Kabanata5 (The Rivals)

13.1K 219 23

Siguro natural na sa babae ang makasense kung may mali o problema ang partner o karelasyon nila. May hindi sinasabi sa akin si Axel at nararamdaman ko iyon. Simula ng ihatid niya ako nung isang linggo ay balisa na siya.

"May problema ba?" Dun lang siya tumingin sakin mula sa pagkakatulala niya. Katatapos lang ng practice nila at dito na kami tumambay ni Elly sa gym habang ginagawa ang homeworks namin. Ang resulta halos lahat sila kaibigan na rin namin ni Elly at bihira na lang ang bully. Sabagay sila rin naman kasi ang bully dati.

Binigay ko na sa kanya ang notebook niya. Hindi niya sinulat ang homework sa board kaya ako ngayon ang nagsulat sa notebook niya pero asa siyang sagutan ko.

"Pwedeng sa bahay ko na lang to gawin?" Ayan nanaman siya pero hindi naman niya ginagawa sa bahay. Nag-away lang kami nung isang araw dahil nasermunan na naman siya ng Math teacher namin.

"Axel. Wala ka namang ginagawa eh. Gawin mo na ngayon."

"Eh ano pang naging homework ang tawag dito kung hindi ko naman sa home ginagawa" ang tindi talaga mangatwiran nito. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Oo na po. Gagawin na. Highblood ka no. Pakiss nga" ilalapit niya na sana ang nguso niya sa akin pero nilapit ko ang kamao ko sa nguso niya. "Subukan mo" tinawanan lang ako.

Nagsimula na siyang magsolve. Kaya niya naman eh. Tamad lang talaga siya at kung walang magpupush sa kanyang gawin hindi niya talaga pagaaksayahan ng panahon.

"Alam kong patay na patay ka sa akin. Huwag naman masyadong obvious Hon." Sa sinosolve niya pa rin siya nakatingin habang sinasabi yon Napairap ako sa hangin.

"Hindi mo naman kasi sinagot ang tanong ko kanina eh." Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Walang problema ok. Hndi ko naman kasi hahayaang magkaroon tayo ng problema." Tinabihan niya ako at inakbayan.

"Sigurado ka? You can tell me anything Axel. Ayaw kong naglilihim tayo sa isa't-isa" hinawakan niya ang pisngi ko habang nakaakbay pa rin sa akin. Tumingin ako sa kanya.

"Yes. May problema nga pero kaya kong gawan ng paraan yun. Ayaw kong pati ikaw nagiisip ng ganito. I'm sorry if I worried you but I assure you that we're fine" hinalikan niya ako sa pisngi.

"Hello. Single here. Konting respeto naman" si Elly. Binitawan niya na ako at bumalik na sa pagsosolve. So may problema nga. We're fine? So ibig sabihin tungkol sa amin ang problema?

Hindi ko na siya kinulit pa pero kung magpapatuloy pa rin siya sa pagiging balisa niya. Kahit magalit siya sa akin kikulitin ko na siya.

"Mommy mo magsusundo sayo?" Nandito na kami malapit sa gate.

"Oo. Schedule ng grocery namin ngayon kaya excited ako."

"Anong nakakaexcite dun?" Natatawa niyang tanong. Sinimangutan ko siya. Favorite ko ang bonding namin na ganun ni Mommy. Tinuturuan niya rin akong magbudget at ilang tips sa mga ganung bagay.

"Ewan ko sayo." Binawi ko ang kamay ko pero mas hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko.

"Joke lang. Pikon talaga to." Sarap kutusan. Tawa ng tawa. Hinalikan niya ang kamay ko. Napangiti na rin ako.

"Babe?!?" Parehas kaming napalingon sa sigaw na yun. Pero mas ang gulat ko ng tumakbo ang isang babaeng nakahorts short at plain white shirt at yumakap kay Axel kaya napabitaw ang pagkakahawak niya sa akin.

"Babe. Bakit ang tagal mong umuwi. Kanina pa kita hinihintay sa bahay ninyo." Medyo maarte siya magsalita.

"Diane. What are you doing here?" Inalis ni Axel ang pagkakayakap sa batok niya.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!