HWB 28

435 19 0
                                    

Okrassbar Wall - 17:01

"Bryne," sabay naming tawag ni Rucklam. 

Nakahiga ang ulo ng prinsipe sa hita ni Axalus habang tinatapik-tapik ng lalaki ang pisngi nito.

"Tigilan mo 'yan," suway ko kay Rucklam at pagod na tiningnan si Bryne. Sa pangatlong pagsubok ay iniharap ko ulit ang hintuturo sa butas ng ilong ni Bryne para malaman kung humihinga pa ba ito. "Mabagal ang kanyang paghinga."

Ano kayang nangyari sa kanya?

Napatingala ako at nakita ang kahel na langit. Masilaw pero maganda kung titingnan. Huminga ako ng malalim at sumandal sa puno na katabi ni Axal. Nang maibaba ko ang mga mata ay dumapo iyon sa nakatingalang katabi. Ramdam ko ang pagod niya pero magana parin ang mga mata.

"Wala tayong gamot para sa prinsipe." Bulong niya narinig ko naman.

Tinignan ko ang damit ni Bryne. Itim man ang suot pero kita parin ang tinta ng dugo. Inangat ko ang kamay para tanggalin ang tali sa buhok at ginalaw ko ang ulo para magsikalat ang mga ito. Nang may tumamang iilang hibla sa mukha ko ay hininto ko ang paggalaw at tinaasan ng kilay si Axalus nang sumulyap ito sa akin.

"Hahayaan nalang ba natin siya na ganito?" Aniya.

"Hindi ko alam," mahinang sagot ko at pagod na isinandal ang ulo sa puno. "May tubig ka ba para ipainom sa kanya?"

Umiling siya, "wala na."

Nangunot ang noo ko ng makitang dahang-dahan na inangat niya ang ulo ni Bryne. "Anong ginagawa mo?"

"Palit muna tayo ng pwesto. Kukuhain ko lang sa kabayo ko ang bote." Wika niya. Hindi ako sumagot at umusog nalang sa pwesto niya kanina. Nang makatayo siya ay maingat na inilapag ang ulo ni Bryne sa hita ko. "Mabilis lang ako."

Sinundan ko ng tingin ang papalayong lalake pero kaagad ding umiwas ng lumingon ito. Hindi naman gaano kalayo ang mga kabayo kaya mabilis lang din siya nakabalik. Nakatayong binuksan ni Rucklam ang takip ng bote at lumuhod sa gilid ng prinsipe. Dahang-dahang pinapainom ito.

"Ang hirap naman!" Reklamo niya at walang pagpigil na hinawakan ang baba ng prinsipe para ipitin ang bibig nito upang magkaroon ng butas. "Ayan," aniya at ipinagpatuloy ang pagbubuhos ng tubig.

Natapos ang sandaling iyon pero hindi parin nagigising si Bryne. Napabuntong hininga si Axalus at napakamot sa tuktok ng ulo. Wala ng gusto pang idagdag na sasabihin at napagdesisyonang humiga sa kabilang hita ko. Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa ginawa niya pero hindi ko naman siya pinigilan.

Unti-unti ng nagdidilim at nagsisimula ng umingay ang paligid dahil sa mga kuliglig. Nakakaramdam na ako ng gutom at uhaw kaya tanging laway nalang ang nagpapabasa ng labi ko para hindi iyon matuyo't masugatan.

"Mamamatay na ang prinsipe nang walang nakakaalam kung sino ang gumawa niyan sa kanya." Pagsisimula na naman ni Axalus. "At walang nakakaalam ang nangyari sa kanya."

"Nagugutom na ako..." Mahinang dagdag niya at hinawakan ang t'yan. Humangin ng mahina kaya nakaramdam lalo ako ng antok. Kinukurap ko ang mga mata para mailayo ang sarili sa pagkakatulog.

Gabi na, malamig na ang hangin, at hindi ko na maramdaman ang sariling gutom. Ang kapa ni Axalus ay ipinangtakip sa sugat ng prinsipe at ang kapa ko ay ipinang kumot sa kanya. Gumalaw ako ng makaramdam ng pangangalay sa dalawang lalaking tulog. Gusto ko manggisingin si Rucklam pero alam kong pagod ito.

Madilim ang paligid pero nawala iyon ng makita ang isang grupo ng gnome na may hawak na mga lampara. Natigilan ang nasa unahan nila ng makita ako kaya nagkabangga-bangga silang lahat.

Her Wicked BattlesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon