Kabanata3 (Consideration)

10.7K 239 18

Hanggang ngayon hindi ko alam na magiging kakaiba ang pakiramdam ng pagkakaroon ng boyfriend. Feeling ko laging makulay ang paligid ko, laging maganda ang naririnig at nakikita ko sa paligid ko kahit puro mga nakakasurang pagmumukha ng mga bruha kong kaklse ang nakikita ko.

Late na ako! Pero isa naman yang hindi magandang epekto. Sa sobrang pag-iisip ko sa kanya dalawang araw na akong muntikan ng malate buti na lang at muntikan lang.

Pero dahil mahal ako ni Lord nalaman kong may Faculty meeting ang mga teachers for the next two periods kaya may iniwan lang silang mga seatworks.

Pagpasok ko, nagkakagulo sila napansin kong nakangiti ng malapad na parang nakakaloko si Elly habang nagkakagulo.

"Huy. Anong nangyayari?" Inayos ko muna ang bag ko sa upuan at ang paperbag na dala ko.

"Mga kawawang nilalang. Simula kasi ng makita nilang kumakain ng cookies si Axel, tignan mo yung mga bruha nagsidalahan na ng cookies. Halos magshortage yung bakery sa labas ng school." Tinignan ko yung mga classmates ko. Oo nga. Pero napansin ko ring masama ang tingin sa akin ni Axel. Malamang dahil late ako. Eh kasalanan naman nuya eh. Lagi siyang pumapasok sa isip ko.

"Bakit ba ang tagal mo?" Nagulat ako ng biglang nasa tabing upuan ko na si Axel.

"Anong ginagawa mo dyan?Bumalik ka nga sa upuan mo" halos pabulong ko na lang yun nasabi kasi nakatingin lahat halos ng girls sa side namin. Pahamak talaga yong lalaki na to.

"Uunahin mo pa yang mga tingin nila kesa sa boyfriend mong kanina pa nagugutom?!" Kailangan sumigaw ha Axel? Kailangan?! Napapikit ako sa tindi ng frustration na nararamdaman ko.

Napagusapan namin na hindi ipapaalam muna sa lahat ang meron kami. Noong una ayaw niyang pumayag kasi ano pa daw ang sense ng relasyon kung hindi rin alam ng lahat. Pero napilit ko siya at hintayin niya munang maging ready ako.

Tinignan ko siya ng masama. Kainis. Alam naman niyang galit ang mga classmate namin sa mga babae malapit sa kanya. Ayaw ko ng gulo at kumplikasyon sa buhay ko. Tumayo ako at lumabas ng room. Bahala siya sa buhay niya. Kahit pa halos lahat natahimik sa revelation niya wala akong pakialam.

Pababa na ako ng hagdan ng may humawak sa braso ko. Sino pa ba.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko." Hinatak ko ang braso ko sa pagkakahawak niya. "Akala ko ba nagkaintindihan na tayong wala munang makakaalam?"

"Oo nga pero hindi na sa puntong halos hindi na tayo magkakilala Gianna. Fuck! Hindi mo ako tinignan kahapon miski isang beses. Kahit text ko hindi mo nireplayan.!" Napayuko ako. Guilty ako dun kasi natatakot ako na may makahalata.

"Nagiingat lang naman ako Axel." Hindi ako makatingin sa kanya ng maayos.

"Siguro nga. Hindi ka pa talaga ready pero may Consideration din na tinatawag Gianna" huminahon na siya. Tumalikod at iniwan ako mag-isa.

Biglang sumikip ang dibdib ko ng makita na nakatalikod lang siya sa akin at iniiwan ako mag-isa.

Palabas na kami ni Elly para mag recess ng makita ko siyang kausap si Rian. Ang Cheering squad leader. Yumuko ako at kumapit na lang sa braso ni Elly.

"Birthday ni Suzy later, sama ka Axel after practice"

"Ok" napakagat labi ako sa narinig ko. Kung kanina naninikip yung dibdib ko ngayon para na siyang sinasaksak sa sakit. Narinig ko pa ang pagtili ni Rian sa sobrang saya niya.

"Teka. Bakit sasama ang boyfriend mo sa mga yun?" Si Elly. Hindi ko pa nakukuwento yung nangyari kanina. Ngumiti lang ako kasi parang ang bigat ng mata ko at parang gusto ko na lang umiyak.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!