Chapter 35:Music Room
Pinagtitinginan nila ako habang naglalakad sa hallway kasabay ang buong Enigmatic Eye Gang--like as yung buong gang nila.Hindi sa pagiging assuming pero feeling ko ang ganda-ganda ko na.Wala ni isa ang humaharang sa dinadaanan ko which is uncomfortable the same time kase di ako sana'y na nasa akin yung atensyon eh dati parang anino lang ako dito na pumapasok sa classroom ng tahimik at lumalabas ng walang kung anong problema kundi ang sandamakmak na assignments pero ngayon iba-ibang na,simula nung makilala ko sila nag iba na yung takbo ng buhay ko,kung dati ang iniisip ko lang ay makapag-tapos dito sa GFU ngayon pati buhay ng ibang tao inaalala ko na,gaya ni Ezekiel na sobrang self centered,,mayabang,mahangin,minsan cold minsan din hot.Ewan ko ba kung bakit kami pinagtagpo neto eh sobrang layo ng agwat namin sa buhay.Siya gwapo,ako pangit.Siya mayaman,ako nagtra-trabaho at nag sisikap.
"Ow!" agad kong nasapo yung noo ko dahil sa bigla akong nakaramdam ng may pumitik...
"Tulala again??" si Kendell.
"Bakit,ano bang problema mo?"
"Kanina pa kita tinatawag pero nasa Jupiter yung utak mo " takte matagal na pala akong tulala,hays...
"Sorry naman,marami lang iniisip"
"Like??"
"Gaya nitong nangyayari,naninibago ako dahil dati binubully ako pero ngayon kinatatakutan na tuloy ako ng ibang estudyante"
"Pshh, instead of thinking so many things,just go to your class and see me after in music room" biglang sumingit si Zekie sa usapan at hinawakan yung balikat ko saka tinulak.
"Hmm? Bakit naman kita pupuntahan sa Music Room?" tanong ko pero kibit balikat lang sya...
Tss....
Pagpasok ko sa magulong classroom namin ay agad silang natahimik,yung kaninang nagbabatuhan ng lukot na papel ay natigil,yung kaninang nagtatawanan ay biglang tahimik.Napatungo ako dahil sa awkwardness na naramdaman ko..
Arghh ...Nakakasakal na'to grabe...
Naglakad ako sa designated chair ko para di maging awkward yung paligid.Pagka-upo ko may tatlong babaeng biglang lumapit sakin,akala ko tatarayan nila ako dahil base sa posture nila at the way sila magsuot ng uniform ay mataray talaga yung magiging first impression mo sa kanila.
"Para sa'yo po" nagulat ako di dahil sa naglahad sila ng gift sakin kundi yung honorific na sinabi nila,halos di ako makapaniwala na gumamit sila ng 'po' sa harapan ko pa talaga .
"A-ah ehh...di nyo naman kailangang magbigay ng regalo sakin ehh" diko pa sana tatanggapin pero nilapag nila yun sa table ko..
"Para po sa'yo" saka sila tumakbo..
Lumingon ako sa paligid at nahuli ko naman silang naka-tingin at umiwas ng tingin sakin.Parang biglang out-cast ako dito bigla ahh but in a nice but weird way.Kinuha ko yung phone ko para bawas-bawasan ang tense na feeling sa classroom..
Pag-on ko ng data ko ay halos mag lag na yung phone ko dahil sa dami ng notifications,messages at tagged photos ko..Tiningnan ko yun isa-isa pero pareho lang din naman ng messages.Puro 'Hi at Notice me po please' Naagaw ng atensyon ko ang hashtag na ginagamit ng mga estudyante na #EzeRyn #EryKiel sailing, natawa ako dahil shiniship na nila ako sa kumag na yun eh pag nalaman siguro nila ang lahat ng to ay pagpapanggap lang baka biglang #Eryntheuser real quick...
Kinabahan tuloy ako bigla...
Nahinto ako sa pagsco-scroll nang may tumuktok ng table ko tumingala ako...
"O-oh M-Mr. P-president?" naitago ko yung phone ko dahil may rules kase dito na 'No phone while the class is on-going' though hindi pa naman nagsisimula yung class pero kahit na Class President yung nasa harap ko at may right sya na pagalitan ako if ever...
"Can you help me check this papers after class?" tinaas nya yung papel na makapal kaya nanlaki yung mata ko .
—Seryuso? All this time ,gan'an ka dami na papel yung chincheck nya everytime na may quizzes at exam kami...
Tumango ako dahil first time kaming mag-usap at humingi sya ng tulong sakin personally..
"Sure walang problema!"
Inayos nya yung glasses nya saka tumalikod...
—May pagka-snob din sya,actually...
Pagkatapos ng discussion namin about Laws ay ako na mismo ang lumapit sa table ng president namin dahil tila nag he-hesitate pa syang lumapit ulit...
'Intimidating na pala ako ngayon,may pabanta-banta pa kaseng nalalaman tong si Zekie ayan tuloy pati president namin di na ako nililingon..
Umupo ako sa upuan na vacant sa tabi nya at inusog yun ng konti..
"Check this from 1to50 then bigay mo sakin para check ko rin yung Essay's at Solutions" Nilapag nya sa harap ko ang maraming papel habang sya ay may kinuha pang ibang papel saka yun sinimulang buklatin..
Napalunok ako dahil sa dami pero iniisip ko na balewala lang to sa daming papel na ginawa kaya kinuha ko yung ballpen at sinimulan yung tingnan...
*After half a year charowt! After 10 minutes*
Napa-hawak ako sa batok ko dahil nangangalay na ako,sakto din namang last two papers nalang yung hawak naming dalawa..
"Tired?" tanong nya kaya natawa ako't tumango..
"Grabe andaming papel naman neto! Ganito rin ba kadami yung chini-check mo everytime na may quizzes tayo?"
"Uhm,yeah..."
"Ng mag-isa??" tumango sya kaya napa-nga nga ako pero tumawa lang sya..
'Well sa tingin ko tama nga yung sinabi sakin noon ni Sammy na iba yung first impression sa real attitude ng isang tao,ganun sya eh..
"Well,nasanay na siguro ako but this day is only exception"
"Bakit?" bago sya sumagot may nilahad syang orange juice kaya kinuha ko agad at binuksan,kanina pa talaga kase ako uhaw,diko lang masabi.Nakakahiya..
"Uhmm..Gusto lang kitang makasama" nabuga ko yung iniinom ko dahil sa sinabi nya buti nailayo ko agad yung bibig ko sa mga papel dahil kung hindi lahat ng yun basa at lagot ako..
"Hala! Sorry nagulat ba kita?"
" *cough* *cough* D-di naman halata noh?" tumawa sya at naglahad ng panyo...
"Sorry" kita mo nga tong taong to,nagsosorry nga pero tumatawa.Hays..
"Ikaw kase,ba't mo naman ako gustong makasama?"
"Dimo siguro ako namukaan nung magkabangga tayo dun sa hallway diba?"
"Hmm? Nagkabanggan tayo?"
"Yeah,nung kasama mo yung boyfriend mo at na cramp ka" napa-takip ako sa bibig ko ng maalala ko yung pangyayaring yun .
"W-weh? D-di nga?? I-ikaw yun?" tumango sya saka tumawa..
"Pero bakit parang iba ka dun---i mean wala kang glasses at a-ang g-gwapo mo dun" napatungo ako at umiling-iling naman sya...
"So gwapo ako,ganun ba?"
"Hindi--i mean Oo---Hindi,ibig kong sabihin iba yung appearance mo nung makita kita" tumawa sya..
Tinanggal nya yung glasses nya at inayos yung buhok at dun ko lang naimagine ulit yung muka nya...
"Ah! Now i remember" bigla nyang nilapit yung muka nya sakin at dahil sa sobrang lapit nararamdaman ko na yung hininga nya at kita ko ang galaw ng adams apple nya.
'Teka ba't naalala ko sa kanya si RED---Si Red---HALA! NAKALIMUTAN KONG PUMUNTA SA MUSIC ROOM....
Umatras ako at tumayo..
"S-sorry!! Kailangan ko ng umalis,hinihintay pala ako ni Zekie sa Music Room" dahil sa kakamadali ay kalapitan na akong matalisod buti nalang at napahawak ako sa table...
Pagkarating ko ng music room ay tahimik na at wala ni-isang boses ang nanggagaling sa loob,kinuha ko yung phone ko at hinanap agad yung name nya sa contact list ko..
Napasilip ako sa loob nang may marinig akong tumutunog mula loob at mukang ringtone yun ni Zekie..Tinulak ko yung pinto nagbabasakaling bukas mabuti naman bukas nga...
Hinanap ko kung saan nanggagaling yung tunog at nakita ko si Zekie na natutulog sa bench habang nakatakip ang braso sa mata..
"Z-zekie" tawag ko pero di sya gumalaw,lumapit ako at bahagyang dumungaw para tingnan kung natutulog ba talaga sya...
"Hoy! Zekie,gising" inalog ko sya "Sige ka,pag iniwan kita dito may magpapakita sayong multo.Isang black lady na lumuluha ng dugo at tumatawa ng nakakatakot" pananakot ko at kita ko namang gumalaw yung kamay nya..
"Hoy gising !!" inalog ko ulit sya pero ayaw talaga magpatinag..
"Tss,bahala ka nga dyan" tumalikod ako at naglakad papuntang pinto....
"Ayaw mo talagang gumising edi dito ka nalang mag-isa----takte,lock yung pinto!!"
-------------------------🌹------------------------
ABANGAN! UPNEXT CHAPTER 36