Chapter 9

1 0 0
                                    




Hanggang ngayon di padin ako kinakausap ni Kuya kaya naman nagcommute na naman ako, maaga na naman kasing umalis sila Mama kaya etong si Kuya hindi na naman ako hinintay at inutusan na naman si Manong Bikong na umalis, ewan ko kung saan nagpunta. Psh para siyang bata.

Pagpasok ko ng classroom as expected ay nagsimula na, late na ako tsk.

"Miss Limeston you're late!" Mahinanong sabi ni Miss pero bakas dun ang pagkadisgusto niya na nalate ako, napatingin ako sa blackboard at wala pa naman siyang nasusulat, so di pa siya nagsimula.

"Sorry Miss"

Napabuntong hininga naman siya.

"Take your seat" sabi niya kaya naman pumunta na ako sa upuan ko at umupo.

"Anyare?" Pagtatanong ni Dianne ngunit umiling lang ako, wala ako sa mood magkwento.

"As I was saying a while ago, may bago kayong magiging kaklase"

"Ilan po?" Paepal namang tanong ni Leandra.

"Dalawa" nakangiting sagot ni Miss.
Narinig ko naman ang impit na sigawan ng mga classmates ko kasama na doon sila Dianne, mga tuwang tuwa, e ano naman bang nakakatuwa?

"Shh Quiet" pagsusuway ni Miss sa kanila.

Hayy inaantok pa ako, ewan ko ba. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi kasi andami kong iniisip, mga walang kwenta lang rin naman. Nanood pa akong K-drama kaya anong oras na ako nakatulog, kasalanan ko ba yun? Pshhh. Ang gusto ko nalang ngayon ay matulog, kaantok kaya.

"Wag kayong masyadong matuwa dahil mamaya pa yung mga yun. Nasa Dean's office pa sila kausap ni Dean"

Okay. Wala naman akong pakealam.

"Jeez Sana lalaki na gwapo" nag iimagine na saad ni Dianne, tumingin naman ako sa kanya at ngumiwi pero ngumisi lang siya tapos kumindat pa.

"Bat ganya mukha mo?" Natatawang sabi niya.

"Tsh wala"

"Hahaha sana gwapo yung new classmates natin para magka-lovelife ka na" tumatawang sabi niya ngunit inismiran ko lang siya. Pag pogi lovelife agad? Tapos pag pangit ano? Tss, daming alam.

Nilabas ko naman ang selpon ko at patagong binuksan ang instagram ko, nakita ko naman na nagchat si Laby.

Lr.Byxton: woi bat ka online? Sumbong kita sa teacher niyo sige ka.

Napairap nalang ako. Kahit kailan talaga kontrabida yan sa buhay ko.

KrystalEM: epal mo talaga.

Lr.Byxton: lab mo naman, yiiiiee.

KrystalEM: duhh.

Lr.Byxton: HAHAHAH lol! Sabay ulit ako mamaya sa inyo sa lunch.

KrystalEM: ge.

Lr.Byxton: wow cold ah, di bagay.

KrystalEM: tss wala ka bang teacher jan?

Lr.Byxton: Meron, bakit?

KrystalEM: bat online ka?

Lr.Byxton: ikaw din naman ah hahahahah.

KrystalEM: tss.

Naglog out na ako bago pa man siya makareply, makikipagkulitan lang yun eh, wala namang matino sinabi kahit kailan.

Nakinig nalang ako sa sinasabi ni Miss kahit wala naman akong maintindihan, sabagay kelan ba ako merong naintindihan?

Habang nagsasalita siya at tinitignan ko lang siya ay may kumatok sa pintuan, naka sarado kasi. Lahat kasi ng pintuan ng room ay sinasarado kapag nagsimula na ang klase para walang mang istorbo at para sabihin din na may teacher na at nagsisimula na ang klase.

A Crystal of LoveWhere stories live. Discover now