HWB 17

617 40 3
                                    

Day 09 - 6:30

/ Aurum Rao /

Malakas at nakakarindi ang tunog ng kampa. Kahit anong takpan at pilit na pagbabalik sa tulog ay hindi pa rin tumatalab. Inis akong bumangon at malakas na binato ang unan sa kaharap na kama para madamay ito sa pagkakagising. Rinig ko ang ungol nito at lumingon sa akin na may matalim na tingin sa mga mata.

"I can hear it, okay? Why do you always have to do that?!"

"Good morning,"

Katulad noon ay ganto ang lagi naming bangayan mag pinsan. Hindi 'man kami makulit sa mata ng mga tao pero kung magso-solo ay daig pa ang magkapatid sa pagiging magkalapit.

"Ano na naman kaya ang gusto iparating ng kampanang 'yon?"

Tumayo ako at nag-stretching bago kumuha ng susuotin at pumuntang banyo para makapag handa ngayon araw. Nang matapos ay lumabas akong ayos na ayos at tumabi sa gilid ng papasok ang pinsan.

"The battle yesterday was unpredictable." Iyon ang bungad ni Dyx, maarteng inayos pa ang buhok na hinangin.

"How did she pulled those elephants?" Si Jobo, habang ang mga mata ay nakatulala.

"Umagang-umaga, ang daldal niyo na." Sabi ko at naunang pumasok sa Cafeteria.

Habang nakapili kaming lima ay hindi mawala-wala ang ingay sa paligid tungkol sa nangyari kahapon. Ako man ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Gakane ay nanatiling tahimik dahil sa kabang nararamdaman.

"Sino kaya ang nanalo?" Kabadong tanong ni Misty. Sumama ito sa amin ng mawala ang dalawa dahil sa laban kahapon.

"K-kamusta si Gakane?" Hindi ko napigilan magtanong.

Lumingon ito sa akin dahil siya ang nasa harapan ko at maikling ngumiti. "Hindi ko siya nakitang natulog sa silid namin kaya hindi ko alam kung nasaan siya ngayon kasama ng iba pa."

"I have this feeling that something wrong will happen later." Bulong mula sa likod ni Bryne.

Matapos makakuha ang lahat ng pagkain at makaupo sa dating pwesto ay dumating si Sweet at umupo sa tabi ni Dyx. Katulad sa naunang araw ay tahimik ito at magsasalita lang kung gusto. Madalang din siya makipagsabayan sa amin sa usapan kaya nasasanay na ako.

Habang kumakain ay nagpakita ang blankong hologram.

"Good morning, Masternians. Today we don't have classes until tomorrow. But, we have an important announcement at the auditorium. Be sure to be there at exactly 12 in."

The hologram ended.

"Bakit parang kinakabahan ako?" Si Misty sabay hawak sa gitnang dibdib, ito ay nasa dulong harapan naming lahat.

"Paniguradong iaanunsyo ang resulta mamaya." Nakatungong sabi ni Jobo na katabi rin ni Dyx.

"Nangako namang mananalo si Garelle, hindi ba?" Umaasang tanong ng bakla.

Kinagat ko ang ilalim na labi pero hindi napigilan magsalita at magalit kahit ramdam ang awa at kaba.

"Hindi! Hindi siya nangako! Napaka makasarili niyang tao!"

Malakas ang kabog ng puso ko sa bawat salitang binitawan. Si Bryne naman ay uminom ng tubig bago kumumento.

"We can't always please a person if she doesn't want to."

"Pero sana inisip niyang para naman sa ikakabuti ng mga tao sa kaharian ang ipinaglalaban niya!"

"Tama si Bryne, Arao. Nakausap ko siya bago ang laban, hindi man sabihin pero alam kong ipapatalo niya ang laban." Malungkot na sabi ni Misty.

Her Wicked BattlesWhere stories live. Discover now