The XL Beauty: Double Trouble...

Bởi superjelly

2.7M 59.9K 16.1K

May boyfriend ka na nga, mataba at maldita ka pa rin?! SEQUEL TO THE XL BEAUTY. NOW PUBLISHED UNDER SUMMIT PO... Xem Thêm

The XL Beauty: Double Trouble
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Special Chapter: Kei's POV
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-three
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

Chapter Thirty-two

49.8K 1.3K 466
Bởi superjelly



Tabby's POV

I've been asked the same question all over again. Simula pa lang no'ng bata ako, tinatanong ko na yata ang sarili ko ng parehong katanungan. Ngayon, sa harap ng camera habang nakatingin sa akin ang maraming tao, parang ngayon ko lang naisip kung ano ba talagang totoong kasagutan sa tanong na iyon. Ano nga bang sagot ko? What is the definition of beauty for you?

Hindi ko alam na parang contestant na pala ako ng isang pageant ngayon. Last thing I know, modelling ang ginagawa ko. Hindi naman ako na-inform.

Pero... Ngayon, naiisip ko, ano nga ba?

Kailan ko nga ba nalaman ang totoong kahulugan no'n, at higit sa lahat, kailan ko nga ba nasabi ang mga katagang: "Maganda nga ako."

I smiled. Matagal na rin yata. Matagal na matagal na. 'Yon yata 'yong pinakaunang pagkakataon, pero ngayon ko lang na-realize na 'yon nga iyon.

***

Napatingin ako sa salamin kasabay nang pagkawala ng isang malalim na buntong-hininga. Naisip ko noon, paano kaya kung maganda ako? Siguro maraming magkakagusto sa akin. Siguro maraming gugustuhing maging kaibigan ako. Siguro mas magiging mabuti sila sa akin at tatratuhin nila ako nang maayos. Siguro kung maganda ako, hindi nila ako sasabihan ng masasakit na mga salita. Siguro kung maganda ako, espesyal ako sa paningin nila. Ang dami-daming mga bagay na kayang mapasa'yo basta ba may angkin kang ganda.

Ayon nga lang, wala ako no'n.

Inayos ko ang pagsuklay sa aking buhok pagkatapos ay napangiti sa harapan ng salamin habang tinititigan ang sarili. Bakit 'yong ibang babae sa klase ko, ang gaganda ng mga ngiti nila? Bakit ako, mukhang clown?

Pinahiran ko ang mga kolorete na nakalagay sa aking mukha at tinanggal ang kulay pink na headband na nakasuot sa aking ulo. Hindi bagay sa akin ang mga ito. Pakiramdam ko, hindi 'to si Tabby. Pakiramdam ko, hindi ko kayang maging maganda.

Bakit ba kasi ang pangit pangit ko?

Nararamdaman ko na ang pagbagsak ng aking mga luha nang biglang may kumatok nang malakas sa pinto ng kwarto ko. Ayoko sanang pagbuksan pero bago pa ako makapagsabi ay bumukas na ang pinto at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Kuya Austin.

"Tabby, tingnan mo 'to, o! Ang gaganda ng bracelets dito, sigurado kong ba-"

Naputol ang sasabihin niya sana dahil sa nahuli na ako. Hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko. Napahinto siya at napatitig sa akin. Nakita kong may hawak siyang isang fashion catalogue. Ipinatong niya ito sa may mesa at lumakad siya palapit sa akin; halatang-halata sa mga mata niya ang matinding pag-aalala.

"Bakit ka umiiyak?"

Ilang beses at ilang pagkakataon na rin ang kapareho nitong pangyayaring ito. Lagi na lang akong madadatnan ni Kuya Austin na umiiyak at mukhang malungkot. Palagi na lang siyang magtatanong kung bakit, at palagi ko lang siyang gagantihan ng isang pekeng ngiti. Kapag nakita niya 'yon, hindi na siya magsasalita. Hindi na siya magtatanong kung bakit. Hindi niya na ako kukulitin... Pero hindi niya rin ako iiwanan. Kahit may sabihin man ako o wala, palagi lang iyang naririyan para sa'kin.

Gusto ko naman talagang sabihin sa kanya ang lahat ng mga bagay na pumapasok sa isipan ko, pero hindi ko magawa. Hindi kayang lumabas mula sa aking mga labi. Naramdaman ko na lang na nanginginig na ako at patuloy na naman ang pagbagsak ng mga luha.

"Ang taba-taba mo! Sa hitsura mong 'yan, walang magkakagusto sa'yo!"

"Pangit ka! Tingnan mo 'yong mukha mo, walang kagandahan. Puro taba lang. 'Wag kang masyadong ngumiti, ha? Nakikita ang double chin."

"Sa tingin mo ba may magkakagusto sa'yo? Ang taba mo na nga, ang pangit mo pa. Asa ka namang may papatol sa isang baboy na katulad mo. Sorry ha, pero 'yong type kasi ng mga lalaki, e mga sexy, at hindi ka qualified."

Niyakap ako ni Kuya Austin. Palagi naman siyang ganito. Hinaplos niya ang buhok ko. "Sige lang. Umiyak ka lang." Hinawakan niya ako sa balikat ko nang napakaingat.

Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam. Blangko ang utak ko. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa kakaunting mga salita lamang ang nakaya kong sabihin. "Kuya... Maganda ba ako?" Sumunod ang mga paghikbi.

Narinig kong tumawa si Kuya Austin. Humiwalay siya sa akin para harapin ako. Tiningnan niya ako nang diretso sa aking mga mata at may ngiti sa kanyang mga labi. "Seryoso ka ba r'yan sa tinatanong mo?"

Masakit. Nasaktan ako noon. Muntikan ko na siyang itulak nang palayo nang dinugtungan niya pa 'yong sinabi niya.

"Hindi naman 'yan isang bagay na dapat tinatanong. Isang bagay 'yan na dapat pinaniniwalaan. Maganda ka, Tabby. Walang question mark. Walang tanong, walang doubt. Maganda ka."

Alam kong hindi sinungaling si Kuya, pero hindi ko maiwasang hindi isipin na pampalubag-loob lamang iyon dahil sa malungkot ako at dahil sa kapatid niya ako kaya niya ako sinasabihang maganda. Gusto kong maniwala, pero ayaw maniwala ng isipan ko. Patuloy pa rin 'yong mga boses sa aking utak sa pagbulong ng mga bagay-bagay na nakakasakit sa aking damdamin.

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Tabby, ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Sana paniwalaan mo 'yan. Alam mo bang hindi lang sa hitsura masasabi kung maganda ang isang tao?"

I rolled my eyes. "Don't start with your inner beauty stuff again. Hindi naman mahalaga 'yon! Hindi naman nakikita 'yon ng mga tao. The truth is, nobody cares about your personality. They only care about your looks. They only care about the things they see."

"At 'yong mga bagay na nakikita natin, 'yon ba talaga ang mahahalaga, ha?"

Natahimik ako.

"Katulad ng hangin. Hindi natin siya nakikita pero mahalaga siya kasi hindi tayo makakahinga kung wala ito. In the deeper sense, katulad ng abstract stuff. Corny man pakinggan, but say, for instance... Love. Hindi natin nakikita ang Love pero napakagandang bagay 'to, Tabby. Love is the most beautiful thing in this world. Sabihin man ng mga shallow na mga tao na looks lang ang mahalaga, pero kung iisipin mo, mas mahalaga 'yong mga bagay na hindi natin nakikita pero nararamdaman natin. Siguro rin kaya hindi natin nakikita kasi kailangan natin 'tong pakiramdaman nang mabuti. Love. Tabby. Love. Siguro, kailangan mo ring maramdamang mahalin ang iyong sarili, Tabby, para makita mo ang tunay mong kagandahan. 'Yong kagandahang nakikita ko, hindi gamit ng mga mata, kundi gamit ang aking puso."

Niyakap ako ni Kuya. Hindi ko pa rin talaga lubusang naintindihan noon kung anoman 'yong mga pinagsasabi niya, pero alam kong naramdaman ko noon na mahal na mahal niya ako. Niyakap ko rin siya pabalik at umiyak. Hanggang sa nawalan na ako ng mga luha. Naramdaman ko noon na napakaswerte ko dahil may nagmamahal sa akin.

Nang mapatingin ako sa gawing kanan, nakita kong may magandang babaeng nakatingin sa akin. Hindi ko siya nakilala, pero 'yong masayang ngiti niya kaagad ang napansin ko, na para bang puno ng pagmamahal ang babaeng iyon. Mga ilang segundo ang lumipas bago ko napagtantong nakatingin pala ako sa salamin.

'Yon ang unang pagkakataong naramdaman kong maganda ako.

***

"Ano nga ba ang beauty para sa akin, tanong mo?" I asked.

Tumango 'yong nag-iinterview para sa isang talk show.

I smiled. "May nagsabi sa akin noon na ang mga tunay na kagandahan daw rito sa mundo ay 'yong mga hindi nakikita n gating mga mata. Dati, iniisip ko na ang pinakamahalagang bagay sa mundo ay 'yong maging physically attractive ka. Akala ko kung gano'n ka, makukuha mo ang lahat at sasaya ka. Pero sabi nga nila, dekorasyon lang 'yon kung wala namang nilalaman. Kung wala namang substance. Kagandahan ba ang pagiging maputi, ang pagiging sexy, at anu-ano pa? Siguro. Sa mata ng mga tao. But I don't intend to do the same anymore. I don't want to see beauty that way. Dahil ang kagandahan, hindi naman talaga nakikita ng mga mata. Dahil ang kagandahan, tulad ng love, ay abstract. Hindi natin nakikita. Hindi natin nahahawakan. So, if that's the case, then there is no need to make it objective, right? Ibig-sabihin, wala naman talaga dapat na standard. Walang basehan.

Beauty, for me, in many ways is related to love. Kapag nakakakita ako ng mga taong nagmamahalan, I see beauty. Kapag nakakakita ako ng mga taong nagtutulungan, I see beauty. But most of all... When I look at myself and learn to love myself, I see beauty. In short, ang definition ng kagandahan ay si Tabitha Mary Jane Zaragosa. Ako! Oo, ako, wala ng iba pa. Dahil alam kong maganda ako. Dahil naniniwala ako. Kasi ramdam kong maraming nagmamahal sa akin, kaya minamahal ko rin ang sarili ko. The love that I feel... It makes me beautiful."

"Thank you so much, Miss Tabitha Mary Jane Zaragosa, or most commonly known as Tabby, for the interview. You are indeed beautiful."

Natapos na ang remarks niya at pumatay na ang mga camera. Nagpalakpakan ang crew at lumapit sa akin kaagad sina Sarah.

"Tabby! Ang galing mo!" sabi sa'kin ni Sarah habang nakayakap sa akin.

"Ano'ng magaling doon? Madali lang naman 'yong tanong."

Natawa naman si Tanya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "Na-touch kaya kami sa sinabi mo. Naiyak na nga kami rito, e. Saka ayon, naniniwala rin kami na maganda ka talaga, Tabby. At maganda rin kami kasi love ka namin!"

Tumango si Yza. "Kaya 'wag ka nang umalis, Tabby. Dito ka na lang, please?!"

Nginitian ko sila. "Mga loka-loka talaga kayo. Pasensya na, pero decided na talaga ako, e. Magkakausap-usap pa rin naman tayo! Meron namang Facebook saka 'yong iba pang social networking sites. We'll stay connected, okay?"

As if on cue, sabay-sabay nila akong niyakap. "E kahit na! Ayaw pa rin naming umalis ka, Tabby. We'll miss you so much. Hindi ba p'wedeng dito ka na lang? Maganda naman career mo rito... Okay ka naman..." I just stared at Sarah at may sasabihin n asana nang biglang may humawak sa balikat ko.

I turned. It was Naara. "Guys, may rason naman si Tabby kung bakit siya aalis. Tanggapin na lang natin 'yon. Alam naman nating kung anoman 'yan, para 'yan sa ikabubuti at ikasasaya ni Tabby. Hindi naman por que malalayo siya sa atin ay magkakalimutan na tayo."

Napatingin kaming lahat kay Naara. Pagkatapos, natawa sila. "Ikaw ba talaga 'yan, Naara?" tanong ni Yza. Dinugtungan pa ni Tanya, "Pero tama ka. Hindi tayo magkakalimutan, ha? Group hug!"

They squeezed me and Naara. Nagkatinginan lang kaming dalawa at napangiti sa isa't isa. I'll miss them. Kahit saglit ko lang silang nakasama, masaya ako dahil may natutunan ako sa kanila. Na ang mga babaeng ito, hindi maganda dahil sa mga modelo sila. Maganda sila dahil kasama nila ang isa't isa. Maganda sila dahil naniniwala sila sa mga sarili nila. Maganda sila dahil nagmamahalan sila.

***

Mag-isa lang akong nagpunta sa mall para bumili ng mga pasalubong para kina Mommy at Dad. Since doon na ako mag-s-stay for good, nilulubos ko na ang huling pagkakataon kong makapag-shopping dito sa mall. Naglalakad lang ako sa Greenbelt at tumitingin-tingin sa mga clothing lines when people approached me. Dalawang babae sila, teenagers. High school students na nag-aaral doon sa school na pinag-college-an ko. I recognize the uniforms.

"Omg, are you Tabby Zaragosa?"

Tumango naman ako.

"Oh my gosh! Like, as in, Tabby Zaragosa the model? I knew it's you! You're so sikat kaya as an alumna in our school!"

"And I'm a fan! You look so pretty. Can I ask for a picture?"

Hindi na lang ako nakatanggi. Ngumiti ako sa camera at pagkatapos nagpaalam na rin doon sa dalawang babae. Pinapanood ko lang sila nang makita kong may nakasalubong silang isa pang babae na nakasuot din ng kaparehong uniform. Nilagpasan nila ito, pero noong nakatalikod na sa kanila ang babae ay lumingon pa sila at may binulong sa isa't isa kasunod ng kanilang pagtawa. Tahimik lang na naglalakad 'yong babae.

Babaeng mataba na nakasalamin. Hindi ko alam, pero nakita ko 'yong sarili ko sa kanya noon. Lumakad ako palapit sa kanya at nang nakatayo na ako sa harapan niya ay nabunggo niya ako dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya.

"Sorry po..." Nagulat siya at yumuko pa lalo.

"Okay lang," sabi ko naman.

Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata. Inayos niya pa 'yong suot niyang salamin. "T-teka... Miss Tabby Zaragosa?"

I nodded. "Ayos ka lang ba?"

Hindi pa rin mawala sa bakas ng mukha niya ang pagkagulat. Inayos niya pa ulit 'yong salamin niya at napayuko pa lalo. "Sorry po, sorry po talaga... Hindi ko naman po sinasadya..."

Hinawakan ko siya sa balikat. "Okay lang, ano ka ba. Kalma, uy. Hindi mo naman ako nasaktan. Ako nga 'yong humarang sa dinadaanan mo kaya mo ako nabunggo. Nilapitan kita kasi gusto kitang makausap. Ano'ng pangalan mo?"

"Fatima Andrea po. Pero Mandy na lang."

Napangiti ako. "Mandy. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip mo ngayon. Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman mo ngayon. Pero gusto ko lang malaman mo na maganda ka kahit ano'ng sabihin nila. Gusto ko lang sabihin na sana maniwala ka sa sarili mo at ipaglaban mo ang sa tingin mong tama. 'Wag kang magpapaapak sa iba."

Tinitigan niya ako nang may blangkong expreksyon sa kanyang mukha. "Nasasabi niyo 'yan dahil sa maganda kayo. Payat. Hindi niyo 'ko naiintindihan. Hindi niyo alam kung paanong maging mataba. Hindi niyo alam kung paano maging pangit, kasi hindi naman kayo pangit."

I chuckled. Mukha siyang nagtataka pero hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. Pagkatapos, may kinuha ako sa wallet ko na nasa loob ng bag. Kinuha ko 'yong picture ko roon, 'yong picture ko kasama si Kei noong nag-picture kami sa photo booth. Inabot ko sa kanya 'yon.

"Nakikita mo ba 'yong babae r'yan? That was me, and that's still me. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng pagiging mataba. Alam ko 'yong feeling na titingin ka sa magagandang mga damit at kapag sinuot mo sa'yo, hindi maganda tingnan. Alam ko 'yong feeling na naiinggit ka sa mga babaeng tinatawagang 'sexy'. Alam ko 'yong discrimination against sa matataba. Na kapag sa jeep, basta sexy, libre, pero kapag mataba, doble ang bayad. Nasaan ang hustisya, 'di ba?! Pero alam mo, no'ng time na 'yon, hindi ako nagbayad. Kasi naniniwala akong sexy ako. Hindi na rin naman ako nahabol no'ng driver. E kasi siya e, lugi tuloy siya sa'kin. Sexy ako e."

Nangiti naman si Mandy. "Hindi ko akalaing..."

"Pero, kahit ganyan ako noon, naniniwala akong wala naman talaga akong pinagbago talaga. Maganda ako n'yan at maganda rin ako ngayon. Minsan kailangan mo lang talagang maniwala. Alam mo kung bakit pangit ka? Kasi naniniwala kang pangit ka nga. Kung ipagpapatuloy mo 'yan, kawawa ka naman. Hindi mo mararamdaman kung paano maging maganda kung hindi mo mamahalin ang sarili mo."

Nakita kong tumulo ang mga luha niya. Ibinalik niya sa akin 'yong picture. "Pero... Hindi gano'n kadali 'yon..."

I smiled. "Hindi nga madali, pero hindi rin naman imposible. Mahirap, but once you are able to do it, trust me... It's going to be worth it."

Bigla niya akong niyakap. "Maraming salamat, Miss Tabby. Susubukan ko pong maging confident... Babaguhin ko na ang pananaw ko sa buhay. Maniniwala na akong maganda ako."

Masaya ako. Dahil noon, katulad din ako ng batang ito... Pero ngayon, natutunan ko nang labanan ang mga insecurities ko. Natutunan ko nang maniwalang maganda ako. Pero naisip ko, ito palang pala ang pinakasimpleng problema na haharapin ko. Dahil sa pagtanda ko, mas mga malalalim pang mga bagay ang dapat kong harapin at lutasin.

Nagpaalam na ako kay Mandy at pabalik na sa pamimili nang biglang nag-ring ang cellphone ko. Pagkatingin ko sa screen ay nakita kong si Ate Daphne pala 'yong tumatawag. Sinagot ko naman ito. "Oh? Napatawag ka?"

"Tabby! Umuwi ka na ng bahay mo. Dali, dali! May nangyari rito!"

"Ano'ng nangyari?" tanong ko naman.

"Si ano... si uhh, si ano, um, si Rowell naaksidente."

"E bakit siya naririyan sa bahay kung naaksidente? E kung idala niyo kaya sa ospital."

"E kasi ano... Uh, hindi kasi..."

Natawa naman ako. "Hay nako, hindi ka magaling umarte. If I know, isu-surprise niyo ako kasi nag-throw kayo ng despedida party para sa akin."

"Paano mo naman nalaman?" she asked.

Nangiti ako. "E paano naman kasi, si Allison, nadulas sa akin noong isang araw. Nagtanong kung may gagawin ba ako ngayong Sabado. Tapos no'ng sabi kong wala, buti na lang daw kasi may plan daw kayo para sa'kin. E ano pa nga ba? Malamang party. Gano'n din naman 'yong nangyari no'ng umalis si Kuya Rowell."

"What the heck. Allison, lang'ya ka! Ang daldal mo talaga kahit kalian!" Narinig kong sabi ni Ate Daphne sa phone. Narinig ko naman 'yong tawa ni Allison sa background. "Hoy, basta. Umuwi ka na. Bilis. Lalamig 'yong mga pagkain dito."

I laughed. "Oo na. Heto na."

Binaba niya na 'yon at binilisan ko na lang 'yong pag-shopping ko. Nagmadali na akong umuwi ng bahay. No'ng nakarating na ako at binuksan ko 'yong pinto, nadatnan ko silang lahat doon na bumungad sa akin na may ngiti sa kanilang mga mukha. May nakalagay pang "We'll miss you Tabby!" Na akala mo naman mamamatay ako.

Agad akong ni-hug ni Allison at ni Ate Daphne. Nando'n silang lahat, kahit sina Ate Kiana at si Rui. Pati nga parents ni Kei. Nag-uusap usap lang at kumain kaming magkakasama. Mga walang hiya nga e, nakapasok ng bahay ko at pinakailaman 'yong mga gamit ko. Nag-overnight kasi sila Allison at Ate Daphne kagabi kaya naiwan sila rito.

Nagbigay pa sila ng mga regalo para sa akin. Tapos, sayawan at videoke. Si Greg halos sumolo ng mic, pero nakakatawa naman siyang kumanta dahil F na F. Nandoon lang ako sa isang sulok nang lumapit sa akin si Ally. "Tabby, tingnan mo si Kei, tahimik. Nasa isang sulok lang."

Napansin ko nga. Hindi ko rin naman siya malapitan dahil hindi ko alam ang sasabihin. Simula no'ng huling beses kaming nagkausap sa park, hindi na kami nagkapansinan masyado. Hindi na lang ako sumagot.

"Anyway... Tabby, naalala mo 'yong unang pagkakataon tayong naging friends?"

Napatingin ako sa kanya. No'ng first year college kami naging friends ni Ally. Tahimik lang ako sa isang sulok nang may nakita akong babaeng mukhang nawawala. Hindi ko na lang siya pinansin pero no'ng nakita kong umiiyak na siya, wala na akong ibang ginawa kundi lapitan siya dahil alam niyo naman, isa akong anghel na ibinaba rito sa lupa. No'ng nakita niya ako at nilapitan ko siya, mukha nga siyang nakakita ng anghel dahil nagningning ang kanyang mga mata.

I nodded. "Oo. Bakit mo tinanong?"

Napangiti siya sa akin. "Wala lang. Kasi noon, no'ng lumapit ka sa'kin, alam kong kakaiba ka. May nakita akong liwanag sa'yo. Alam ko na sa simpleng paglapit mo noon ay magiging matalik na magkaibigan tayo."

"E mukha nga akong mataray."

"Mukha nga. Pero ayon... Alam kong mabuti kang tao, Tabby, noon palang at hindi ako nagkamali roon. Masaya nga ako dahil naging magkaibigan tayong dalawa. Tabby, kahit na aalis ka na, sana maging magkaibigan pa rin tayo. Sana hindi mo 'ko makalimutan. Tabby, ahal na mahal kita, kaibigan kita, best friend nga kita, 'di ba?"

Nakita kong tumutulo na ang mga luha sa kanyang pisngi. Hindi ko alam, never naman akong naging sweet kay Allison. Hindi kami 'yong clingy friends. Palaging halos biruan at barahan lang ang ginagawa namin, pero kahit na ganoon, maituturing ko siyang totoong kaibigan ko. 'Yong mga panahong walang sumasama sa akin, nand'yan siya. 'Yong mga panahong kailangan ko ng kasama, lagi siyang naririyan.

Hinila ko siya palapit sa akin para mayakap. Mukhang nagulat naman siya kaya tinago ko na lang din sa bisig ko 'yong mukha niya. "Hindi manngyayari 'yon, okay? Magiging magkaibigan pa rin tayo. Kahit ano'ng mangyari. Dahil kahit ano'ng layo natin sa isa't isa, kung alam naman nating mahalaga tayo para sa isa't isa... We'll always feel like we're close to each other. Parang higit pa nga sa pagiging magkaibigan ang turing ko sa'yo. Para na nga tayong magkapatid. And our love... it will keep us bonded no matter what happens."

Narinig kong naiyak na siya. Naiyak na rin ako. Alam kong selfish na iwan ko sila rito, na iwan ko 'yong mga mahahalagang mga tao rito dahil lang sa nakaranas ako ng masakit na alaala. Pero hindi ba dapat na isipin ko rin ang sarili ko? Alam kong naiintindihan nila ako. Alam ko, kahit na mahirap sa kanila, dahil sa mahal nila ako ay naiintindihan nila ako.

"I love you bestie. I love you so much. Promise 'yan, ha? We'll never forget each other."

Humiwalay siya sa'kin at sakto namang lumapit si Greg sa amin. Hinawakan niya ako sa balikat. "Malungkot man na umalis ka... Pero kung para sa ikabubuti mo 'yan, naiintindihan ka namin, Tabby."

"Salamat, Greg."

Tumango siya. "Sige na, ako na r'yan sa tabi ni Ally. May dapat ka pang kausapin, e. Kanina pa tahimik doon, o."

Nginitian ko na lang sila at naiwan na si Greg doon kasama ni Ally. Lumakad ako palapit kay Kei na nakaupo sa isang upuan sa may dining room. Naalala ko na noong buhay pa si Nay Erma at nakikitira pa siya sa amin, doon sa silyang iyon siya palaging nakaupo.

"Hoy," tawag ko sa kanya. Hindi niya ako nilingunan. Umupo ako sa upuan sa may right niya. "Hindi sila sanay na tahimik ka. Hindi raw bagay sa'yo."

Tiningnan niya ako saglit pagkatapos napatingin ulit sa may pader sa harapan niya.

Napabuntong-hininga ako. "Kei, alam mo namang-" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla siyang umubo nang malakas.

"Yada yada yada. 'Wag ka nang magsalita."

Tinaasan ko siya ng kilay. May sasabihin pa sana ako kaso bigla siyang tumayo. "Hoy, Kei!" Hindi niya ako nilingunan kahit na tinawag ko ang pangalan niya. Nakakainis. Ang isip-bata masyado! Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko na lang siya sinundan at umakyat na lang papunta ng kwarto ni Kuya Austin. Napagpasyahan kong tapusin na ang pagliligpit.

Inaayos ko lang ang mga gamit doon nang biglang bumukas ang pinto. Nakita kong naroroon si Ate Daphne. "Party para sa'yo tapos nandito ka lang?" tanong niya sa akin. May dala siyang juice.

"E kailangan ko na rin kasing ayusin 'to, lalo pa at sa makalawa na ang alis ko."

She nodded. Ipinatong niya ang glass of juice na hawak niya sa may mesa at umupo sa tabi ko. Napatingin siya sa paligid ng kwarto. "Ito pala 'yong kwarto ng Kuya mo, 'no. Maayos pa rin kahit ang tagal-tagal na."

"S'yempre." Tanging sagot ko na lamang.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga gamit, pagkatapos ay napansin ko na lang na tumutulong na rin si Ate Daphne. Nang matapos na namin ay nilagay lahat sa isang kahon 'yong mga bagay na hindi kayang matapon.

"Tabby... May sasabihin ako sa'yo."

"Ano?"

Napatingin siya sa kahon. "Naalala mo na noon, no'ng araw na namatay ang kuya mo, nagka-away kami dahil sa'yo? Dahil sa sinabi kong minsan nagseselos na ako sa inyo?"

Napatango ako. "Oo yata. Hindi ko sure."

She smiled. "Tabby... I've been wanting to give you this." Pagkatapos ay may kinuha siya sa may bag na dala niya. Nakita kong isang papel 'yon na nakatupi. "That was your Kuya's last letter. He wrote that the day he died. 'Yan 'yong letter na accidentally kong nakuha. 'Yan 'yong letter na dahilan kung bakit kami nagkaaway."

Kinuha ko mula sa kanya 'yong letter. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Nakita kong halos punit-punit na ang papel na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko sa bawat pag-unfold ng papel. Hanggang sa nakita kong sulat-kamay nga iyon ni Kuya. Napatingin ako kay Ate Daphne at tumango siya sa akin. Nabalik ang tingin ko sa papel.

Dear Tabby...

***

Pinatong ko 'yong bouquet ng bulaklak sa may puntod ni Kuya. Medyo lumalabo na ang nakaukit na pangalan niya roon. Austin Michael Zaragosa. Ngayon, naisip ko, nabuhay siya at namatay na dinadala ang pangalang hindi naman sa kanya dapat.

"Kuya..."

Naalala ko noon na isang araw, nagkausap kami ni Kuya Austin. Tinanong niya sa akin kung natatakot daw ba akong mamatay. Akala ko no'ng una hindi siya seryoso, hanggang sa nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Oo, takot akong mamatay. 'Yon ang sagot ko sa kanya. Binalik ko sa kanya ang tanong at ginantihan niya naman ako ng isang ngiti.

Sinabi niyang hindi siya natatakot mamatay. Dahil sa kapag namatay ang tao, ibig-sabihin no'n ay nasa isang lugar na siyang malayo sa mundo. Sabi niya, malupit daw ang mundo at ang tadhanang nagpapatakbo rito. Sabi niya, minsan, mas nakakatakot pang mabuhay kaysa mamatay. Tinawanan ko lang siya noon at tinawag na "emo".

You are absolutely the most beautiful girl that I've ever laid my eyes on.

Naniniwala siyang maganda ako kahit na tinutukso ako ng mga kaklase ko noon. Paulit-ulit niyang sasabihin na maganda ako. Minsan nakakarindi na, pero noong nawala siya, na-miss ko ang boses niyang iyon na sinasambit ang ganoong mga kataga.

And I want you to believe in that. You're kind. You're smart. You're more than what you see in yourself, Tabby. I admire you a lot. I wish you could also admire yourself the same way I adore you.

Napahawak ako sa puntod niya, dinadama ang bawat titik na bumubuo sa kanyang pangalan. Sa kailaliman no'n, naririyan siya- o 'yong naging siya. 'Yong panandaliang siya. Wala ng laman kundi isang skeleton na lamang.

All this time, I want you to see. I want you to know, Tabby. I'm always here for you. I'll never leave you. I'll be your comfort and your shield. I'll always be there.

Maganda ang panahon ngayon. Mataas ang sikat ng araw at klaro ang kalangitan. Kitang-kita ko ang pagka-asul nito at talaga namang makikita ang mga ulap. Hindi gaanong kainit. Sakto lang. Malamig ang simoy ng hangin.

Because I'm in love with you, Tabby.

Lumakas pa lalo ang pag-ihip ng hangin na tinatangay na nito ang aking buhok. Napahawak ako rito at napansing may mga nalagas ng bulaklak. Nakita kong isang bulaklak mula sa bouquet na ipinatong ko sa puntod ni Kuya ang tinangay ng hangin. Sumayaw ito sa ere. Pinagmasdan ko ito at sinundan ng aking mga mata nang lumipad ito patungo sa may isang malaking puno. Hanggang sa...

Nakita ko siya.

Napapikit ako kaagad at pagmulat ng aking mga mata ay wala na siya ulit. Pero sigurado akong siya 'yon. Pareho ng tangkad at pareho ng katawan. Pareho ng kislap ng mga mata at pareho ng ngiti. Alam ko. Alam kong si Kuya Austin 'yon.

Tumulo ang luha ko. Napatingin ako sa puntod niya at napangiti. "Kuya Austin, mahal na mahal kita. Dahil kahit ano'ng mangyari, ikaw pa rin ang kuya ko. Alam kong lagi ka lang naririyan para sa akin. Salamat. Salamat nang marami."

Binigyan ko ng huling sulyap ang puntod niya bago pa tuluyan itong tinalikuran. Hindi na ako lilingon pa. Hindi na ako babalik pa. Magpapatuloy ako sa paglalakad at hindi ako hihinto hanggang sa makarating sa dapat kong puntahan. Kahit ano'ng mangyari, alam kong naririyan lang siya.

Nariyan lang si Kuya Austin.

***

"Tabby! I love you so much, Tabby!" sabi ni Allison nang yumakap sa akin nang mahigpit.

Natawa ako. "Oo na. Pang-23 times mo na yatang sinabi 'yan. Mami-miss ko flight ko n'yan, e."

"Hindi! Dito ka na lang kasi, Tabby! 'Wag mo kaming iwan!"

Lumapit naman si Greg sa amin at pilit na tinatanggal si Ally sa pagkakadikit sa akin. "Pasensya ka na, Tabby. Mukhang ngayon lang nag-sink in sa kanya 'yong ganito." Hinawakan niya si Ally sa baywang at hinihila siya palayo sa akin, pero si Ally nakayakap naman sa baywang ko. "Allison! Tama na nga 'yan! Mahila mo pa si Tabby, e!"

Nahila na siya ni Greg at niyakap ito nang mahigpit para hindi na makawala. Natawa na lang ako. Lumapit naman si Kuya Rowell at Ate Daphne sa akin.

Kuya Rowell patted my head. "Mag-ingat ka palagi roon ha, Tabby."

Tumango ako. "Oo naman. Kayo rin. Lalo ka na, may kasama kang ahas, o." Ngumuso ako kay Daphne.

Napameywang naman siya. "Ikaw talaga kahit kalian! Aalis ka na nga lang at lahat, aasarin mo pa ako."

Niyakap ko naman siya. "Sorry na. Ito naman. Basta. Balitaan niyo na lang ako kapag ikakasal na kayo, ha. Mamaya maunahan pa kayo no'ng mag-Bear doon."

"Tang ina mo talaga," sabi ni Ate Daphne sa akin at kinurot ang pisngi ko.

"Gago ka naman," sagot ko.

"Pakyu."

"Tarantado ka." Sagot ko ulit.

Natawa na lang siya. "Hindi ka talaga papatalo, ano? Saka ano ba 'yan, bawas-bawasan mo ang pagmumura. Nagtutunog bitter ka, e. Hindi naman, 'di ba?"

"Oo nga," segunda ni Kuya Rowell. "Kahit na wala ngayon si Kei."

Leche 'yong Kei na 'yon. Inindyan 'tong farewell eklavu ko. Napatango na lang ako sa kanila at ngumiti. "Hayaan niyo na 'yong kumag na 'yon." Sa totoo lang, nalungkot ako. Pero siguro okay na rin na hindi kami magkita. Dahil kung nandito siya, baka magdalawang-isip pa ako sa pag-alis. "Sige na, kailangan ko nang umalis. Maraming salamat sa inyong lahat,"

"Maraming salamat din sa'yo, Tabby. Sa lahat-lahat. You inspired us. You brought us joy. We know... Tabby, that you are truly... beautiful." Sabi ni Kuya Rowell.

Nginitian ko na lang sila at kumaway na. Tumango silang lahat na may ngiti sa kanilang mga mukha. Naglakad na ako para pumunta sa may loob ng eroplano. Ayaw ko na ring mag-stay nang matagal dito dahil nakikita ko silang mga taong iiwanan ko.

Inayos ko na 'yong mga gamit ko at naupo sa designated seat. Buti wala pa akong katabi. Naupo ako ro'n sa window seat.

Si Kei... 'Yong kumag na 'yon... Gusto ko siyang makita. Gusto kong magpaaalam sa kanya, but at the same time, ayoko rin. Hindi ko siya kayang iwanan. Mahal na mahal ko si Kei. Gusto ko siyang mahawakan sa huling pagkakataon... Marinig ang boses niya nang isa pang beses...

"Ano'ng pinag-e-emo-han mo r'yan?"

Nagulat ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Napaka-pamilyar...

"K-kei?! Ano'ng ginagawa mo rito?!" Nando'n siya nakatayo sa aisle sa may tapat ko, inaayos 'yong bag niya sa may taas ng seats. Tapos, umupo siya sa tabi ko na parang chill na chill lang sa buhay.

"Malamang, susundan kita. Duh."

Napakunot ang noo ko. "Pero...?! Paano?!"

"Aba, nakakalimutan mo yatang kakagaling ko lang ng US, Tabby. Nauna ako ro'n kaysa sa'yo. Doon na ako mag-s-stay for good. Ikaw ha, gaya-gaya ka. Susundan mo 'ko."

"Kakasabi mo nga lang na susundan mo ako! Ginagago mo ba ako?!"

Napatingin na siya sa akin. "Hindi. Minamahal lang."

Hindi ako natinag. "Pero... 'Di ba bumagsak na 'yong company ninyo dahil sa isyu sa Lolo mo? Paano naman 'yon? Talagang mag-stay ka na sa America? Bakit mo ako susundan?"

"Oo naman!" Napatango pa siya nang paulit-ulit na parang isang bata. "Ano'ng akala mo sa'kin, pulubi? May mga sariling kita naman kami na pinaghirapan naming ipunin! Susundan kita kasi mahal kita. Gusto kitang makasama. Huwag mo 'kong itulad sa mga pulubi sa overly cliché romance stories na walang pambili ng plane ticket at pang-ayos ng VISA kaya nagtitiis maghintay sa Pinas para sa mahal nila. Kahit saan ka magpunta, susundan kita, Tabby. Kahit sa impyerno pa."

I laughed. "Wag kang mag-alala, hindi ako pupunta roon."

"Oo naman. Sa langit ka kasi. Dahil langit ang pakiramdam mo kapag kasama mo ako."

I rolled my eyes. "Sa pagtaas mo ba sa ere, lalo kang nagiging mapagmataas?"

Nagulat ako nang may nagsabi ng 'sshh' sa may likuran ko. Nang mapatingin ako ay nakita kong nakaupo sina Ate Kiana at Rui sa may likuran namin ni Kei. Sa kabila namang seats ay naroroon ang parents ni Kei.

"Sa States na kami for good. Plano na rin naman talaga. Kitams? Destined talaga tayong magsama forever."

I rolled my eyes again. "Walang forever."

"Meron. 'Yong kamalditahan mo, forever 'yan."

"Pulubing unggoy ka talaga!" I said. "Pasalamat ka... Pasalamat ka..."

Nangiti naman sa akin ang loko. "Ano? Ano'ng dapat kong ipasalamat? Sabihin mo. Say it. Say it out loud."

"Ulol."

He laughed. "Sweet mo talaga. Uso naman 'yan, 'yong mga mura na ang I love you. Ulol too."

Napatingin ako sa may bintana. Akala ko pa naman emo at lonely akong uupo rito sa flight na ito, pero 'yon pala, kaguluhan na naman. Pero hindi ko alam, ang saya ko. Feeling ko nga ang lapad ng ngiti ko. Si Kei na narito sa tabi ko ngayon... Sobrang saya ang nadarama ko.

"Kei, mahal kita," sabi ko. Nang mapatingin ako ay nakita ko siyang tulog na. Walang hiya. Tinulugan ako. Pero napangiti ako dahil kahit kalian talaga ay ang cute niya kapag natutulog. Doon lang siya nagmumukhang mabait. Hindi ko alam pero bigla ko siyang ni-kiss sa pisngi niya.

Dumilat naman siya. "Sa lips naman,"

Bigla ko namang nasuntok ang labi niya. Napasigaw siya ng aray at halos mangiyak-ngiyak na. Natatawa na lang ako. Pinatahimik kami dahil lilipad na raw ang eroplano.

Hinawakan ni Kei ang kamay ko. Takot nga pala siya sa heights. Nangiti na lang ako at nagdadasal n asana huwag niya akong sukahan.

"Tabby..."

"Ano?" tanong ko naman at napatingin lang sa may bintana.

Sa mahinang boses ay sinabi niya, "Mahal na mahal din kita."

Tama nga si Kei. Dahil noong sinabi niya 'yong mga salitang iyon at hinawakan niya nang mahigpit ang kamay ko, pakiramdam ko nasa langit na ako dahil kasama ko siya.

Dahil s'yempre sa langit talaga ako nababagay. Anghel ako, e. Ako pa!

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

366 133 93
Olivia Dela Torre purchased a charming pocket notebook and filled its pages with heartfelt pictures and cherished memories. She carefully documented...
29K 712 40
Caitleen is not your ordinary commoner. Malas siya. Read to know her adventures and misfortunes with her life. Life of a Commoner.
3M 67.4K 58
Tucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl fro...
55M 775K 57
She likes being alone while he loves being the center of attention. She'd rather stay at home, reading books while he'd be in the crowd, playing for...