Our Own Love Story (Axel and...

By LaoshiLaoshi

235K 3.9K 455

Young Love. Sweet Love More

Kabanata1 (Be Mine)
Kabanata2 (Why so Fast?)
Kabanata3 (Consideration)
Kabanata4 (Daddy)
Kabanata5 (The Rivals)
Kabanata7 (She's Mine)
Kabanata8 (Family Date!)
Kabanata9 (The Stoty Behind)
Kabanata 10 (Trust Me!)
Kabanata 11 (Torn Part I)
Kabanata 12 (Torn part2)
Kabanata 13 (You're my MVP)
Kabanata 14 (Akin ka lang!)
Kabanata 15 (Kasal lang!)
Kabanata 16 First Official Date (Epic Fail)

Kabanata6 (No.Hindi.Never)

11.4K 216 12
By LaoshiLaoshi

Parang gusto ko na lang himatayin nang pagbalik namin sa loob ay naghihintay ang buong pamilya niya at ganoon din sina Daddy.

"Hija. Welcome to the family." Masayang sinalubong ako ng Mommy niya. Lahat sila nakangiti pati na rin ang mga kuya ni Axel.

Agad akong lumapit kay Mommy ng bitiwan ako ng Mommy niya sa pagkakayakap.

"'Mmy." bulong ko. Ngumiti lang siya ng tipid. Bumalik ulit ang pagaalala ko sa parents ko.

"Gianna. Pag-uusapan natin ito sa bahay." napakagat labi ako sa sinabi ni Dad.

"Yes po Dad. "

"Sir. I want to be there once you talk to Gianna. I think I need to be there" si Axel na gusto ko na ngayong kalbuhin dahil sa naisip niyang kaechusan.

Hindi na umimik si Dad,nakipagtitigan na lang ito kay Axel.

"Gino, don't be too harsh on the kids. Relax ka lang. Kapag may hindi ginawang maganda ulit itong si Axel sa prinsesa natin kami ng lolo niya ang magsosolian ng kandila" si Lolo na parang tinalo pa ang nanalo sa lotto sa sobrang tuwa ngayong gabi.

Hindi na ako hiniwalayan pa ni Axel ng gabing yun,at dahil broadcast na sa lahat ang pagiging in relationship ng status namin. Malakas na ang loob niyang hawakan ang kamay ko kahit pa nasa harap kami nila Dad.

Kumakain na kami nang lumapit ang Mommy ni Axel kasama yung babaeng kausap nila ni Dad kanina bago ko nakitang nag Cr si Mommy. Napansin ko agad na hindi mapakali si Mommy at napatingin sa akin na parang natataranta. Ano bang nangyayari.

"Hon. Are you ok? May problema ba?"

"Nothing. Pero kilala mo ba kung sino yung kausap ng Mommy mo?" Hindi ko na napigilan pang magtanong.

"She's Tita Dhin." napalingon agad ako sa kanya ng marinig ang pangalan na yun. Ibig sabihin yan yung nanay nung baliw?

Bumalik ang paningin ko sa babaeng yun ng mapansin kong lumapit siya kay Dad. Nang tinignan ko si Mom,tahimik lang ito at parang walang balak pansinin ang nangyayari sa paligid niya.

"Hi everyone. kumusta naman? Kung may kailangan kayo don't hesitate to call me" masayang bati ni Tita Bea.

"Gianna? Ok ka lang ba? May gusto ka pa bang kainin Hon?" napatingin ako kay Axel at nakita kong nakatitig siya sa akin. Ngumiti ako at umiling.

"Don't mind me Axel. I'm Ok!" nginitian ko siya ng tipid. At dahil dun napatingin naman sa amin yung babaeng nanay ng baliw. Tinitigan niya ako na parang sinusuri ang buong pagkatao ko. Bigla akong kinilabutan sa paraan ng pagtingjn niya sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin.

....

"Babe. Please magusap tayo. Pagusapan natin to." Halatang halata na sa boses ni Gino ang pagiging desperadong makausap ang asawa. Ang akala niyang masayang okasyon para sa pamilya niya ay mauuwi pala sa hindi pagkakaunawaan. Dhin is back! At hindi lang basta nagbalik. May dala itong isang problema na hindi dapt sa kanila ipinapasan.

"I will go to Gianna's room at baka doon na lang muna ako matulog" Pero bago pa man makalabas si Andrea ay agad na itong nahigit ng asawa.

"No babe. We will talk about this. Ayokong magworry si Gianna pag dun ka natulog sa room niya. At alam ko rin na ayaw mong magsinungaling sa anak natin." Napayuko siya sa sinabi ng asawa dahil alam niyang tama ito. Kanina pa nga nakatingin sa kanya ang anak nang may pag-aalala sa mukha.

Nanghihina siya bumalik sa kama at naupo.

"Speak Gino" lumapit sa kanya si Gino at lumuhod sa harap niya tsaka hinawakan ang mga kamay niya sa ibabaw ng lap niya.

"Hindi natin pag-iisipan ang sinabi ni Dhin. Ikaw at si Gianna lang ang pamilya ko." Pinunasan niya agad ang luhang nagsisimula ng maglandas sa magandang mukha ng kanyang asawa.

"Si Gianna lang ang ituturing na prinsesa ng pamilya natin." Tinabihan niya na ang misis at tsaka niyakap ng mahigpit.

Flashback

"Hi." Agad na napalingon ang mag-asawa ng marinig ang pagbati. Pero halos sabay naman na nawala sa mga mukha nila ang ngiti ng mapagtanto kung sino ang taong iyon.

Si Dhin. Si Gino ang unang nakarecover sa pagkagulat

"Hi. Kumusta?" Hindi niya alam kung bakit. Pero bigla na lamang niyang hinapit sa bewang ang misis. Dahil alam niya kung anong issue ang napagdaanan nila nang dahil sa babaeng ito.

"I'm ok. It's nice to see you both." Napansin agad ni Andrea ang kapaitan sa tono ng kausap. Hindi naman siya ganun katanga. May mali,at ramdam niya ito. Agad na hinanap ng mata niya si Gianna na kasama ngayon ng lolo nito.

"If you don't mind Andrea. Can I talk to Gino for a minute?"

"Hindi naman siguro ganoon kaimportante ang sasabihin mo para kailangan pang umalis ang asawa ko. At paniguradong malalaman niya kung ano man ito dahil paguusapan at paguusapan din namin ito mamaya."

"Ok. Unang-una sa lahat humihingi ako ng tawad sa lahat ng ginawa kong kasalanan noon. Masyado lang siguro akong nabulag sa pagmamahal ko sayo." Ramdam ni Andrea ang paghigpit ng yakap sa kanyang bewang ng asawa.

"Pero.. mayroon akong gustong hilingin sa inyong mag-asawa" agad na nagkatinginan ang magasawa sa sinabi niya .


"What??! Are you out of your mind Dhin?" Hindi mapigilan nI Gino ang pagtaas ng kanyang boses sa narinig sa kausap.

"Please. Nakikiusap ako. Hindi ko naman akalain na darating ang pagkakataong ito."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Gusto mong ipaako sa akin ang anak mo? Mukhang malala ka na" nabakas agad sa mukha ng kausap ang sakit sa mga sinabi niya.

"Hindi ko naman ipapaako Gino. Ang alam niya kasi ikaw ang tatay niya. Nakita niya ang isa sa mga pictures natin ng magkasama at ang inakala na niya ay ikaw ang Daddy niya. Hindi mo naman ako masisi kung hindi ko nagawang itama pa ang maling akala niya kung makikita mo lang ang kasiyahan sa mga mata niya. Please. Nakikiusap ako. Andrea please." Ngayon ay halata na ang desperasyon sa boses nito.

"I'm sorry Dhin. Pero imposible yang gusto mong mangyari. Ano na lang ang mararamdaman ng anak namin pag nalaman niyang naging unfaithful kuno ako sa mommy niya."

"Andrea. Please. Nanay ka rin. Alam mo ang pakiramdam kapag alam mong may kulang sa anak mo na alam mong hindi mo kailanman mapupunan." Napailing siya sa sinabi ng kausap. Hindi ba naisip ng babaeng ito na maaring mas lumalala ang sitwasyon kapag nagsinungaling pa siya.

"Tama ka Dhin. Nanay din ako." Nakitaan niya agad ng pag-asa ang mukha nito dahil sa sinabi niya.

"At dahil nanay din ako I will never compromise the feelings of my daughter. I will never let anyone to hurt her. My daughter admire her father a lot at ano na lang kaya ang mararamdaman ng anak ko pag nalaman niyang may anak pang iba ang Daddy niya sa iba. Hindi. No.Never. 'Yan ang sagot ko sa pakiusap mo." Tumalikod na siya at handa ng unalis ng magsalita ulit ang babae.

"Kung tutuusin ay kasalanan mo lahat ito Andrea. Dahil kung hindi ka pa nagpakita ulit ay sana kami ang pamilya ni Gino. Ang anak ko sana ang masaya ngayon. Ang anak ko sana ang may buong pamilya." Ngayon ay puno ng galit ang tono niyo. Ang plastik naman talaga. Nakuyom niya ang mga kamao sa narinig sa babae bago ito harapin ulit.

"Kasalanan ko? Kasalanan ko kung mas maganda ako sayo at ako ang pilit binabalikan ng lalaking na kahit halos itapon mo na ang sarili mo ay hindi ka pa rin magawang pansinin? Well. Kung iyon ang kasalanan ko.
Pasensya na. Pero hindi ko ihihingi ng tawad ang pagkawala ng buong pamilya ng anak mo. Dahil wala akong kasalanan kung hindi ka tinuluyan ng nakabuntis sayo. At ito tatandaan mo sa kahit na ano pa man mas mahalaga ang anak ko at ipaglalaban ko siya ng patayan. Kaya wag na wag mong subukang lumapit sa kanya o gumawa ng ikakasakit niya dahil hindi ako magdadalawang isip na patulan ka."

"Babe. That's enough. Huwag mo ng patulan" At hindi niya alam pero nainis siya sa sinabi ng asawa niya.

"So ako pa ngayon ang dapat tumigil?" Hindi niya maiwasang tarayan ang asawa niya.

"Babe naman."

"Kung balak mo pang makipagkwentuhan sa dati mong empleyado you're free. Mauuna na ako at baka hinahanap na ako ng anak KO" sinadya niyang bigyang diin ang huling salita.

"Gino. As I've said,you don't need to take the responsibilities. Ang aking lang ay tratuhin mo siyang parang anak. You just have to act like a father kapag nandyan siya." Napailing lalo siya sa sinabi ng kausap.

"Narinig mo na kung ano ang sagot ng asawa ko." Tinalikuran niya na ito at hinabol ang asawa.

....

"Gino. Natatakot ako. Paano kapag hindi pa rin siya tumigil." Hindi niya maiwasang mas lalong maiyak.

"Babe. Hindi natin kailangan matakot dahil alam natin pareho ang totoo. At iyon ang mahalaga." Kumalas sa yakap niya ang asawa at hinarap siya ng may mapanuring tingin.

"Tell me Gino. Hindi mo ba talaga anak ang batang sinasabi ng lintang yun?"'napangiti naman ang asawa niya sa tanong niya.

"Babe,alam mo naman na simula ng makilala kita never na akong tumikim ng ibang putahe." Natatawa niyang sagot sa asawa. Totoo naman simula ng araw ng malamang niyang siya ang nakauna sa asawa niya ay nahirapan na siyang tayuan sa ibang babae kaya hindi na siya nagatatangka pa.

"Putahe talaga? Ano yun ulam lang?" Hindi niya na rin maiwasang mapangiti na rin. Tama. Ang mahalaga ay alam nila pareho ang totoo at dalawa silang pomoprotekta sa pamilya nila.

"Mahal na mahal kita Andrea. Ikaw lang. Huwag mo naman sanang pagdudahan pa iyon." Hinawakan siya sa pisngi ng asawa niya. Napangiti siya sa sinabi nito.

"Mahal na mahal din kita Gino. I'm sorry kung iniwanan kita sa kanya kanina. Nasusura na kasi ako sa pagmumukha niya." Narinig niya pa itong tumawa bago siya tuluyang halikan siya sa labi.

....

"Exactly 9pm sharp nasa bahay na ang anak ko Samañego." Matigas na pagbibilin ni Dad kay Axel. Birthday ngayon ni Elly at hinatid nila ako ni Mommy dito sa bahay nila.

"Yes Sir." Tumango lang si Dad na hindi pa rin ngumingiti.

"Baby. Magtetext ka kung may problema ok. Huwag kang lalabas ng bahay nila Elly ng walang kasama or magsasabi kung may pupuntahan ka." Tumango naman ako. First time na iwan nila ako sa isang party o sa bahay ng iba kaya naiintindihan ko ang pag-aalala nila.

"Yes po Mmy. Ok lang po ako." Niyakap ko na siya. Pumunta na rin ako kay Dad na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin kay Axel na nakangiti naman para magpaalam.

"Dad. Promise po magbebehave ako." Niyakap ko siya sa bewang.

"I'm sure of that Baby Princess. Pero sa isang 'to wala akong tiwala kung kayang magbehave." Natawa naman ako. Halata naman kasing pinaparinggan niya si Axel.

"I promise Sir. Good boy po ako" hindi siya pinansin ni Dad at niyakap na lang ako. "Kung gusto mong umuwi ng maaga magsabi ka lang at susunduin kita dito. Ok?" Natawa ulit ako. " Opo Dad. Promise po"

"Uhhh. Grabe Hon. Para akong sinisilaban sa titig ni Dad." Natawa ako sa sinabi niya ng makapasok na kami sa loob.

"Sorry Axel."

"Why sorry? It's ok. I understand them." hinahawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito.

"Hoy. Lovers. Mamaya na yan at magsisimula na ang party." Si Elly. Agad naman ako tumakbo at niyakap siya.

"Happy Birthday Bessttyy!" Hinalikan ko siya sa pisngi ng ilang beses at natawa na lang kami pareho.

"Thank you Girl." Inabot ko na sa kanya ang regalo ko. "Oh My Goooshhh! No way!" Tili niya ng makita ang librong regalo ko. Isa yun sa mga favorite author niya at kalalabas lang sa state ang librong iyon. Pinabili ko pa yun kay Tito Andrew ng dumaong ang barkong sinasakyan niya doon.

"You're welcome Girl. Happy Birthday." Niyakap niya ulit ako.

Ilan lang naman ang bisita ni Elly, kaming mga malapit lang sa kanya ang nandito. Ganoon din ang mga pinsan niyang sa ibang school nagaaral. At napansin ko ring halos lahat sila ay napapalingon kay Axel. Napailing na lang ako.

"May problema ba Hon?" Napangiti naman ako tsaka umiling. Siguro kailangan ko na lang masanay na medyo lapitin ng babae ang napili kong mahalin.

"Gusto mo pa ba?" Umiling ulit ako.

"Busog na ako. Ikaw. Baka gusto mo pang kumain." Umiling din siya.

"Nakakatakot kang iwanan dito. Mukhang maraming aatake kapag nawala ang bantay." Ano bang pinagsasabi nito. Napatingin naman ako sa tinitignan niya at nakita ko ang mga kaklase ni Miguel na nakatingin sa gawi namin.

"Imposible naman yan Axel. Ikaw lang yata ang mabubulag ko." Natatawa kong sagot sa kanya na mas kinaseryoso ng mukha niya.

"At ako mismo ang literal na bubulag sa kanila oras na lapitan ka nila." Gulat na napatingin ako sa sinabi niya.

"Axel! Ano ka ba!"

"Bakit? May balak ka pa bang bumulag ng iba maliban sa akin?" Ok so nagtatampo na ang tono niya.

"Axel. Ano bang tanong yan."

"MagCcr lang ako." Walang kaabog abog na tumayo at umalis siya.

"Axel!" Tinawag niya ito pero hindi siya nilingon. Hahabulin na sana niya pero bigla naman nag announce na magsisimula ma ang pagbibigay ng message kay Elly.

Natapos na lang ako sa pagbibigay ng msg kay Elly ay hindi pa rin bumabalik si Axel. Nasaan na ba yun lalaking iyon. Sa garden nila Elly ginanap ang mini party niya. Papasok na sana ako sa loob para hanapin siya ng harangan ako ng isa sa mga kaklase ni Miguel.

"Hi." Alangang ngumiti naman ako sa kanya.

"H-hello" nag-abot siya ng kamay at hindi ko alam kung dapat bang makipagkamay ako.

Nginitian ko na lang siya at piniling wag tanggapin ang inaalok niyang shakehands. Ngumiti rin siya sa akin.

"I'm Josh. You're Gianna. Right?" Paano naman ako nakilala ng lalaking to.

"Classmate ako ni Miguel. I saw you earlier kaya lang mukhang busy kayo ng kasama mo kaya hindi ako makalapit."

"A-ah ganun ba. Sorry ha. May pupun-"

"Just to correct you. I'm not just the 'kasama'. I Am the Boyfriend" napalingon kami pareho sa gilid namin ng magsalita doon si Axel. Mas lalong sumeryoso ang mukha nito kesa kanina. Ano ba naman yan.

"Oh. I'm sorry. Actually nasabi nga ni Miguel that she's taken. No need to worry pare I just want to make friends here."

"Wala akong matandaan na nag-anak ako ng binyag sa anak mo para maging kumpadre kita. At mas lalong wala pa kaming anak ni Gianna, sa ngayon! Pero baka pagisipan ko pa kung magiging ninong ka ng anak ko kung sakali."

"Axel!" Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito.

"Relax pare. Hindi ko naman siya aagawin." Buti na lang at cool tong si Josh. Tumabi na sa akin at inakbayan ako.

"Well, lalaki ako pare at alam ko kung kailan at kanino dapat protektahan ang pag-aari ko."

....

"Kumusta naman iyong eksena na yun?"'naiinis kong tanong sa kanya.

Hindi siya nagsasalita. Kanina pa. At naiinis na ako dun. Napansin ni Elly na parang nagkakainitan na sila kanina kaya dinala niya muna kami dito sa may dirty kitchen para malayo sa grupo nila Josh.

"Ano?! Tatahimik ka na lang dyan? Ganoon na lang yun?" Nagpalakad lakad ako sa harapan niya habang siya nakaupo sa isang kahoy na upuan dun.

Huminto ako sa harapan niya at hindi kapigilan mamewang sa harap niya. "Pagkatapos mong mawala ng ilang minuto babalik ka na lang bigla na parang walang nang--- hmmm"

"Damn those legs Gianna" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Isang baby blue na dress above the knee ang suot ko ngayon.

"A-axel!" Bigla akong nanghina ng hapitin niya ang bewang ko at idikit sa katawan niya.

"I'm sorry. Hindi lang talaga matanggap ng paningin ko na may kinakausap at nginingitian kang ibang lalaki." Bulong niya habang sa mga labi ko nakatingin. Hindi ko tuloy maiwasang mapakagat labi dahil doon.

"S-hit!" Nanlaki ang mga mata ko ng sunggaban niya bigla ang labi ko.

"Hmmm.." hindi ko alam kung bakit ako umuungol. Halos makipagsayaw ang mga dila niya sa akin. Nandoon ang sipsipin at kagatkagatin niya ang dila ko. Napayakap ako ng mahigpit sa bewang niya. Masarap! Naramdaman ko na lang na naisandal niya na ako sa pader.

"I love you." Bulong niya ng pareha kaming naghabol ng hininga.

"I love you"'sagot ko sa kanya at ako na mismo ang kusang humalik sa kanya. Masyado na siguro kaming nadadala sa sarap ng sensasyon. Naramdaman ko ang isang kamay ni Axel sa hita ko at humahaplos doon. Agad na napahawak ako sa kamay niya doon para pigilan ito.

"Axel!" Tinulak ko siya ng bahagya.

"I'm sorry. I'm sorry Gianna. I'm sorry Hon" halata sa boses niya ang panic at pagaalala na baka galit ako.

Ngumiti ako. "It's ok. Pero Axel you know that---"

"I know. I know. I'm sorry hindi na mauulit. Nadala lang ako. Huwag kang magalit please. Hindi ko na uulitin."

Ngumiti ako at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

"Thank you for understanding me Axel. May mga bagay lang talaga na hindi pa natin pwede at dapat gawin."

"Alam ko. At kaya kong maghintay kung kailan ready ka na Hon." Niyakap niya ako ng mahigpit.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pasensya po. Sabaw. Maikli. Heheh

Continue Reading

You'll Also Like

286K 4.9K 24
Dice and Madisson
48M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
32.6K 2.8K 42
ELYU SERIES #2 The storms in San Juan, La Union are ruthless and tempestuous. Driven by her traumatic past, Avery Felicia Perez turned her heart into...
803K 38.3K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...