HWB 22

574 30 1
                                    

Day 13 - South of Ond Wall - 4:49

Hingal na hingal akong huminto sa pagtakbo at tiningnan ang mga kasamahan na papalayo sa akin. Humugot ako ng hangin bago iyon mabigat na ibinuga. Pumeywang ako at tumingala sa madilim na langit, unti-unti ng nawawala ang mga bituwin na nagpapaganda dito.

Umihip ang malamig na hangin, nang maibaba ko ang ulo ay humugot ulit ng hangin bago ipagpatuloy ang pagtakbo.

Sa bente singkong pumasok ng eskwelahan, labinlimang tao lamang ang sumama sa amin. Pinapangunahan ni Jobo ang aming grupo. Hindi ko alam kung saang daan na sila lumiko kaya'y hindi ko na alam ang gagawin ko. Napailing na lamang ako habang tumatakbo at dumiretso sa daanan patungong kanluran.

Hindi gaano madilim ang lugar dahil sa mga ilaw na lumilitaw kapag nadadaanan. Naiikot din ang mga mata ko sa bawat lugar na aking nalalagpasan, sinasaulo ang bawat nakikita.

Nadaanan ko ang gusali ng Bearus at ang kanilang laking nasasakupan. Madilim sa parteng iyon kaya hindi ko na sinubukan pangpuntahan. Habang patuloy na tumatakbo ay hindi ko mapigilan mag-isip dahil sa dilim ng paligid at panlalamig ng pusong bumabangon sa pagkakamanhid.

Umihip muli ang hangin pero iba ang presensya ang aking nasagap. Napatigil ako at mabilis na napalingon ang ulo sa likod, doon ko nakita ang isang kaluluwang may lungkot sa mukha at duguan ang dilaw na damit. Ilang kilometro ang layo namin sa isa't isa pero kitang-kita ko ang mga luhang bumabagsak sa kaniyang mga mata.

Naestatwa ako sa kinakatayuan, wala 'man nararamdaman pero sinasabi ng aking isip na ako'y kinakabahan. Sinubukan ko igalaw ang mga paa pero hindi ito sumunod sa aking nais. Nagkasalubong ang kilay ko ng magkaroon ng paa ang kaluluwa habang naglalakad papalapit sa akin.

"Anong kailangan mo?" Paos kong tanong, nagbabasakaling kaniyang maiintindihan.

"Tulungan mo ako," basag ang kaniyang boses at hindi matigil-tigil ang mga luhang bumabagsak.

Kumurap ako ng tatlong beses nang huminto ito sa aking harapan. 

"A-ano?"

"Pakiusap, binibini," pagmamakaawa nito at unti-unting nagiging abo ang kaniyang mga paa. "Ako si Dagana Mariossa na humihingi ng tulong sa'yo. Hanapin mo siya, patayin mo siya , habang maaga pa."

"Isang babaeng maganda ang mga mata, makutis ang kaniyang puting balat, at maganda ang kaniyang pagkakalakad. Galing sa lugar ng kabilang mundo, siya'y tatalo sa inyo para mawasak ang ating mundo."

Nagtaasan ang mga balahibo ko sa narinig.

"Ako'y kaniyang pinaslang para sa kapangyarihang inaasam," napalitan ng dugo ang tubig sa kaniyang mga mata. "Isa siya sa mga nag-aaral dito, isa siya sa mga kasamahan mo."

Ang abo ay nasa kaniyang balikat na. "Huwag mo babaliwalain ang mga ito dahil isa ako sa mga nangakong tutulong sa inyo."

"Saan ka nagpunta, Garelle? Bumalik si Misty sa dinaanan namin kanina dahil ika'y kaniyang hinahanap. Puro ang kaniyang pag-aalala." Bungad sa akin ni Jobo ng makarating ako sa harapan ng aming tirahan. Nagkasalubong ang kilay ko sa kaniyang sinabi.

"Bakit hinayaan mo?"

"Hindi namin mapigilan, Garelle. Pagpasensyahan mo na kami." Singit ng isa sa aming kasamahan.

Pasikat na ang araw ng makabalik si Misty na may takot sa mga mata pero nawala iyon ng mahagip ng mga mata niya ang kinakatayuan ko kaya napadiretso ito sa akin. Huminga siya ng malalim.

"Saan ka nangaling?" Nag-aalala niyang tanong.

Mula sa silangang bahagi ng mundo ay umangat na ang umagang araw, tumama ang sinag sa mga mata ng aking kaharap na nagbigay ningning sa kaniyang malalambot na tingin. Napakurap ako at sinuyo ang kaniyang kabuonan.

Her Wicked BattlesWhere stories live. Discover now