Will I Wake Up?

By SakataChibi

11.5K 1.4K 4K

Aly is an ordinary student at Larson High. Normal lang sa kanya ang buhay kasama ang bestfriend niyang si Sop... More

Will I Wake Up?
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-One
Chapter Fifty-Two
Chapter Fifty-Three
Chapter Fifty-Four
Chapter Fifty-Five
Chapter Fifty-Six
Chapter Fifty-Seven
Chapter Fifty-Eight
Chapter Fifty-Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty-One
Chapter Sixty-Two
Chapter Sixty-Three
Chapter Sixty-Four
Chapter Sixty-Five
Chapter Sixty-Six
Chapter Sixty-Seven
Chapter Sixty-Eight
Chapter Sixty-Nine
Chapter Seventy
Chapter Seventy-One
Chapter Seventy-Two
Chapter Seventy-Three
Chapter Seventy-Four
Chapter Seventy-Five
Chapter Seventy-Six
Chapter Seventy-Seven
Chapter Seventy-Eight
Chapter Seventy-Nine
Chapter Eighty
Chapter Eighty-One
Chapter Eighty-Two
Chapter Eighty-Three
Chapter Eighty-Four
Chapter Eighty-Five
Yes, I woke up: The Epilogue

Chapter Ten

209 33 151
By SakataChibi

Hindi ko maintindihan kung bakit ito tawang tawa habang nakatingin sa akin. Naihinto ko ang pagbato sa kanya dahil dito.

Te...teka? Baliw ba 'tong si Kei?? Tinatawanan lang ako nito habang nakatingin sa akin. Maya-maya ay mas lumalakas pa ang pagtawa nito.

"Hahahahaha...hahahah," natatawa na saad nito.

Kumunot ang noo ko saka sandaling napahinto sa pagbato sa kaniya. Hindi ko alam kung pinagti tripan niya lang ako o ano. Maya-maya ay tumayo na ito at naglakad papunta sa direksyon ko. Akala ko ay papunta na ito sa akin pero nagmukha akong tanga nang bigla itong umiwas at nagtungo palabas habang patuloy pa rin sa pagtawa.

Nang makaalis na ito ay naghanap ako nang disenteng damit. Kung hindi ko pa maramdaman ang lamig sa ilalim ng suot ko sa pambaba ay hindi ko pa mapapansin na nakasuot pala ako ng night dress. Ano bang meron kagabi at naka-dress ako ngayon?

Wait...hindi kaya, ang suot kong night dress ang dahilan kung bakit siya natatawa?!

Oh fuck!

Napamura ako habang nakaharap sa salamin. Dahil sa frustration ay napahilamos ako ng mukha habang nakatulala sa salamin. Imbes na mag-iiiyak at maglupasay dito sa loob ay nagpalit na ako nang damit. Hindi na sapat na umiyak o ano man. Kailangan ko ng kasagutan sa kung bakit ako nandito. Sa kung bakit kailangang nandito ako ngayon at bakit siya na naman.

Nang matapos na ako sa pagpapalit ng damit ay dahan-dahan na akong lumabas. Unang nakita ko ay yung babaeng shokoy na nakatago sa ilalim ng mesa. Kumunot ang noo ko dahil naka-uniform ito at nagtatago sa mesa habang pilit na isinesenyas sa akin na manahimik.

Maya-maya ay may nagsalita sa likod ko.

"Dad!! I found her!!!" sigaw naman ng isang batang lalaki.

Lumingon ako rito pero nakatingin lang din ito sa akin.

"Haist!! Kuya naman eh, sabi kong 'wag ka maingay eh," nakangusong sambit ng batang babae.

"I told you to eat, not to hide..." simpleng sagot naman nito saka lumakad palapit sa table at nilampasan ang kapatid.

"Mommy!! Kain na po tayo," nakangiting aya naman sa akin ng batang babae saka yumakap sa paahan ko.

Medyo naitulak ko pa nang kaunti ang batang iyon. Hindi pa rin kasi nagpo-proseso sa utak ko kung bakit bigla-bigla na lamang itong yayakap sa akin ang batang ito.

"Gotcha!"

"Ay kupal!"

Napasigaw ako nang wala sa oras. Bigla na lang kasing hinawakan ni Kei ang baywang ko at ginulat ako. Hindi ako makagalaw dahil nakayakap pa rin ito sa bewang ko.

"Daddy!!!" sigaw nang batang babae kaya yumakap ito sa kanya.

Pinipilit ko na kumawala sa mga ito pero mas inilalapit niya ako sa katawan niya. Medyo nagulat pa ako nang biglang may masagi ako habang nakayakap ito mula sa aking likuran. Namula ang mukha ko dahil sa isiping baka iba na ang nahawakan ko ...Fuck!

'Wag naman sana!

Hindi na ako masyadong gumalaw dahil sa posibilidad na may masagi uli ako.

"Nope, princess... si Mommy muna okay?" nakangiting saad nito saka inilagay ang pisngi sa balikat ko.

Dahan-dahan akong lumingon dito at mas lalo lamang itong napanguso habang nakalagay pa rin ang ulo sa mga balikat ko. Doon ko lamang napansin na mas lalong napahigpit ang hawak niya sa baywang ko. Pilit kong kumawala rito ngunit mas lalo lamang itong humigpit. Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko dahil sa nakakainis na posisyon namin. Mas lalo pa akong nainis nang bigla itong ngumiti.

Bakit siya nakangiti?! Hindi man lang siya nag-abala na lumayo dahil wala pa akong toothbrush at mas inilapit niya pa ang mukha sa akin kaya naman todo pigil ako nang paghinga para lang hindi niya maamoy ang hininga ko. But shit! Ang hirap rin pa lang magpigil ng hininga habang may nakayakap sa'yo!

"Hmm, bango mo talaga darling... hehehe," nakangiting saad nito saka lumayo sa akin.

Haist, mabuti naman. Nakahinga na ako nang maayos pero limitado pa rin kasi nasa harapan ko naman siya at yakap ang batang babae.

"Hmmm...ang cute din ng princess ko, kamukhang-kamukha ni Mommy niya..." gigil na gigil na komento ni Kei sa batang babae.

"Syempre naman daddy..." nakangiting sagot nito.

Ngayon ko lang napansin na nakasuit pala ito at mukhang aalis na. Parang kanina lang ay katabi ko pa siya sa higaan ah. I wonder kung anong trabaho niya. Haist, pakialam mo ba Aly?!

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Bakit ko ba kasi iniisip yun?!

Maya-maya ay nagpaalam na itong umalis.

"T- teka..." awat ko rito.

Lumingon ito sa direksyon ko at ngumiti. Hindi ko alam kung paano ko i e-explain sa kanya at paano ang pagtatanong ang gagawin ko. Kaya naman humakbang ako papalapit dito.

"Ano, may itatanong kasi ako..." nakayukong saad ko.

Bigla itong lumapit sa tabi ko at hinalikan ang pisngi ko. Akma ko na sanang iilagan ito ngunit huli na ang lahat nang maramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa akin.

"Don't worry, we can do whatever we want tonight... wait for me okay?'' nang-aaakit na saad nito.

Mabilis niya ulit akong hinalikan sa pisngi ngunit sa pagkakataong ito ay naramdaman ko ang medyo basa nitong laway.

Yuck! Gross!

Napa atras at medyo napa suntok sa katawan niya pero nailagan naman niya agad iyon.

Arghhh!! Bwisit!! Hindi ko man lang namalayan na binasa niya pala ang labi niya nang hinalikan niya uli ako. Ewww!!! Ramdam ko pa ang basa sa pisngi ko kaya naman pinunasan ko ito agad.

Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakaalis na ito.

"Mommy!! Mommy!!" tawag ng batang babae sa akin habang hinihila ang damit ko.

Ay, oo nga pala at kasama ko pa rin ang mga ito. Teka, ano ba pangalan ng mga 'to?

Wait, yung lalaki ay si Keith...yung babae?

Dahan-dahan akong yumuko para maging kapantay ko ito.

"Ano name mo?" tanong ko rito.

"Fenella mom...bakit po?" nagtatakang sagot nito.

Bakit ang cute nang name niya?! Ganoon ba ko kagaling mag-isip ng name? Ay, oo ng apala at hindi ako ang nanay nila.

"Wala naman, baka kasi hindi mo naaalala eh," palusot ko rito.

Ngumiti lang ako rito at hinaplos ang buhok nito. Actually napakagandang bata nito. Napakaswerte siguro nang mapapangasawa nito in the future. Haist... ano ba naman 'to. Kung ano-ano pinag-iisip ko. Baka matuto pa ng kalandian 'tong si Fenella.

"You're weird."

Isang boses ang biglang nagpalingon sa akin sa likod.

Doon nakatayo ang batang lalaki na si Keith. Nakasandal ito sa pader habang naka-cross arm. Nakikita ko rito si Keifer dahil sa ka-weirduhan niya. Akala mo kasi matanda na kung umasta , pero infairness, maitsura rin 'tong bata na ito.

"You're acting weird mom...kahapon pa," saad uli niya

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Mas matanda si Keith kaysa kay Fenella kaya mas matured din itong mag isip. Pero hindi ko inaasahan na ganito siya ka-matured.

"What do you mean by that?" takang tanong ko.

Umayos ito ng tayo at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng shorts niya. Seriously? Para siyang matanda kung kumilos ah.

"Kung ano-ano pinagsasabi mo sa amin kahapon. Hindi ko gets kaya pinabayaan ko na lang. Pero si Fenella, pinagsuot mo ng gown tas pinarampa mo. Sabi mo dapat maging model si Fenella. 'Tas nung gabi nakita naman kita nakatingin sa bintana 'tas tumatawa ka ng mag-isa. Tapos bigla kang lumingon sa akin. Actually ang creepy ng paglingon mo eh. 'Tas niyakap mo ako at tinawag sa hindi ko maintindihan pero ibang pangalan. Tas marami pang weird na nangyari kahapon. Habang ngayon naman ay hindi mo na alam ang pangalan ni Fen," mahabang linya nito.

Sa totoo lang ay humanga ako sa pagka detalyado ng pagkukwento ni Keith. Pero humahanga rin ako sa mga gestures niya habang nagkukwento. Para siyang detective kung kumilos.

Pero teka...

Hindi ba't 'yun din ang sinabi sa akin nina Sophie nung bumalik ako sa pagka-high school? Na naging weird din ako nung araw na 'yun? Pero sa pagkakataong iyon ay naging emo ako? Pero ngayon ay weird ako in another way. Hindi kaya?

Bigla akong natumba nang hindi ko alam. Nanghina bigla ang mga tuhod ko kaya hindi ako makatayo sa sariling paa. Mabuti na lang at nasapo ako ni Keith. Kahit na mas maliit ito sa akin ay na kaya naman ako nitong mapahiga sa lap niya kahit na hirap na hirap siya. Naalalayan ako nitong hindi mabagsak nang tuluyan sa semento at pareho kaming napaupo sa sahig.

"MOMMY!!!" sigaw ni Fenella saka lumapit sa amin.

Sa tuwing nandito ako sa buhay na ito ay weird ako sa mundo nung highschool ako. At ganun rin kapag highschool ako ay weird din ako sa mundong ito.

Ba-bakit? Baliw na ba ako?

AYOKO NA!!!!

Sana 'di na lang ako natulog! Sana pinilit ko na lang ang sarili na gising para hindi na ako bumalik dito!

At sunod-sunod na ngang nagpatakan ang mga luha ko.


                                                                                                         ... continue reading Chapter Eleven

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 137 32
Parang namuo sa sikmura ni Gabriella ang kinain niya nang malamang ang secret crush ni Warren ang rason kung bakit gusto ng guwapong dyslexic na matu...
7.1K 66 16
🎢Honey honey, how you thrill me, a-ha, honey honey. Honey honey, nearly kill me, a-ha, honey honey. I'd heard about you before. I wanted to know som...
2.9K 132 9
yeji is a barista. ryujin is a tired dancer. a short love story.
131K 5.1K 58
Hi I am still editing this story, all my stories because I know there's a lot of errors and a lot of wrong grammars! I hope you'll understand! The s...