Kabanata 14 (Akin ka lang!)

16.3K 255 39

Pasensya natagalan. Medyo nagliwaliw muna pansamandali ang Awtor. Hihihi

Warning: SPG! (Naks. Haha) and Wrong GRAMMING everywhere. hahaha

***

Hirap na hirap akong imulat ang mga mata ko nang sunod-sunod na tumunog ang cp at telepono sa loob ng kwarto ko. Anong oras na kaming nakauwoi ni Axel at anong oras na siya nakaalis kagabi dahil inenterrogate pa siya ni Dad kung saan kami galing at kung bakit kami tumagal. Wala naman kaming ginawang milagro, nagpunta lang kami sa isang open space na lugar at nagstar gazing. 

"H-hello?" antok na sinagot ko ang Cp ko.

"Oh My gosshhh Gianna!" agad na nailayo ko ang Cp sa tenga ko nang marinig ang tili ni Elly. Mukhang hindi pa nakakamove on ang bestfriend ko kagabi ha.

"My gosh too Elly. Balak mo ba talagang basagin ang eardrums ko?"

"You wouldn't believe this Best. Trending ka na ngayon!" napakunot noo ako sa sinabi niya.

"What?"

"My gosh again Best. Lutang na lutang lang ang peg mo. Magbukas ka na ng internet mo for you to know. Trending ka sa twitter, instagram at sa mga showbiz news website because of your so hot basketball star Bf." Bigla akong nagising sa sinabi niya. dali-dali kong binuksan ang tablet ko at nagbukas ng account.

"Oh My!!" 99+ notification. 67 msgs. 99+ friend request. Anong nangyayari. Nagpop out msg box at lumbas dun ang pangalan ni Elly.

"Check out this Best" may link na nakalagay doon. Agad ko na iyong pinindot at binasa ang nakalagay.

"The Mysterious Girl of 2015 Philippine Cup MVP Axel Zeus Samañego REVEALED!" bigla akong kinabahan na ewan. Binasa ko ang ilang nakalagay doon.

"...this breaking news broke the hearts of thousand followers and fans of the basketball heartthrob. Though it wasn't a secret that the basketball star is in a relationship still the reaction of fans when they finally see the two together last night is very outraging."

"... the two said to be in a long distance relationship for 5 years. They must be in love with each other huh. Samañego who always has his way to keep his love life out of topic turned out to be understandable when we do some research about the lucky Girl."

"... Gianna Monika Lariosa Villafuerte, daughter of a Public School Teacher and a Business tycoon Andrea and Gino Villafuerte is the future heir of Villafuerte Group of Companies. She's not just your ordinary Girl, with the course of Business Management and graduate with honors from the prestigious Harvard University, this is the reason why the two end up with a Long Distance Relationship...."

Marami pa ang nakalagay pero hindi ko na tinapos pa dahil biglang sumakit ang ulo ko. Gosh nakalimutan ko bang sabihin na may jetlag pa ako. Pero nanlaki ang mga mata ko nang nagbrowse ako pababa at nakita ko ang mga pictures namin kagabi. Iba't-ibang anggulo ito. 'Yung larawang nakayakap sa akin si Axel. 'yung binuhat niya ako at inikot sa ere, yung magkayakap kami, yung nakaangkla ang mga braso niya sa bewang ko. Pati si Elly ay nahagip pa ng ibang camera.

Binasa ko ang ilang mga comments dun.

"Taksil ka Samañego. You broke my heart into pieces." Napataas ang kilay ko doon.

"Huhuhu. I still love you no matter what."

"Kapag iniwan ka niya nandito lang ako para sayo." Hala asa ka pa girl.

As in natulala ako sa nabassa at nakita ko. ito na to. Itong-ito na talaga. Nang mag-ring ang Cp ko ay sinagot ko agad nang Makita ang pangalan ni Axel.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!