HWB 42

339 18 1
                                    

3rd Day of 13th Battle

// Athlanla //

"I'm fine," kalmadong pahayag sa amin ni Dharyx nang mapalapit kami sa biglaan niyang pagkahilo. Huminga siya ng malalim bago magpatuloy sa paglalakad.

Patungo ang aming grupo sa kanluran. Sinabi sa amin kagabi ni Dharyx na baka sa Snakus ang diretso ni Medusa. Paubos na ang aming pagkain lalo na ang tubig. 'Niwala kaming nakitang lawa na makukuhaan ng pang-inom. Tatlong araw na rin malagkit ang aming katawan dahil sa pawis.

"Gusto ko na matapos 'to," pagod na sabi ni Saphine habang ang dalawang kamay ay nasa bewang. Magkatabi kami pero may distansya. Sa harapan naman si Dharyx at Brixx, at sa hindi kalayuang distansya ay si Hermer. "Hindi ko kaya ang ginagawa nating paglalakbay, mas gugustuhin ko pang makipaglaban sa akadamya kaysa ganito."

Tahimik akong sumang-ayon sa kanya. Ako rin ay hindi gusto ang ganito. Nakakapagod, nakakabagot, at ilang araw na walang ligo. Pakiramdam ko ay sobrang baho ko na. Nahihiya tuloy ako.

"Kahit na gusto natin bumalik sa akadamya, hindi tayo pagbubuksan ng tarangkahan." Tugon ni Hermer pagkatapos makalingon at humarap ulit sa dinadaanan.

"Bakit tayo babalik ng akadamya?" Seryosong pagkakasabi ni Dharyx at huminto. Napatigil at natahimik tuloy ang lahat. Narinig ko ang mahinang tikhim ni Saphine. "Let's split the group if you don't want to come with me."

Pagkatapos sabihin ang mga salitang iyon ay nagpatuloy na sa paglalakad si Dharyx na sinabayan ni Brixx. Napasulyap ako kay Saphine na nagsisisi sa kanyang sinabi at napabuntong hininga. Lumapit naman sa amin si Hermer at tinapik kami pareho.

Napataas ang kilay ko dahil hindi naman ako kasali sa mga nagsalita kanina.

"Huwag na natin dagdagan pa ang sakit sa ulo niya." Aniya at ngumiti bago kami hilahin dahil naiiwan na kami ng dalawang lalaki.

"Kung nandito lang si Kiarra, siguro hindi magkakaganyan si Dharyx." Mahinang sabi ni Saphine na katamtaman lang para marinig ko. "Hindi ba, Athlanla?"

Tumango ako at sinulyapan ulit siya. "Kiarra is his strength and life..." pero mas mabuting nawala na rin siya dahil hindi magiging ganito kadeterminado manalo si Dharyx kung nanjaan siya.

Muntikang magkasalubong ang kilay ko ng mapahinto na naman si Dharyx. Napalingon sa kanya si Brixx at napakurap kaya mabilis na pinuntahan namin silang dalawa. The golden brown iris of Dharyx turned into green that made him look like his eagle. Na alarma ako at napatingala para hanapin sa langit ang kanyang agila.

"What's happening?" Nag-aalang tanong ni Brixx sa akin. Ibinaba ko ang tingin sa kanya at kay Dharyx na wala sa sariling nakatulala.

"He's connecting to his twin eagle. Nandito lang siya." Sagot ko na hindi hinihiwalay ang tingin sa prinsipe.

"That's the reason why we didn't see him last night before we sleep!  He was calling for his eagle." Tango-tangong sabi ni Hermer.

Nakita namin ang pagkurap ni Dharyx at napatingin sa aming nakapalibot sa kanya. Kulay berde pa rin ang kanyang mga mata atsaka tumingala sa langit na kinatingala rin namin.

"Kung natawag mo siya mula sa kaharian ibig sabihin ay walang humarang sa'yo?" Tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.

"Yes," simpleng sagot niya. "There he is."

Napangiti ako ng makita muli ang agila. Kulay puti ang kanyang kabuonan na may iilang itim. Nanlambot ang puso ko nang marinig ang tunog nang kanyang ritmo at pagaspas ng malalaking pakpak. Pumaikot-ikot lang siya sa aming taas.

Her Wicked BattlesWhere stories live. Discover now