HIDDEN SEVEN

By Arthreens

4.2K 1.8K 1.2K

∆∆∆ !UNDER EDITING! ∆∆∆ ∆∆ MAJOR CHANGES ALERT! ∆∆ ∆∆∆ !HIATUS! ∆∆∆ Some pa... More

PLEASE READ!
Author's Note
Prologue
TB Chapter 1: CLUB
TB Chapter 2: VARIANT
TB Chapter 3: Room 207
TB Chapter 4: Introduce Yourself
TB Chapter 5: Bato-bato Pik!
TB Chapter 6: He's Back!
TB Chapter 7: Couple?!
TB Chapter 9: Pares/Mami
TB Chapter 10: Stupid Girl
Author's Note
TB Chapter 11: Caisy
TB Chapter 12: Friend
TB Chapter 13: Tsismosa
TB Chapter 14: Awkward
TB Chapter 15: Absent
TB Chapter 16: Josh
TB Chapter 17: His Family
TB Chapter 18: Encourage
TB Chapter 19: Plan
TB Chapter 20: Muntik na!
Covers 💕
TB Chapter 21: Neo
TB Chapter 22: Opening!
TB Chapter 23: Perya
TB Chapter 24: Penalty
TB Chapter 25: Party
TB Chapter 26: Allan
TB Chapter 27: Payt
TB Chapter 28: Again
TB Chapter 29: Talk to Talk
TB Chapter 30: Agreement
TB Chapter 31: Preparation
TB Chapter 32: Gathering

TB Chapter 8: General Cleaning

179 88 69
By Arthreens

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!









Chapter 8

Kiara's POV

Hindi ko alam kung anong trip nito ni Phia at may palinis linis pang nalalaman.

Ayoko maglinis, tinatamad ako.

"Hoy, Kiara! Bilisan mo!" sigaw niya sa akin mula sa malayo. Ang bilis niya maglakad, sabagay wala siyang dala. Kami kase ni Lucas ang pinagdala niya ng mga panglinis.

Di porket siya president ng club, tse!

Kaso wala naman akong choice kaya pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad habang dala dala yung mga panglinis kasabay si Lucas.

"Hey, are you alright?" pansin kong may halong alalang tanong ni Lucas sa akin.

"Muka ba akong okay?" sarkastikong sambit ko naman. "Nakita mong ang bigat nito eh." bulong ko.

"Tsk!" dinig kong singhal niya at padabog na kinuha ang mga dala kong panglinis.

Luhh?? Problema nito??

Hinayaan ko na lamang na siya ang magbuhat ng mga iyon tutal bida-bida niyang kinuha ang mga dala ko.
"Salamuch!" may halong tuwa na sambit ko at tumakbo palapit kay Phia upang habulin siya.

Nakarating na kami sa 2nd floor at napagpasyahan ko naman ng tulungan si Lucas sa mga dala niya dahil pansin kong hirap na siya at pawis na pawis, ang layo kase ng nilakad namin tapos umakyat pa kami ng hagdan.

"Akin na nga 'yan!" prisinta  ko at kinuha ang mga dala niya. Wala naman siyang nagawa dahil nakalayo na ako at agad na pumasok sa loob ng room.

-----

Pagkapasok namin sa room, agad namang nag-ingayan ang mga baliw.

"Anong gagawin niyo dyan?" salubong na tanong ni Levor sa amin.

"Malamang i-panglilinis!" may halong inis na sigaw ko sa kanya.

Di ba obvious?!

Sino ba naman kaseng siraulong magtatanong ng ganon, eh halata naman na. Ano bang dapat gawin sa walis? Pang blush-on? Sa daspan? Gagawing monopad?

Hayy nakoo!

"Sungit naman neto...." rinig kong bulong niya naman.

Bulong bulong pa, rinig din naman.

Nilapag ko na ang mga dala ko at naupo muna kami sa sofa upang magpahinga. Kaya ayokong maglinis eh, sobrang nakakapagod.

Di pa nga nakakapagsimula pagod na agad......

Maya-maya lang ay nagtawag na si Phia upang simulan na ang paglilinis.

"Sa ngayon, itong sahig at mga basura na lang muna ang lilinisin natin dahil walis at daspan lang ang dala namin. Bukas na lang yung locker tyaka mga ding-ding at sahig dahil wala tayong dalang mga brush at basahan pati na rin yung mga sabon." mahabang sabi ni Phia at napasimangot na lang ako ng bongga.

Ang dami naman non. Ang daming lilinisin, nakakatamad!

Alam niya namang mayaman ako at pwede naman namin ipalinis na lang itong room kaso ayaw niya akong paggastusin, nakakahiya raw.

Naiintindihan ko naman siya na ayaw niyang ipalinis dahil ayaw niyang umaasa sa gawa ng iba. Independent kaseng tao 'yan si Phia, nakakainis nga yung ugali niyang 'yon eh.

Pinapahirapan niya lang kase ang sarili niya.

Minuto lang ang lumipas ay may narinig kaming kumatok mula sa pinto. Binuksan ko naman iyon at bumungad sa akin sina Grace at....Dave?

Aba, himala!

Pinapasok ko naman sila sa loob at isinara ang pinto. Bumalik na ulit ako sa pwesto ko at hinayaan na silang humanap ng pwesto nila.

At bago ko pala makalimutang sabihin......

"Pati kayo maglilinis din! General Cleaning tayo ngayon!" sigaw ko sa mga lalaking nasa kabilang sofa.

"Sige! Sama ako!" masayang prisinta naman ng bulinggit.

"ANO?!" sabay sabay nilang sigaw maliban sa bulinggit na tutulong daw maglinis.

Buti naman.

"Bakit?! May angal?!" sigaw ko ulit na may halong pagbabanta. Ano sila? Sinuswerte? May tagalinis? Sila nakaupo lang habang kami luwa na yung mga dila sa pagod?!

Aba, hindi ako papayag!

"Oo! Meron!" lakas loob na sabi naman ni Josh.

"Bakit kami maglilinis diyan?" tanong ni Levor. Mukang ayaw pang tumulong nitong dalawang toh ah.

"Inform ko lang kayo ha." sarkastikong sabat naman ni Phia. "Makikigamit rin ho kayo nitong room at una pa lang ay kayo na ang nagkalat ng mga 'yan kaya wala kayong karapatan na tumanggi." dagdag niya pa na para bang kapag nagkamali ng sagot yung dalawa ay may mangyayaring delubyo.

Naku, sign na 'yan.

"Sino bang nagsabing linisin niyo 'yan?" dagdag pa nung isa.....hala di ko kilala 'to ah parang wala 'to rito kahapon?

"Di ako maglilinis diyan, di naman dito club ko eh." giit pa ni Josh at sumang-ayon naman si Levor dahil nag-apir pa sila.

Nagpasya namang lalabas yung dalawa ngunit hindi na nila naituloy ang balak dahil agad silang pinigilan ng mga kasama nila.

"Hoy! Akala niyo makakatakas kayo?!" pigil sa kanila nung lalaki na mukang bago lang dito dahil wala nga siya kahapon at di ko kilala.

Kalma self.

"Hoy! Bitawan mo ko sasapakin kita!" banta ni Levor sa mga umaawat sa kaniya.

Subukan mo lang, matatanggal ka talaga sa pwesto mo.....

"Subukan niyo! Hindi ko na kayo irereto sa mga kakilala ko!" pagpupumiglas naman nung isa.

Babaero talaga ang kupal.

Kasalukuyan silang pinipigilan ng mga kasama nila ngunit ayaw pa rin nilang magpaawat kaya naman may naisip ang mga kapwa nila kupal at napilitang itali sila sa upuan.

Tsk.....tsk......tsk.

Kawawang mga nilalang.

Habang nakatali yung dalawa at patuloy sa pagpupumiglas, kami nama'y natatawa na lang.

"BWAHAHAHAHAAHAHAAHA." tawa ko 'yan, para lalo silang maasar. Akala nila ah, sabat-sabat pa sila kanina.

Ganyan ako pag sinasapian....

"Ikaw babae ka! Lagot ka sa'kin kapag nakalaya ako rito!" banta sa'kin ni Levor. Feel ko tuloy nasa kulungan siya dahil sa mga sinabi niya.

Sarap niyang asarin.

"Bleh bleh bleh bleh bleh." asar ko pa sa kanya at napatigil nang tawagin naman ako nung isa.

"Psst!" tawag nung isang preso este si Josh.

"Nuyon?!" mataray na tanong ko habang nakataas ang kilay.

"Pakawalan mo naman ako dito. Kapag tinulungan mo ko, pwede mo kong maging ka-date." pambibilog niya naman sa akin at kumindat pa.

Lokong 'to, balak pa akong isama sa mga collection niya.

Ngumiti naman ako ng matamis bago lumapit sa kanya. Pansin ko sa itsura niya na para bang inaasahan niyang papakawalan ko talaga siya.

Yumuko naman ako at akmang tatanggalin ang tali na nakapulupot sa kamay niya ngunit balak ko lang talaga siyang asarin.

"Asa ka." bulong ko sa kanya dahilan upang lalo siyang mainis.

"Lagot ka sa'kin babae kaaa!" may halong inis na sigaw niya sa akin dahilan upang mapatakip ako ng tainga.

Muntik pa mabasag eardrum ko.

"Anong nangyayari rito?" biglang tanong ng kung sino kaya naman napaharap ako sa kanya.

Bumungad sa akin ang isang lalaking kanina ko pa napapansin dahil hindi ko naman siya kilala at ang naaalala ko ay wala naman siya rito kahapon.

Uso kase magtanong self.

"Ang ingay niyo naman. Kiara, halika nga rito!" singit naman ni Phia at tinawag pa ako. Lumapit ako sa kanya at inabutan niya naman ako ng walis.

"Oh magwalis ka, kaysa nakikipagsigawan ka sa mga 'yon." may halong inis na sambit niya pagkaabot ng walis sa akin. Grabe naman. Sigawan agad? Normal na boses ko na nga 'yon eh.

Pero sabagay medyo korik.

Nagsimula naman na akong magwalis at napansing naglilinis na rin yung iba naming kasama. Ilang oras pa ang lumipas, napansin kong parang malapit na pala kaming matapos sa paglilinis.

Napatingin naman ako sa hawak ko. Grabe itong mga toh, hindi ako makapaniwalang kaya nilang tiisin na puro kalat itong room at hinayaan lang na nanggigitata.

Inabot kase ng ilang sako ang mga kalat na nalinis namin.

Hayyss, kapagod! Ayoko na! Hindi ko alam na clerk pala talaga ang role ko rito at hindi estudyante.

Magpapalipat na nga ako ng school!

------

Sa wakas pagkatapos ng ilang taon ay natapos na rin kaming maglinis. Buti na lang talaga ay nagbunga ang ginawa naming pagpapanggap dahil napansin kong luminis talaga ang kwartong ito.

Kaso nga lang, may mga naiwan pa rin mga putik. Napagpasyahan naman naming ipagpabukas na lang dahil wala naman kaming dalang mga kagamitang panglinis para dyan.

Nagpahinga muna kami saglit at napatingin sa dalawang preso na nakatali pa rin sa upuan.

Tawang-tawa pa rin ako sa mga mukha nila hanggang ngayon. Para kase silang mga nakasimangot na ewan at salubong na salubong ang mga kilay pero ang swerte pa rin nila dahil di sila nakapaglinis at upo lang ang inambag.

Sana pala nagpatali na rin ako.

Napasandal naman ako sa sofa bago ipinikit ang mga mata. Ramdam kong dinadalaw na ako ng antok ngunit napabangon akong muli nang marinig ang malalakas nilang tawanan.

Napabaling naman ang tingin ko sa kanila at natawa. "Pfftt." pigil na tawa ko nang makita ang ginagawa nila.

Pinagtitripan lang naman nila yung dalawa habang nakatali sa upuan. Sinusulatan nila ang mukha habang nagpupumiglas yung dalawa. Napansin ko rin na may nagbi-video at kumukuha pa ng litrato.

"Boooooogggggsssshhh!!" malakas na kalabog ang narinig ko mula sa kanila dahilan upang lumapit ako roon. Nakita ko namang nasa sahig yung dalawa habang nakatali pa rin sila sa upuan. Dahil siguro sa kalikutan nila kaya sila bumagsak.

Tsk...tsk....tsk.

"Hoy. Tigilan niyo na nga 'yan." may halong inis na sabi ni Phia. Tinulungan naman nilang itayo yung dalawa bago tanggalin ang tali nila.

"Mga siraulo! Sapakin ko kayo eh!" inis na sigaw ni Levor sa mga kasamahan niya nang makaalis na siya mula sa pagkakatali.

Brutal na SSG officer!

"Bukas, kapag tumakas kayo muli mararanasan niyo ulit 'yan with a twist. HAHAHA!" banta naman nung lalaking hindi ko talaga kilala.

Ano kaya yung twist na sinasabi niya?

"Tanong ko lang, sino siya? Wala naman siya rito kahapon ah." takang tanong ko sa kanila at tinuro yung lalaking hindi ko talaga kilala.

"Siya?" balik na tanong ni Josh sa akin at tumango naman ako bilang sagot. "Pre, gusto ka raw niya makilala." alok na sabi naman niya dun sa lalaki.

Inissue pa ako ng kupal.

Humarap naman sa amin yung lalaki bago magpakilala. "Hi! Ako nga pala si Allan Dela Cruz, 18 years old. Sophomore in section D. I'm an athlete. Lagi akong sumasabak sa mga sports competition sa iba't ibang school kaya minsan hindi niyo ko makikita rito sa school." pagpapakilala niya naman.

Napatango naman ako at napabaling ang tingin kay Phia upang tanungin ang oras. "Anong oras na?" tanong ko dahilan upang mapatingin siya sa relo niya.

"6:30 pm." tugon niya.

Napagpasyahan ko namang magpahinga ulit at maya-maya lang ay nag-aya silang kumain sa labas. Agad naman akong pumayag dahil nakaramdam na rin ako ng gutom.

"Saan tayo kakain?" tanong ko sa kanila at napatingin naman kami kay Josh nang sumagot siya.


"May alam ako...." prisinta ng kupal.





_______________________________________

Sorry for the wrong grammars and typos!

Don't forget to vote, comment and share! Love Lots!

===Edited===

Continue Reading

You'll Also Like

76.6K 2.9K 37
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.
48.1K 1.4K 23
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
1.5M 63.1K 45
She walks in like the epitome of black girl luxury, but pain follows her. She covers it with bust-down jewelry and white roses. He's quiet, but his...
6.4M 5.9K 4
Young, innocent and always well-organized Hailie Monet under sad circumstances finds out about the existence of her five older, disgustingly rich, po...