HWB 16

749 41 5
                                    

Day 08; Clash Of Grudges: The First Battle of Mastery Academy - 10:48

Tumingala ako para pagmasdan ang hinahangin na bandila ng aming grupo. Umaga palang pero ramdam ko na ang kaba at takot ng paligid na nagmumula sa mga estudyanteng dumadaan.

Nakatayo ako ngayon sa kaliwang gilid ng aming tinitirahan na katabi ay aming bandila. Ilang minuto palang ng huminto ako dito para isipin kung ipapanalo o ipapatalo ang unang laban ng taon dahil una palang ay hindi ko na ginusto ang makapasok sa eskwelahang kapalit ng buhay ko ay para sa kaligtasan ng kaharian.

Patay ang mga matang tumitig at walang pusong ngumisi sa bandilang kahit kailan ay hindi ko ginusto ang nakapaloob.

"Hindi ka ba magsasanay para sa parating na labanan mamayang gabi?"

Sinulyap ko muna ang kadarating bago sagutin ito. "Bakit pa magsasanay kung ikakamatay mo rin sa huli?"

Naasar ang tunog sa tawa niya at mahinang suminghal. "Bakit, Gakane? Ikaw ba ay handa na mamatay kaya hindi mo na kinakailangan magsanay?"

Napangisi ako sa sinabi niya at hinarap si Arao. "Hindi ako handa mamatay pero wala rin akong pake sa mangyayari mamayang gabi."

Napataas ang kilay niya at asar na ngumisi. "Masyado kang mayabang, Gakane. Hindi na ako magugulat pa kung matatalo tayo sa unang labanan." Nagkasalubong ang kilay niya sa huling sinabi.

Binigyan ko siya ng nakakaasar na ngiti, iyong wala akong pake kung magalit siya sa akin basta ako ay wala talagang pake. Suminghap ako ng hangin at iniwas ang mga mata sa umaapoy niyang mga tingin. Ipinagsiklop ko ang dalawang kamay sa likod at yumuko.

"Hindi mo na kailangan umasa pa, mahal na maharlika. Una palang ay talo na talaga ang grupo, bakit hihiling pa?"

Napataas ang ulo ko at napatitig sa kanya ng hilahin ako nito sa magkabilaang balikat. Imbes na magalit ay basag ang boses itong nagsalita.

"G-gakane! Isa ako sa mga taong umaasang aangat ang kaharian sa mababang posisyon. N-nakikiusap ako, kahit ngayon lang ay pagbigyan mo kami bilang kagrupo mo. Ayaw mo 'man kami maging kaibigan pero sana ay matulungan mo pa rin kami."

Napalunok ako sa sinabi niya. Imbes na makaramdam ng awa ay panlalamig at pagkamanhid lamang nararamdaman. Tinulak ko siya at humakbang ng isang beses paantras.

"Ang sabi ko, huwag na kayo umasa. Kahit anong puntos ang makuha natin ay babagsak pa rin tayo." Walang puso kong pagsabi at tinalikuran siya. "Una palang, hindi ko na ginusto mapunta rito para ipaglaban ang minamahal n'yong kaharian. Kahit anong pakiusap niyo, wala akong gagawin kundi lumaban para sa sariling buhay at makaalis dito."

"Napaka makasarili mo! Kung ipaglalaban mo ang kaharian, lahat tayo ay makakauwi ng buhay!" Galit na sigaw niya.

Umiling ako at tumawa. "Hindi lang ako makasarili, wala ring pake sa kahit sinuman sa inyo."

Pumasok ako sa bahay at umakyat ng hagdanan papunta sa pangalawang palapag para makauwi sa kuwartong pinagtutulogan. Sa labin-dalawang kwarto ang na andito, pumapang-anim ang aming kwarto kaya may nadaanan pa ako na iilan. Napahinto sa taong kakalabas ng pangatlong kwarto at nakipagtitigan muna sa akin bago ako lagpasan.

"Good luck." Rinig kong habol ng lalaking maharlika bago ako magpatuloy sa paglalakad.

Pagbukas ng pintuan ay bumungad ang tahimik at walang taong silid. Pumasok at isinara ang pinto at hinubad ang sapin sa paa bago dumiretso sa karpetadong sahig. Pagkaupo sa kama ay siyang paglabas naman ng hologram sa gilid ko.

"Good morning, students! Here are the selected members for every group."

Binasa ko ang mga pangalan na kasali sa labanan mamaya. Halatang sinadya itong i-anunsyo ngayon para kabahan ang mga napiling lalaban. Napatagilid ang ulo ko at nagkasalubong ang kilay sa pangalang nabasa.

Her Wicked BattlesWhere stories live. Discover now