Kabanata1 (Be Mine)

23.7K 367 26

"Will you please stop following me" nasusura na ako sa Dustin na ito hindi ko alam kong bingi siya o talagang hindi lang siya makaintindi.

"C'mmon Gianna. Sa canteen lang naman eh. Lets go."

"Ayoko nga sabi eh. Bakit ba ang kulit mo." Tinalikuran ko na siya but he grab my wrist and drag me.

"Ano ba. Bitiwan mo nga ako. Magrereview pa ako" pinilit kong hinila ang kamay ko. Nakikita na kami ng ibang mga schoolmates namin pero walang gustong umawat malamang takot silang lahat dito.

"Hindi ko alam na namimilit ka na pala ngayon ng babae" si Axel. Isa rin yan sa mga bully dito pero unlike Dustin hindi ito literal na nambubully ng mga students na weak tignan. Masungit kasi siya. As in sobrang sungit, suplado at  palamura. Ayoko rin sa kanya pero mas ayaw ko sa lalaking may hawak ng kamay ko ngayon.

"Pwede ba. Huwag kang mangialam samin ng Gf ko."

"What!? Are you out of your mind. Since when I became your Girlfriend? Tigilan mo ako at bitiwan mo ang kamay ko."

"Alam mo pasalamat ka nga at pinapansin kita eh. Samantalang ung ibang babae dito sa school halos magkadarapa mapansin ko lang." Gusto kong masuka sa sinasabi niya.

"Pwes sa kanila ka magpacute kasi hindi at never kang naging cute sa paningin ko. Kaya bitiwan mo na ako" hinatak ko na ang kamay ko pero ayaw niya pa rin bitiwan.

"Alam kong may gusto ka sa akin at nagpapakipot ka lang for sure nasa loob ang kulo mo." Hindi ko na napigilan at nasampal ko siya ng dalawang beses.

"Ay TangIna!" Mura niya kaya nakaramdam ako ng takot. Hinila niya ako sa braso pero bago pa man ang lahat. May humatak sa akin at sinuntok siya sa mukha.

Napatili ako at pati na rin ang ibang nakakakita. Nagsusuntukan na sila. Kinakabahan ako dahil panigurado sa guidance ang punta namin nito.

"Tangina mo Samañego. Ang hilig mo talaga mangialam" sigaw ni Dustin. Habang hawak siya ng isa sa mga guard ng school.

"Tang ina mo rin" sagot ni Axel habang hawak siya ng isa mga staff ng canteen.

"Gianna stop crying" si Mam Delamaria. Guidance office.

"Mam. Pwede bang pabalikin na lang siya sa room. Wala naman siyang ginawa. Nagiingay lang siya dito" Si Axel.

Naiyak na ako ng ipatawag kami dito sa Guidance office. Ayokong magka school records ng ganito. Pero mas lalo akong naiyak ng sinabing ipapatawag ang parents ko.

Nagulat ako ng biglang lumabas si Axel ng hindi nagpapaalam. Pero wala akong pakialam sa kanya kasi kinakabahan at natatakot ako. Baka pagalitan ako ng Parents ko.

Umiyak pa rin ako ng biglang may naghagis sakin ng bottled mineral water galing canteen.

"Baka madehydrate ka kakaiyak" nang aasar ba siya, kasi nagagawa niya pang tumawa sa sitwasyon namin. Sabagay sanay naman kasi siya. Halos arw-arawin niya ang pabisita dito kay Mam Delamaria.

"Gianna?" Napalingon at napatakbo ako ng makita ko si Mommy. Agad akong yumakap sa kanya.

"I'm sorry Mommy" pinunasan niya ang mga luha ko.

(Please read the Epilogue of IHSSW to know what happened inside the guidance office)

"Good morning. Ano, ok ka na ba? Hindi ka ba ililipat ng Daddy mo?" Si Elly. Ang pinakabestfriend ko sa lahat. Sabi nila kaya kami nagkasundo kasi parehas kaming nerd. Pero hindi nila alam na kaya kami magkasundo kasi parehas kaming kalog at maingay. Well maingay kami kapag kami lang ang magkasama. Marami naman kaming friends kaya lang nasa ibang setions sila. Dati silang nasa Pilot section pero ng maexperience nila ang kalupitan ng mga kaklase namin hindi nila kinaya. Hindi rin kasi ganoon kayaman ang pamilya nila. Unlike Elly na isang Pilot ang Daddy na si Tito Jeff at businesswoman naman si Tita Chelly. Well my parents. Alam niyo naman ang daddy ko na may ka adik sa pagpapayaman. My mom? Well she's still a proud Public Teacher and I am also proud of her.

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!