Kabanata7 (She's Mine)

9.8K 178 7

"Gianna. Ano ba. Tara na. Malapit ng magsimula ang laban nila Axel. Don't tell me, wala kang balak manood?" Nakapameywang na sa harap ko si Elly.

Final game ngayon ng Basketball at big deal iyon sa buong school dahil after 3yrs tsaka lang ulit nakapasok sa finals ang school namin kaya excited lahat ng estudyante na manood at magcheer. Kaya lang kasi  never naman akong nahilig sa ganoong laro.

"Elly, kelan ba tayo nagkaroon ng interes sa bolang pinag-aagawan ng ilang kamay?" Binalik ko sa binabasa ko ang tingin ko. May long quiz kami bukas at kailangan kong gumawa ng reviewer na matino for Axel dahil panigurado wala na naman siyang notes.

"Alam ko naman yun. Pero Gianna.!" Nagulat ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko at kinuha ang dalawang kamay at hinawakan ng mahigpit at nilapit sa puso niya.

"Please. Gusto kong manood kasi ang kalaban ng school natin ay ang kina Miguel at nalaman kong maglalaro si Uriel. Kaya please. Let's watch the game. Hindi ba magtatampo si Axel kung sakaling hindi ka manood?"

"Bakit naman siya magtatampo. Alam naman niya sigurong hindi ako mahilig sa ganoon."

"So ibig mong sabihin. Sinabi mong hindi ka pupunta?"

"Wala naman kaming naging usapan kung dapat ba akong manood. Wait! Dapat ba akong manood.?"'takang tanong ko.

"Hay naku Gianna. Pasalamat ka na lang talaga na abot hanggang kalawakan ang tama sayo ng BF mo. Syempre po dapat kang manood. Girlfriend duty! Hello? Mas gusto mo ba na ang grupo nila Suzy lang ang

nagbibigay inspirasyon sa kanya?"

"Hala. Ganoon ba yun?" Napatayo agad ako sa narinig ko.

Halos dumagundong ang buong Gym sa sigaw at hiyawan ng mga estudyante. Nasa kabilang bleaches ang mga taga St.Thomas High kaming mga taga Monthenians High school ay wagas naman ang tilian. Actually sila lang. Kasi kami ni Elly ay medyo nagtataka pa kung bakit kailangan nilang sumigaw ng napakalakas.

Nagsisimula na ng dumating kami at lamang ang kalaban ng 18 points. Hala. Ano ba naman yan. Bakit naman ang laki ng lamang nila eh halos magdamagan na ang praktis nila. Na minsan napupokpok ko na lang si Axel dahil minsan nakakatulog na siya sa loob ng klase dahil sa sobrang pagod.

"Bakit ganyan ang score?" Mahinang bulong ni Elly. Napailing lang ako.

"Nakakaasar naman oh! Ano bang klaseng laro yan. Parang pinagpaprabktisan lang tayo ng kalaban" nagkatinginan kami ni Elly nang marinig yun sa likod namin.

Agad na hinanap ng mata ko si Axel. Nakita ko siyang nakaupo lang habang nakikinig sa instruction pero halata naman sa mukha na wala siyang naiintindihan. Or wala siya sa mood.

"Anong problema ni Samañego? Parang tuod lang sa court ah" komento pa ng isang 4th yr section 7. Napakagat labi ako sa narinig ko. Gusto ko silang sakalin  pero wag na lang. Baka sa guidance na naman ako mauwi nito.

Pero Oo nga. Ano nga bang problema niya.? Tinitigan ko siyang habang nakakunot ang noo. Pero biglang tumuwid ang upo niya at may parang hinahanap sa audience. Ilang sandali pa nagtama ang paningin namin.

Mas lalo akong napakagat labi. Nginitian ko siya ng medyo alanganin kasi hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko.

Pero halos wala na akong marinig na usapan ng makita ko siyang tumayo at naglakad palapit sa amin.

"Oh my Gosshh. He's coming here Gianna" rinig kong bulong ni Elly.

"Bakit ngayon ka lang?!" Sigaw niya nang makalapit sa akin. Ano bang isasagot ko doon?

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!