Kabanata 13 (You're my MVP)

13.1K 233 34

Axel.

Long Distance Relationship. Mahirap? Tinatanong niyo ako kung mahirap? Hindi siya mahirap. Sobrang hirap lang. Dito sa klase ng relasyon masusubok ang tiyaga,pagmamahal at higit sa lahat tiwala sa isa't-isa. Dito mo masasabi ang linyang "May tiwala ako sayo, sa mga tao sa paligid mo lang wala." Na agad namang kinontra ni Gianna nang sinabi ko iyon. 

"May tiwala ka naman pala sa akin, bakit sa akin mo yan sinasabi? Sabihin mo yan sa mga taong nakapaligid sa akin. Sa kanila ka nga walang tiwala pero sa akin mo naman binubunton ang inis mo." Napailing na lang ako. At walang nagawa kundi ang humingi ng sorry. Totoo nga rin siguro ang sinasabi nilang kahit ikaw ang unang nagalit ikaw pa rin sa huli ang hihingi ng tawad sa Gf mo kapag siya na ang nainis sa pag-iinarte mo. Regardless kung ikaw o siya ang may kasalanan. Masyado ko siyang mahal para hindi ibaba ang pride ko. Lagi kaming nagkakatampuhan sa loob ng 4 na taon na magkahiwalay kami maraming beses na kaming muntik ng maghiwalay pero asa pa siyang pakawalan ko siya. Sa loob ng apat na taon na iyon ay dalawang beses lang akong nakadalaw sa kanya. Kailangan ko pang isakripisyo ang Audi ko para magkaroon ng allowance. Hindi pumayag si Daddy na bibigyan niya lang ako ng pera nang ganun-ganun lang. 

May pasok din ako kaya kapag sembreak o summer vacation lang ako nakakapunta. Pero nang malaman niya na hindi ko na makukuha ang Audi ko as graduation gift ay nagalit siya sa akin at hindi na pinadalaw pa sa kanya after nun. Kung nagawa na daw naming makapagtiis ng dalawang taon ay ano na lang naman daw ang dalawang taon pa diba? Kaya sa skype ko na lang siya nakikita. 

At Siguro nga ay tama si Gianna na sa mga panahong iyon ay hindi ko pa alam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay. At sa pagdaan ng panahon ay marerealize ko rin kung ano ito. Basketball. Magmula ng mamulat ako sa mundo ng paglalaro ay ito na ang bagay na nagiging Masaya ako kapag ginagawa ko. 

After ng graduation ko ay nakapasok agad ako sa PBA. Yeah after UAAP ay nakalusot agad sa First dropped pick. Suportado naman ako ng mga magulang ko at pamilya. At syempre si Gianna. Noong una ay hindi niya maintindihan ang mundong pinasok ko pero nagulat ako isang beses na tumawag siya at nagtitili sa telepono.

"Oh my Gosh! Axel. Nasa news ka. I saw you." Napangiti agad ako ng marinig ang boses niya.

"Maganda naman siguro ang nakita mo sa News?" natawa siya.

"Yeah. And I'm so proud of you. Axel." Katatapos lang ng game at Do or die na ang next game.

"Thanks Hon. I miss you." Malamang kinikilig na naman ito. Dahil biglang natahimik.

""But wait Samañego. Sino yung Girl na binabalitang kasama mo daw sa isang Bar?" napangiti agad ako. Kapag ganito ang tanong niya dapat maghanda na ako ng mala-narrative report na dahilan.

"Hon. Nagyaya si Coach na magkaroon ng mini celebration kaya dumaan lang kami doon saglit pero umuwi din kami agad. Yung girl na yun, nagpapicture lang at nagkataon na may mga reporters kasi may isang event na ginaganap doon."

"Sure?"

"Yes. Very sure Honey." Natahimik muna siya saglit. 

"Ok. Masyado ka sigurong nagpapacute kaya maraming nagpapapicture sayo." Natawa ako sa sinabi niya.

"Cute? Cute lang ako sa paningin mo? Parang gustong sumama ng loob ko dyan ha."

"Tse, magpahumble ka naman paminsan-minsan. Kahit malayo ka ramdam ko ang hangin mo." Tumatawa siya habang sinasabi iyon. At mas lalo ko na siyang namimiss.

"Hon. Kailan ka ba uuwi dito? I miss you so much. Tapos naman na ang graduation mo diba?"

"Hindi ko pa alam kay Dad eh. Marami pa siyang inaayos sa office sa pag-uwi namin. Axel. Relax ka lang malapit na tayong magkasama ok. And I miss you too so much. Kaya behave ka dyan ha."

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!