nakadadanas nang ganito? Bakit po puro hirap na lang ang dinadanas ko? Bakit po puro sakit ang nararamdaman ko? 

Napasinghot ako. Pinilit ko namang pinipigilang humikbi. 

Alam ko pong hindi ako perpektong tao pero wala naman po akong ginawang masama o kasalanan para parusahan niyo ako nang ganito. Pero, Lord... Kahit po ganito, kahit po kinuha ninyo nang maaga ang kaibigan kong si Gabrielle... Gabayan n-niyo po siya diyan sa taas. 

Sa inyo at sa inyo pa rin ako magtitiwala, hihingi ng gabay para magpatuloy sa buhay. Alam ko pong pagsubok lang ang mga ito. Magagawa ko rin pong bumangon balang araw.

Humingi rin po ako ng kapatawaran dahil sumasagot ako ng pabastos sa ang mga nakakatanda. Hindi ko naman po sinasadya, nadadala lang po ako ng emosyon pero deserve po nila 'yon.

Lord…

Kung hindi pa po ito ang oras para mawala ang bigat na dinaramdam ko, bigyan niyo po ako ng sapat na lakas para kayanin lahat. Maraming salamat rin po dahil mayroon pang mga tao na nakakaunawa sa akin. Gaya po nitong si Ohne, salamat po dahil ginawa niyo po siyang instrumento para muli akong mapalapit sa inyo…

Hindi ko na po talaga kaya. Hindi ko na kayang lumaban pa. Pakiramdam ko po wala na akong pag-asa para makaahon sa lungkot na ito. Lunod na luhod na po ako. Hindi na ako makahinga at ubos na ubos na po ako. 

Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang mga palad ko. Pinakalma ko ang aking sarili. Parang malalagutan ako ng hininga dahil naninikip na ang dibdib ko. 

“Here…”

May inabot na panyo si Ohne, doon ko lang napansin na nasa tabi ko na pala siya. Kinuha ko naman ang panyo niya at pinunas sa mukha ko.

“You know what, woman. Sa tuwing exhausted and I feel anxious, dito ako laging pumupunta. Nagpapalipas ako ng oras hanggang sa maging kalmado ako.”

Napasinghot ako saka siya nilingon. Nasa harap ang paningin niya, nakangiti siya at pawang nagmamalaki. 

“When I think a lot of nonsense things, dito lang ako pumunta at nagpe-pray. Alam ko kasing matutulungan niya ako,” nakangiting wika niya and he stared at me. “If you feel tired, sad or whatever, just ask him for guidance, woman. I know, He will help you.”

Napayuko ako. Para bang gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Sandali akong nakahinga ng maluwag.

“Kung pakiramdam mong sinukuan ka na ng mundo…” Bahagyang namilog ang mga mata ko nang ilagay niya sa gilid ng tainga ko ang buhok ko. “I'm always here.”

“S-Salamat…” bulong ko, hindi ko na makilala ang boses ko dahil sa pagpaos nito. 

“You're welcome.”

I sighed. Naramdaman kong sumakit ang ulo ko pero hindi ko iyon pinansin. Napatayo ako nang maalalang may gagawin pa ako.

Tumayo na rin si Ohne. “Let's go? Do you feel better now?”

“I'm a bit fine,” bumuntong hininga ako. “May trabaho pa ako. Baka ma-late ako.”

He nodded. 

Sabay kaming lumabas ng simbahan. Paglabas namin may humintong bata sa tapat naming dalawa.

“Sampaguita po, bente na lang!” 

Inangat pa ng bata ang hawak niyang isang kumpol ng sampaguita. Nanuot sa ilong ko ang amoy no'n. 

“How much is that?”

“P-Po? Spokening dollar ka, Kuya?”

“What?”

"Sorry, Kuya! Hindi ako nakakaintindi ng english.”

“Oh,” tila nagulat si Ohne, parang namamangha. “Magkano lahat 'yan?”

“Bakit po? Bibilhin n'yo po ba?”

“Ayaw mo?”

“Gusto ko s'yempre, Kuya!”

“Magkano?”

“200 po!”

Nakita kong may dinukot si Ohne sa bulsa niya. May kinuha siyang dalawang libo at inabot sa bata.

“Kuya, bakit dalawang libo? Hindi ka ba marunong sa math? 200 lang po hindi 2000!”

Bahagya akong natawa sa sinabi nung bata. Napalingon naman sa akin si Ohne. Nakabusangot niyang kinuha sa kamay ng bata ang mga sampaguita.

“Kid, sa 'yo na 'yan, ibigay mo sa mga magulang mo,” usal ni Ohne. “Siguraduhin mo lang na ibibigay mo dahil kapag hindi, tatanggalan ka ng mga ngipin nito!”

“Hoy!” asik ko matapos akong ituro ni Ohne. “Soft-hearted ako pagdating sa mga bata.”

“Really?” Humalakhak siya. “Bata rin naman ako, pero bakit hindi ka soft-hearted sa akin?”

“Ano bang sinasabi mo?”

“Lagi mo akong iniismiran at inaambahan. Tsk, tsk, tsk…”

“Crush mo lang si Ate, eh!” sigaw nung bata. ”Oh, bakit ka natahimik, Kuya? Kasi totoo?”

“Alam mo ang ingay mo. Umuwi ka na nga sa inyo,” inis na wika ni Ohne.

“Oo na, Kuya! Sungit mo... pero mabait ka naman!” nagsimula itong tumakbo pero napahinto rin at muli tumingin sa amin. “Sana i-crushback ka na ni Ate! Salamat po!”

Napailing na ako. Nakita kong napatingin sa akin si Ohne. Nag-iwas na lamang ako ng tingin. 

“Oh…” Inilahad niya sampaguita. 

“Anong gagawin ko d'yan?”

“Mahilig ka sa bulaklak, right?”

“Oo.”

“Sa 'yo na lang, tutal mukha ka namang patay.”

“Gago ka, ah!” natampal ko ang bibig ng mapagtantong nasa labas pa kami ng simbahan. “Syiete ka, Ohne. Anong mukhang patay?!”

“I was just joking, woman! What I mean is mukha kang patay na patay kay Jungkook!”

“Biro ba 'yon? Bakit mukhang namemersonal ka?! Anong patay na patay?! Hindi, walang bawian! Sinabi mong mukha akong patay!”

“Did I offend you?” he asked, umangat ang niya kilay at ngumuso. Pinagmukhang batang inapi ang sarili. “I'm sorry, I didn't mean it. Actually, you look like an angel.”

“Ano?” naningkit ang mga mata ko. “Anong sabi mo? Ako? Mukhang anghel? Baka demonyo. Nagpapatawa ka ba talaga?!”

He shook his head immediately.

“I'm not kidding,” kumurba ang gilid ng labi niya. “You look like an angel.”

“A-Ano?”

“Nothing! Let's go home!”

“Hoy, nagtatanong ako. Paki-ulit nga!”

“It's just nothing, woman!”

Humabol naman ako sa kaniya at sinabayan siya. “Narinig ko 'yon! Mukha pala akong anghel, ah!”

“Y-Yeah, you look like an angel but ugaling—” 

“Opp!” pigil ko sa kaniya. “Huwag mo nang bawiin.”

Ngumisi siya. Habang naglalakad kami pabalik sa school, tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong kinuha sa bulsa at sinagot ang tawag. 

“Where are you at?” siyang bungad ni Havier. “I heard what happened earlier. Are you okay?”

“Okay lang ako.”

"Nakakainis sina Lola! Paano nilang naatim na saktan ka sa harap ng maraming tao! Unbelievable!”

“Mamaya na tayo mag-usap pagkagaling ko sa trabaho.” 

“Nasaan ka ba?”

“Pabalik ng school, galing akong simbahan.”

“What?” tila hindi siya makapaniwala. “Who are you with?” 

“Kasama ko si Ohne.” 

“Okay, see you later. Call me if you want me to pick you up.”

“Sige.”

Then he ended the call. 

Nagpaalam ako kay Ohne at muling nagpasalamat sa binigay niyang sampaguita. He just nodded at me. Kaya tumango ako bago tuluyang umalis. Pero bago tumungo sa trabaho, dumaan muna ako sa Police Station. 

“Anong sadya mo?” ito ang tanong ng lalaking mukhang bakulaw matapos niya akong harangin sa entrance. “Bawal ka rito bata. Bawal magbenta ng sampaguita rito!”

“Hindi po ako magbebenta. Gusto ko pong makausap si Inspector.”

“Wala siya rito umalis.”

Umirap ako. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at dinial ang numero ni Inspector. Isang ring pa lang, sinagot niya na ito. 

“Oh, Miss Beindz. Napatawag ka?” bungad niya. “May kailangan ka ba?”

“Nasaan ka po, Inspector Colima?” sinadyang kong iparinig sa lalaking humarang sa akin. 

“Nandito lang ako sa Police Station. Bakit, hija?”

“Kakausapin ko po sana kayo.”

“Sige, nandito lang ako sa Police Station.”

Pinatay ko na ang tawag at nagdire-direstong pumasok sa loob. Pinipigilan man ako nung lalaking mukhang bakulaw, hindi ako nagpatinag. 

“Inspector Colima,” pagtawag ko sa kaniya nang tuluyang na siyang makita. 

“Hays, patay ako nito kay Detective,” rinig kong bulong nung lalaki. “Ang hirap pala nitong sawayin!” 

Nagmadali na siyang lumakad papaalis kaya naman hinarap ko na si Inspector Colima. 

“Oh, hija, ano ang sadya mo?” tinuro niya ang bakanteng upuan, umupo naman ako. 

“Si Mayen po, kumusta?”

“Nasa custody na siya ng DSWD.”

“Is she okay there?”

“Siguro, Miss Beindz. Lahat naman daw ng kailangan niya ay ibibigay.”

Napatango ako. “Tingin niyo po ba wala nang mangyayaring krimen sa school?”

“I don't think so, hija. Iba na ang mga kabataan ngayon, kayang-kaya nilang gumawa ng krimen na hindi mo namamalayan. Katulad nga n'yan ni Miss Mazon, wala sa itsura niyang mamamatay tao siya. Ang gandang bata pero nakagawa ng karumaldumal na krimen. Kaya ikaw, hija... Huwag mong hayaang kainin ka ng emosyon mo, iyan ang sisira sa 'yo.” 

I sighed. May punto si Inspector, tulad ni Mayen, nagpadala siya sa emosyon niya. Nanaig ang galit at inggit niya sa 'kin na hindi naman dapat para sa isang tulad ko. 

Nakakadismaya lang... Siya nga itong kinaiinggitan ko dahil mayroon siyang kumpletong pamilya. May ina, ama at mga kapatid na sumusuporta sa kaniya ngunit siya pa itong hindi marunong makuntento sa kung anong meron siya. 





_






“Uy, Rosane!” May kumalabit sa akin matapos kong ma-i-serve ang mga dala kong pagkain. “Uy, 'teh! May tsismis ako. Hindi ba't sa LSU ka nag-aaral?” 

“Bakit?” tanong ko kay Ate Abby. 

“Jusko, 'teh! Gwapo pala ang mga nag-aaral do'n!”

“Hindi naman lahat.”

Tumawa siya. “May bago tayong makakasama rito. Galing sa school mo! Jusko! Baka kilala mo, ha? Ilakad mo na rin ako sa kaniya!”

“Landi n'yan!” si Louisa. 

“Manahimik ka nga, Louisa. Palibhasa, walang nanliligaw sa 'yo!”

“Meron kaya, sadyang ayoko lang magjowa.”

Hindi ko na sila pinansin pa at pinagpatuloy na ang trabaho ko. 

“Rosane, sa kusina ka muna. Marami pang mga pinggan ang hindi nahuhugasan,” utos ni Manang Clara, saka kinuha ang tray na hawak ko. 

“Sige po, Manang Chara.”

Tinanguan niya ako. Pumasok kaagad ako sa kitchen area at hinarap ang isang damukal na hugasin. 

“Mapapalaban yata ako ngayon…”

Kinuha ko ang nakasabit na rubber gloves doon. Binuksan ko ang gripo saka sinimulan nang hugasan ang mga pinggan. 

Pusanggala... 

Habang tumatagal, parami nang parami ang mga dumarating na hugasin. Napabuntong hininga ako. Minadali ko ang ginagawa ko dahil baka mamaya abutan ako ni Manang Chara at pagalitan pa ako. 

Lumipas ang ilang sandali, tumigil muna ako dahil nakaramdam ako ng pakangalay sa likod at binti. 

Putcha, inuugat na ako rito!

Pumihit ulit ako ng malalim na paghinga at muling nagpatuloy sa ginagawa. Sana naman may dagdag kita 'to, 'no? 

“Rosane, ako na muna d'yan!” May tumapik sa balikat ko. Si Mavy. Nakita ko siyang kumuha ng gloves at sinuot iyon. “Dalawang oras ka nang nakatayo at nakayuko sa lababong 'to. Hindi ka ba nangangawit?”

“Hindi.”

“Angas mo naman!” sinundan pa nang pagtawa. Halos makita ko na ang ngala-ngala niya. “Oo nga pala, nakita mo ba 'yung bagong ka-trabaho natin? Galing LSU, baka kilala mo.”

“Hindi ko pa nakikita,” sagot ko. 

Umismid siya. “Si Ate Abby, mukhang nahuhumaling sa lalaking 'yon! Kanina pa siya buntot nang buntot do'n. Hindi naman siya pinapansin nung lalaki. Ang weird nga niya, hindi siya nagsasalita. Panay lang ang tango at iling.”

“Baka tamad magsalita.”

“Baka nga!” tumatawang saad niya. “Sige na, mag-break time ka muna. Ako na ang magtatapos ng lahat na 'to.”

“Sigurado ka? Kaya mo?”

“Very easy, Rosane!"”

Napailing na lang nang mag-okay sign pa ito. Hinubad ko na ang gloves at iniwan siya roon. Dumiretso ako sa comfort room para makapagbawas ng tubig sa katawan. Habang naghuhugas ako ng kamay siyang namang nagring ang cellphone ko. Nagpunas ako ng kamay saka sinagot ang tawag. 

“What the hell did you do, Rosane?!” galit na bungad ni Aven. Hindi na ako nagulat. Alam kong malalaman niya kaagad iyon, siya pa. 

“Ano na naman?”

“Rosane, wala ka ng scholarship. They cut it off and you are three days suspended. And you know what is worst? Pagbobotohan pa nila kung maki-kick out ka!”

I sighed heavily. Akala ko naman kung ano na, iyun lang pala. 

“Hello... Are you still there?”

“Oo.”

“Anong balak mo?” tanong niya. 

“Wala…”

“Wala?”

“Wala!” ulit ko pa. 

“Anong wala? Hahayaan mo na lang na mawala ka sa school, gano'n? You still care for your studies, don't you?”

Umikot ang mga mata ko. 

“Matagal na akong nawalan ng pakialam sa pag-aaral ko.”

“Rosane…”

“Ibaba ko na...” bagot kong wika saka napabuga ng hangin. “Tinatawag na ako ng boss ko.”

Binaba ko na ang tawag. Paglabas ko ng comfort room, dumiretso ako sa counter area. Naabutan ko roon si Manang Chara. 

“Hija, pakitawag nga 'yung bagong waiter natin. Nasa second floor,” utos niya. “May ipapagawa lang ako sa baguhan na 'yon..”

“Ano po ang pangalan?”

“Uno,” sabi niya. “Uno ang pangalan niya.”

“Sige po.”

Nagmadali akong umakyat sa second floor. Hinanap ng mga mata ko ang bagong waiter na sinasabi ni Manang Chara. 

Nag-isang linya ang kilay ko nang may makitang pamilyar na pigura. Nakatikod ito, nagpupunas ng lamesa at bahagyang nakatunghaw. 

“Ohne?” gulat kong usal nang tuluyang makalapit sa kaniya. “Anong ginagawa mo rito— Ikaw 'yung bago na sinasabi nila?”

Namilog ang mga mata ko nang mapansing pareho kami ng suot na uniporme. 

He just nodded slowly. Mukhang tinatamad pa! 

“Uno raw pangalan mo.”

“Ayokong tawagin nila ako sa tunay kong pangalan.”

Mahina akong napatango, medyo nagtataka sa kaniyang idinahilan. 

“Tawag ka nga pala ni Manang Clara,” nang maalala ang pakay ko. 

“Why?”

Nagkibit-balikat ako. “Punta ka na lang sa counter.”

He simply nodded again. 

Pagtalikod ko sa kaniya, siya namang may dumaan. Sa bilis ng pangyayari, nakita ko na lang naitapon sa akin ang mainit na likido. 

"Hala, sorry!" si Ate Abby, nagmadali siyang punasan ang dibdib ko gamit ang table tissue. Naramdaman kong napatingin ang ilang mga tao sa amin. "Hindi ko sinasadya, Rosane! Sorry!" 

May narinig akong umungot. Kahit hindi ko lingunin alam kong si Ohne iyon. 

"Ayos lang," saad ko kay Ate Abby. Tinalikuran ko na siya at dumiretso sa staffroom para magpalit ng damit.

Putek, ang init! Parang malalapnos ang balat ko. Ano ba siya, bulag? Para hindi makita ang dinaraanan niya!

Napatingin ako sa wrist watch ko. Kalahating oras na lang pala bago mag-alas otso. Dinala ko na ang mga gamit ko dahil uuwi na ako. Dumaan muna ako sa office ni Madame Aika, dala-dala ang sampaguitang binigay ni Ohne. 

"Good evening," ito ang bungad ni Madame Aika pagkabukas ko ng pinto. "What do you need?" 

"Madame," napakamot ako ng batok. "P'wede po ba akong mag-advance sa inyo. Kailangan ko lang po—"

"How much?" 

"P-Po?" gulat kong tanong, hindi inaasahan ang tanong na iyon. 

"How much do you need?" 

"5,000 po, Madame."

"Is that all?" 

Tumango naman ako. 

"Okay." 

Nakita ko siyang may kinuha sa wallet niyang sobre at inabot sa akin. Malugod kong tinanggap at binuklat. 

"Madame, sobra po ito..." matapos kong makita ang laman ng sobre. 

"Just take it, hija. Paunang sweldo ko iyan sa 'yo."

"Eh, Madame, ang laking halaga po nito." 

"Ayaw mo?" umarko ang kilay niyang manipis. "Kung ayaw mo, ibalik mo sa akin."

Mahina akong natawa. "Salamat po, Madame Aika!" 

"You work hard for that, hija."

"Salamat po talaga,” mahina lang siyang napatango. "Sige po, uwi na po ako.”

Kung susumahin, aabot siguro ng 20k ang laman ng sobre. Pusanggala! Masyadong malaki para sa paunang sweldo niya sa akin. Nagtataka man, hindi ko na lang pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

"Are you going home?" tanong ni Ohne nang makasalubong ko siya sa counter. Tumango ako bilang pagsagot. "Oh, can you wait me?" 

"Bakit?" 

"Uuwi na rin ako."

"Tapos na shift mo?" 

"Just wait me here," he simply said. Aangal pa sana ako nang talikuran niya ako. 

"'Teh, close kayo?" siya namang pagsulpot ni Ate Abby. "Lakad mo ako sa kaniya! Sige na, Rosane!" 

"Sige..."

"Uy, promise 'yan, ah!" Inalog-alog niya pa ang balikat ko kaya umikot ang mga mata ko. "Jusko! Magkakajowa na ako!" 

Napangiwi ako. Ilalakad ko lang naman siya kay Ohne, anong connect no'n na magkakajowa na siya? Napakamot ako sa ulo ko. Minsan talaga hindi ko maintindihan 'tong si Ate Abby. 

"Let's go, woman."

"Wait lang, tayo ka muna d'yan." 

Nilapitan ko si Ate Abby at hinila siya palakad kay Ohne. Dalawang beses ko pa iyon ginawa. Nangunot ang noo ng dalawa, parehong pagtataka ang rumihestro sa kanilang mukha. 

"Okay na ba, Ate Abby?" tanong ko. "Nailakad na kita sa kaniya."

"Jusmisyo marimar!"

"What the hell?!" 

Kibit-balikat ko silang tinalikuran. Lumabas na ako ng restaurant nang hindi sila nililingon. Alam ko ang ibig sabihin ng sinasabi ni Ate Abby. I just want to have fun and make them fun.

Habang naglalakad ako, naisip kong kunin ang cellphone ko sa bulsa para magbukas ng Facebook. 

"Hey, woman!" 

"Oh?" nanatiling nasa cellphone ko ang paningin. Biglang may nag-pop out na notification, moments a month ago. 

I didn't hesitate to share it and leave a simple caption. 

Best memories with you. See you when I see you, Gabbyyy! 

Napabuntong hininga ako at pinatay na ang cellphone ko. 

"Bakit?" napansin kong nakatitig ang tukmol sa akin. 

"You miss him?" 

Hindi ako nag-alinlangang tumango. Magsisinungaling pa ba ako? 

"Sa sobrang pagkamiss ko kay Gab, gusto ko na tuloy sumunod sa kaniya sa kabilang buhay.."

Kaso, hindi p'wede. Alam kong hindi siya matutuwa kung gagawin ko iyon. 

"Don't worry, hindi ko gagawin 'yon," usal ko dahil mukhang sineryo niya ang sinabi ko. "Oo nga pala, buti pinayagan ka ng mommy mo na magpart-time job? Ayos ka rin, natututo ka ng tumayo sa sarili mong mga paa."

"I just tried but my mother didn't know."

"Hindi ba magagalit? Si Tita Ginnie kasi noon, nagalit kay Gab nung sumama sa akin magtrabaho."

"No, she won't," sagot niya. "Thanks to her, because she hired me."

"How was your first day in Deetuka?" 

"It was fine, I'm not that tired though."

May dumaang tricycle kaya pinara ko ngunit hindi ako pinansin at nagdire-diretso lang sa pagtakbo. 

"Seriously, woman? Sa ganitong oras, sasakay ka sa tricycle?" 

"Wala si Havier sa bahay, nasa office. Wala rin si Kuya Teo dahil kasama siya ni Havier."

"I brought my motorbike here. Do you wanna take a ride with me?" 

"Hindi na,” umiling ako. “Mag-aabang na lang ako ng tricycle."

"I will wait then.."

"Ha?"

"I will wait, until you finally get a tricycle."

"Hindi na," sabi ko. Ano ba naman 'to? "Mauna ka nang umuwi. Saan ba nakapark ang motor mo?" 

"Seven-eleven."

I nodded. Pagdating namin sa seven-eleven, pumasok ako sa loob habang siya naman ay sinusuri ang motor niyang magara. 

"Kape?" tanong ng kahera, napatango ako sa kaniya. "Cup noodles?" 

"Kape lang po baka magkaroon na ako ng sakit sa bato."

She nodded. Inabot ko ang bayad matapos niyang mai-ayos ang kapeng binibili ko. Habang hinihintay ang sukli, kusa akong napalingon sa labas at nakita kong namumungay ang mga mata ni Ohne. 

"Ate, isa pa nga pong kape."

"Plain black ulit?" 

"With crema po."

"Nagbebenta ka ng sampaguita?" 

"Ha?" 

"Iyan, oh!" 

Tinuro niya sa hawak ko. Doon ko lang napansin ulit ang sampaguitang hawak ko. 

"Hindi," umiling ako. "May nagbigay lang."

"Taray!" may panunukso sa tono niya. "Sampaguita, napaka-ginoo naman!" 

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Hinintay kong mai-proseso ang kapeng hinihingi ko, nang maibigay na niya, kinuha ko ang sukli ko at lumabas para lapitan si Ohne. 

"Oh, kape ka muna," sabay abot ko sa kaniya ng cup, tinanggap naman niya iyon. "Kailangan mo 'yan, magmamaneho ka pa mamaya."

"Salamat."

Napatingin ako sa kung saan saka sumimsim sa kape ko. Habang namumuni-muni, may isang matandang babae ang lumapit sa akin. 

"Ineng, bilhin ko na 'yang sampaguita mo," nakangiting aniya. "Anong oras na rin naman, hindi ka na makakaubos." 

"P-Po?" 

"Magkano ba lahat 'yang sampaguita mo? Bibilhin ko na lahat, hija."

Napaawang ang bibig ko. Anong akala niya sa akin? Nagtitinda ng sampaguita? 

"H-Hindi ko po binibenta 'to," nahihiya kong saad nang matauhan ako, bahagya pa akong napayuko. "May nagbigay lang po sa akin, pero kung gusto n'yo po, bibigyan ko kayo."

Binaba ko muna ang hawak kong kape, hinati ang sampaguita at inabot  iyon sa matandang babae. 

"Naku, nakakahiya!" nahihiyang saad. "Pasensya ka na, hija. Akala ko nagbebeta ka, mukha ka kasing problemado."

"H-Hindi po."

"Oh, s'ya, hija. Maraming salamat!" 

"Walang anuman po."

Simple lang akong tumango sa kaniya at pilit na ngumiti. Ang matanda naman ay hinaplos pa ang braso ko bago lumakad papaalis. 

"Instant sampaguita vendor, huh?" 

Sinamaan ko siya ng tingin. Kinuha ko ulit ang kape ko at mabilis na ininom iyon. Takte, hindi na masarap! 

Tumunog ang cellphone ko, kinuha sa bulsa at wala ano-anong sinagot ang tawag. 

"Oh?" nakita kong si Jahm ang tumatawag. "Bakit?" 

"Gaga ka talaga, Rosane! Ano na naman ang ginawa mo?!" 

"Jahm—" 

"Luka, paano ka na makakasama sa moving up?! Sira-ulo ka talaga! Bakit mo siniko ang mga guards at kwinelyuhan si Mrs. Alegre?!" 

"Paano kasi—" 

"Paano kasi hindi ka nakapagpigil?! Dinaan mo na naman sa init ng ulo?! Ha? Gano'n ba, Rosane?" sunod-sunod niyang sabi. Kung nakikita ko lang siya ngayon, paniguradong nanggagalaiti na ang ugat niya sa leeg. "Ano?! Paano na ngayon? Tagilid na nga ang grade mo, lalong pang tumagilid ngayon! Wala na ang scholarship mo! Suspendido ka pa ng tatlong araw? Idagdag mo pang maki-kick out ka!" 

"'Wag mo nang intindihin, Jahm."

"Anong huwag intindihin?!" 

"Ako na ang bahala," tanging nasabi ko at pinutol ang tawag. Napahinga ako ng malalim. Sabi na, eh. Sesermonan na naman ako nung babaeng 'yon. Hindi pa natatapos d'yan ang lahat, may second ground pa ang panenermon niya. 

"Look at the moon, woman," Ohne uttered. Nag-angat naman ako ng tingin sa bilogang buwan. "Beautiful, isn't it?" 

"Maganda," sagot ko naman at ngumiwi. "Bilog na bilog ang buwan, ibig sabihin lalabas ang mga aswang! Umuwi na tayo at baka aswangin tayo sa daan!"




_




Nagpahatid ako kay Ohne sa kanto ng Village. Hindi ko na siya pinadiresto pa rito dahil gusto kong magmuni-muni sa daan habang nag-iisa ako. Pagdating ko naman sa bahay, nag-aalangang mukha ni Manang Lucy ang bumungad sa akin. 

"Naku, hija. Dapat hindi ka muna umuwi. Nandito ang Lolo at Lola mo," aniya. "Galit na galit sila, hija. Kanina ka pa nila hinahanap!" 

"Nasaan po sila?" 

"Nasa office ni Havier."

Kaagad akong tumungo sa office ni Havier. Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil baka mamaya may magawa akong hindi maganda. Eh, ‘di bengga na naman ako at isang katerbang sermon ang ipapakain sa akin. Binuksan ko ang pinto 'tsaka dire-diretsong pumasok sa loob. 

"Bastos talaga," dinig kong bulong ni Lola. "Walang pasintabi ang apo mo, Ferier!" 

Pilit akong ngumiti sa kanila, nang-aasar. Ang naniningkit na mga mata ni Lola ay lalong sumingkit dahil sa iritasyon. 

"Ganito ba ang oras nang uwi ng isang matinong babae?" siya namang biglang pagtatanong ni Lolo. Matatalim ang tingin, parang mangangain ng buhay. 

"And look at yourself, Yasuko Miyamoto! You look like shit," Lola said. 

"Ano naman?" 

"Valentina," may pagpipigil na sabi ni Havier. 

"Sumasagot ka pa talaga!" akma pang ihahampas sa akin ni Lola ang hawak niyang tungkod nang pigilan ito ni Lolo. Bahagyang akong nagulat pero hindi ko iyon pinahalata. 

"Paano natin makakasundo ang mga apo mo kung tayo mismo hindi umiintindi sa kanila?" mariing niyang sabi na siyang lalong nagpagulat sa akin. "Mercedes, tumatanda na tayo. Anumang oras maaari tayong bawian ng buhay. Gusto ko nang itama ang mga pagkakamali ko... natin."

Nilingon ko ang pinsan kong naguguluhan sa nangyayari. Nagtinginan kami, gaya ko, wala siyang alam sa sinasabi ni Lolo, na akala mo'y nakainom ng holy water dahil biglang naging mahinahon ang boses. 

"Rosane Avera, apo..."

"Pusanggala!" 

Hindi ko inaasahang luluhod sa harapan ko si Lolo, sa sobrang bilis ng pangyayari, natuod na lamang ako sa kinauupuan ko. 

"Patawarin mo ako sa lahat nang pagkakamaling nagawa ko sa iyo."

Hindi agad ako nakapagsalita. Totoo ba itong nakikita ko? O, panaginip lang ba ito? 

"Lo..." usal ni Havier. "W-What the hell are you doing?" 

"Patawad mga apo..." yumuko pa siya. "Nagsisisi na ako sa lahat ng mga nagawa kong kasalanan..."

Naging mariin ang pagkakatitig niya sa aming dalawa ni Havier at mabilis na pinanggiliran ng luha ang mga mata niya. 

"Sumadya talaga kaming pumunta rito hindi dahil sa gusto namin kayo kagalitan. Nandito kami para humingi ng tawad sa inyong dalawa..." paliwanag niya, napansing naguguluhan kami. "Bigyan niyo sana ako at ang lola niyo ng isang pagkakataon para patunayan ang sarili namin sa inyo."

Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko maatim na makipagtitigan sa kaniya. Pusanggala! Hindi ko alam kung totoo ba ang paghihingi niya ng tawad o palabas lang ito. Pero ang mga tingin ni Lolo, walang bahid ng ka-plastikan at panloloko. Posibleng nagsasabi siya ng totoo ngayon. 

"Gusto ko pa kayong makasama ng matagal," dinig ko pang turan niya. "Gusto kong matapos na ang alitan sa pagitan nating lahat bago ako mamatay..."

"Pusanggala!" 

"What the hell are you talking about, 'Lo?" 

Havier and I more look confused and shocked. Natahimik si Lolo, sunod akong napatingin kay Lola na mahinang umiiyak sa tabi niya. 

"Anong ibig mong sabihin, Lolo?!" puno ng iritasyon ang boses ko. "Ano ang nais mong iparating?!" 

"Are you sick?" walang alinlangang tanong ni Havier. 

Sa mga oras na ito, hinihiling ko na lang na sana mawalan ako ng pandinig para hindi marinig ang isinagot ni Lolo. 

"I have cancer," he uttered. "The doctor said, I have stomach cancer and stage four... Malala na..."

Napatayo ako, nakaawang ang bibig. Napailing-iling ako kay Lolo. He was just nodded at me while crying. 

Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko sa  harapan nila ngunit taksil ang mga ito. Nang hindi ko na makayanan na makita siyang nasa gano'ng sitwasyon. Tumakbo na ako papaalis sa silid na iyon at hindi na pinansin pa ang pagtawag nila sa pangalan ko. Nagdire-diretso ako sa pagpasok sa aking kwarto at padarag na sinira ang pinto. 

I should be happy, right? Pinarurusahan na siya ngayon ng maykapal dahil sa mga kasalanan niyang pinaggagagawa sa akin. 

Pero, hindi eh!

Hindi ito ang gusto ko. Hindi ko gustong kuhanin siya kaagad sa mundong ito. Hindi p'wede! Tangina naman! Hindi pa nga siya nakakabawi sa aming mga apo niya. 

I wipe my stupid tears. Hindi ko ininda ang nararamdaman kong sakit. I just take a deep breaths, lumundag-lundag ako sa kama at inisip na isang panaginip ang nangyari kanina. 

"I wish I was the one who was sick..."

Continue Reading

You'll Also Like

84.5K 1.8K 63
Military Series 1 | Completed No soldier outlives a second time. ___ Doctor Still Hesse Blair is a docto...
2.1M 52.2K 165
Frankie (Epistolary with narration)
6.3K 237 61
Devotionals and inspiration articles with a spice of humor for your everyday journey! Cover by aluminanight
11K 289 62
Kaizer Colton is the king of racing. He's ruling the racing world. He has the fame, the powerfull name, the perfect face and the wealthy life. But th...