HWB 01

2.3K 60 0
                                    

Kingdom of Snakus- City of Scale Red - Farm of Wallender - 13:10

"Gakane!"

Napaangat ang tingin ko at tumayo ng maayos sa pagkakatayo galing sa pagkakayuko. Pinagmasdan ko ang naglalakad ni Mister Wallender papunta sa direksyon ko habang may dala-dalang baso na gawa sa kahoy. Seryoso ang mukha nito ng huminto sa harapan ko.

"Nasaan ang pera ko?" Pang-aakusa nito na kina kunot ng noo ko. Amoy na amoy ang alak sa mabahong hininga. Nakakadiri amuyin iyon.

"Po?" Salubong ang kilay kong tanong. Hindi makapaniwala sa binebentang niya.

"Nasaan ang pera ko? Ano na naman ginawa mo sa pera ko?" Galit ang mga mata nito at mahigpit na hinawakan ako sa braso.

"Masakit, Mister Wallender!" Aniko sa kanya at pilit na hinihila ang braso sa pagkaka hawak sa akin.

"Sabihin mo ang totoo! Huwag kang magmakaawa!" Galit niyang sigaw at mas lalo pang hinigpitan ang pagkaka hawak sa akin, bumaon pa ang mga kuko nito.

"H-hindi ko alam! Maniwala ka po! M-masakit na!" Nanlalamig ang puso ko habang binibitawan ang mga salita kaso makitid ang isip ng matanda at hindi ito naniwala kaya marahas akong hinila paalis ng palayan papuntang kubo atsaka malakas akong hinagis sa loob. Huminto siya sa harapan ng pintuan.

"Hindi ako naniniwala! Nasaan ang pera ko, Gakane?" Sigaw niya ulit at sinipa ako sa tuhod na kinabakas ng sakit sa mukha ko.

"Magtatanong kayo tapos hindi ka maniniwala!" Sigaw ko pabalik at sinamaan siya ng tingin.

Tinuro niya ako na may panggigil. "Napaka bastos mong bata! Wala kang utang na loob!" Kasunod ay malalakas na sipa sa paa, tuhod, at binti ko. "Magnanakaw ka! Magnanakaw!" Paulit-ulit niyang sigaw.

"Tama na—Mister Wallender!" Paos ang boses kong sabi. Sinusubukan magmakaawa sa kanya kahit na wala talaga akong maramdaman na awa sa puso para sa sarili pero nararamdaman ko ang pamamanhid ng ibabang bahagi ng katawan ko.

Tumigil siya sa ginagawa at sinamaan ako ng tingin. "Sinabi sa akin ni Dauthi ang pagnanakaw mo at ngayon nagsisinungaling ka na naman sa akin!" Galit niyang sambit. "Nagsisisi akong tinanggap kita mula sa ama mong walang kwenta!"

Napayuko at nakaramdam ng kirot sa puso. Hindi ako nakaramdam ng galit o inis sa sinabi niya bagamat natahimik nalamang at kinagat ang ibabang labi para pigilan magsalita pabalik.

Si Dauthi ang isa sa mga kambal niyang anak, lalaki ito at ang lakas makaloko ng tao pati ama niya kaya niyang manipulahin para saktan ako kagaya ng ginagawa niya sa akin. Hindi talaga siya titigil hanggat hindi ako napapalayas sa lupa nila. Alam ko ring kagagawan niya itong pagnanakaw dahil marami siyang bisyo.

"Tama ang sinabi ng kambal, pabigat na pabigat ka lang sa buhay namin! Isa ka rin sa mga walang kwentang taong nakilala namin!"

Kumuyom ang dalawang palad ko nang bumigat ang pakiramdam ko at pilit na pinipigilan lalo ang sarili na huwag magsalita. Hinayaan ko lamang si Mister Wallender magsabi ng masasama sa akin dahil alam kong lasing ito at baka kapag sinagot ko ay saktan pa ako ng todo.

"Hindi ko alam ang rason ng ama mo pero dahil pagtanto ko na ay pati ako itatapon ka na!" Mabilis akong napalingon sa kanya na salubong ang kilay.

"Anong ibig niyong sabihin?" Nanginginig ang boses kong tanong, umaasang hindi totoo ang susunod niyang sasabihin.

"Pinapalayas na kita sa pamamahay ko, Gakane. Isa kang magnanakaw galing sa mababang angkan. Kuhain mo na ang mga damit mo at umalis na sa lugar ko!" Mabilisang sabi nito bago ako talikuran at lumakad papaalis.

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon