Isang matulis, makintab, at mahabang sandata ang nakita kong humiwa sa leeg ni Misty. Pakiramdam ko ay tumigil ang oras. Pakiramdam ko ay tumigil ang pagtibok ng puso ko. Gulat at panlalamig ang naging reaksyon ko. Pagtalsik ng mga dugo sa aking mukha habang bumabagsak ang walang ulong katawan ni Misty.

"M-m-m-misty!" Nanginginig kong banggit sa pangalan ng minamahal na kaibigan habang tuluyang nablanko ang aking isipan.

"Fuck." Bulalas ng babaeng bema at gulat sa kanyang napatay. Napaantras siya at naibaba ang sandata.

Nanginginig ang labing napaluhod ako sa lupa at napatitig sa walang buhay na si Misty. Rinig na rinig ko ang pag-antras ni Glaze Yazzi hanggang sa tuluyan na itong tumakbo papalayo.

"Misty!" Nanginginig, nasasaktan, napapaos, at nangangalit kong pagtawag sa kaibigan. Inilibot ko ang mga mata sa paligid para makita kung nasaan ang kanyang ulo. "M-misty!"

Hindi ko na napigilan ang sarili na umiyak at hawakan ang nanlalamig na kamay ni Misty habang ang mga dugo niyang lumabas sa leeg ay patuloy na umaagos. Naninikip ang aking puso at nagpatuloy sa pag-iyak kahit na nauubusan ng hangin.

Ang mga ala-ala naming dala ay sunod-sunod na pumasok sa aking isipan. Ang boses niyang kasing ganda ng musika at tawang hindi mo mapipigilan pakinggan. Ibinuhos ko ang lahat ng sakit sa pag-iyak habang hinihigpitan ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

"Announcement, everyone. Tonight, Misty Salvador from Snama was killed by Glaze Yazzi from Bema. Because of breaking a big rule, Bema is forbidden to join battles and receive points in one month. Therefore, Ms. Glaze Yazzi will receive a foul one."

Nagdilim ang aking paningin kasabay ng pagtakip ng mga ulap sa buwan. Nanlamig ang aking puso kasabay ng malamig na hangin. Napatigil ako sa pag-iyak ng maramdamang mga presensyang parating sa aking direksyon.

"I love you." Bulong sa aking tenga.

"Misty.." Malamig, malumanay, at wala sa sarili kong bigkas.

Alam kong ikaw 'yan pero akala ko ba ay mag-uusap lang tayo? Inaasahan kong magkakabati tayo pero bakit... bakit iba naman ito? Hindi ganito ang gusto ko, Misty. Hindi ganito.

"Gakane!"

"Garelle Kane!"

Akala ko malakas na ako.

"Garelle!"

Akala ko kaya ko agad tanggapin ang pwedeng mangyari nang hindi ko pinaghahandaan.

"Hey! Hey!"

Ang pag-iingay nila ay napatigil nang makita ang katawang nasa harapan ko. Ang malakas nilang singhap, ang pagbagsak sa lupa, ang pagsisimulang pag-iyak, ang mga sigawang hindi na matigil ay kinayanig ng sistema ko para manghina. Sinalo ako ni Axalus kahit na tulala parin. Sinundan ko ng tingin si Dyx na dahan-dahan at nanginginig ang boses habang nilalapitan ang ulo ni Misty.

"M-my ghad!" Garalgal ang boses ni Dyx. "M-my--- fucking Glaze Yazzi!" Galit na aniya at napahagulgol.

Ipinikit ko ang mga mata at ipinangako sa sariling hindi na ito mauulit pa.

Ang hagulgol at galit sa kanilang mga salita ay ikanabalik ng sakit sa aking nararamdaman. Hinayaan kong bumagsak ang mga luha habang dinadama ang malamig na hangin. Sa harap ng abandonadong gusali, alam ko ng hindi na siya mabubuhay pa dahil hindi ito planadong magaganap.

"Foul one for Drivio Zumerque from Bema, Foul one for Katiko Simple from Woma, and Foul one for Dharyx Arkangel from Eama."

Makalipas ang dalawang linggo ay ginanap na ang ikalabing-anim na laban. Ang mga gamit ni Misty ay kinuha ko at nagulat pa ng makita ang librong importante sa akin. Imbes na magalit ay mas kinasikip pa ng aking dibdib dahil kinakailangan niya pa magsingungaling sa akin para lang makuha ulit ang libro.

Her Wicked BattlesKde žijí příběhy. Začni objevovat