Kabanata4 (Daddy)

13.4K 231 21

Hindi siya pumunta sa birthday ni Suzy dahil wala naman daw talaga siyang balak sinbi niya lang iyon para makita ang reaksyon ko. At nagtagumpay siyang makitang nagselos ako. Hindi ako nagselos. Selos na selos lang. Syempre hindi ko pinahalata.

Friday. Si Daddy ang naghatid sa akin kasi may seminar si Mommy ngayon. Nakita ko kaagad si Axel na nakasandal sa Bigbike niya. Nung una tinanong ko kung may liscense na siya wala  daw at special permit ang meron siya.

Bunso si Axel sa Limang magkakapatid na puro lalaki. May asawa na yung dalawang Kuya niya. Apo si Axel ng dating Governor sa lugar namin. Kilala ang Mom niya bilang isang sikat ng Fashion designer ang alam ko pa puro mga sikat na artista ang kliyente nito at isang Neurologist ang Daddy niya. At isa ang pamilya nila sa may pinakamalaking Stocks dito sa School.

Isa ang school namin sa may pinakamahal na Highschool sa lugar namin. Halos lahat rin kasi ng mga teachers namin ay iniscout pa galing ibang bansa. May mga inooffer din na mga subjects na usually sa ibang bansa lang nakukuha. Mga mga schoolmates pa nga kaming foreigner. Pero dahil mataas ang tuition mataas din ang standards nila. Ang pilot section ay 88 dapat ang average. Ewan ko kung totoong umabot ng 88 ang grade ni Axel. Hehe.

"Good Morning Tito." Si Elly na kabababa lang din ng school service.

"Good morning Elly" tinulungan naman ako ni Dad na isuot sa akin ang bagpack ko.

"Good Morning Elly." Nginitian ko siya. Bumulong naman sa akin si Elly habang nakasunod kami kay Dad. Hindi niya na kasi pinasok ang kotse sa loob kaya ihahatid niya pa ako sa loob.

"Nagpaalam ka na ba sa birthday party ng pinsan ko?"

"Hala. Oo nga pala nakalimutan ko kasi busy ako sa pagtulong kay Mommy magpack ng gamit niya for the seminar."

"Edi kay Tito ka na lang magpaalam."

"I doubt it. Wala si Mommy." Lumungkot naman ang mukha ni Elly.

"Try pa rin natin. Ako magpapaalam para sa iyo" Tumango ako.

"Baby i will be the one to fetch you later pero baka malate si Daddy sumabit kasi yung isang appointment ko sa oras ng dismissal mo."

"Ok lang po Daddy. Pero po kasi Dad.." tumingin ako kay Elly.

"Whats that Baby?" Tumabi sa akin si Elly.

"Tito. Ok lang po ba na iinvite ko si Gianna sa Birthdat party ng Cousin ko. Friend din naman po niya ang pinsan ko." Natigil bigla si Daddy at nagisip. Tinignan niya ako. Napakagat labi naman ako.

"Did your Mom know this?" Umiling ako.

"I forgot Dad eh. Nawala sa isip ko kanina."

"Well, let me tell her first. You know our rules Gianna." Tumango ako. "Saan ba yan? Sino ang mga kasama? May parents ba kayong mga kasama dyan?" Nagtransform na naman sa pagiging imbestigador ang Daddy ko. Hindi naman kinabahan sa tanong si Elly.

"Sa loob din po ng Subdivision namin Tito,Kasama po namin ang Mommy ko. Nandoon din po ang mga Titas ko."

"At ako din po" lahat kami napalingon sa nagsalita. Oh Lord.

Nakita kong napakunot ang noo ng Dad ko. Patay na. Axel naman ano bang problema mo sa buhay.

"Good Morning Sir. My name is Axel Samañego. I already meet you 3weeks ago at--."

"At the Guidance Office" putol ng Daddy ko. Napakagat labi ako.

"Yes Sir. Im sorry if We have to meet in that kind of situation." Tumingin sa akin si Axel. Tinignan ko siya what-are-you-doing-look. Pero ngumiti lang ang loko.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!