Kabanata 15 (Kasal lang!)

15.9K 281 57


(Dahil talo si Pacman at pinaasa lang siya ni Gayweather na matapos yakap-yakapin ay tatakbuhan naisipan ko na lang na mag-update. Kahit sa Boxing. Walang Forever. Hahah sa team #GIAXEL lang daw. Choss!)

Warning: SPG!

 

After ng Palawan trip na yun, napansin ko ang mas lalong pagiging clingy ni Axel sa akin. Ewan ko pero parang baliktad ang nangyari. Ayaw niya na umaalis ako ng hindi siya kasama lalo na kung sa Mall ito o sa mga restaurant. Hindi ba dapat ako yung makaramdam ng takot kasi nakuha niya ang lahat sa akin pero iba ang nangyayari ngayon.

"Infairness ha. Ang Oa ni Axel. Minsan hindi na nakakatuwa." Magkasama kami ni Elly ngayon at kakababa ko lang Cp ko para sagutin ang pang-apat na tawag ni Axel mula kanina. Napailing na lang ako.

"Tapos na rin naman tayo diba? Siya na daw ang mag-susundo sa akin kaya ok lang na hindi mo ako ihatid." Napatingin naman ito sa Cp niya ng umilaw ito sa ibabaw ng mesa. "Yeah at hindi rin daw kita pwedeng iwan mag-isa at samahan daw kita habang wala pa siya." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

Pinakita niya sa akin ang Cp kung saan nagtext si Axel sa kanya. Nakakahiya talaga ang lalaking iyon. Tawa siya ng tawa. "Grabe, patay na patay na talaga sayo ang Bf mo. Hindi ko akalain na ang Hari ng guidance office noong highschool tayo ay ganyan ka- obsses sa gf niya."

"Tigilan mo nga yan Elly." Pero tinwanan lang din ako ng bruha kaya hindi ko na rin maiwasang mapangti. Pero nababahala na rin ako sa pagiging clingy masyado ni Axel hindi naman sa ayaw kong ganun siya pero minsan kasi Oa na talaga hindi ko nga alam kung paano pa siya nakakapagconcentrate sa practice niya dahil nakakailang tawag siya sa akin.

Tawa pa rin ng tawa si Elly nang may maalala ako. "Best, nabasa mo ba ung isang article sa isang sports mag na may nalilink na babae ngayon kay JP Simon?" pero bigla siyang napatigil sa pagtawa at ininom ang juice na nasa harap niya nang para siyang masamid sa narinig. Hindi ko tuloy maiwasang paningkitan siya ng mata. Mukhang may hindi kinukwento sa akin ang isang to ha. Ako naman ngayon ang napangiti ng bongga.

"H-ha? Hindi ko pa n-nababasa yan. Hayaan mo, mamaya babasahin ko." hindi na siya ngayon makatingin ng deretso sa akin. Napailing na lang ako.

"MUkhang seryoso ang usapan ha." Nandito na pala ang Oa kong Jowa. Kumaway siya kay Elly at hinalikan niya naman ako sa pisngi at noo.

"So pwede na ba akong umuwi?" napangiti si Axel.

"Yap. Thanks Ell." Napapangiting inirapan lang niya si Axel sabay halik sa pisngi ko.

"Axel, hindi mo na nasa tinext pa si Elly na samahan ako, nakakahiya sa kanya." Dumaan muna kami dito sa condo niya dahil may nakalimutan siyang hinihiram daw ng kuya niya.

"Ok lang naman yun kay Elly Hon."

"Axel. Kahit na hindi naman ako mawawala dun sa restaurant na yun, ano naman ang pwedeng mangyari sa akin diba."

"Wala. Naninigurado lang ako na walang magkakainteres sayo dun." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?" pero hindi na siya sumagot pa. "Axel, umamin ka nga ano bang nangyayari sayo, simula ng umuwi tayo galing Palawan naging ganyan ka na."

"Ganyan? Paanong ganyan?" hinarap niya na ako.

"Ganyan. Parang sobra-sobra yung pagbabantay mo sa akin, parang anytime gagawa ako ng kalokohan talo mo pa si Daddy sa ginagawa mo."

Our Own Love Story (Axel and Gianna)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!