*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Kabanata 16 First Official Date (Epic Fail)

13.8K 254 107

"Ano ready ka na ba?" tanong ko sa kanya. Naeexcite ako dahil for the first time ay makakapagdate din kami ng maayos at ako ang in charge. Para maiba naman at sana magustuhan niya ang hinanda ko para sa date namin.

"Oo naman. Pero saan ba tayo pupunta? Sure ka ba na kaya mo ng magdrive?" sinimangutan ko siya.

"Yung totoo, concern ka ba talaga sa pupuntahan natin o dito ka nag-aalala sa sports car mo?" tinawanan niya lang ako at mabilis akong hinalikan sa labi. "Well, I really don't mind. Alam mo namang ikaw ang pinakamahalaga sa akin, kaya lang Hon. Favorite Baby ko to eh."

"O sige wag na lang tayong mag date kayo na lang na lang ng favorite Baby mo ang magsama." Tinangka kong baklasin ang seatbelt ko pero pinigilan niya ako habang tumatawa.

"Ang pikon ng Honey ko. Joke lang noh. Sabi ko nga you are the most important." Ngumuso ako dahil nangingiti na ako. Hinalikan niya ulit ako ng mabilis sa labi. "mahal na mahal kita"

"I love you too." Napangiti na ako. "Ok tara na." excited na sabi ko. Napapailing naman na bumalik siya sa upuan ng maayos.

Bago ang gabing to ay tinanong ko muna si Mom at si Elly kung ano ang magandang idea pagdating sa date namin, parehas nilang sinabi na dapat ay yung gusto-gusto ni Axel at yung makakapagpasaya sa kanya kaya naman dito sa lugar na ito ko siya dinala, nagreasearch pa talaga ako sa internet tungkol sa event na to.

"Seriously Gianna? Dinala mo ako dito para manood ng basketball?" hindi niya makapaniwalang tanong ng makapasok kami sa loob ng MOA arena may laban kasi ngayon ang Ginebra at Talk N' Text. Pero bakit ganoon yung tono ng tanong niya. Disspointed?

"Bakit? Ayaw mo ba dito? Sabi kasi nila Mommy at Elly dalhin sa lugar na makakapagpasaya sayo. So naisip ko na manood tayo ng laban nila para sumaya ka diba yun yung hilig mo." Paliwanag ko pero naiiyak na ako dahil halatang hindi niya nagustuhan. Napayuko ako dahil pabagsak na ang luha ko.

"I'm sorry. Sige alis na lang tayo." Binigay ko na sa kanya ang susi ng kotse niya. "Or uwi na lang tayo." Tumalikod na ako dahil wala na naiyak na ako ng tuluyan. Ang tanga Gianna. Ang Tanga mo.

Nakakadalawang hakbang na ako pero hindi niya pa rin ako hinahabol kaya mas lalong nag-unahan ang mga luha ko. Disappointed nga siguro siya.

Pero biglang may humatak sa akin at niyakap ako sa dibdib niya. "I'm sorry Gianna, I'm sorry." Inangat niya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko. "You're dissaopointed" umiling siya ng maraming beses.

"I'm happy. Hindi ko lang maipaliwanag ang nararamdamn ko ng maayos ngayon pero hindi ako disappointed hindi lang talaga pumasok sa isip ko na ito ang sinasabi mong pupunthan natin dahil galing lang ako dito kanina for practice." Mas lalo ang nanibugho sa narinig ko pero narinig ko naman ang pagtawa niya.

"Pero masaya ako dahil naapreciate na natin oareho ang ginagawa ng bawat isa, naalala mo pa ba na ang basketball ang unang dahilan ng unang LQ natin? Tapos dito mo ako dinala sa First official date natin dahil ito ang makakapagpasaya sakin." Napangiti ako sa sinabi niya at napatango ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. Mabuti na lang at hindi pa ganoon karaming tao.

Naisipan naming dumalaw muna sa mga kilalang niyang players ng dalawang team to give support. Tsaka kami bumalik sa reserved seat namin.

"KAya pala pinapalitan mo yung suot kong coat dahil dito tayo pupunta." Napahagikgik ako dahil kanina ng magkita kami ay napakaformal ng attire niya samantalang ako ang suot ko lang ay Maong short at V-neck na white shirt at vanz shoes kaya ng magpalit siya ay ganoon na din ang sinuot niya, para tuloy kaming nakacouple shirt.

Natuon na sa court ang atensyon namin dahil nagsisimula na. hindi na naman magkamayaw ang mga tao sa kakasigaw sa loob ng arena.

"Kung sino ang manalo sa kanila, sila ang sunod naming kalaban." Sabi niya napatango naman ako.

"Lets study their moves na rin habang nanonood." Natawa siya sa sinabi ko. anong nakakatawa sa sinabi ko. inakbayan niya ako at mas lalong nilapit ang katawan ko sa kanya. Niyakap ko naman ang mga braso ko sa bewang niya naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko.

Pero akala ko magiging ganoong kasimple ang date na yon. Hindi pala. Madalas pinapakita sa screen ang mukha ni Axel kaya halos nagtitilian ang mga tao sa loob kapag time out, lalo na ng bago magsimula ang 3rd quarter. at ewan ko ba kung bakit ang mukha ko ang nafeature sa face of the night nagsigawan ulit ang mga tao. Tawa rin ng tawa si Axel ng makitang pulang pula ang mukha ko sa hiya. Hinampas ko siya sa braso at sumisigaw ng "Girlfriend ko to" mas lalo tuloy nagingay ang mga tao.

Itinago ko na lang ang mukha ko sa likod niya habang nakapulupot ang braso ko sa bewang niya. tawa pa rin siya ng tawa. Halos sa amin na nakatingin ang mga tao. Bakit nga ba hindi ko naisip na celebrity nga pala tong bf ko.

Natapos ang Date namin na tawa siya ng tawa. Masaya naman ako kahit papaano, kahit parang naisahan niya ako ng ewan. Siya na ngayon ang nagdadrive at mukhang sa condo na naman niya ang punta namin.









-Mahal na mahal ko kayo!

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!