HIDDEN SEVEN

By Arthreens

4.2K 1.8K 1.2K

∆∆∆ !UNDER EDITING! ∆∆∆ ∆∆ MAJOR CHANGES ALERT! ∆∆ ∆∆∆ !HIATUS! ∆∆∆ Some pa... More

PLEASE READ!
Author's Note
Prologue
TB Chapter 1: CLUB
TB Chapter 2: VARIANT
TB Chapter 3: Room 207
TB Chapter 4: Introduce Yourself
TB Chapter 5: Bato-bato Pik!
TB Chapter 6: He's Back!
TB Chapter 8: General Cleaning
TB Chapter 9: Pares/Mami
TB Chapter 10: Stupid Girl
Author's Note
TB Chapter 11: Caisy
TB Chapter 12: Friend
TB Chapter 13: Tsismosa
TB Chapter 14: Awkward
TB Chapter 15: Absent
TB Chapter 16: Josh
TB Chapter 17: His Family
TB Chapter 18: Encourage
TB Chapter 19: Plan
TB Chapter 20: Muntik na!
Covers 💕
TB Chapter 21: Neo
TB Chapter 22: Opening!
TB Chapter 23: Perya
TB Chapter 24: Penalty
TB Chapter 25: Party
TB Chapter 26: Allan
TB Chapter 27: Payt
TB Chapter 28: Again
TB Chapter 29: Talk to Talk
TB Chapter 30: Agreement
TB Chapter 31: Preparation
TB Chapter 32: Gathering

TB Chapter 7: Couple?!

173 96 71
By Arthreens

Warning! ⚠️⚠️
There are unpleasant words!
Huwag gagayahin!








Chapter 7

Phia's POV

"We're couple." tangina.

Nudaw?!

Aba'y loko loko talaga toh si kuya! Ano bang pinagsasasabi niya?!

Couple?!

Di ko ma-imagine!

Tinanggal ko naman kaagad ang pagkaka-akbay niya sa akin. "Anong couple ka diyan?! Hoy hindi tayo mag-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

Napansin ko namang napataas ng kilay si Kiara. "J-just you wait, w-we're just going to talk about s-something." pagpapalusot ni Kuya sa kanya.

Ano bang mga pinagsasasabi nito?! Baka ma-issue pa ako nito eh! Madami pa namang tsismoso't tsismosa rito sa school.

"Mm! Mmmm!" pagpupumiglas ko at dahil mas malakas siya kaysa sa'kin, wala akong nagawa kundi ang tumigil sa pagpupumiglas.

Napansin kong mukang lalapit si Kiara ngunit pinigilan ko siya dahil kakausapin ko na itong si Kuya.

"Kiara, mauna ka na muna. May pag-uusapan lang kami. Sige na, Bye!" sambit ko naman sa kanya.

"Ahh okay. Sige, kita kits!" nagtataka ngunit nagawa niya pa rin sundin. Saktong pag-alis ni Kiara ay walang ano-ano na hinila ako ni Kuya papuntang waiting shed.

"Bitawan mo na nga ako! Ano ba kase 'yon?!" inis na sigaw ko sa kanya. Kanina pa ako naiirita sa kanya, di kase mapakali tapos kung saan-saan pa lumilingon.

Yung totoo?

Paranoid lang?

"I'm sorry, Phia. But---shit! How can I say this? Whatever. We'll talk about this later at home, okay?" parang nagpapanic na sambit niya at mukang desperado na.

Dahil naman desperado na talaga siya ay tumango na lang ako. Na-curious tuloy ako bigla? Parang tanga kase toh si Kuya eh.

Kanina parang ang cool ng dating tapos ngayon......hayys di ko alam kung anong itatawag sa kanya.

Tumingin muna siya sa orasan niya bago muling tumingin sa akin. "It's almost time, you're going to be late.....I'll take you to your class." prisinta niya naman at hinawakan pa ang braso ko upang hilahin ako paalis.

Tumango na lang ako bilang sagot at sabay kaming naglakad papasok sa loob ng university.

Pagkapasok namin sa loob, sinabi ko na hanggang sa may hallway na lang niya ako ihatid ngunit nagpapilit pa rin siya kaya eto, wala akong magawa.

Habang naglalakad, napapansin ko na namang lingon siya ng lingon sa kung saan.

Nakakairita siya, sa totoo lang.

Naku-curious talaga ako rito kay kuya eh. Kanina pa kase patingin-tingin sa paligid akala mo parang kawatan na nagtatago sa mga pulis. Ano kayang tinatago nito ni Kuya?

Malalaman ko din 'yon......

Nabalik ako sa reyalidad nang bigla akong nadulas at natumba sa sahig.

Arrraaaaayyyyyy!!

Tiningnan ko kung ano ang dahilan ng pagkadulas ko at nakita ang isang bracelet kaya naman pinulot ko ito.

Cai**......?

Hindi ko makita ang iba pang letra na nakaukit dito dahil puro putik na ito at mukang nagasgasan na. Nabalik ako sa reyalidad nang may biglang kumalabit sa akin.

"Phia." tumingin naman ako sa kanya. "Are you okay?" alalang tanong niya sa akin. Tumango naman ako at tinulungan niya akong tumayo.

"Okay lang. Ang dulas kase ng sahig, nasobrahan ata sa linis." pagdadahilan ko.

"Kung anu-ano kase ang iniisip mo, 'yan tuloy." parang ewan na sermon niya.

Paano niya nalamang may iniisip ako?

Nabigla ako nang agad niya akong hinarap sa kanya at inilapit ang muka sa akin. "Just play along with me, she's there." nagtaka ako sa binulong niya sa akin ngunit sinunod ko pa rin.

Sino kaya yung tinutukoy niya?

Pero...."Paanong play along?" bulong ko rin dahilan upang matawa siya.

Hindi ko alam eh!

"Like this...." sambit niya at iniayos ang nagulo kong buhok. "Like what lovers do." kinabahan naman ako sa sinabi niya.

Magpapaliwanag ka talaga sa'kin sa bahay mamaya, KUYA!

Kanina ko pa napapansin na parang may iba't-ibang presensya akong nararamdaman sa paligid namin kaya naman tumingin ako sa ibang direksyon at nakita ang di mabilang-bilang na mga estudyante na nakapalibot sa amin.

Napansin ko rin na pinag-uusapan at kinukuhanan kami nito ng mga litrato. Watda!

"Wow! Couple ba sila?"

"Mukang bagay sila!"

"Omg! Ang pogi ni Kuya!"

"Kuya Pogi! Akin ka na lang!"

"Nakakakilig naman!"

"Ang sweet naman ni Kuya Pogi!"

"Swerte mo, ate ghorl!"

"Sana all!"

Ilan lang iyan sa mga narinig ko sa mga tsismoso't tsismosang mga estudyante rito sa school. Tsk! Mukang napagkamalan talaga kaming mag-jowa ni Kuya. Pano mangyayari yon?

Eh pinsan ko 'yan!

Hindi na namin pinansin ang mga estudyante at dumiretso na kami sa room ko. Pinagtitinginan naman kami habang naglalakad at sobrang nakakailang.

Agad naman kaming nakarating sa classroom ko. Tumigil kami sa tapat ng pinto at humarap naman siya sa akin.

"Is this your room?" tanong niya at tumango ako bilang sagot. "Okay then, I'm leaving. Just text me when you're going home. I'll pick you up, okay?" dagdag niya pa.

Waw, boyfriend material 'tong si Kuya ah!

"Okay." sagot ko at ngumiti ng matamis.

Oh? Di ba? Pak na pak ang arte ko!

Lumapit siya sa akin at niyakap ako bago hinalikan sa noo. Talagang desperado siyang gawin toh!

Sira na ang buhay ko.....

Dahil sa kahihiyannn!

Pagkatapos niyang gawin 'yon ay umalis na siya at naiwan naman akong tulala.

Pakshet ka, Kuya! Kapag na-issue talaga ako nito!

Nagulat naman ako nang may biglang kumalabog sa pinto dahilan upang mabaling ang tingin ko roon.

"Hoy! Phia, ano ginagawa mo dyan? Magsisimula na ang klase, pasok na!" si Kiara lang pala, buset na 'yon ginulat ako.

Pumasok na kami sa kanya-kanya naming classroom at umupo na ako sa upuan ko kasabay nang pagpasok ng aming guro.

"Good morning class! Congrats sa inyo na nakahanap na ng clubs, do your best in your clubs and good luck!" bati ni sir bago humarap sa board at nagsulat.

"Get your books and go to page 15." dagdag niya pa habang nagsusulat.

----

Natapos ang klase at agad naman kaming dumiretso ni Kiara sa club. Yung iba naman, susunod na lang daw sila.

Nakarating kami sa club at naabutang bukas na iyon, nandon na siguro sila.

Kumatok muna kami bago pumasok. Dumiretso naman kami sa pwesto namin at naupo.

"Uyy nandito na pala si Ms. Singer!" pang-aasar ni Josh. Hindi ko naman siya pinansin at inirapan lang.

Wag ka makulet, pagod ako.....

"Saglit lang, nabalitaan ko kanina. May poging boyfriend daw itong si Phia!" nang sabihin niya iyon ay napahampas na lang ako ng palad sa mukha at nagmumura ng patago.

Pota.

"Oyy sino 'yan! Ma-ipapanlaban ba sa'kin 'yan ha?" sambit naman ni Neo. Pati itong batang toh nakikisali na.

"Tumahimik ka bata, di ka pogi." sabi naman nung.....sino nga ulit 'yon? Yung suplado? Alam ko na! Si Ian!

Grabe naman siya makapagsabi ng ganon akala naman niya, pogi siya.

Tse!

"Cute naman!" giit nung bulinggit. May panlaban pa pala siya, sinumpa ko pa yung amo niya.

Hinayaan ko na lamang silang mag-usap sa mga sarili nilang tsismis at kahit na magsabong pa sila ay hindi ko sila aawatin. Napagpasyahan ko namang maglibot sa buong room.

Unang pinuntahan ko ang malapit sa pwesto namin, sobrang kalat parang hindi naglilinis itong mga ito noong wala pa kami rito.

Nanggigitata.

May mga nakita pa akong kung anu-anong mga balat ng chichirya, mga in-can, syempre di mawawala yung mga alikabok at kung anu-ano pa. Lahat na ata ng basura nagsama-sama rito, kulang na lang ay tawagin ko 'tong smokey mountain.

Nakakairita yung mga kalat!

Lumipat naman ako ngayon sa may bandang gitna ng room at may napansin akong malaking aparador na may takip ng tela. Tinanggal ko naman yung nakatakip at tinakpan ang ilong ko dahil sa alikabok.

Sobra!

"Ehem....ehem..." mahinang ubo ko.

"Ehem! Ehem! Ehem!" narinig kong malalakas na ubo nung mga nasa kabila at napatingin naman ako sa kanila nang naka-peace sign. Binigkas ko ang salitang 'sorry' nang walang nililikhang tunog at ngumiti ng mapait.

"Ano bang trip mo sa buhay?!" may halong inis na sigaw nung isa sa kanila.

"Di mo ba alam na may hika ako!" dgadga pa nung isa.

Hindi ko naman na sila pinansin dahil ang dami nila laging sinasabi daig pa nila mga babae.

Tinignan ko na lamang ang nasa harapan ko at isa pala itong malaking locker. Up and Down ang isang ito at hinati sa 12 na lockers. Bale anim sa itaas at anim sa ibaba.

"Wow! Ang laki naman niyan, pwede kaya natin iyang gamitin?" tanong ni Kiara.

"Siguro." sagot ko naman at pinagmasdan ang locker.

"Anong gagawin niyo diyan?" nagulat ako sa nagtanong kaya naman nabaling ang tingin ko sa kanya.

Si Lucas lang pala.

"Oh? Andito ka na pala?" salubong ko sa kanya. Tiningnan niya naman ako bago tumingin sa locker.

Grabe, di man lang bumati.....

"Locker 'yan, di ba?" tanong niya muli at tumango naman kami. "Gagamitin natin?" dagdag niya pa.

Shuta, puro tanong!

"Oo, pero ipapaalam muna natin sa SSG President kung pwede natin siyang gamitin." paliwanag ko naman.

"Sige, tara na." aya niya naman.

-----

Habang naglalakad, pansin ko na naman ang mga tinginan nitong mga marites na 'to sa amin, hindi pala, sa akin lang.

Ano bang problema nitong mga toh?!

Siguro dahil sa nangyari kanina. Sobrang hiyang hiya na ako sa pinaggagagawa ni Kuya, kainis.

Napaigtad ako nang may kumalabit sa akin dahil sa kalutangan ko at nakita kong si Kiara lang pala. Ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng office ng President.

Inayos ko naman ang sarili at kumatok bago buksan ang pinto. "Good afternoon po." bati ko.

"Anong kailangan natin?" magalang na tanong niya naman sa amin.

"Ipapaalam ko lang po sana kung pwede naming gamitin yung malaking locker na nasa room 207." pagpapaalam ko.

"Ahh 'yon ba? Sure. Basta, ingatan niyo lang." pagsang-ayon niya bago  bumalik muli sa kanyang ginagawa.

"Ahh okay po, maraming salamat!" pahabol ko bago lumabas ng office.

Buti mabait yung SSG President ng school na 'to, hindi tulad sa mga nababasa ko sa libro.

Nasa real world ka kase self.

Napagpasyahan naman na namin na bumalik sa clubroom habang may dala-dalang mga panglinis. Agad naman kaming nakarating doon.

"Anong gagawin niyo dyan?" tanong ni Levor sa amin pagkapasok.

"Malamang i-panglilinis!" sigaw naman nung babaita.

Kahit kailan talaga.....




_______________________________________

Sorry for the wrong grammars and typos!

Don't forget to vote, comment and share! Love Lots!

===Edited===

Continue Reading

You'll Also Like

1M 34.6K 70
HIGHEST RANKINGS: #1 in teenagegirl #1 in overprotective #3 in anxiety Maddie Rossi is only 13, and has known nothing but pain and heartbreak her ent...
673K 2.6K 65
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
50.8K 2.1K 19
"Show me somethin' different once, I come from where there's no love." COPYRIGHT 23. #1 ATLANTA 05/01/2024 🏆
17.9K 681 35
„You are the reason why I'm here today." _-_-_-_-_ After the truth about the relationship between Max Verstappen and Kelly Piquet came out, his world...