HIDDEN SEVEN

By Arthreens

4.2K 1.8K 1.2K

∆∆∆ !UNDER EDITING! ∆∆∆ ∆∆ MAJOR CHANGES ALERT! ∆∆ ∆∆∆ !HIATUS! ∆∆∆ Some pa... More

PLEASE READ!
Author's Note
Prologue
TB Chapter 1: CLUB
TB Chapter 2: VARIANT
TB Chapter 3: Room 207
TB Chapter 4: Introduce Yourself
TB Chapter 5: Bato-bato Pik!
TB Chapter 6: He's Back!
TB Chapter 7: Couple?!
TB Chapter 8: General Cleaning
TB Chapter 9: Pares/Mami
TB Chapter 10: Stupid Girl
Author's Note
TB Chapter 12: Friend
TB Chapter 13: Tsismosa
TB Chapter 14: Awkward
TB Chapter 15: Absent
TB Chapter 16: Josh
TB Chapter 17: His Family
TB Chapter 18: Encourage
TB Chapter 19: Plan
TB Chapter 20: Muntik na!
Covers 💕
TB Chapter 21: Neo
TB Chapter 22: Opening!
TB Chapter 23: Perya
TB Chapter 24: Penalty
TB Chapter 25: Party
TB Chapter 26: Allan
TB Chapter 27: Payt
TB Chapter 28: Again
TB Chapter 29: Talk to Talk
TB Chapter 30: Agreement
TB Chapter 31: Preparation
TB Chapter 32: Gathering

TB Chapter 11: Caisy

150 70 2
By Arthreens

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!











Chapter 11

Phia's POV

"Kuya Piolo?!" gulat na reaksyon ko.

Pinandilatan naman ako ng mata ni Kuya bago itinuro ang katabi kong si Kiara. Nakuha ko naman kaagad ang ibig niyang sabihin.

Oo nga pala! Hindi niya alam na jowa kuno lang ako ni Kuya.

Hayyss, nalintikan na!

Tinignan ko naman si Kiara at nakitang nakataas ang kilay habang nakatingin sa akin. "I-i mean, P-piolo. Anong g-ginagawa mo rito?" pagpapalusot ko.

"Sinusundo ka." sagot niya naman.

"Paano mo nalaman na nandito kami?" takang tanong ko sa kanya.

"Ahh. Iyon ba?" saad niya na para bang expected na niyang itatanong ko iyon sa kanya.

-----

Natapos ang pag-story telling ni Kuya sa amin tungkol sa kung paano siya nakarating dito sa karinderya.

Nabanggit niya rin na bukas ay papasok na rin siya sa school na pinapasukan namin kaya tiyak kong sabay na kaming papasok.

Kasalukuyan na kaming naglalakad palabas ng karinderya at napatigil nang salubungin kami ng mga kupal.

"Phia? Okay na ba?" salubong sa amin ni Josh at napabaling naman ang tingin nito sa kasama namin.

"Di ba? Siya yung lalaking nakabanggaan ko kanina?" takang sabat ni Allan.

"Oh? Ano naman?" may halong kamaldituhan na sambit naman ni Ian.

"Wala lang. Nagulat lang ako kase magkakasama sila." giit pa ni Allan bago kami tinuro.

"Wait?" sabat naman ni Josh. Sigurado akong may naiisip na naman itong kalokohan. "Siguro, siya yung..." pagpapatuloy niya at napatakip pa ng bibig.

Mukha siyang bading dyan.

"Boyfriend ni Phia!" sabay-sabay nilang sabi na para bang hindi sila makapaniwala na posibleng magka-jowa talaga ako. Ang OA naman nila.

Big deal ba 'yon?

"Magsitahimik na nga kayo! Ano naman kung boyfriend ni Phia 'yan? May problema?" inis na sigaw naman ni Kiara dahilan upang manahimik sila. Nagsi-iling naman sila sa tanong ng babaita.

-----

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni Kuya at siya ang nagmamaneho.

Malamang kotse niya toh eh.

"Kuya, may kasalanan ka nga pala sa'kin! Dahil sa mga pinaggagagawa mo kanina sa school, kumalat na sa buong university yung ginawa mo! Kainis ka!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Hahahaha! I'm sorry, okay? I just really need to do that 'cause I saw her when I took you to school." katwiran niya naman.

"Eh sino ba 'yon?" curious kong tanong sa kanya at bigla naman siyang natahimik.

"We'll talk about that later when we get home." pag-iiba niya ng topic. Mukang lagi siyang iwas sa tuwing tinatanong ko siya tungkol doon.

Nakarating na kami sa bahay at agad naman kaming sinalubong ni Mama.

"Oh? Anong oras na? Bakit ngayon lang kayo?" salubong niya sa amin.

"May pinuntahan lang po kami." sagot naman ni Kuya bago tuloy-tuloy na umakyat papunta sa kwarto niya.

"Sige po, Ma. Magpapahinga na po kami." paalam ko at akmang aakyat ngunit napatigil nang tawagin ako ni Mama.

"Phia, hindi na ba kayo kakain?" takang tanong niya.

"Hindi na po, Ma. Kumain na po kami." sagot ko naman at tuluyang umakyat ng hagdan.

Dumiretso ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos naman ay nagbihis bago nahiga sa kama.

Hayysss, kapagoddd!!

Bukas, siguradong mapapagod ulit kami dahil hindi pa namin tapos linisin yung ibang gamit, lalo na yung locker.

Napatigil naman ako sa kakaisip nang may biglang kumatok sa pinto.

"Phia?" si Kuya pala.

"Pasok!" sigaw ko.

"Is there a need to shout?" inis na tanong niya pagkapasok.

"Hihihi sorna." saad ko habang naka-peace sign. "Ano nga palang kailangan mo?" agad kong tanong.

"I told you, we will talk about what happened earlier." sambit niya at napatango naman ako dahil naalala kong sinabi niya nga iyon.

"So, ano nga iyon?" curious kong tanong.

"Did you saw the girl with short hair, earlier?" tanong niya at agad naman akong umiling. Napansin ko naman siyang umirap.

Luhh.

"Eh sino nga ba kase iyon?" inis na tanong ko ulit. Ang dami niya kaseng paligoy-ligoy.

Huminga naman siya ng malalim bago sumagot. "Fine. She's Caisy, my ex-girlfriend." direktang sagot niya at gulat naman akong napatakip ng bibig bago natulala.

Wehh?? Talaga ba??

Napatigil naman ako nang may maalala. "Ahh! Naalala ko na! Yung magandang babae sa parking!" sigaw ko dahil sa exitement. Naaalala kong nahagip ng paningin ko ang babaeng 'yon kanina.

"Hey. Lower down your voice, tulog na ata si Tita." may pangbabantang sambit niya naman sa akin.

"Hehe. Sorry." nahihiyang tugon ko bago ipagpatuloy ang pagsasalita. "Maiba tayo. Ex mo ba talaga 'yon?" tanong ko ulit.

Dami kong tanong hehe.

"Kasasabi ko lang." masungit na sagot naman niya.

"Kung ex mo na pala siya, bakit kailangan ko pa magpanggap bilang jowa kuno mo?" tanong ko naman sa kanya at napansin ko namang napataas siya ng kilay.

Kung hindi ko lang talaga kilala toh, mapagkakamalan ko 'tong bakla choz.

"What's 'kuno'?" biglang tanong naman niya.

Huh? Pinanganak ba 'to kahapon?

"Kuno. Ibig sabihin mema lang, kunwari lang ganon." paliwanag ko at agad niya namang naintindihan. "Wait. Iniiba mo yung usapan eh. Balik na tayo sa topic, gusto kong malaman kung bakit kailangan kong magpanggap na jowa kuno mo at kung ano bang nangyari sa inyo nung babaeng strawberry short hair?" mahabang tanong ko naman. Parang pinapa-ikot niya kase ako eh kaya puro tanong ako.

Magtatanong ako, mgtatanong din siya.

Magpinsan nga kami.

Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. "We broke up because she chose to leave me for their business and-" pagtigil niya saglit bago muling magsalita. "For the other man she was going to marry. I asked her, why? She said, she didn't love me anymore and that's the reason why it ended." mahabang kwento niya habang ako ay nananatili pa rin na nakatitig sa kanya. Even though he does not look sad while saying those words, I can see the sadness in his eyes.

Hala siya! Napa-english na ang lola mo. Ang lakas makahawa ni Kuya.

"Sobrang nakakalungkot naman niyan, Kuya. Condolence." saad ko bago tapik-tapikin ang kaniyang balikat.

"What the? What are you saying?" takang tanong niya na may halong inis habang kunot ang noo. Ayy, oo nga pala! Pinanganak nga pala toh kahapon.

Muntik ko ng makalimutan.

"Wala. Ang sabi ko, nandito pa naman ako kaya wag ka na malungkot. Hindi ba nga ako yung jowa kuno mo?" pag-iiba ko at natawa naman siya syempre natawa din ako.

Mapraning tayong lahat, chozz.

"Hahahahaha! You look like her-----!" sambit niya habang tumatawa kami ngunit kaagad naman siyang napatigil nang may mapagtanto.

Ano daw? Sino daw kamuka ko? Yun ba yung sinabi niya? Hindi ako sigurado. Nabingi lang ata ako ng isang minuto at baka mali lang yung narinig ko.

Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niya na hindi niya man lang natapos.

"It's nothing." tanggi niya at mukang naiilang sa mga titig ko sa kanya.

"Weewww, kaya pala." sambit ko habang tumatango- tango. Kunwari inaasar ko siya, ngunit gusto ko lang talaga na ibahagi niya ang hindi niya nasabi kanina.

Na-iintriga talaga ako kase grabe yung tuwa ni Kuya kanina. Ang priceless. Sino kaya yung tinutukoy niya? Si Caisy?

"What are you trying to say?" takang tanong niya bago napataas ng kilay. Eto na naman po tayo.

Sa kamaldituhan niya.

"Wala. Sige na nga! Lumabas ka na ng kwarto ko. Inaantok na ako." pagtaboy ko sa kanya bago tumakbo pabalik ng kama. Wala naman siyang nagawa at umiiling na lumabas ng aking kwarto.

Hayyss. Buti naman at na-chika na rin sa akin ni Kuya ang magulo niyang talambuhay.

Kaso, may bumabagabag na naman sa'kin. Sino kaya yung tinutukoy niya kanina? Hindi ako sigurado pero ang pagkakarinig ko ay 'her' ngunit hindi niya lang talaga natapos.

Hindi kaya si Caisy 'yon? Posible. Kase sa tingin ko, mahal pa rin ni Kuya 'yon kahit na wala na silang relasyon.

Jusko, bahala na nga. Dinadagdagan ko lang ng panibagong sakit sa ulo ang sarili ko at hindi ko na siguro problema kung ano man meron sila.

Masyado lang talaga akong tsismosa.

Basta ang mahalaga ay importante este kung kanino magiging masaya si Kuya.

Nag-explore muna ako ng ilang saglit sa internet at ilang sandali pa lamang ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

-----

Maaga akong nagising ngayon kase wala lang, trip ko lang. Feeling good mood ako ngayon eh.

Ang umangal, makakagat ng aso.

Pagkababa ko pa lamang ay nakitang nakahain na ang almusal. Sumabay naman na ako kay Mama kumain.

Waw porstaym. De joke lang.

"Anak, kamusta ang eskwela?" biglang tanong ni Mama dahilan upang matigilan ako.

"A-ayos lang, Ma." medyo kinakabahang sagot ko habang ngumunguya.

"Ahh. Mabuti kung ganon." tatango-tangong sambit ni Mama.

"Ma, nasaan nga pala si Kuya? Hindi ko pa siya nakikita eh." takang tanong ko kay Mama dahilan upang mapatingin siya sa akin.

"Maagang umalis ang kuya mo, nagmamadali. Sabi niya may pupuntahan daw siya ngunit hindi naman sinabi kung saan." agad na sagot naman ni Mama, napatango na lang ako bago bumalik sa kinakain.

Minuto lang ang lumipas ay may narinig kaming nag-door bell mula sa gate. Tatayo na sana ako upang tingnan kung sino ang naroon ngunit kaagad naman akong pinigilan ni Mama.

"Ako na, anak. Kumain ka na lang dyan." saad niya bago naglakad palabas ng dining room. Tumango naman ako at naupo ulit bago humigop ng kape.

Kape tayo dyann.

Agad naman akong natapos kumain at tumayo upang ligpitin ang mga pinagkainan. Matapos kong ilagay sa lababo ang pinaglamunan ko, bumalik ako sa hapag upang humigop sa kape ko. Muntik ko pa maibuga ang iniinom ko nang may biglang kumiliti sa'kin mula sa likuran.

"Anak ng!" singhal ko. Depungal! Alam kong kiliti 'yon pero masakit para sa'kin.

Dinutdut ba naman!

"HAHAAHAHA!!" lumingon ako sa may gawa at nakita ang babaita na humahalakhak.

"Haysst!" inambahan ko siya ng kamay na para bang babatukan ngunit hindi ko ito naituloy dahil kaagad na dumating si Mama.

"Nak, mayroon palang mga kasama si Kiara. Iba mo pang mga kaklase." bungad ni Mama pagkapasok niya ng dining room.

Huh? Sino raw? Iba ko pang mga kaklase? Eh, wala naman akong ka-close sa room? Lalo akong nagtaka nang makita kung sinu-sino sila dahilan upang manlaki ang mga mata ko.

"Anong ginagawa niyo rito?!" gulat na tanong ko sa kanila.

"Ba't parang galit ka?" sarkastikonh tanong naman ni Josh.

Eh, pano ba namang, hindi ako magagalit? Halos lahat sila na kasama namin sa club room, pumunta sa bahay ko ng hindi ko alam. May dalawa lang ata na hindi nakasama.

"Phia, bakit ganyan mo salubungin ang mga bisita mo? Umayos ka." sermon sa'kin ni Mama at napansin ko namang nagpipilit ng tawa ang mga loko sa likuran.

May araw rin kayo sa'kin.

"Oh? Magsi-upo muna kayo. Kumain na ba kayo? Kung hindi pa, ayan. Kumain muna kayo dyan." alok naman sa kanila ni Mama at napapangiwi na lang ako.

Mga siraulong 'to. Paano nila nagagawang utuin si Mama?

"Hindi na po, tita. Busog naman po kami." sagot ni Levor bago ngumiti.

"Opo, tama po siya. Busog pa po kami----!" sabat ni Neo ngunit napatigil nang magsigawan ang mga dragon sa tiyan niya.

Bistado!

"Hay nako, wag niyo na nga akong lokohin. Sige na, kumain na kayo dyan." pagpupumilit ni Mama sa kanila bago pumunta sa kusina.

Nagtinginan muna ang mga loko-loko bago napatango sa isa't isa at sinimulang lumamon. Oo. Tama ang nabasa mo. Lumalamon sila na para bang hindi pinapakain sa bahay.

Hinayaan ko na lamang sila at dinala ang ibang pinggan sa kusina. Bumalik naman kaagad ako sa dining room at nadatnang tapos na silang magsikain pati ang mga pagkain sa lamesa ay ubos na rin.

Ambilis naman kumain nitong mga toh!

"Tapos na kayo?" tanong ni Mama sa kanila pagpasok niya muli ng dining room.

"Opo! Tapos na po kami!" sabay sabay nilang sagot at nag-salute pa. Natawa naman kami ng mahina.

"Oh siya, pumasok na kayo sa eskwela at ako na ang bahala rito." sambit ni Mama at sinimulang iligpit ang pinagkainan nila. Lumapit naman ako kay Mama.

"Ma, ako na magliligpit dito. Magpahinga ka na lang." alok ko sa kanya at sinimulang iligpit ang mga pinggan. Nag-alangan pa siya kaya naman nagsalita akong muli. "Ma, ako na bahala rito. May pasok ka pa, magpahinga na lang kayo." dagdag ko pa at tinuloy na ang pagliligpit.

Umakyat naman si Mama sa itaas upang magpahinga, naiwan naman kami rito sa baba.

Napatingin ako sa kanila. "Oh? Anong ginagawa niyo dyan? Mauna na kayong pumasok." sambit ko sa kanila bago pinagpatuloy ang pagliligpit.

"Tulungan na nga kita dyan!" nagulat naman ako sa sinabi ni Kiara at hinablot ang baso sa akin.

Hinayaan ko na lang siya at nilagay sa hugasan ang ibang mga naiwang pinggan. Pagkabalik ko ay nadatnan kong naglilinis din ang mga loko.

"Oh? Mukang nag-iba ata ang ihip ng hangin." puri ko sa kanila.

Natapos nilang este namin linisin ang hapag, napansin ko namang lumapit sa akin si Neo at Ian.

"Bakit?" takang tanong ko sa kanila.

"Nasaan yung lababo niyo?" agad na tanong sa'kin ni Neo. Tinuro ko naman kung nasaan at agad naman silang nagpunta roon.

Hinayaan ko na lang sila at baka maghuhugas lang siguro sila ng kamay. Pagkatapos nila ay maghuhugas na rin ako ng pinggan.

"Phia, tapos na kami maglinis." sambit ni Kiara sa akin bago iabot ang basahan.

"Salamat, pahinga muna kayo. Kukuha lang ako ng maiinom." saad ko bago pumunta sa kitchen. Nilapag ko muna ang basahan sa lababo bago dumiretso sa ref. Kumuha ako ng isang pitsel ng juice at nilagay sa tray kasama ng mga baso.

Bumalik ako muli sa dining. Nilapag ko naman sa lamesa ang tray na dala ko bago nilagyan ng juice ang mga baso. Pinamahagi ko ang mga ito sa kanila matapos salinan.

Nang maubos na nila ang juice, niligpit ko na uli ang pinag-inuman nila. Dumiretso naman ako sa lababo sa may dirty kitchen upang ilagay doon ang mga pitsel at baso.

Parang kanina pa nandoon yung dalawa, ano kaya ginagawa ng mga 'yon?

Pagkarating ko roon, nadatnan kong naghuhugas ng pinggan yung dalawa. Hala! Sino nagsabing hugasan nila 'yan? Naku, nakakahiya!

"Oy! Oy! Sino nagsabing hugasan niyo iyang mga pinggan?!" takang tanong ko sa kanila dahilan upang mapatingin sila sa'kin.

"Si Ate Kiars." sagot naman ni Neo. Ha? Nudaw? Si Kyars? Sino 'yon?

"Ha? Sinong Kiars?" takang tanong ko ulit bago lumapit sa kanila.

"Si Kiara. Yung kaibigan mong bungangera." paglilinaw ng amo niya.

Si Ian, kung hindi niyo nakikilala.

"Ah talaga? Hahaha." tawa ko nang marinig ang sinabi ni Ian. "Eh alam mo naman 'yon? Ayaw lagi magpatalo. Dinaig pa nga niya yung kahol ng aso sa lakas niyang sumigaw." dagdag ko pa at natawa naman sila.

Sana hindi 'to malaman ng babaita.

"Maiba nga pala ako, itigil niyo na 'yan. Ako ng bahala dyan." sambit ko naman sa kanila at tinataboy na sila paalis. "Magpahinga na kayo don, may inihanda na rin akong inumin. Sa inyo yung dalawang baso ng juice na nasa lamesa." dagdag ko pa at pinabitawan sa kanila ang mga pinggan.

"Boss, una ka na roon. Tutulungan ko muna si Ate Mars." saad naman ni Neo sa amo niya. Napakunot naman kami ng noo ni Ian sa sinabi niya. Nudaw? Mars? Magkumare?

Sinasabi nitong batang 'to?

"Mars?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Mars? As in Maria. Hindi ba ang tawag ko sa kaibigan mo ay ate Kiars, edi sa'yo ate Mars. Hihihi." pagpapaliwanag niya at napangiti naman ako ng mapait. Akala niya natutuwa ako sa tawag niya sa'kin, depungal siya.

"Ampanget! Pang-manang!" inis na sigaw ko sa kanya at pinagtawanan naman nila ako.

"Okay lang 'yan. Mukha ka namang manang eh. Hahaha!" dagdag pa ng batang tukmol.

Lagot ka sa'kin bata ka!

"Anong sabi mo?!" may halong inis na sigaw ko sa kanya at inambahan siya ng hampas. Hindi ko naman na-ituloy ang tangka ko sa kanya nang may biglang dumating.

Sayang, nag-ipon pa naman ako ng lakas.

"Di pa ba kayo tapos dyan? Anong oras na? Male-late na tayo." bungad ni Josh na kararating lang.

Tumigil naman kami sa kalokohan at pinagpatuloy na ang paghuhugas. Nagtulungan na kaming tatlo para mas mabilis.

Yung mas mabilis pa kay Flash.

Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na kami maghugas. Agad naman kaming bumalik sa dining room at naabutan naman namin sila na naghihintay doon.

"Sa wakas, natapos rin kayo." inis na sambit ni Josh nang makita niya kami.

Kung ikaw kaya maghugas noh?

"Halika na nga. Tapos naman na sila maghugas." aya sa kanya ni Levor. "Kunwari ka pang ayaw ma-late, eh lagi ka namang late pumasok." dagdag pa ni Levor. Matalim naman siyang tinignan ng masama ni Josh at natatawa na lang kami sa inaasta niya.

Excited kase!

Nagsilabas na kami ng bahay at sumakay sa kanya-kanyang sasakyan. Gamit ko naman ang motor ko ngayon.

Ayoko na kaseng magpasundo kay Kuya.

"Oh? Anak? Aalis na kayo?" takang tanong ni Mama sa'kin pagkalabas niya ng bahay.

"Opo, Ma. Baka kase ma-late pa kami eh." sagot ko bago binuhay ang makina ng motor ko.

"Kung ganoon? Ako na ang magbubukas ng gate." prisinta naman ni Mama bago pumunta sa gate upang buksan ito.

Pinaandar naman namin palabas ang aming mga sasakyan bago nagpaalam kay Mama.

"Ma! Aalis na kami! Bye!" paalam ko at pinaandar na ang motor.

"Alis na po kami!" sigaw naman ng mga kasama ko. "Salamat po sa pagkain!" dagdag pa nila.

Napansin ko pa na kumakaway si Mama sa amin at agad naman akong lumingon sa harap upang mag-focus sa daan.

-----

Pinarada namin sa parking lot ang mga motor namin nang makarating sa school. Nauna kami ni Kiara sa iba dahil mabilis kaming magpatakbo.

Magkaibigan nga kami.

"Kiars----este Kiara, mamaya daan tayo ng campus store pagkatapos ng klase." sambit ko sa kanya dahilan upang mapakunot siya ng noo.

"Ha? Bakit naman?" takang tanong niya.

Nakalimutan na agad?

"Di ba nga?? Maglilinis tayo, kailangan natin ng gagamitin." sarkastikong sagot ko at napatango-tango naman siya.

Iniayos na namin ang pagparada sa motor at pumasok na sa loob ng school nang matapos.

"Ano bang mga bibilhin nati---?!" tanong sana ni Kiara sa'kin ngunit napatigil siya nang biglang may sumabat sa harapan namin.

"Hey! Tumingin ka nga sa dinadaan mo!" maarteng sigaw sa amin ng babaeng puro kolorete ang muka.

Arte, sarap sampalin.

"Bakit? Nabunggo ka ba namin?" mataray na tanong rin ni Kiara sa kanya. Oo nga! Wala naman akong naalala na natamaan namin siya o kung ano man.

"No. Ayoko lang talaga na may pakalat-kalat na basura sa harapan ko. So, will you please get out of my way---?" tuloy-tuloy niyang sabi at napatigil nang may sumabat sa kanya.

"Kailey, {kayli} stop that. You're bullying others again." tawag ng isang magandang babae dun sa Kailey. Wow! Ang puti niya tapos ang ganda pa, bumagay din sa kanya yung maikli niyang buhok.

"It's Kailey {keyli}." pagtatama nung Kailey sa pangalan niya.

"Whatever." saad naman nung magandang babae. Tinarayan naman kami nung Kailey bago naglakad paalis.

"Hey, girls. Are you okay?" baling samin nung magandang babae.

"O-okay lang naman, salamat." sambit ko at akmang aalis na ngunit napatigil nang maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko.

"Wait. Can i ask you what your name is?" malumanay na tanong niya at ngumiti naman ako bago nagpakilala.

"I-i'm Phia. What's yours?" tanong ko. Nako! Napa-english na naman ako. Napapaligiran na talaga ako ng mga englishero't englishera.

"Oh. Nice to meet you. I'm Caisy." pagpapakilala niya naman dahilan upang matigilan ako.


Siya ba yung............?






_______________________________________

Sorry for the wrong grammars and typos!

Don't forget to vote, comment and share! Love Lots!

===Edited===

Continue Reading

You'll Also Like

21.5K 46 10
Alyssa, a 16 year old girl is a troubled teen. Recently, she made fun of a girl for wetting the bed. Her parents decided to send her to Tbilisi Schoo...
783K 69.2K 37
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
153K 6.8K 59
ခွန်းသမိုးညို × သစ္စာမှိုင်းလွန် အရေးအသားမကောင်းခြင်း၊[+]အခန်းများမြောက်များစွာပါဝင်ပြီး ကိုယ့်အတွက်ဘာအကျိုးမှရမည်မဟုတ်တဲ့စာဖြစ်သည်နှင့်အညီ မကြိုက်လျ...
4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...