HWB 46

355 15 0
                                    

// Garelle Kane Landers //

"Nagkaroon ng malaking sugat si Misty sa kanyang kaliwang bewang." Pahayag ni Axalus sa akin na kinahinto ko sa pagkain.

"Paano-- anong nangyari?" Salubong ang kilay kong tanong. Noong nagkita naman kami kagabi ay wala naman akong nakitang sugat sa kanya.

"Walang nakakaalam." Sagot ni Sweet.

"Hindi kaya ay sinugatan niya ang sarili niya?" Pgdududa ni Axalus na kinataas ng kilay ko.

"Hindi niya kayang saktan ang sarili," saad ko at pinagpatuloy ang pagkain at dinaramdam ang kabang nararamdaman. "Nag-aalala ako." Bulalas ko.

"Huwag ka mag-alala, siguro naman ay hindi malalim ang sugat niya." Sambit ni Axalus.

"Umiiyak siya kanina noong pinuntahan ni Drimeo kaya siguradong malalim ang kanyang sugat." Tugon ni Sweet na kinalala ng pag-aalala ko.

"Pupuntahan mo ba siya, Garelle?" Pagtatanong ni Rucklam nang mapatingin sa akin.

"K-kung pwede lang sana kaso baka lumala ang sugat niya dahil sa galit sa akin." Malungkot kong sagot.

"Akala ko ba ay mag-uusap na kayo?"

"Oo pero hindi na ngayon sigurado."

Mabilis lumipas ang klase. Gusto ko man sumama sa kanila para makita ang kaibigan pero pinigilan ko ang sarili. Ngayon ay kasama ko si Sweet na hinihintay ang pagbalik ni Axalus dahil sumama siya kila Bryne sa pagdala ng pagkain kay Misty.

"Sinabi kong pupuntahan mo siya mamaya at hindi naman siya tumanggi." Aniya ng makabalik at makaupo.

"T-talaga?" Umaasang tanong ko na kinatango niya. Kumurap ako at iniwas ang tingin. "Sana maalala niya ang healing potion para mapabilis ang kanyang paggaling."

"Healing potion?" Sabay nilang sabi.

"Noong nagkaroon ako ng mga sugat ay siya ang nagpapagaling sa akin at para hindi malaman ang abilidad niya, ang healing potion na ibinibigay niyo ay tinago namin." Paglantad ko sa katotohanang matagal ko ng alam ang abilidad niya.

"Kung ganoon, bakit hindi niya nalang gamutin ang sarili niya?" Takang sabi ni Axalus na kinailing ko.

"Hindi niya magagawa."

"Kung maalala niya nga ang tungkol sa healing potion, gayun hindi mo na kailangan pumunta pa at maghintay nalang mamayang gabi?" Turan ni Sweet na kinaisip ko.

"Sumasang-ayon din ako, kung pupunta ka ngayon sa silid nila, baka tuluyan ngang magalit sa'yo si Misty at sabihang hindi ka marunong maghintay para sa mamayang gabing usapan." Dugtong ni Axalus.

Sinunod ko ang kanilang payo kahit na hindi sumasang-ayon ang nararamdam ko. Para bang may mali pero hinayaan ko nalang.

Sumapit ang gabi na hindi ko alam kung saan kami pwedeng magkita kaya sinubukan kong pumunta malapit sa abandonadong gusali para lang sana magpalamig at pagmasdan iyon. Napalitan ng saya ang nanlalamig kong puso nang marinig ang boses ni Misty. Hinanap niya kaya ako? Nakangiting nilingon ko ang kaibigan dahil tama nga sila Axalus, ininom niya nga ang healing potion.

"Misty?" Tuwa kong balik. "Dumating ka nga!"

Subalit ramdam ko sa bawat hakbang niya ay may mali. Nararamdaman kong hindi lang kami ang tao sa paligid. Nakumpirma ko ang nararamdaman ng makita ang takot sa mukha ni Misty.

"Garelle Kane!" Takot at nangangamba ang kanyang tinig sa aking pagtawag.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at tumigil sa paglalakad. Ilalabas ko na sana ang kadena pero naunahan ako ni Misty sa pamamagitan ng kanyang pagtakbo at pagpalit ng aming puwesto.

Her Wicked BattlesWhere stories live. Discover now