MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.6K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

37

21 2 4
By RonneSerene

"Valentina, come down here! It's already lunch time!"

A few days have passed. No communication with my friends and classmates. Even with Tita Ginnie. I lost my phone. Havier advised me that I should avoid contacting other people for a while. I'm focusing on my fast recovery. 

Nasa corridor lang ako ng second floor. Wala akong magawa kanina kaya nagbasa na lang ako ng aklat. 

"After you eat, drink your medicine."

Tumango ako sa kaniya at saka kumuha ng pagkain. He found out that I'm having a suicidal and depression. He got mad at me pero hindi rin iyon nagtagal. Dinala niya ako kaagad sa isang psychiatrist. Ang daming tinanong sa akin, at kung anu-anong test ang ginawa. Hindi ko na halos matandaan kung ano ang ginawa sa akin. 

"Wanna go out somewhere?" 

"P'wede ba tayong pumunta kay Gabrielle? Gusto ko siyang dalawin."

"Sure.."

Nakita kong lumapit si Manang Lucy sa amin at inabot ang telepono. Kinuha naman iyon ni Havier.

"Who's this?" he asked. "Oh! Good afternoon, Mrs. Aeñoso."

Umangat ang kilay ko habang nakikinig kay Havier.

"Ah, okay. Sure, no problem! I will bring her there. Yes, after lunch."

Binaba niya ang telepono 'tsaka tumingin sa akin. "Mrs. Aeñoso, wants to see you. Nakiusap siyang dalhin kita sa kanila ngayon."

"Okay."

Ilang araw na rin naman ang lumipas. Nag-aalala masyado si Tita Ginnie. Kahit naman galit iyon sa akin, hindi niya matitiis na magtanim ng sama ng loob. Araw-araw itong tumatawag kay Havier. Kinakamusta ang kalagayan ko. Binilin ko kay Havier na huwag sabihin ang pagtake ko ng medicines for anti-depression.

Si Kuya Teo ang nagmaneho para sa amin. Walang traffic kaya nakarating kami kaagad sa mansyon ng mga Aeñoso. Bumaba kaming pareho ni Havier ng sasakyan. Nang makilala ako ng guard, mabilis niya kaming pinapasok ng pinsan ko.

Nagdala si Havier ng fruits, pizza and a bunch of flowers for Tita Ginnie.

Sumalubong si Aling Esme sa living area. Pinaupo niya muna kami habang tinatawag niya si Tita Ginnie.

"Ilang years kang naninirahan dito?" tanong ni Havier. 

"Three years, tapos nangupahan na ako nung magkaroon na ako ng trabaho."

"Pumayag siya?"

"Nung una, hindi syempre. Tinulungan lang ako ni Gabrielle na pilitin siyang pumayag. Sinabi namin na may kasama naman ako. Which are Jahm and Jorj."

Napatingin ako sa hagdan nang may marinig na tunog ng takong. Pababa na ngayon si Tita Ginnie. Pareho kaming tumayo ni Havier at sinalubong siya.

Mabilis na nanggilid ang luha ni Tita Ginnie at sinalubong ako ng mainit na yakap.

"I miss you," she said. Mas humigpit pa ang yakap niya. "I really miss you, Sane.."

"I miss you too, Tita..."

Siya na ang unang kumalas sa pagkakayakap sa akin. Ginulo nito ang buhok ko.

"How are you?"

"I'm doing good, Tita."

"Good to hear that," nilingon niya si Havier. "Thank you, hijo, for bringing my Sane here."

"No worries, Mrs. Aeñoso. By the way, I have flowers for you."

"Thank you, nag-abala ka ba, hijo."

"Hindi naman po, kulang pa nga po 'yan kumpara sa pagkupkop niyo sa pinsan ko."

"Don't mind it, hijo. Have you eaten already? I preferred some foods."

Pumunta kami sa kusina, kahit kakakain lang namin ni Havier. Kumain pa rin kami. Baka kasi magtampo si Tita. Ang dami pa naman niyang niluto. Nagluto siya ng ginisang ampalaya. Iyon kaagad ang kinain ko.

Nagtatawanan kami habang nagkwe-kwentuhan. Ito kasing si Havier, magaling magpatawa. Binibiro-biro si Tita Ginnie. Mabilis pa namang matawa si Tita.

"Mom?"

Nahinto kami sa pagtatawanan ng may tumawag kay Tita Ginnie. Nakita ko si Gariel na paparating sa pwesto namin. Masama ang tingin at magkasalubong ang kilay.

"Sane is here, Gari," usal ni Tita Ginnie. "Here, join us."

Iniwas ko ang paningin ko sa kaniya at binaling ito sa pagkain ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko na umupo siya sa tapat ko.

"It's been awhile, Hellpig. How are you?"

"Okay na—"

"P'wede na ulit makipag-away?" putol niya sa akin. Napairap naman ako sa kaniya. Narinig ko siyang ngumisi ng matunog.

"Hey, why is he calling you hellapig?" bulong ni Havier. "That's gross."

I shrugged.

"Hellapig, huh? That's so corny.."

"Mahilig kasing mambansag 'yan."

Napailing na lang si Havier. Nagpatuloy siya sa pagkain hanggang sa tumunog ang cellphone niya. Nakakunot-noo niyang tiningnan iyon. May meeting na naman siguro siya.

"Mrs. Aeñoso, I have to go." Tumayo ito kaya napaangat ang tingin naming lahat sa kaniya. "Dito muna po si Valentina, I'll fetch her by eight pm. I have an urgent meeting po."

"Gano'n ba, hijo? O, siya, sige..."

"Sorry po, I enjoyed staying here po kahit konting oras lang."

"No problem, hijo. You can go here anytime you want. You're welcome here.”

"Thank you po, Mrs. Aeñoso." Havier bowed his head and smiled. "I need to go now. I will visit again if I have free time. See you later, Val.”

Nakipagbeso siya sa akin at tinapik ang aking likod. Muli siyang nagpaalam kay Tita Ginnie at saka nagmamadaling umalis.

"Ang sweet naman ng cousin mo, Sane."

"Napapanahon lang po ang pagiging sweet no'n, Tita. Madalas pong bugnutin 'yon."

Natawa si Tita Ginnie. "Anyway, I have good news for all of you.."

"What is it, Mom?" si Gariel. "Are we going on a trip abroad?"

"No," nakangiting iling ni Tita. Na-curious naman ako. Ibang-iba ngayon ang kaniyang ngiti. Sobrang genuine. "Guess it, kiddos."

Napatingin ako kay Gariel. Nakakunot ang noo niya. Halatang hindi niya rin alam ang sinasabi ng nanay. He shrugged.

"Say it, Tita Ginnie!" Dumukot ako ng isang slice ng pizza. "I'm not good at guessing.."

Gariel whined. "I'm starting to get curious. What is it?"

"I'm pregnant!" 

"Ahhh," halos na sabay naming wika ni Gariel. Ngunit namilog ang aking mga mata nang mapagtanto ang sinabi ni Tita.

"Pusanggala!" Napatayo ako. "Pusanggala, Tita!" 

Natawa si Tita sa naging reaksyon ko. Hindi ko iyon pinansin at nilapitan siya para yakapin. 

"I'm so happy for you, Tita!" 

"Oh, thank you!" 

"How many months or weeks?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at muling bumalik sa pagkakaupo. 

"Three weeks hija," may malapad na ngiting sagot niya. 

"Jesus," napatingin kaming dalawa ni Tita kay Gariel. Nakatulala ito. "Am I having a little brother or sister? Jesus, thank you!" 

Nag-sign of the cross pa ito. Pareho kaming natawa ni Tita Ginnie. Nang mapagtanto ni Gariel ang ginawa niya, nagpatuloy ito sa pagkain na parang walang nangyari. 

Napailing na lang si Tita Ginnie. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa hapag. Natapos lang nung may tumawag sa telepono at kinausap ito ni Tita Ginnie. Masakit na rin kasi ang tiyan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa busog ako o sa kakatawa. 

"Are you sure that you're okay now?" 

Nanonood ako ng TV sa living area nang sumulpot si Gariel. Dala niya ang gitara niya. Umupo siya sa kabilang dulo ng couch na inuupuan ko. 

Tumango ako. "Oo, papasok na nga ako bukas."

"You don't need too. Magpahinga ka na lang sa bahay ng pinsan mo."

Umiling ako. "Ilang araw na nga akong nabuburyo roon, wala akong makausap."

"Ang sabihin mo lang nangangati na ang mga kamay mong manuntok."

"Hindi, ah!" Kinuha ko ang tubig ko saka uminom. "Nangako ako kay Tita na hindi na ako gagawa ng gulo o away."

"Talaga ba, Hellapig?" 

"Talaga rin ba, Gariel?" ginaya ko ang tono niya. "Magkakaroon ka na ng bagong kapatid. Huwag mong bigyan ng stress si Tita."

"Yeah, I know!" Inangat niya ang hawak niyang gitara patungo sa tuhod niya. He started to strum. Pamilyar sa aking pandinig ang tugtog na iyon. 

"Can I sing you a song?" 

I gasped. Bahagyang lumaki ang aking mga mata dahil sa gulat. Muntikan ko pang mabitawan ang hawak kong baso kaya dali-dali ko itong nilapag sa center table. 

Putcha! Kakantahan daw niya ako? Totoo ba itong naririnig ko? 

Bumalik ang tingin ko sa kaniya, naroong umangat ang kilay niya at mukhang hinihintay ang magiging sagot ko. 

Napakamot ako ng ulo. Ngayon ko pa lang maririnig ang boses niyang kumanta! 

"You're so bagal!" angil niya. "I changed my mind!" 

"Nabigla lang ako kaya hindi kaagad ako nakasagot. Sige na, kumanta ka na!" 

"Ayoko na. Ang bagal mong sumagot!" 

"Gara mo namang kausap!" inismiran ko siya. "Kumanta ka na, Gariel. Nahiya ka pa!" 

Umungot siya. "You're just my best enemy. Hinding-hindi ako mahihiya sa 'yo, 'no!" 

"Kumanta ka na lang, dami mong ebas!" 

"Pilitin mo muna ako!"

"Ano ka? Siniswerte? Asa ka!"

"Okay, I won't sing then!" 

Umikot ang mga mata ko. Napakaarte niya talaga! Napakaikli pa ng pasensya niya at parang ilang segundo lang akong napaisip sa tanong tapos biglang magbabago ang isip niya? 

Luko talaga! 

Pero teka nga, teka nga! Ano kaya kung pilitin ko siyang kumanta? P'wede kong ipang-asar kung magkakataong pangit ang boses niya. 

Tama! 

Great idea, Rosane! 

"Gariel..." 

"Hellapig..."

I made a face. Ginaya niya pa talaga ang boses ko.

"Kumanta ka na," pilit pa akong ngumiti. "Hindi pa kita naririnig kumanta, eh!"

"Ayoko."

"Parinig naman ng boses mo, Master Gariel!"

"Ayoko nga!"

"Sabi mo pilitin kitang kumanta! Ito na nga, pinipilit na nga kita!" inis kong wika.

"Fine!" angil niya. "Para naman gumanda ang araw mo!" 

"Yown," asar akong tumawa. "Siguraduhin mong maganda ang boses mo. Kapag tunog-kulog 'yan, manahimik ka na lang habambuhay."

Matunog siyang napangisi. "Be careful, you might not forget my voice and be addicted to it."

"Baliw!" 

Tinawanan lang ako ng tukmol saka nagsimula mag-strum sa gitara niya. Pasimple kong pinatay ang TV gamit ang remote. 

When do stars fade their light?
Does the moon and the sun make it right
For you the world maybe
Like an endless storm chasing a mystery

I gasped. Hindi ko kailanman inakalang may ganitong tinig si Gariel. Pino-proseso kong mabuti kung sa kaniyang boses nga ba itong naririnig ko. 

Is there hate in your heart?
Does your body drop and tell you to stop
Loving you or loving me
When it all falls down you just sing with me

Coz there's a blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow shining and shimmering
A blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow
Maybe it's all we need

Oh don't you wash away that smile
You just look out the window and see the light
It's beautiful to be alive
It's wonderful to live a life

The sun is sure to shine
For you and me for everyone
So don't be sad it's just the start
Of a new beginning in your life

He glanced at me. Nakakapanibago ang gano'ng tingin niya sa akin, hindi ko mawari, hindi ko mahinula ang ibig sabihin no'n. 

Rain will keep on pouring
Some things you can't control
And while the sun seems far and hard to hold
It will unfold

There will always be a blue sky
A blue sky waiting tomorrow full of hope
Yeah, full of hope yeah... 

Coz there's a blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow shining and shimmering
A blue sky waiting tomorrow
Waiting tomorrow
Maybe it's all we need...

Gariel is a kind of guy that hard-headed. Masakit magsalita, tagos kung tagos sa puso, walang filter ang bibig, hindi siya gentleman, at walang rules na sinusunod. May iba siyang batas na sinusunod, at iyon ang sarili niyang batas. 

Some other people think that he's an asshole. But for me, he's not. Naging gago lang naman siya dahil sa mga taong umabuso sa kaniya nung mga bata pa kami. 

"Speechless, huh?" dinig kong sabi niya. Hindi naman ako kumibo. 

Alam kong siya pa rin si Gariel na ginusto ko noon na maging kapatid at kaibigan. Siya pa rin iyon, hindi siya nagbago, hindi kailanman. 

"Hey!" Pinitik niya ang noo ko. "Bilib na bilib sa boses ko, huh? Napapatulala ka pa d'yan! So, what can you say? Five star ba?"

"Ha?" 

"What can you say about my voice?" 

Napahalakhak ako. "Hindi ko alam na may gan'yan kang boses, Gariel. Anong sikreto mo? Baka may pinasak ka sa bibig mo bago ka kumanta? Nako, ah! Baka ginu-good time mo ako!" 

"You're insane. It's my natural voice."

"Sige nga, kantahan mo nga ako ulit para masigurong natural na boses mo 'yon!" 

"Abusado," asar niyang wika. "Nagustuhan pala ang boses ko, hindi sinabi!"

I rolled my eyes on him. Walang pinagbago. Mayabang pa rin siya at mataas ang tingin sa sarili. Minsan napapaisip ako, bakit bigla na lang siya lumayo sa amin ng kakambal niya. Bakit biglang nanlamig ang pakikisama niya sa amin? I sighed.

"I wanted to say sorry," sa mahinang boses na wika ko. "I caused a lot of pain to your family."

"What are you talking about?" He looked confused. 

"Because you're right, ako ang dahilan ng pagkamatay ni Gabrielle."

"That's not your fault," aniya at binaba ang gitara sa center table. "I know a lot of issues na kumalat sa campus. That punk said, he was paid by Gabrielle just to... No! Hindi magagawa ng kapatid ko 'yon. Huwag kang maniwala sa kaniya. Hindi ikaw ang dahilan ng pagkamatay niya and hindi rin nagpakamatay ang kakambal ko. Understood, Hellapig?" 

"But, still... I want to apologise. I'm sorry," mahinang usal ko. "Baka may nagawa akong masama o may nasabing hindi maganda. Lagi ka kasing galit sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang pinuputok ng butchi mo. Hindi rin kita makausap ng matino dahil lagi mo akong sinisigawan at binabarahan..."

Sabi nung psychiatrist sa akin, dapat ko raw ilabas ang lahat ng hinanakit ko sa isang tao o sa lahat ng tao na nakasalamuha ko. Kausapin ko raw at sabihin sa kanila kung ano ang mga dinaramdam ko sa kanila. Subukan ko rin daw humingi ng tawad sa tao, baka may nagawa akong mali na hindi namamalayan. 

"I'm not mad at you," turan niya. "I don't hate you, too..."

"Kung gano'n... Bakit ka laging galit sa akin?" 

"Dahil lagi mong bukang bibig ang pangalan ng kakambal ko," diretsang sagot niya. "You're always with him. Na para bang siya lang ang kaibigan mo. Na parang siya lang ang kapatid mo sa pamilya na ito..."

"Hindi—" 

"You said before, that I am one of your friends. Is that true? O sinabi mo lang iyon para matigil ako sa kakaiyak." 

Nagbaba ako ng tingin. Naalala ko ang sinasabi niya na iyon. Uwian noon, hinihintay ko sa parking lot ang sundo namin. Hindi pumasok si Gabrielle kaya si Gariel ang kasama kong maghintay. 

Habang naghihintay, biglang umiyak si Gariel. Aasarin ko sana siya ngunit umurong ang dila ko dahil nakita kong pulang-pula ang mga mata niya.

"Hala, Gariel! Bakit ka umiiyak?" mabilis kong kinuha ang panyo sa bulsa ko. "Magagalit si Tita Ginnie kapag nakita ka niyang gan'yan. May nambully ba sa 'yo? Sabihin mo, sabihin mo, sabihin mo at kukutusan ko ngayon din!"

Hindi ito sumagot. Naubos naman ang pasensya ko sa kakatanong kaya naman pinilit ko siya nang pinilit hanggang sa magsalita siya. 

"Some of my classmate that I treated as my friends. They were betrayed me… Sinabi nila na they using me para makalibre sila sa pagkain at para makasama sila sa honor roll."

"Ano?! Sino ang mga 'yan? At saka anong para makasama sa honor list? Bakit pinapakopya mo sila?!" 

Tumango siya. "Kapag daw hindi ko sila pinakopya, bubullyhin nila ako."

"Ang tanga mo naman!" sabi ko. "Hindi sila ang dapat na kinakaibigan mo."

"I have no friends! Hindi sila makikipag-usap sa akin kapag hindi ko sila nilibre at bibigyan ng answers."

"You have friends kaya!" wika ko. "Ako, kaibigan mo ako. Kaming dalawa ni Gabrielle ang kaibigan mo."

Napabuntong hininga ako. Oo, totoo ang sinabi kong kaibigan ko siya. 

"I treated you like a friend pero ikaw 'tong parang ayaw akong maging kaibigan."

"Because I got jealous," he said. "Sa ating tatlo, ako ang laging naiiwan. Tapos si Gabrielle lang ang lagi mong nakikita."

"Hindi ka naiiwan," pagkontra ko. "Kusa mong nilalayo ang sarili mo sa amin. Lagi kang nakatutok sa mga gadgets mo. Alam mo ba sa tuwing pumunta kami ni Gabrielle sa Patisserie Boulangerie. Nag-uuwi kami ng pasalubong sa 'yo pero hindi mo naman pinapansin 'yon. Kahit saan kami gumala, nag-uuwi kami ng pasalubong para sa 'yo, sadyang hindi mo lang ito pinapansin. Nakikita ko pa ngang tinatapon mo 'yon sa basurahan. Hindi ko na lang sinabi kay Gabrielle dahil alam kong magagalit siya."

"Uh, I'm sorry!" Nagbaba ito ng tingin. "Ang pangit kong maging kaibigan, 'no? Inggitero at mabilis magselos." 

"Hindi naman," kinuha ko muli ang baso at inubos ang laman non. "You're such a good friend naman ang kaso mabilis kang mapikon."

"Ang lakas mo kasing mag-asar."

"Mabilis ka kasing mapikon kaya inaasar kita. Laging umuusok ang ilong at tainga mo."

"Shut up, Hellapig."

"Oh, tingnan mo nga!" Napahalakhak ako. "Pinapatahimik mo na ako kasi napipikon ka na. Partida, wala pa akong sinasabi."

Umirap siya sa akin. Kinuha niya muli ang gitara niya. "We're cool now, right? No more samaan ng loob?"

"Sa akin okay na, sa 'yo ba? Baka may hinanakit ka pa sa puso mo. Sabihin mo na."

"Gusto ko rin gumala kasama ka," nakangusong wika niya. "‘Di ba may bucket list travel kayo ni Gabrielle? P'wede bang ako na lang ang kasama mong tumupad ng mga iyon?" 

Sasagot pa lang sana ako nang may marinig kaming may nagdoorbell. Tumunog din ang telepono kaya tumayo si Gariel para sagutin iyon.

"Ah, yes! Papasukin n'yo," dinig kong wika ni Gariel. Tinutok ko na lang ang atensyon ko sa pinapanood ko.

Naalis ulit ang paningin ko sa TV nang may marinig akong ingay. Napalingon ako sa pinto. Bumungad sa akin si Tita Olga, kasunod ang mga anak nito.

"Ate Rosane!"

Napatayo ako.

"Good afternoon po," bahagya akong yumuko kay Tita Olga. Nanlaki ang mga mata ko ng yumakap ito sa akin.

"Good afternoon too, hija," siya na ang naunang kumalas. Sumunod naman si Karla, yumakap din ito sa akin.

"Ate, tagal kitang hindi nakita."

Ngumiti lang ako sa kaniya. Humiwalay lang ito nang dumating si Tita Ginnie. Inaya sila nito sa kusina para kumain. Pilit ko namang hindi tinapunan ng tingin si Ohne.

"Sa garden muna ako," paalam ko kay Gariel. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at dumiretso na ako sa likod ng bahay.

Malawak ang garden ni Tita Ginnie. Mahilig kasi siya sa mga halaman. Naupo ako sa duyan at hinayaan ko ang sarili kong magduyan-duyan. Mabuti na lang hindi mainit at malamig ang hangin.

Tahimik kong pinagmamasdan ang kalangitan. Medyo makulimlim pero mukha namang hindi uulan. 

May narinig akong kumaluskos. Inihinto ko ang duyan at saka nilibot ang buong paningin ko sa paligid. 

Wala namang tao.

Hindi ko sana papansin ng may maramdaman akong tumama na maliit na bagay sa batok. 

"Pusanggala!" Napatayo ako mula sa duyan. Napahawak ako sa batok ko. Parang isang deja vu iyon. Naaalala kong nangyari na iyon sa akin pero hindi ko matandaan kung saan. "Peste, masakit 'yun, ah!" 

Napatingin ako sa likod. Halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong nandoon si Ohne. 

"Ikaw 'yung bumato sa akin?" inis kong tanong. Umiling naman ito. "Hindi ikaw? Eh, ‘di sino? Ikaw lang naman ang nand'yan!"

He glared at me. Lumakad siya palapit sa kawayan na upuan at saka umupo roon. Nang walang marinig mula sa kaniya ay bumalik ako sa duyan.

In my peripheral vision, nasa malayo ang kaniyang tingin. Mukhang malalim ang kaniyang iniisip, may problema kaya siya?

Wala yatang balak magsalita sa pagitan naming dalawa kaya lalo tuloy lumalala ang pagkailang ko. Wala naman akong sasabihin kaya hindi na ako nagsalita.

Kumanta na lang sa isip ko at dinama ang malakas na hangin na dumadampi sa aking balat. Napatingin muli ako kay Ohne nang maramdaman kong napatingin siya akin.

"Bakit?" 

Inabot ng paa ko ang lupa para mahinto ang duyan. Nakatitig ito sa akin kaya bigla akong nagtaka. Baka may dumi sa mukha ko o kaya magulo ang itsura ko.

"May dumi ba sa mukha ko?" Sabay hawak ko sa mukha ko. Umiling naman ito. Nakahinga ako ng maluwag. Binaba ko na ang mga kamay ko. Hindi maalis ang tingin niya sa akin kaya nilabanan ko ang mga tingin niya. I bit my lower lip. This is insane. Nangungusap ang mga mata niya. Parang ang dami-rami nitong gusting sabihin hindi lang maipahayag. Iniiwas ko ang paningin ko dahil nakaramdam ako ng pagkailang. "Why are you staring at me then?"

"I miss my angel."

I raised my brow. "Angel?"

"Yeah, my angel."

Hindi ko naman matukoy ang sinasabi niya. Hindi na ako nagtanong pa dahil tinatamad na akong magsalita.

"I have something for you," he uttered at nakita kong may kinuha siya sa bulsa ng jacket niya. Inilabas no'n ang isang maliit na kahon. "Here..."

Tinitigan ko iyon. "Ano 'yan?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Basta na lang niya kinuha ang kanang kamay ko at nilagay sa palad ko ang maliit na kahon na iyon. Bumuntong hininga ako at binuksan ang kahon. 

My eyes widened. Seriously? Nail cutter? What's wrong with him? 

"Why are you giving me this?" natatawa kong turan. "May nail cutter ako, 'no! Anong tingin mo sa 'kin? Hindi naggugupit ng kuko?!"

I feel so offended.

“Hey...it's not like that!" nagkanday utal-utal na siya. "I don't have any plan to offend you, woman. I gave that to you to protect yourself, in case of an emergency."

"Ha?"

Kinuha niya ang nail cutter at pinakita niya  kung paano niya pinalabas ang matulis na patalim doon.

Namilog ang aking mata. Hindi dahil sa patalim. 

Kung ‘di dahil sa nakaukit doon sa patalim!

Nakaukit ang buo kong pangalan! 

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis. 

"Don't you like it?" may lungkot sa mga mata niya. "It's personalised made from Germany."

"Germany?!”

Tumango siya. "Dalawang taon nang nasa akin ‘yan. Ngayon lang ako nagkaroon ng chance to give it to you."

"Ano? Two years? Matagal mo na akong kilala kung gano'n? Hindi ba't nung nakaraang taon ka lang dumating dito at nagtransfer sa school?" 

"Nope," he shook his head. "I've been here since you were in grade eight. Grade nine naman dapat ako no'n pero nagstop ako ng one year para makasabay ko sina Gari." 

"So, dapat grade 11 ka na by this time?" 

"Yes."

"Sandali, sandali, sandali! Naguguluhan ako. Sabi mo matagal mo na akong kilala? Paano mo ako nakilala? Eh, nakilala lang naman kita nung nagtransfer ka na sa school tapos madalas kang tinuturo ni Gabrielle. Ikaw daw ika ang pinsan n'yang mula sa Germany."

"When you were in grade eight, I accidentally hit you with my bike. Do you still remember that?" 

Umiling ako. "Hindi, tapos?" 

"I apologised to you but you just ignored me. Bumaba ako sa bike para tulungan kang tumayo at damputin ang mga gamit mo."

Magkamot ako ng batok. "Oh, tapos?" 

"May dumating na dalawang lalaki, tatakbo ka na sana nang mahawak ka ng isang lalaki sa buhok."

Hindi ko pa rin maalala ang mga sinasabi niya!

"Akala ko nung una mahina at hindi ka makakalaban. Pero nagkamali ako," mahina siyang natawa. "Mabilis kang kumilos at pinagsusuntok mo sila. I was too stunned to speak.”

"Wala talaga akong maalala, magkwento ka pa nga."

"Matapos mong mapabagsak ang dalawang lalaki. You turned your gaze on me. Inirapan mo ako, akala ko nga susuntukin mo pero hindi naman pala. Kukuhanin mo lang pala ang gamit mo sa akin." 

Gusto kong matawa. Hindi dahil sa kinukwento niya kundi dahil sa nauto ko siyang magpakwento pa. Ngayon ko lang kasi nakausap ng matino ang isang ito. Mabuti nga at wala siyang sumpong ngayon. 

"Pagsakay ko ulit sa bike, pagpadyak ko, may pumutok. Tumingin ka sa akin, bumaba naman ako para tingnan ang gulong ng bike ko. Nabutas 'yon dahil sa isang nail cutter. Lumapit ka sa akin para tingnan kung ano 'yon. You cursed and sinabi mong nail cutter mo 'yon."

"Ikaw 'yon?" natatawang tanong ko nang maalala. "Ikaw 'yung lalaking sumira sa nail cutter ko?"

"Do you remember now?"

"Ikaw lang pala 'yon! Ikaw ang dumurog sa nail cutter ko. Sabi mo papalitan mo na lang kaya kinuha mo ang pangalan at number ko. Sabi mo rin na babalik ka after a week para ibigay sa akin pero hindi ka na nagpakita."

"I went back to Germany to pick up my other papers to stay here for good. Doon ko na rin naisipan na bumili ng nail cutter."

"Grabe!" hindi ko mapigilan ang sarili kong mapahalaklak. "Ang yaman mo naman! Nail cutter lang made from Germany pa. Eh, meron namang tag-bebente nito sa tiangge."

"That's different!"

"Oo na, iba na. Pero salamat dito, ah!"

"Promise me that you will use that in case of emergency only."

"Pangako, promise, itaga mo man sa bato."

Tinitigan kong muli ang patalim. Pulidong-pulido ang pagkakaukit sa pangalan ko. Hasang-hasang rin ang tulis ng patalim. Napangisi ako, kanino ko kaya ko ito magagamit?



_





Alas kwarto pa lang ng madaling araw ay gumising na ako. May mga bagay akong inaasikaso. Hindi p'wedeng tumanganga lang ako at walang gawin sa nangyari sa akin nung isang linggo. 

Pagbabayarin ko ang gumawa no'n sa akin. Nangako akong hindi na gagawa ng anumang gulo pero I can't help it. Hindi ako matatahimik. 

At saka, pasimple lang gagawin kong pag-atake. Akala siguro nung dalawang hinayupak na 'yon, hindi ko nakilala ang boses nila. 

Ang pagkakamali niyo mga depunggal kayo. Wala kayong kawala ngayon sa akin. 

Nagsuot ako ng fitted jeans para hindi ako mahirapan tumakbo mamaya. Tinernuhan ko iyon ng plain white shirt at pinatungan ng itim na jacket. 

May binigay si Havier na rubber shoes kaya iyon na lang ang sinuot ko. Nakita ko naman ang nail cutter sa study table ko, kinuha ko iyon at nilagay sa bulsa ng jacket ko. 

"You're not wearing your uniform? Why?" 

"Wala namang klase kasi may program sa school. P'wede namang naka-civilian lang."

"Take care of yourself. Huwag mong kalimutan ang mga sinabi ko sa iyo, Valentina."

I nodded at him. Kumain lang ako nang mabilis dahil nakita kong tapos na kumain si Havier. Siya ngayon ang maghahatid sa akin dahil kakausapin niya ang principal. Magtatanong daw siya kung ano na ang update sa pag-iimbestiga.

Hindi pa man ako nakakababa ng sasakyan, kita ko na ang tatlong guard na nakaabang sa gate. Ini-inspect nila ng mabuti ang mga dalang gamit ng mga estudyante. 

Pagdating sa tapat ng gate, kinuha nila ang ID naming dalawa ni Havier at inilista ang pangalan. Pagkatapos no'n ay sinuri nila ang bag ko. Ang isang babaeng guard naman ay kinapkapan ako.

Wala kang makakapkap sa akin! Papunta ka pa lang, pabalik na ako.  

"Hey! Be careful by touching her!" turan ni Havier sa guard. Matapos non, binalik na sa amin ang ID namin at hinayaan na kaming pumasok. Humiwalay na sa akin si Havier, dumiretso siya sa office ng principal. 

Inilibot ko ang paningin ko. Kung maraming estudyante noong nakaraang linggo, mas marami ngayon. Parang baliwala lang sa kanila ang insidenteng nangyari last week.

I sighed heavily.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko kong pumunta sa Arts club dahil ayaw ko munang makausap ang mga kaibigan at kaklase ko. Siguradong pauulanin nila ako ng mga tanong. 

Sa paglalakad ko malapit sa field, may humarang naman sa akin. Napahinto ako sa paglalakad at inangat ang tingin ko. 

"Kumusta?" parang naiilang pa niyang tanong. Napapakamot pa siya ng batok. "Ilang araw akong walang narinig na kung anong balita sa 'yo, Rosane."

"Ayos lang ako," usal ko. "Hindi mo kailangang mag-alala, Aven."

Pinagmasdan ko siya. Maitim at nanlalalim ang kaniyang mga mata. Halatang kulang sa tulog. Hindi ko maiwasan makaramdam ng guilt. I'm not supposed to be cold with him. He's such a good brother. He was trying to help me. 

"I couldn't help it. Lalo na at wala akong magawa para dalawin ka. Ang higpit kasi ng mga bantay mo. Hindi man lang ako makapuslit. I tried to contact you pero cannot be reach ka naman."

"Natutulog ka pa ba?" 

Napakunot-noo siya. "Oo naman."

"Weh?"

"Oo nga."

"Lokohin mo lelang mo, Aven! Tingnan mo ang itsura mo. Halatang wala kang tulog."

Napakamot siya ng batok. "Makakatulog na ako nang maayos dahil nakita na kita. You look fine now." 

Sa mga nagdaang na araw, nakapag-isip-isip ako. Hindi ko dapat idamay ang mga kapatid ko sa galit ko sa taong nagluwal sa akin. Mabait ang pakikitungo nila, dapat lang na suklian ko sila ng kabutihan. 

Sa katunayan, ako pa nga itong anak sa labas tapos masama pa ang turing ko. Ako pa ang may ganang magalit. Nakakahiya naman sa kanila. 

Inilahad ko ang aking kamay. Pagtataka naman ang siyang rumehistro sa kanyang mukha. 

I smiled. "I'm Rosane Avera Beindz," pagpapakilala ko. "I'm your sister, please be nice to me."

Humalakhak siya at mabilis na tinanggap ang kamay ko. "Aven Niño Amadeo," pagpapakilala niya rin. "Pinakapogi mong kuya sa lahat!" 

Tatawa-tawa kaming lumakad paalis ng field. Tinanong ko siya kung saang club si Arion. Sa journalism club daw kaya naman pupuntahan ko ito ngayon. Nag-insist naman si Aven na sasamahan ako kaya nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad.

"Wanna grab lunch with your siblings? What do you think?" pagtatanong niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin. 

"Labas ng school tayo?" 

"Sure, kahit saan."

"Okay, cool," sambit ko at tumango. "If they're busy, don't bother them."

"They aren't, trust me."

"Ilan ba kayong kapatid ko?" Hindi ko na napigilan ko ang sarili kong tanungin iyon. 

"Secret, no clue."

"Hoy!"

Bahagya siyang natawa. Hindi ko tuloy maisip kung ilan nga ba talaga ang mga kapatid ko sa mga Amadeo. Lima? Anim? Ang dami naman kung anim. 

Totoo nga ang sinabi ni Havier, maraming guards ang hinire ni Lola. Bawat building, may mga sekyu na nakabantay. 

Nasa entrance na kami ng Journalism Club. May babaeng nakabantay doon. Abot langit ang ngiti nito nang masilayan ang kasama ko. 

"Hi, Aven," parang uod na binudburan ng asin. "Anong kailangan mo?" 

"Can you please call my brother?" utos ni Aven. "Tell him that I am here." 

Mabilis na kumilos ang babae. Pumasok ito sa loob. Hindi rin nagtagal, lumabas na ito kasama si Arion. 

"Why?" kay Aven unang napunta ang paningin niya. 

Kita kong tinuro ako ni Aven at doon lang napunta ang atensyon niya sa akin. 

"Ate Rosane," nakangiti siyang lumapit sa akin. "What's up, Ate? It's been a while.”

"Ayos na ako ngayon."

"Can I hug you?" 

Tipid akong tumango. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at yumakap. Lihim akong napangiti. 

"I miss you, Ate Rosane."

I didn't say anything. But in my mind, I badly want to say that I miss him so much. 

"May lunch meeting tayo mamaya," pahayag ni Aven. Kusang kumalas sa pagkakayakap sa akin si Arion. 

"Lunch meeting?" tanong niya. "Para saan? May ano?" 

"Basta, Arion. Magkita tayo sa parking lot, kasama si Ate Rosane mo."

"Talaga?" muli itong tumingin sa akin. "Lunch time with you, Ate? Totoo ba?" 

"Ayaw mo ba? Kung ayaw mo, okay—" 

"Gusto ko s'yempre!" Halos magtatalon siya. Napailing naman ako. Ganito pala sila kasabik na makasama ako. Bakit hindi ko kaagad naisip iyun nung una? 

Nag-usap pa kami sandali tungkol sa kung anu-anong bagay. Kung anu-ano rin kasi ang pinagsasabi ni Arion. ‘Yung iba hindi ko na maintindihan dahil nauuna ang tawa niya kaysa kwento. Nang malapit ng mag-start ang program, naghiwalay-hiwalay na kaming tatlo. 

Tumungo naman ako sa Music Club. Nagulat pa sila nang makita nila akong pumasok. 

"Girl, sure ka bang okay ka na?!" ilang beses ng tinanong ni Janice iyon sa akin. "Naku, mahirap na. Baka mabintay ang mga balikat mo."

"You're not required to perform anyway," wika ni Anjoe. "We understand your situation."

"Naku, hindi. Kaya ko na, 'no, naghilom na ang mga sugat sa balikat ko."

"Are you sure?" tila hindi kumbinsado si Anjoe.

"Don't worry, okay na ako."

"What's up?!" dumating si Nikko. "Oh, the Miss Multi-Millionaire is here!"

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya. Nagtinginan ang mga ibang estudyante sa kaniya. 

"Uy, girl! Balita ko mayaman ang pamilya mo," bulong sa akin ni Janice. "Taray, naghire sila ng maraming sekyu at nag-install ng maraming CCTV camera. Now, I feel more safe and secure!"

Hindi naman ako sumagot. Pilit kong iniwasan ang mga tanong nila. Saktong eight, nagsi-ayos na kami. Kami raw ngayon ang unang magpe-perform. 

Sakto namang dumating si Gariel. Halatang kagigising lang. Basang-basa pa ang buhok nito. Kahit gano'n, hindi mawawala ang banda niya sa ulo. 

"Okay, cool. Mga nakablack kayong lahat," sabi niya ng makita ang suot namin. Napansin ko ang nakasulat sa damit niya. Isang malaking I'm the King of the World. 

Kingkong! 

Kanina pa na-iset up ang mga gamit namin. Kaniya-kaniyang pwesto naman kami para makapagsimula na. 

Napatingin ako sa crowd, marami na agad ang manonood. Karamihan doon ay galing ibang school. Nagsimula na kaming tumugtog. Sumasabay naman ang mga audience sa pagkanta. Matapos ang isang kanta, napatigil kaming lahat dahil may nagrequest na kumanta si Gariel. 

"No, Mrs. Tui. I won't sing," mariing sabi ni Gariel. "Kung sino man ang nagrequest n'yan, manigas siya sa kakahintay."

"Mr. Aeñoso..."

"Mrs. Tui, I won't sing infront of them. I'm expensive. Mahal ang talent fee ko."

Naunang tumawa si Nikko. Sa sobrang lakas ng pagkakatawa niya, nahawa rin ang mga manonood. 

"It's requested from some of your fangirl, Mr. Aeñoso."

Umiling si Gariel. "Hindi niyo po ako mapipilit. Si Nikko na lang po ang pakantahin niyo."

"What?!" Napatayo si Nikko. "I can't sing, dude!"

"He's lying, Mrs. Tui. He can sing very well."

"No, Mrs. Tui! I can't really sing. Uy, Gariel. Umayos ka!"

Nagsimulang magsagutan ang dalawa. Kaagad naman kaming pinababa ni Mrs. Tui dahil nakakahiya sa mga nanonood. Ibang grupo ang isinilang sa entablado. Lumayo ako sa kanila ng simulang pagalitan ni Mrs. Tui ang dalawa. May nakita naman akong nakatuping papel sa ibabaw ng lamesa rito sa backstage. Luminga-linga ako bago kunin ang papel. Binuksan ko iyon at binasa ng walang alinlangan.

To: Gariel's Band Pianist

You can never escape.

You'll never be able to hide.

You will never be able to defeat me.

You'll never be able to find me.

You will never be able to kill me.

You will never be able to make me stop falling in love with you. Wait just a little longer for me, and we'll be together forever. No one can stop us.

-S

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 185 32
[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer playe...
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
407K 12.1K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
West University By kris ♡

Mystery / Thriller

14.1K 479 43
Ardemount Series # 1 A school where life is priceless. A place ruled by darkness, with walls that shade the truth. A branch of hell on the living wor...