Kabanata 11 (Torn Part I)

8.2K 154 11

Nagkulong lang ako sa kwarto. Hindi ko alam ang tamang isipin sa nangyari. Masama ba ako? Madumi na ba ako? Buo pa naman ang pagkakabae ko diba? Halos magpagulong-gulong na ako sa kama. Bakit ba ako pumayag na gawin namin yun? Alam ko naman na hindi lang dapat si Axel ang dapat kong sissihin, ako din dahil nagpadala ako.

"Urrrrggghhh" nagtakip ako ng unan sa mukha.

Ilang minuto din akong tuliro nang marinig ko ang katok sa pinto ko.

"Gianna. Nandyan na ang Mommy mo. Hinahanap ka." Sigaw ni Manang Julie.

"Opo Manang palabas  na po" inayos ko muna ang sarili. Sinigurado kong walang mahahalata si Mommy kung sakali.

.....

"Hi Baby." Agad akong humalik sa pisngi niya nang pumasok ako sa kwarto nila ni Dad.

"Hi Mom. How's school?" Hindi niya dapat mahalata ang problema ko dahil baka ikamatay ko ang pagpapaliwanag kung sakaling tanungin niya ako.

"Ok lang. Akala ko sa school ka ihahatid ni Axel"

"No Mom. Pagod na rin po kasi siya. Galing pa po siya sa Golf nila Lolo at out of way pa po kaya I decided na dito na lang po sa bahay dumeretso." Quarter to 5 na nang makarating kami ni Axel sa bahay kanina. At hindi ko na nagawa pang magpaalam sa kanya dahil dire-diretso na akong bumaba ng kotse niya.

"Nagtext ang Dad mo na medyo gagabihin siya ng pag-uwi dahil nagkaroon ng problema sa isa mga branch."

"Narinig ko nga po kanina Mom. At sana hindi na kailangan pang pumunta ni Daddy sa States para ayusin yun." Napangiti naman si Mommy sa sinabi ko. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Nagkausap na ba kayo ng Daddy mo?" Tumango ako

"He explained it me Mom. Pati po yung pagseselos niyo dati sa Dhin na yun." Natawa ako ng kinurot niya ako sa tagiliran.

"Hindi ah!"

"Pero Mmy. Buti po hindi niyo tuluyang iniwan si Dad kahit na baka may namagitan sa kanila nung nahiwalay ka sa kanya."

"Anak. Corny na kung corny. Pero ang pagmamahal naman kasi ay walang pinipiling sitwasyon. Though, tayong mga tao ay may choice sa buhay. Hindi naman kasalanan ng pagmamahal ko sa Daddy mo na masaktan ako nung malaman ko ang tungkol sa kanila dati, pero choice kong piliin at magtiwala sa nararamdaman ko dahil nagmamahal ako. Nang dumating ako sa puntong piliin ko ulit ang sumama sa Daddy mo kahit galit sa kanya ang Lolo at Lola mo ay tiwala lang sa mga salita niya ang kinapitan ko."

"Hindi ka po natakot na baka hindi tumupad sa usapan si Dad."

"Anak, mahirap lakipan ng katunayan o ebidensya yung mga pangako ng Daddy mo sa akin, sa atin. Hindi uubra ang kasulatan o recorder para patunayan ang kaligayan at pagiging tapat sa isa't-isa. Katumbas ng habambuhay ang pangakong iyon anak. Kapag sinabi sa atin o kapag nagsabi tayo ng pagmamahal sa isang tao

hindi dapat tayo tumitigil na patunayan ang pagmamahal na iyon kahit pa sa tingin natin ay sapat na iyon o secured na yung taong iyon sa atin."

At dahil masyado pa kaming bata ni Axel para sa panghabambuhay na pangakuan kailangan mag-ingat na kami sa susunod. Hindi sa wala akong tiwala sa pagmamahal niya pero sabi nga ni Mom katumbas ng panghabambuhay  ang ganoong klaseng mga pangako.

......

"Gianna. Please. Let's talk. Kausapin mo na ako please." Nakasunod siya sa akin. Hindi ko alam kung paano siya haharapin at kakausapin. Nahihiya ako at natatakot. Hindi ko siya kinakausap simula pa  kaninang pagpasok namin. Napakagat labi ako nang parang nagmamakaawa na siya sa paghabol niya sa akin. Nakikita kong napapatingin na rin ang ibang mga studyante dito sa amin sa corrigidor. Mas binilisan ko ang paglakad.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!