MADNESS IN LIFE

By RonneSerene

1.6K 221 57

"All your happiness will turn into sadness in just one snap." Isang halakhak ang pinakawalan ni Rosane matapo... More

DISCLAIMER
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
73
74
75
76
77
78
79
80
81
82
83
84
85
WAKAS

27

15 2 0
By RonneSerene

Hindi ko na maramdaman pa ang buo kong katawan, tila ba'y tinurukan ako ng sampung beses ng pampamanhid. 

Matapos kasi ang meeting sa office ng mga students council, dumiretso naman ako sa garden ng school para magdilig. Kung hindi lang ako nakita ni Mrs. Sandoval, baka mabaon ko sa limot ang punishment na ginawad sa akin. Pagkatapos kong magdilig, pinagwalis naman nila ako sa buong quadrangle at pinag-ayos ako ng mga aklat sa library. 

Shutanginang pusa! Sobra-sobra ang paghihirap na binibigay nila sa isang katulad ko na ganda lang ang ambag sa lipunan! 

Sumakit ang likod ko sa kakayuko. Matapos no'n, nagmadali akong bumiyahe patungo rito sa Patisserie Boulangerie, magse-seven na nga ako nang makarating. 

“Late ka na,” siyang bungad ni Manager Avi. 

“Sorry, Sir. May community service pa po kasi ako,” dahilan ko at nagkamot ng batok. “Babawi na lang po ako.” 

“Do your work now, Avera!”

“Yes, Sir!”

Nagpalit na kaagad ako ng damit at inasikaso ang trabaho ko. Kumo nga iilang crew lang ang nandito, pahirapan tuloy sa pagligpit ng mga pinagkainan sa table. Mabuti na lang sanay na ako sa ganitong gawain kaya napapabilis ang pagliligpit namin. 

Shemay, namamanhid na ang mga paa ko! Inuugat na yata! 

“Rosane, table two!” sigaw ni Ate Chang. Mabilis kong kinuha ang tray para dalhin sa table nito. 

“Here's your order, Ma'am, Sir!” Sabay lapag ko ng tray sa table at inihain ang mga pagkaing kanilang in-order. 

“Thank you,” mahinang saad ng babae at ngumiti pa. Wala sa sariling napatango ako.

Muli akong bumalik sa counter para antayin ang ise-serve na pagkain. Sakto naman nandoon si Manager Avi, nakamasid sa mga cashier. Medyo nagulantang ako nang dumapo ang kaniyang paningin sa aking p'westo. 

“How was your first day here?” he asked. “You okay?”

“Ayos naman.”

“Are you comfortable with your job?”

“Oo naman, Sir. Sisiw na sisiw!” 

“But you look tired, Avera.”

“Ubos na yata ang energy ko pero kaya pa naman. Makakapagserbisyo pa ako!” 

“Are you sure?” tinatansya niya ako. “You may go home if you feel tired already.” 

Sasagot pa lang sana ako nang dumating si Ate Chang at may binabang dalawang tray. Mabilis ko naman iyon kinuha at dinala sa ika-limang lamesa.

Pagbaba ko no'n sa table five, napangiwi ako nang may maramdamang dumagan sa paa ko. Hindi ko naman iyon ininda pa kahit sinasadyang apakan iyon ng babae. 

I heard her mocking laughed, sinabayan pa ng alipores niya. Tinalikuran ko na lang sila at hindi na pinansin ang kagagahang ginawa nila. Palihim kong sinapat ang paanan ko, may bakat ng maruming sapatos ang dulong iyon. 

Nakakabanas! Kalalaba ko lang ng sapatos na ito! Peste talaga ang gagang iyon! 

Saktong alas-diez nang maisipan ko nang umuwi. Balak ko pa sana mag-over time pero hindi ko na kakayanin pa dahil meron pa akong gagawin na projects. Panghabol ko raw iyon sa grades ko sabi ni Ariess. Siya kasi ang nag-abot nung listahan ng mga kulang ko at kailangan kong habulin. At saka, sumasakit na ng husto ang katawan ko, mukhang nabigla sa pagta-trabaho.

Putcha talaga! 

Tahimik ang apartment nang makauwi na ako. Siguradong tulog na ang dalawa kaya kinandado ko nang mabuti ang gate at pinto. Kumuha ako ng isang basong tubig sa kusina at saka dumiretso sa aking kwarto.

Sandali akong nagmuni-muni at handa na sanang matulog nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Inis kong kinuha iyon sa side table at sinagot ang tawag. 

“Oh?” bumangad ko. Hindi ko na tiningnan pa ang caller ID. “Wala ka bang orasan d'yan at hindi mo alam kung anong oras na ngayon?! Gabing-gabi na!” 

“Bad mood?” sinundan pa iyon ng paghalakhak. “Did I disturb you?” 

“Kailangan mo?”

“Sorry to disturb you! But I have good news for you, Rosane!” 

My eyes grew bigger. Napabalikwas ako nang bangon. 

“Pusanggala! Meron na, Aven?!” 

“Chill!” asik niya at nagpakawala ng mahinang tawa. “I tried to track his location!” 

“Woah! Ang galing mo! Salamat Master! So, i-send mo na sa 'kin ang location niya para mapuntahan ko na ora-mismo!” 

“No, I won't tell you.” 

Naningkit ang mga mata ko. “Ano?!” 

“I won't tell, Rosane. You heard it, right?”

“Hoy! Mandaraya!” 

Narinig ko siyang humalakhak ulit sa kabilang linya. Inis akong napairap. Anong silbi ng pagtawag niya sa akin ng ganitong oras kung hindi niya naman pala sasabihin kung saang lupalop ang pesteng killer na 'yon? 

“Sleep now, Rosane. Pupuntahan natin siya bukas!” 

“Ngayon na!” 

“Tomorrow, I promise you.” 

“Sige, sige, sige...” Inaantok na rin ako kaya sige. Nagkamot ako ng noo. “Pangako 'yan, Aven...”

“I promise,” he sounded so serious naman so let's buy it. “For now, let us sleep. Inaantok na talaga ako!” 

“Okay.”

“Good night!” 

Then call ended. 

Pusanggala! 

Biglang sumakit ang ulo ko dahil sa ibinalita ni Aven at mukhang mahihirapan akong matulog nito. Magdamag kong iisipin ang balitang sinabi niya. 

Pagkagising kinabukasan, mabilis akong kumilos para gumayak. Magluluto na sana ako ng almusal nang makitang may pagkain na sa hapag.

“Ikaw nagluto, Jahm?” tanong ko sabay upo sa upuan. Nagtimpla ako ng kape at walang anu-ano ay ininom iyon. 

“Maaga akong nagising kaya nagluto na ako. Kumain na kami ni Jorja, ikaw na lang ang hindi.”

“Si Jorja, nasa taas pa?”

“Naliligo pa yata.”

Tahimik kong kinain ang mga pagkain na niluto niya. Inubos ko na iyon dahil wala namang ibang kakain no'n at sayang naman kung hahayaan kong mapanis. Habang kumakain ako, nakita kong abala si Jahm sa pag-aayos ng mga gamit niya.

“May natapos ka na sa project mo?”

“Science at English pa lang,” napasimangot ako. “Iyon lang madali, eh!” 

“Tulungan ka namin?”

Umiling ako. “Hindi na, kaya ko naman 'yon.”

“Sabagay, sisiw lang 'yan sa 'yo!” She laughed. “Mabuti na lang at dalawang linggo tayong walang klase kaya maihahabol mo.”

“Pasalamat na lang talaga ako. Dahil kung hindi, matatambakan na ako. Tapos, apura pa ang pagmamadali sa akin ng mga teacher natin.”

“Lalo na si Mrs. Nalandress! Gusto niya pa maipasa mo na kinabukasan. Oo nga pala, kumusta naman sa bago mong trabaho?”

“Well goods. Mababait ang mga ka-trabaho ko.” 

“Good for you, Rosane. Letche talaga! Kami naman ni Jorja, tuwing weekend na lang ang pasok!” 

“Mabuti na lang hindi kayo tinanggal.”

“Aalis na ako roon,” nakataas kilay niyang wika at nagpaikot ng mga mata. “Magkano lang ang kikitain ko sa dalawang araw na iyon? Kulang na kulang tapos pagod pa kami!” 

“Aalis na rin ako ro'n!” Biglang sulpot naman ni Jorja galing itaas. Hindi siya naka-uniform ngayon. Puting t-shirt at jeans ang suot niya. Hawak niya pababa ng hagdan ang pamatay niyang heels. “Ka-stress! Nasisira ang beauty ko!”

“Hindi ba nakakahiya kay Mayen kung aalis kayong dalawa roon?” tanong ko at humigop ng kape. “Baka kung anong isipin ng isang iyon.”

“Walang hiya-hiya, Rosane! Hindi ako mabubuhay sa dalawang araw lang ang trabaho ko!” Hanga rin ako kay Jorja, galing sa mayamang pamilya pero hindi nakaasa sa mga magulang ang perang pinanggagastos niya sa luho niya. “My gosh! Dami nilang branch, ‘di naman nagigipit ang shop o nagkaroon ng problema sa sales. Sad'yang gusto lang nila magbawas ng tao! Kulang na kulang sila sa man power! Kaya aalis na talaga ako ro'n at maghahanap ng ibang raket! Marami pa akong bibilhin na make ups at bibili pa ako ng bagong heels para sa pageant.”

“Bibili ka na naman?” ani Jahm. “Taena, isang tambak ang mga heels sa kwarto mo! Nagsasayang ka ng pera, iyon na lang ang gamitin mo para sa pageant mo!”

“Pakialam mo? Pinapakialaman ba kita kapag bumibili ka ng sandamak-mak na damit? Hindi naman, 'di ba?!” 

Wala nang masabi si Jahm kaya inirapan na lang niya si Jorja. Hindi naman na ako sumali sa bangayan nila at baka mag-init lang ang ulo ko sa kanila. 

“Diretso na ako sa gym, mga luka!”

Parehas kaming tumango ni Jahm kay Jorja. Nagdire-diretso naman ito palakad sa gym.

“Sa arts club ka na tutungo?” tanong ko kay Jahm. 

Lumakas ang pag-ihip ng hangin kaya naman nilapad sa ere ang buhok ko at sumabog ang bangs ko. Napabuga ako ng hangin, hindi ko na lang pinansin iyon at pinabayaan na lang. 

Jahm yawned. “Oo, nakapili ka na ba nang sasalihan mong club?” 

“Nababanas nga ako, eh!” nakanguso kong sabi. “Ako na ngayon ang SSG secretary!”

“Ano?!” nanlalaking matang tanong niya. 

“Ako ngayon ang SSG secretary, Jahm! Nakakabanas ang mga Student Council dahil ako pa ang napili nila.”

“S-Seryoso ka?” mahihimigan ang biro sa boses niya. Natatawa, mukhang ayaw ako paniwalaan. 

“Oo.”

Humalakhak siya. “Hindi nga?”

Napairap ako. Napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto rin siya. Tinuro ko ang bulletin board.

“Gagi!” Halos lumuwa ang mga mata niya. “Luka ka! Anong klaseng pangpa-prank 'to?! New Supreme Student Government Secretary from 10 - Simplicity. Rosane Avera Beindz!”

Siniko ko siya. “Gaga, huwag mong isigaw.”

“Putangina! Totoo ba 'to?!”

“Lutong n'yan, ah! Malamang, oo! Totoo 'yan,” sabi ko. “Kita mong naka-bullentin na!”

“Hindi ako makapaniwala!”

Inis akong napairap. Pati nga rin ako ay hindi makapaniwala. Hanggang sa makarating sa Arts Club, tulala pa rin ang luka at mukhang iniisip pa rin kung paano ako naging secretary. 

Putcha, naluka na yata nang tuluyan.

“Good morning,” Ariess greeted me. Bahagya akong tumango. Ngumiti naman siya. “May club ka nang sasalihan?”

“Meron na,” naalala ko kasi ang sinabi ni Jorja, kahapon. Medyo marunong akong magplay ng instruments kaya susubukan kong sumali.

“Woah, saang club?”

“Music Club.”

“Can you sing? Can you also play musical instruments?” usisa niya pa. “Nice, it's amazing, huh!”

Balak ko pa sanang sumagot nang may maramdaman akong kumalabit sa akin. Naiirita akong lumingon.

“Bakit?” tanong ko kay Lerman. “

“Tawag ka nung taga-integrity.”

Kumunot ang noo ko. “Bakit daw?”

“Hindi ko alam, ang sabi lang tawagin kita. May sasabihin yata.”

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng tent. Bumungad sa akin ang masamang tingin nung lalaking reklamador.

“Kailangan ka sa SC Office!”

“Ngayon na?”

“Tatawagin ba kita kung hindi ka ngayon kailangan?”

Napaamang ako sa gulat. “Aba! Umayos ka nang sagot, bata!”

“I'm not a kid anymore, bitch!”

Tabas ng dila nito, ah! 

“Hoy!” Nilapitan ko siya at hinawakan sa balikat. “Ang bata-bata mo pa pero kung sumagot ka, daig mo pa si Rizal!”

“Don't touch me, bitch!” Hinawi niya ang kamay ko. “You're so annoying!”

Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nagulat naman ako nang bigla itong tumakbo patungo sa SC office.

Pusanggala! Problema no'n?

So, weird...

Bumalik muna ako sa loob ng tent at kinuha ang bag ko. Baka kasi mamayang hapon pa ako makabalik doon. Siguradong maraming ipapagawa sa akin ang mga student council.

“Jahm,” pagtawag ko. “Punta muna ako sa SC Office.”

Nilingon niya ako pero hindi naman siya nagsalita. Iniisip niya pa rin siguro ang sinabi ko sa kaniya kanina. Napailing na lang ako at saka lumabas na ng tent. 

“Uy, Aven!” pagtawag ko ng makita ko siya sa tapat ng SC Office. Naabutan kong kinakausap niya ang isang SSG officer. Nakalimutan ko lang kung ano ang pangalan nito. Ang alam ko lang ay grade nine student siya. 

“We'll talk later. Just go home early,” dinig ko pang saad niya.

“Yes, Kuya Aven,” sagot nung isa at basta na lamang tinalikuran ang kausap.

“Kapatid mo 'yon?”

“Hindi ba halata?” Humawak pa siya sa mukha niya. “Teka lang, anong ginagawa mo rito?”

“SSG secretary ako,” mahinang saad ko.

“Nice,” tila masaya pa siya. “Magandang balita 'yan!”

“Hindi ba't na-track mo ang location nung killer? Pupuntahan na ba natin ngayon?”

“Oo, mamayang uwian.”

“Bakit hindi pa ngayon? Nangangati na ang mga palad ko.”

“Calm down, Rosane. Mamayang uwian, okay?” 

“Bakit ba hindi pa ngayon?” 

“Masyadong delikado.”

“Aven...”

“I'll just go a head, maglilibot pa ako sa buong school. Baka may makalap akong impormasyon,” mahina niyang sabi. “Just act normal, baka makatunog ang killer. Masasayang ang nasimulan natin.”

Nakasimangot akong tumango sa kaniya. Kung pipilitin kong sabihin niya sa akin ang lokasyon ng killer, baka mas lalo niyang hindi ibigay sa akin at magbago pa ang isip niya. 

“Take care of yourself, Rosane,” ani Aven bago ito tuluyang tumalikod papalayo sa akin. 

Sinundan ko naman ito ng tingin. Bahagya akong nakaramdam ng pag-aalinlangan. Dapat ko nga bang pagkatiwalaan ang lalaking iyon? 

Paano kung niloloko lang ako nito? Paano kung binibilog niya lang ang ulo ko at siya pala talaga ang totoong killer? 

Napailing ako sabay buntong hininga. Kaya nga nang sabi ko noon. I will take the risk just to seek for the truth. 

Bahala na kung hindi man nagsasabi ng totoo si Aven. Pasasabugin ko ang nguso niya. 

Lumakad na ako papasok sa loob ng Student Council Office. Unang bumungad sa akin ang ilang matatalim na tingin. Nangunguna pa roon ang pinsan ni Gabrielle. 

What's wrong with these people?

Hindi ko alam ang gagawin ko at sasabihin ko. Magsasabi ba ako ng good morning o uupo na lang basta.

Syiete, nakakahiya. Baka sabihin wala akong manners. Puro pa naman mga taga-pilot section ang mga nandito.

“Morning,” pinilit ko na lang maging buo ang boses ko. Umupo na rin ako kaagad sa bakanteng upuan malapit kay Ohne.

“Good morning, Ate!” si Charmee. Todo ngiti pa ito. “Nagbreakfast ka na?”

I just nodded. 

“Ah, okay. If nagugutom ka, merong pagkain d'yan sa ref, Ate!” 

“Okay.”

“Bitch,” bulong ng kung sino. Kahit hindi ko lingunin iyon, alam ko na kung kaninong boses 'yon. 

Pinigilan ko na lang ang sarili kong mainis. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko at saka binalingan si Ohne. 

“Ano ang dapat kong unahing gawin?” I asked. “Wala ba munang orientation?”

Napakunot ang aking noo nang makitang kumurap-kurap lang siya habang nakatingin sa akin. Tumagal ng ilang segundo pero hindi ito nagsalita. 

“Weirdo,” bulong ko. Inirapan ko siya at saka binalingan si Syrone nang makitang nasa akin ang paningin niya. 

“Here,” he said. Iniusog nito ang nagkakapalang folder sa tapat ko. “That was your assigned work from the last two weeks.”

Halos malula ako. Taena, ano 'to? Daig ko pa ang nasa isang business firm sa lagay na ito! Bakit napakarami? 

“Kaya mong tapusin within a day?”

“What?!” My eyes grew bigger.

“Marami pa rito,” usal niya sabay usog pakanan at tumambad ang mga magkakapatong-patong na mga papel.

Napanganga na lang ako ng wala sa oras. Ano ba itong pinasok ko? 

Shemay...

“Are you shitting me?”

“No, I'm not,” kunot-noong tugon niya. Tumalim ang mga tingin ni Syrone at saka nito binaling ang tingin sa kaharap niyang laptop. “You may now start. We don't have much time. So, you better start to do it. If you have questions or clarifications, just ask the Vice President.”

Napakurap-kurap ako ng ilang beses. Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko ang nakahain na mga papeles. Mas mahirap pa ito sa pagkakabisa ng mga formula sa math.

Pusanggala!

“He was just joking,” mahinang tumawa si Ramil. “Mga used papers na 'yan, Ate Rosane. Don't worry, 'yang mga hawak mo lang ang gagawin mo for this week.”

Nakangiwi akong tumango. Putangina talaga, eh, 'no! Wala naman sa itsura ng maputlang lalaki na 'to na nagbibiro siya! Kung magbibiro man siya, ang pangit niya magjoke!

“Paano may sumalo,” may bumulong na naman. Napalingon ako roon. Nakabusangot ang lalaking reklamador at masama ang tingin sa hawak niyang papel. “Sipsip…”

“Je, what are you murmuring?” tanong ni Farncess.

“Wala!”

“Mainit na naman ang dugo mo.”

“The hell you care?!” tumaas na ang tono ng pananalita niya. Pansin kong halos malukot na niya ang hawak niyang papel. “Just shut up and mind your own business!”

“Je,” may pagbabanta sa boses ni Syrone. “What is your problem?”

“I see someone's annoying, Syrone.”

Tinamaan naman ako. Alam ko namang ako ang kinaiinisan niya. Hindi ko lang alam kung bakit inis na inis siya sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. 

Siguro ay nababahog na siya kaya gano'n. 

Dinampot ko ang mga nagkakapalang folder at saka tumayo. Kinuha ko rin ang bag ko sa ilalim ng table.

“Excuse me,” paalam ko. Kita ko pa ang nagtataka nilang tingin ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at lumabas na ng office. 

Parang hindi ako makahinga sa lugar na iyon.

Tumungo na lamang ako sa library para ro'n simulan ang mga hawak kong folder. At least doon, tahimik at walang makaka-istorbo sa akin.

“Log in, first,” the librarian said. 

Kinuha ko ang ballpen sa bulsa ng blazer ko. Sinulat ko ang pangalan ko sa log book at saka dumiretso na sa lamesang madalas kong upuan. 

Pag-upo ko, tinitigan ko ang mga folder sa harapan ko. Syiete naman! Paano ko ito sisimulan?

Sinimulan kong basahin ang unang nadampot kong folder. Sa una, parang umiikot pa sa paningin ko ang mga letra dahil hindi ko ito maintindihan. Pero nung binasa ko ng mabuti, madali lang pala.

The first folder was all about in school programs and kailangan na pala itong pirmahan ng school principal at guidance councelor bago matapos ang linggong ito.

Habang patuloy ako sa pagbabasa, naramdaman kong parang may nakamasid sa akin. Pasimple kong sinanggi ang isang folder para mahulog ito sa lapag. Tumayo ako at pasimpleng iniikot ang paningin ko sa paligid.

Dang, meron nga! 

Dinampot ko ang folder at saka muling bumalik sa pagkakaupo. 

Bakit nakamasid ang batang babae na iyon sa akin? 

She's weird.

Muli kong pinagpatuloy ang ginagawa ko at hindi na pinansin ang babae. Baka trip lang ng batang 'yon ang magmasid sa palagid niya.

Nang makaapat na folder na ako, napadesisyunan kong tumigil at ipahinga ang utak ko. 

“Grabe,” bulong ko. Tinapik-tapik ko ang aking noo dahil parang magkaka-migraine ako. “Sumasakit na rin ang batok ko…”

Pinatong ko ang aking ulo sa table at saka pumikit. Kung nandirito pa kaya ang kaibigan kong si Gabrielle, magiging ganito kaya ka-miserable ang buhay ko? 

I sighed.

This fucking world is shitting me. Niloloko ba ako ng mundo? Did I do something wrong in my past life kaya pinarurusahan ako ng ganito? 

Nag-angat ako ng ulo, isa-isa kong niligpit ang mga folders at lumabas ng Library. Bigla kasing pumasok sa isipan ko ang Music Club. Mabuti na lamang hindi ito na lalayo sa library kaya narating ako kaagad. 

Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago kumatok ng tatlong beses sa sliding door ng Music Club at saka ito binuksan. Pumasok ako sa loob ng tuluyan at bahagyang yumuko. 

“Oh, I wasn't expecting you to come here, hija!” masayang salubong sa akin ni Mrs. Tiu. “What a surprise!”

Napamasid ako sa buong Music Club. Namangha ako sa ganda nang kabuuan nito dahil lahat ng mga bagay na nandito sa loob ay sumisimbolo sa musika. 

“Good morning,” nahihiya kong wika. 

“Don't be shy, tumuloy ka, hija!” 

Hinawakan ni Mrs. Tui ang aking braso. Napapitlag ako sa gulat nang hilahin niya ako papunta sa centro. 

“My little angels, give me your all eyes on here!” she exclaimed to get the attention of the all students here. “Look at me, guys!”

Isang kisap-matang napahinto sa mga ginagawa ang estudyante at binalingan ng tingin si Mrs. Tui. 

“My little angels,” panimula ni Mrs. Tui. “This is Rosane Beindz, our new family member!” 

My eyes grew bigger. 

Pusanggala! 

Wala pa akong sinasabing sasali ako! 

“Mrs. Tui—” 

“You are now officially part of the group!” pagputol niya sa akin. “Please, give her a warm welcome!”

Napangiwi ako. Hindi halatang masyado siyang advanced? Nababasa niya ba ang isip ko? 

“What's instrument can you play?” tanong ng isang lalaking may hawak na drum sticks. “Can you also sing?” 

“She can't sing.” 

Isang boritonong boses ang sumagot. Bagot kong nilingon iyon at saka pinaikutan ng mga mata. Hindi naman siya kausap, sumasabat…

“But she's good at piano, guitar and drum,” he added while he's glaring at me. 

Nagdaingan at nagbulungan ang ilang sa kanila. Lalong napaikot ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Gariel. Nakaramdam din ako ng hiya, baka mamaya ay ma-disappoint sila sa oras na mag-play ako ng instruments. 

Bwisit na Gariel

“Sample, sample!” maggiliw na wika ng isang babae. Sumang-ayon naman ang karamihan. “Sample!”

“Show me what you've got, Rosane!” Sabay tulak sa akin ni Mrs. Tui sa p'westo nung mga instruments. 

Pusanggala! 

Napakamot ako sa aking batok. Nagbaba ako ng tingin sa mga music instruments. At dahil gitara ang malapit sa akin, dahan-dahan kong kinuha iyon. 

Mariin akong napapikit. Nilalabanan ko ang hiyang gumagapang sa aking katawan. Kinalma ko ang aking sarili at pumustura na. 

“You may start now, Rosane!” Mrs. Tui said. “Give your best shots! Fighting!”

It was not something I expected to happen. This is the most humiliating experience I've ever had.

Lahat kasi ng paningin ay nasa akin. Waring inaabangan kung ano ang aking gagawin. 

I sighed. I started to strum the strings of the guitar. Biglang pumasok sa aking isipan ang paboritong kanta ni Gabrielle. 

Nakabisado ko ang chords no'n nung minsan kong narinig na nagpa-practice si Gabrielle ng gitara with Gariel. Naulingan kong iyon daw ang paborito niyang kanta. 

After the chorus, hinihinto ko ang pagtugtog. Napalunok ako ng bigla silang nagpalakpakan. Well, except sa taong may galit sa akin. 

“Piano naman, Ate!” a little girl shouted. 

I simply nodded at her. Binalik ko sa dating p'westo ang gitara at tinungo ang piano. 

Mabagal ang naging pagtipa ko sa piano dahil iyon naman dapat para sa unang parte ng kanta. Naging mabilis lang ito nang makarating ako sa chorus. 

Syiete, huwag sana akong magkamali

Mabuti na lang talaga at kabisado ko pa ang tinurong pyesa ni Gabrielle sa akin nung nasa grade nine pa kami. Doon ko rin nahiligang tumugtog ng piano. Nahiligan ko namang tumugtog ng gitara noong matalsikan ako ng string sa mukha. Mabuti nga at hindi tumalsik sa mata ko. 

“That was nice!” 

“Grabe! Walang tinginan!” 

“How that become possible?” 

Natatawa akong tumayo. Hindi ko lubos maisip kung ano ang itsura ko habang tumutugtog nang nakapikit. Hindi ko napansin iyon, siguro dahil masyado akong nadala sa musika. 

“Hindi talaga ako nagkamali ng pinili!” ngiting waging wika ni Mrs. Tui. “Thank you, Rosane. You're so talented!” 

“Hindi po,” tanggi ko. “Na-chambahan lang po...”

“Don't fool me, Rosane. Noon pa naman nakikitaan na kita ng potential pagdating sa music.”

Ngumiti na lamang ako ng pilit sa kaniya. Alangang kontrahin ko pa siya, eh baka magtampo pa iyan. 

“Hey, play my drum!” 

Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin ang lalaki at saka kusang nilagay sa mga kamay ko ang hawak niyang drumsticks. 

“Hindi ako maruno—” 

“Just give it a try, Miss!” nakangising turan niya. Bumaling ako kay Mrs. Tui, tumango naman ito sa akin. 

Palihim akong napairap. Matagal-tagal na rin akong hindi tumutugtog ng drum. Dalawang taon na rin yata ang lumipas. 

Kayo ko ba ito? 

Syiete talaga! 

Mukhang mapapasubo ako. 

Napabuga ako ng hangin bago nilapitan ang isang drum set at nagsimulang pumalo. Pinalo ko lang ang bawat natatandaan kong pyesa sa tinugtog kong kanta kanina sa piano. 

Hindi ko alam kung tama pa rin iyon. Hindi ko na matandaan pa pero mukha namang maganda sa pandinig. 

Basta na lang akong pumalo nang pumalo. Napangiwi ako ng makita kong napasimangot si Gariel. 

I guess, mukhang pangit ang pagtugtog ko. 

Itinigil ko ang pagtambol nang hindi ko na matandaan pa ang iba. Kaagad akong tumayo at binalik ang stick sa lalaki. 

“Was it okay?” tanong ko. “Sorry, iyon lang ang kaya ko.”

“I don't know what to say. Are you for real?”

“Ha?”

“Dude, you're so cool! P'wede mo bang ituro sa akin 'yon?”

Napaawang ang bibig ko. Tila nabingi ako sa aking narinig. 

“Pardon?” 

“Can you tell what techniques did you do? It was quite nice, dude!” 

Nalukot ang aking mukha dahil sa narinig. Paano ko maituturo kung nanghula lang naman ako ng papaluin sa drum? 

Takte! 

“Give around of applause!” he yelled. Nanguna siya sa pagpapalakpak, sumunod ang iba sa kaniya at kinalampag ang kani-kanilang instruments. “Nice, nice, nice! Welcome to the family, dude! I was really enchanted to meet you!”

Ang ingay! 

I almost gasped when the guy gave me a hugged. Nanlaki ang mga mata ko at akma sana siyang susuntukin nang kaagad siyang kumalas. 

“Opss! Sorry!” He looked so shocked. “I didn't mean it. Na-carried away lang ako!” 

“Why did you hugged me?” 

“Sorry! Nadala lang ako ng emosyon,” nasa tono niya ang pagkapahiya. Mukha naman siyang sincere. “I just got impressed. You were so good at all. I thought, wala ng babae ang interesado sa pagtugtog ng drum. I can't just believe na makikilala kita!”

“Okay.”

Hindi na niya ako nakausap pa dahil bigla akong tinawag ni Mrs. Tui. May nilahad siyang papel sa akin. 

“Fill up this form immediately, Rosane. Bago pa magbago ang isip mo!”

Napangiwi ako. Ako pa talaga ang magbabago ang isip? Eh, siya nga itong biglang dineklarang parte na ako ng organization niya. 

Palihim akong napailing-iling. Medyo weird din pala itong si Mrs. Tui. 

“Why did you fucking join here?” 

Matapos sabihin ni Mrs. Tui na break time nila, agad namang lumapit sa akin si Gariel dala-dala ang gitara niya. As usual, nand'yan na naman siya para manermon. 

“Bakit mo tinatanong?” pabalik kong tanong habang ang paningin ay nasa form. 

“Co'z I don't wanna see your face here.”

Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Alam kong malaki ang galit niya sa akin at hindi ko naman malaman kung saan nagmula iyon. 

“Drop the forms and leave, we don't need you here,” walang kagatol-gatol na wika niya. “Get gone and shut up.”

I turned my gaze into him. Umangat ang kilay ko at saka diretso siyang tinitigan sa mata. I had enough with his shits!

“Hindi ikaw ang dahilan nang pagsali ko rito,” sa mababang tinig na wika ko at sapat na iyon upang marinig niya. “I just wanna explore something new, Gariel. Kung naiirita ka sa pagmumukha ko, pumikit ka. Ikaw ang mag-adjust...” 

Sumama ang tipla ng kanyang mukha. Napahalakhak na lang ako ng wala sa oras. Lalo pang lumakas ang pekeng tawa ko nang makita ang pagkairita sa kaniyang mukha. 

And now, he's looking at me like I'm a crazy woman here! 

“What the hell?!” angil niya. “Are you insane? Why are you laughing like a pyscho?!” 

“At least, I'm not an asshole like you.”

Tinalikuran ko na siya pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Mahina akong natawa nang makita ang naging reaksyon niya.

You're doomed, Rosane. Lalo mong inasar si Gariel! 

Nagpaalam ako kay Mrs. Tui na bukas ko na lamang ibabalik ang form at para magka-practice na rin. She also said na baka mahirapan ako dahil sa lunes na rin mismo ay magkakaroon kami ng opening number.

“Aagahan ko po ang pagpasok at sisikapin ko pong makapagpractice ng whole day, Mrs. Tui,” ani ko. “May aasikasuhin lang po muna ako.”

“Okay, hija. Ang inaalala ko lang, baka hindi mo masaulo ang mga pyesa but don't get me wrong. Alam ko namang kakayanin mo.”

“Salamat po sa pagtitiwala, Mrs. Tui.”

“I know you have talent in music. I will help you to express that, hija!” 

_

“Rosane!”

Humahagos na tumatakbo papalapit sa akin si Jorja. Napunta ang aking tingin sa paanan niya dahil nasuot pala ito ng heels habang tumaktakbo. 

“Oh my gosh! Galing ka sa music club?! They did accept you, girl?!” 

Napangiwi ako. Sa lakas ng boses niya, napapatingin na ang ilang estudyante sa amin. 

“Oo,” simpleng sagot ko. 

“Wah! I'm so excited to see you on stage while performing! Go, luka!” 

“Manahimik ka nga, ang ingay mo!”

“Panira ka naman, eh! Hindi ba p'wedeng masaya lang ako dahil sa wakas... makikita kita sa stage na tumugtog! Matagal ko nang pinapangarap iyon, luka! Ma-attach ka naman, p'wede ba?!” 

Napangisi ako at napailing-iling. 

“Naglunch ka na ba?” pag-iiba ko ng usapan.

“Ngayon pa lang ako kakain!” 

“Kaya pala ang ingay mo, luka ka!” 

Tatawa-tawa kaming naglakad patungo sa Cafeteria. Tinext niya naman si Jahm para papuntahin dito para magtake ng lunch. 

Bahagya akong nagyuko nang pagpasok namin sa loob ay samut-saring bulungan ang bumungad sa amin. 

“These annoying people.”

Pinigilan ko ang aking sarili na mainis. Kahapon pa ako nagtitimpi sa kanila. Talagang mukhang ayaw nila akong tantanan. 

Tahimik akong sumunod kay Jorja papunta sa counter at pumila. Nagkunyari na lang akong walang narinig at pumormang may sariling mundo.

“Anong o-orderin mo?” Jorja asked. “Gusto ko ng sinigang! Nagke-crave ako sa maasim na sabaw.”

“May gulay bang luto ngayon?” 

“Wala, puro karne ang nakahain.”

“May adobo?” 

“Meron, 'yun na lang sa 'yo?” 

Tumango ako. “Anong o-order-in mo kay Jahm?” 

“Fried chicken daw sa kanya.”

Tumango ako. I'm not a fan of fried chicken. Masyadong ma-colesterol ang balat nito at walang lasa ang laman. 

Nakakaurat lang dahil walang lutong gulay ngayon. Nasabi ko naman noon sa cook na hindi ako masyadong kumakain ng karne dahil matagal itong malusaw sa katawan ko. 

Pagka-order ni Jorja, ako naman ang sumunod. Napabuntong hininga ako at saka binalingan ang server. 

“Miss Carol, p'wede pong magtanong?” 

“Yeah, sure. Ano iyon, hija?” 

“Pumasok po ba si Chef Ronnie?” tanong ko. Nakita kong daglian nag-iba ang eskpresyon ng mga mata ni Miss Carol. “Bakit po?” 

“Hija, huwag ka sanang mabibigla...” gumaralgal ang kanyang tinig. Nagsimulang mamula ang mga mata niya na siyang pinagtaka ko. “Wala na si Chef Ronnie, hija. Bigla na lang itong hindi pumasok. Isang linggo na rin ang nakalipas.”

“Po?”

“Nagresign na s'ya, hija. Hindi namin alam kung ano ang dahilan ng bigla niyang pag-alis.”

Lalong napakunot ang aking noo. Hindi na ako muling nagtanong pa at sinabi ko na lang ang pagkain na gusto ko. 

Nang makuha ang tray na may lamang pagkain ko, matamlay kong hinanap ang table namin ni Jorja. 

Sandali akong napatulala. Hindi ko inaasahang magre-resign si Chef Ronnie. Ano kaya ang dahilan at bigla na lang itong umalis? 

I sighed. Nabawasan naman ang pagkaibigan ko at parehas pa itong hindi nagpaalam sa akin. 

“I'm here! Sorry, I'm late. Tinapos ko pa ang artwork ko!” 

Nakabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Jahm. Umupo ito sa katapat ko at una kong napansin ang hawak niyang kahon.  It's totally well packaged.

“What's that, Jahm?” naunang magtanong si Jorja. “Padala ng secret admirer mo?”

“Luka, hindi!” nanlalaking matang sagot niya. Nakatanggi agad. “Kay Rosane 'yan! Dinala nung guard kanina sa arts club.”

“Sa 'kin?” nagtatakang tanong ko.

“Oo,” she nodded. “Sabi nung guard may lalaking nag-abot n'yan sa kanya at sinabing ibigay daw sa 'yo.”

“Kanino galing?” Dinampot ni Jorja ang kahon at sinuri. “Wala namang nakalagay. Hindi kaya bomba 'to?” 

Inalog ng bahagya ni Jorja ang kahon. Napailing siya at binaba sa harapan ko iyon. 

“Buksan mo na lang, Rosane. Kung bomba 'yan, eh 'di sabay-sabay tayong mamamatay! We passed the friendship goals vibe!” 

“Gaga!” Binatukan ni Jorja si Jahm. Natawa lang ito na parang biro lang ang sinabi. 

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Binuksan ko na ang kahon ng walang pag-aalinlangan. 

I frozed. 

“Pusanggala...”

Ramdam ko ang dagliang panginginig ng aking mga kamay at parang binuhusan iyon ng yelo. Nag-init ang bawat sulok ng aking mga mata. Gusto ko mang kumurap pero hindi ko magawa dahil hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. 

“What the actual fuck?!” nangibabaw ang sigaw ni Jorja. 

Hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi ko maikilos ang katawan ko. 

Halos bumaliktad ang aking sikmura ng pagkatitigan ko ang mga litratong hawak ko. 

“S-Sino ang nagpadala n-nito?” Binalingan ko si Jahm nang may naninikip na dibdib. “B-Bakit... B-Bakit n'ya g-ginagawa sa akin 'to?” 

Demonyo ang nagpadala nito! Mga litrato ni Gabrielle ang mga ito nung gabing pinatay siya... 

Nabitawan ko ang mga litrato. Sunod kong dinampot ang cellphone ni Gabrielle na nasa loob ng kahon. Nanlaki ang aking mga mata nang bigla itong umilaw. Lahat ng dugo sa aking katawan ay umakyat patungo sa aking ulo. Nagsimulang manginig ang buong kalamnan ko. 

“P-Putangina...”

Continue Reading

You'll Also Like

208K 8.3K 42
Join Storm as she hunt those people who almost killed her brother, Thunder.
2.8M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
HIGHEST TEN By ATLAS

Mystery / Thriller

6.7K 404 32
Isang paaralan na kung saan mayayaman lang may alam. Kung saan bawal ang social media, gadgets are not allowed. Isang ordinaryong paaralan pero may n...
645 128 51
Stellan Salvatore, a man who is full of dreams and positivity. Even with the death of his mother, Stellan did his best to be the responsible brother...