Chapter 42: Danger
Eryn POV
"Mae,sabay na tayo mag-out ha?!" habang nasa kitchen at kinukuha ang ilang food orders.
"Sige" at sumunod sakin papalabas.
Nasa MC-EAT na naman ulit ako para magtrabaho,as usual madaming tao na naman dahil nag launch yung manager namin ng new recipe at drinks na gawa mismo ng mga kusinero namin dito,oh diba ang creative nila...
"Table 10" tinapik ako ni Ace,isa sa kasamahan ko at binigay sakin ang tray ng pagkain kaya tumango ako at naglakad .
"Here's your order sir,thank you" pagkalapag ko ng mga pagkain ay balak ko na sanang tumalikod ulit nang makita ko ang grupo nina Zekie at kasama pa nila si Abby sa Table 11.
'Sinasadya ba nilang pumunta dito?
"Eryn!" kumaway sakin si Ryle kaya napatingin sakin ang kasama pa nya.Pero bago pa man silang lahat matuon ang atensyon sakin ay nagkunwari nalang akong diko sila nakita at nagpaka-busy sa mga customers..
"Ace,an'dami naman ata nyang dala mo,akin na" agad ko syang tinulungan na maibaba ang ibang tray na dala nya..
"Thank you talaga Eryn at nandito ka" agad kong hinablot ang twalya sa balikat nya at pinunasan ang noo dahil tagaktak na yung pawis nyan..
Ngumiti sya sakin "Thank You"
"Oh? San' table to?" tanong ko
"Uhmmm. Table 15 at 16" tatalikod na sana ako nang marinig kong tinawag nya ako..
"Di pala,11 yang may soup at 13 yang may spaghetti.Na sakin yung 15 at 16 sorry" nanlaki yung mata ko sa sinabi nya..
—Table 11? Pero nandun sina---
Ibabalik ko na sana sa kanya yung isang tray pero lahat kami ay busy sa kakatakbo left to right kaya wala akong choice kundi ihatid to .
'Sana pala nagtanong muna ako..
Dumaan muna ako sa table 13 bago nilapag yung tray sa table 11
"H-here's your order sir,T-thank you" umatras ako habang naka-yuko para di nila ako makilala pero napatingin sakin si Kai.
"O-oh!! Ikaw pala yan Eryn" sabi ko nga di ako makakatakas sa mga mata nila eh .
"O-oh Hi Kai--Sige alis na ako" tumalikod ako ramdam kong may humawak sa kamay ko..
"Eryn please kausapin mo naman kami ng maayos at di yung umiiwas ka"
"H-Ha? Di naman ako umiiwas ahh,sadyang busy lang talaga ako"
"Alam mo bang namumula yang tenga mo pag nagsisinungaling ka?" napahawak ko sa tenga ko dahil sa sinabi ni Ryle .
"Kausapin mo kami-- O kahit ako lang,please?" seriously Ryle? Sa harap pa talaga nina Zekie at Abby mo yan sinasabi?
"Ahh eh pasensya na bawal kase kami magkipag-usap sa mga costumers while on duty eh" at dahil dun ay binitawan nya ako..
'Buti naman at naisipan ko yun sabihin.An'talino mo talaga Eryn..
"Sure ka talagang di ka na magpapahatid sakin?" tanong ni Ace kaya tumango ako
"Sus! Ace para-paraan ka rin eh noh,gusto mo lang makasama si Eryn eh" tinulak ng pabiro ni Mae si Ace
"Anong para-paraan ang sinasabi mo? Nag-aalala lang ako noh dahil mag-isa na naman syang uuwi"
"Pshh,wag ka na mag-alala sana'y na akong umuwi mag-isa" lumapit ako saka ginulo yung buhok nya..
–Kahit kelan talaga ang kyutt nitong lalaking to...
"Eyyyy!!" panunuyong sabi ni Mae
"T-tumigil ka nga Mae,baka nag seselos ka lang eh"
"A-aba! Hoy for your information ket' wala akong boyfriend di kita type noh" ayan na naman sila nagbabangayan,naalala ko tuloy yung asaran din namin nuon ni Zekie..
–Akala ko ba move-on na?? Haist kainis...
"Oh sya una na ako baka kase matagalan pa kayo dyan" pero di naman ata nila ako napansin...
"Bye Ace~ Bye Mae~" kumaway ako sa kanila at saka naman sila lumingon sakin at kumaway rin pero bumalik rin sa pag-aasaran kaya napa-iling ako..
"Ay kalabaw!" halos mapa-upo ako sa gulat at kaba nang may biglang humarang sa dinadaanan ko..
"Ryle? Bakit nandito ka pa?" nilagpasan ko sya..
"Diba sabi mo kanina na bawal ka pakipag-usap habang nasa trabaho ka? Kaya eto hinintay kong matapos yung duty mo para maka-usap kita" sumunod sya sakin na nakapamulsa..
"Bakit,ano bang gusto mong sabihin?"
"Gusto kong mag-ayos kayo ni Zekie"
"Para saan?"
"Para sa ikakabuti nyong dalawa?" natawa ako sa sinabi niya.
"Bakit,di ba maayos na yung kalagayan namin ngayon? Masaya na ako at masaya narin sya--kasama si Abby,Ulit!" sya naman yung tumawa..
"Sa ilang linggo na'ting pagsasama sa isang bahay Eryn,kabisado na kita.Oo maaring maayos na yung kalagayan nyo physically pero alam kong pareho kayong dalawa na di parin matahimik ang damdamin" that makes me stop..
"Kaya Eryn,please wag kang umiwas sa'min,lumapit ka naman ket' minsan.Pwede bang ibalik nyo yung dati?" at hinawakan nya yung balikat ko..
Tinanggal ko yung pagkakahawak nya sakin "Alam mo Ryle may mga bagay na pagbinitawan mo na ay di na pwedeng hawakan mo pa ulit at saka ayaw kong gumawa ng gulo,ayaw kong maging selfish. Hawak na nya si Abby at masaya na akong makita silang ganun at isa pa ang lahat ng yun ay nasa kontrata lang---"
"Pati ba yung personal na feelings nyo sa isa't-isa nasa kontrata din?"
—Nasa kontrata nga ba?
"Siguro nga" yun lang yung nasabi ko bago sumakay sa Taxi.
'Ayaw ko ng masaktan at makasakit.Alam kong mabait si Abby at sya yung dahilan kung bakit kami pinagtagpo ni Zekie 'ngalang di tinadhana...
Huminga ako ng malalim saka ngumiti ..
'Tama tong desisyon mo Eryn at dapat dimo to pagsisihan..
Pagdating ko sa bahay,di na ako nag-abalang magluto pa dahil nasa MC-EAT pa man ako ay kumain na ako kasama yung mga ka trabaho ko.
Inangat ko yung cellphone ko para tingnan yung mga messages na kanina pa naka-tambak sa messenger ko..
Maraming sinend si Denise at Thea na mga pictures sa design para sa Music Feast bukas pero nagdadalawang isip pa akong pumunta dun tutal magpeperform lang naman yung iba't ibang banda sa school..
Althea
So,seen ka nalang ba puro dyan ha Eryn?
Denise
Oo nga,matagal ka ng walang paramdam,magsindi na kaya kami ng kandila no?
😁✌️
Eryn
••••• ( typing )
Elaine
Ay an'tagal ah..
'Di uso siguro sa kanila ang salitang 'Wait'
Eryn
❤️
Althea
😂
Desiree
🙄
Elaine
😵
Denisse
😑
Natawa ako sa reactions nila saka napa-iling.Diko aakalaing ngingiti pa pala ako ngayong araw sa kabila ng sobrang Hectic ng schedule ko bilang working student..
'Sorry D.E.A.D SQUAD pero kailangan ko talagang gawin to. .
Pinindot ko ang leave the group na button saka ako naka-tanggap ng sandamakmak na text pero alam kong puro reklamo lang naman yun ng apat kung bakit ako nag leave..
'Another way to forget and move on..
*****
N
aglalakad na ako ng hallway para pumasok sa classroom ko pero biglang nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa ko..
From:+18764819 unregistered number
Eryn,nsa pngnb k umlis kna dto sa GFU pls.!!!!
Napa-kunot yung noo ko sa kakaibang text na natanggap ko..
'Hmm anong ibig sabihin nito?
-------------------------🌠------------------------
ABANGAN! UPNEXT CHAPTER 43