Kabanata9 (The Stoty Behind)

8.8K 146 3

"Good morning Mom." Hinalikan ko sa pisngi si Mom habang naglalagay siya ng pagkain sa table. "Good Morning Baby, halika na. Let's have breakfast na" tumango ako sabay tingin kay Daddy.

"Good Morning po Dad" mahina kong bati. Sa totoo lang hindi ako nakatulog ng maayos sa nangyari kahapon. Parang yung pangyayari yun,ang dami ng kabanata ang katumbas.

Narinig ko ang buntong hininga ni Dad bago tumingin sa akin.

"Good morning Princess" lumapit ako at humalik sa pisngi niya. Tahimik akong bumalik sa upuan ko.

"Baby. May lakad ba kayo ni Axel ngayon? Pupunta ako ng school baka gusto mong sumama."

"Balak lang po namin Mom na magadvance review for Prelim after po nun wala na."

"Saan?"

"Kung ok lang po na dito po sa bahay"

"Well mas ok yun anak para mas komportable diba Dad?" Bumaling siya kay Daddy na hanggang nagyon ay tahimik pa rin.

Tumango lang ito. Bakit kaya hindi pa siya umaalis? Past 8am na dapat kanina pa ito nakaalis paopis.

"What time siya pupunta dito,para masabihan ko na sina Manang na ipaghanda kayo ng makakain at maasikaso kayo."

"Mga 9:3a daw po Mmy. Ang alam ko rin po kasi may lakad silang dalawa ng Lolo niya kaya po before lunch aalis na rin po siya." Nilagyan niya ang plato ni Daddy ng pagkain bago tumingin sa akin.

"Ha? Ganoon ba? So si Manang muna ang bahala sa inyo ha. Tawagan mo ako kung may problema."

"After lunch pa ang appointment ko kaya ako na ang magbabantay sa kanya" tuloy-tuloy na sabi ni Daddy. Nagkatinginan muna kami ni Mom bago ako tumango.

"Yes po Dad."

Natapos ang pagkain na para sa akin ay napakaawkward. Kadalasan na napakingay ng hapag kainan o lagi akong inaasar ni Daddy nang kung ano-ano. Pero ngayon bilang na bilang ang mga salita niya. Kahit pilit pinapagaan ni Mommy ang usapan ay ganoon pa rin ang mood niya.

......

"Good morning Hon" mahinang bati ni Axel ng salubungin ko siya sa Gate namin. Ngumiti lang ang guard namin na parang inaasar pa ako

"Tatay Bert naman eh" natatawa ako.

"Ala e Joke lang Baby Gianna. Oopps di na pala baby eh. May kasintahan  na eh" sa tonong pabatangenio ito kung manalita kaya natutuwa ako sa kanya lalo.

Umiling na lang ako habang nakangiti.

"Good Morning. Ready ka na?"'inirapan lang ako. Alam ko naman kasi na ayaw niyang magreview pinilit ko lang. Pero kailangan niya yun dahil kawawa ang grades niya nitong nakaraang quarter.

"Nandyan ba sila Tito?" Tumango ako.

"Yap. Pero si Mommy paalis na. Ihahatid lang siya ni Daddy tapos babalik din agad siya."

"Ayaw niya bang samahan si Tita sa lakad niya?" Natawa naman ako dun.

"Ano ka ba. Mabait naman si Daddy ha."

"Gianna. Kung nakakamatay ang tingin malamang lasug-lasug na ako sa harapan mo." Natawa ako lalo ng malakas sa sinabi niya.

"Totoo nga." Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nakatitig na ng wagas sa akin.

"Ang alin."

"Na nakikita ang tunay na ganda ng isang babae sa umaga." Seryoso siya kaya alam kong parang kamatis na naman ang mukha ko.

"Sige. Bolahin mo pa ako Axel." Hinila ko na siya sa loob.

.....

"Good morning po Tita. Good morning po Tito."

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!