Chapter 41:Denial
Someone's POV
"Cheers!!" sabi ng babaeng may hawak na baso na may laman na beer.
"CHEERS!!"
"Good Job babies lalo ka na D. dahil sa ginawa mong pagpapakalat ng posters na yun kaya ngayon ay bumalik na ang pandidiri ng mga estudyante kay Eryn,pagpatuloy mo lang yung pag ee-spy para dina magtatagal ang babaeng yan dito.Inagaw nya lahat sakin,ang GFU,ang atensyon ng mga tao dito lalo na ang tiwala ni Dean sakin ay nawawala na at dahil yun kay Eryn" nanggagalaiting sabi ng dalaga.
"Don't worry Miss dahil sa araw ng Music Fiest dun natin isasagawa ang ating plano" at kumuha ng wine..
"No D. About that leave it to me,ang trabaho mo ay mas paikutin pa ang ang mga kaibigan mo para di sila maka-halata sa mga plano natin" kahit sa kaloob-looban ay di sya pumapayag kailangan nyang sundin iyon...
"S-sure"
"Oh kanina ka pa di umiimik dyan ahh,uminom ka nalang kaya muna" tanong nya sa lalaking naka-sandal habang cross-arm ang kamay..
"Ayoko! Baka mahalata ako,may klase pa kami mamaya"
"Ahh!! Oo nga pala nakalimutan ko important person ka pala sa class nyo noh lalo na sa mata ng teacher nyo pero noon pa yun dahil ngayon yung Eryn na yun ang papalit sa pwesto mo" agad na pinanlilisikan ng binata ang dalagang pinapa-ikot ikot sa baso ang cubes ng ice..
"Tumahimik ka!"
"Oh? Bakit sakin ka nagagalit? Diba dapat si Eryn ang sisihin mo kung bakit to nangyayari sa'yo? Kaya kung ako sayo kumilos ka na bago pa mahuli ang lahat"
"Wag mo akong diktahan kung anong gagawin ko dahil may sariling plano na ako"
"Yun naman pala e,bakit ka pa nakatayo dyan at di gawin yang sinasabi mong plano?"
"Dahil di pa to ang tamang oras" saka inayos ang gusot na uniform..
Sa kabilang banda...
Naglalakad sya na may dalang juice pero napahinto sya sa tapat ng HSC office nang may marinig syang nag-uusap kaya bahagya syang sumilip..
-Huh? Bakit sila magka-sama? Close ba silang tatlo?
Inilapit nya yung tenga nya sa pinto para marinig kung anong pinag-uusapan nila sa pinto..
"Good Job babies lalo ka na D. dahil sa ginawa mong pagpapakalat ng posters na yun kaya ngayon ay bumalik na ang pandidiri ng mga estudyante kay Eryn,pagpatuloy mo lang yung pag ee-spy para dina magtatagal ang babaeng yan dito" napahawak sya sa bibig nya para pigilang di maka-gawa ng ingay.
'Ano? Siya ang may gawa ng pagpapakalat ng posters na yun? Pero bakit,anong dahilan nya para gawin yun kay Eryn? At yung nangyari sa Music Room,sila rin ang may pakana?
Sumilip ulit sya sa bintana para tingnan kung sino pa ang tao sa loob at halos di sya makagalaw nang makilala nya ang lalaking naka-sandal sa ding-ding .
'Y-yung lalaki,kaklase sya ni Eryn...
"Don't worry Miss dahil sa araw ng Music Fiest dun natin isasagawa ang ating plano"
'H-hindi to maari,kailangan kong masabihan silang lahat dahil nanganganib si Eryn at malapit na ang Music Feast..
Tumalikod ang dalaga para sana umalis na dun nang may biglang humawak sa kwelyo ng uniform nya..
"San ka pupunta?"
'Naloko na!
Ryle POV
("Finally author after 40 chapters na lumipas naisipan mong magka-POV ako dito sa storyang to")
("Tumigil ka nga diyan Ryle,gusto mo burahin ko?")
("Ba't ka galet,nagsasabi lang naman eh")
("Whatever")
("Wag ka na magalit author ,eto oh burger 🍔,prays 🍟at milktea🥤")
("TangIna mo Azrael Riley Del Fuego")
"Whoa kapagod ,3 araw nalang Music Feast na kinakabahan ako" sabi ni Cloud at nag-unat unat pa..
"Wow hiyang-hiya naman kami sa'yo na limang beses kung mag praktis araw-araw habang ikaw may pa condom² pa kayo dun sa motel kasama yung iba't ibang babae mo" sabi ko habang binibit-bit ang stan ng microphone..
"Tss" ngumiti siya na parang wala ng bukas " Ganun talaga pag masarap,maraming naikakama" agad syang binatukan ni Kendell.
"Tumigil ka nga cloud ang sagwa pakinggan"
"Wow feeling inosente KD ah,eh bakit ikaw wala ka bang naikama nung highschool tayo? Wag kang magsisinungaling!"
"Wala! Malinis ako noh" sabi nya habang ini istrum ang guitar..
Napalingon ako kay Kaizer nang sikuhin nya ako.
"Oh?" may tinuro yung nguso nya kaya sinundan ko yun kung san naka-turo at nakita ko naman si Zekie na tahimik lang na naka-upo sa may Piano.
Dalawang linggo na ang nakaraan simula nung tapusin ng dalawa ang kontrata nila,pagkatapos nun marami na ang nagbago.Nagkabalikan na sina Zekie at Abby,di na sumasama si Eryn sa grupo nina Thea though ngumingiti pa rin naman sya sa kanila,habang sa amin naman tudo iwas na sya,di na nga sya lumilingon kung tatawagin namin.
—Kelan ba kase sila magkaka-aminan eh halatang gusto naman nila ang isa't isa...Hayss sumasakit yung abs ko sa kanilang dalawa.
Lumapit ako kay Zekie saka umupo sa tabi nya...
"Dre..." tinapik ko yung balikat nya..
"What?" kita mo nga tong lalaking to,nagka-iwasan lang sila ni Eryn bumalik na naman yung pagiging maldito niya..
"Okay kalang?"
"Why wouldn't i be?"
"Alam mo dre magkaibigan na tayo since elementary"
"So?"
'Haist...Ang slow
"Alam ko kung may problema ka kaya malaya kang sabihin yun samin"
"Palagi rin naman akong problema" kaya binatukan ko sya..
"Aw!! What's that for?" at handa narin sanang mambatok pabalik .
"Ikaw rin naman kase,wala ka bang planong---alam mo na."
"Alam ang alin?"
"Planong sabihin yung nararamdaman mo kay Eryn" sabi ni Kendell at inakbayan si Zekie..
"I don't have any feelings for her" saka sya tumayo at pumunta sa drums at kunwari may inaayos pero alam namin ni Kendell pareho na umiiwas lang sya..
"Ezekiel,you're confused about your true feelings towards Eryn and we know that already dahil nagkabalikan na kayo ni Abby but----"
"Can you shut up Kendell? You don't know anything at ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala talaga akong feelings sa kanya" napasigaw siya kaya nagkatinginan kami ni Kendell pero napailing lang sya..
"You swear?" panunuyong tanong ni KD pero di sya sumagot..
"Okay then dahil sinabi mo yan,as i said before na liligawan ko sya ay gagawin ko na tutal wala narin naman akong kaagaw sa kanya.Alam ko namang gusto ako nun dati pa kaya kung sasagutin nya ako we could be a good couple in GFU,right Riley?" tanong nya kaya nanlaki yung mata ko pero ngumiti lang sya..
"O-oo naman" Ano bang plano ni Kendell at liligawan niya si Eryn? Nababaliw na ba sya o baliw lang talaga?
"Hindi yun magiging maganda for the both of you"
"Why?"
"Dahil masisira yung reputasyon mo bilang member ng sikat na banda pag lumapit ka pa sa kanya at mas mapapahamak lang sya" in a cold tone..
"Why are you saying this to me,akala ko ba wala ka ng pakialam sa kanya---"
"BECAUSE I'M FXCKING WORRIED ABOUT HER!!" sabay hampas ng drum sticks sa drum kaya nagkaroon ng ingay sa music room.
"HAHAHAHAHAHAHA" nagulat ako ng tumawa si Kendell ng malakas...
"And that's explain your confusion about your true feelings kay Eryn"
"Huh?" pati kami ay naguguluhan sa pinagsasabi ni Kendell..
"Wait--did you just trick me?" ilang seconds ko bago ma-gets yung pinagsasabi ni Kendell at napa-ngiti..
'Ah!! Gumawa ng pekeng plano si Kendell at sinabi nyang liligawan niya si Eryn para pagselosin ang lalaking to since ayaw ni Zekie na umamin sa totoong nararamdaman nya..
—Grabe Kendell ibang-iba ka talaga..
"I m-mean---i'm worried about OUR reputation a group,that's it"
Magsasalita pa sana ako pero biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Abby at Axcel..
'Hmm? Himala atang mukang sobrang close nila at nagtatawanan pa..
"Hi Guys" bati ni Abby at kumaway pa sa'min kaya ngumiti nalang rin ako..
"Hi Babe!"
"Dre" lumapit sa'min si Axcel na naka-ngiti.
"Oh ibang-iba yung ngiti na'tin ah,pang-malawakan" tanong ni Cloud..
"Bakit? Masama bang ngumiti?"
"Sa bagay" at ngumiti narin si Cloud.
–Weird?
Sabay kaming pito na lumabas sa Music Room para pumunta sa canteen at sakto namang nakasalubong namin si Eryn kaya kumaway ako..
"Hi Eryn"
"O-oh Ryle?" sabi niya ng gulat na gulat na parang di nya kami nakita mula sa malayo.Tumingin muna sya kay Zekie bago inilipat yung tingin sakin.
"Maari ba kitang maka-usap?" diko na to kayang tagalan pa kailangan ko ng komprontahin sya sa issues nilang dalawa ni Z.
"A-ah eh saka nalang may group study kase kami eh" at tinuro nya yung mga kaklase nya na hinihintay sya.
"Eryn,dali na...Tuturuan mo pa kami diba"
"Oo na,hintay lang"
"O sya,alis na ako.Ingat,bye!" nagmadali syang umalis at tumakbo pa alis.
'Group study ba talaga o umiiwas ka na lang sa'kanya?
-------------------------🌠------------------------
ABANGAN! UPNEXT CHAPTER 42