Chapter 15

1 0 0
                                    



Pagod akong humilata sa kama ko pagkauwi ko palang sa bahay. Pagod na pagod ako. Paano kasi lahat ata ng rides sinakyan namin. Pinaulit ulit pa yung iba. Parang hindi napapagod yung mga yun eh. Next time talaga hindi na ako sasama, nadala na ako no.

Hindi ko naman maiwasang maisip yung mga pinagusapan namin ni Kris. First conversation namin yun at ampangit. Hindi ako natutuwa!

Pag nagtanong sinasagot ko tapos ako isang beses na nga lang magtanong hindi pa sinagot. Akala mo naman may tinatago. Ha! Panigurado girlfriend niya yun!

Sinubukan kong alalahanin yung itsura ng babaeng kasama niya noon sa mall. Hindi ko masyadong matandaan pero sure akong mas matangkad ako kesa doon. Mas mahaba ang buhok ko kasi parang hanggang kili kili niya lang yung buhok niya eh.

Maganda siya pero maganda din naman ako! Sexy siya oo! At wala akong paki kung mas sexy siya sa akin. Ganun pala mga tipo ng Kris na yun. Yung sexy.

Tsa!

Hindi na ako magtataka.
Pag gwapo ka nga naman dapat maganda at sexy ang girlfriend mo. Tapos kapag pangit yung nagkagusto sa gwapo sasabihin nila napaka kapal ng mukha.

Wala bang karapatang magmahal ang mga pangit sa mga magaganda at gwapo!? Ha! Napaka judgemental naman kasi ng mga tao. Akala mo napakaganda at gwapo nila eh, feeling perfect ba ganoon.

Teka nga.. bakit ba iyun ang iniisip ko? Bakit napunta sa pangit at gwapo? Uy hindi ako pangit ah! Hindi man ako sing ganda ni Kathryn Bernardo, maganda padin naman ako, yun ang sabi nila mama at ng mga kaibigan ko. Wala naman akong pakialam sa opinyon ng iba.

Hindi naman ako naghahangad ng napakagwapong boyfriend. Aanhin ko naman kasi kagwapuhan kung tamad naman at masama ang ugali. Mabuti na yung hindi ganoong ka-gwapo basta mabait, bunos points nalang kung gwapo no!

At yung Kris na yun napaka walang kwentang kausap! Napaka seryoso pa at malihim! Akala mo naman tinatanong ko kung anong laman ng bank account niya.

"O masisira mo na yan"

Napalingon naman ako kay Kuya nang makita ko siyang nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. Ano namang ginagawa niya dito? Bigla bigla nalang sumusulpot eh.

Tinaasan ko siya ng kilay, anong masisira sinasabi niya?

"Cellphone mo oh. Wala namang kasalanan sayo yan" ngumuso pa siya sa kamay ko.

Agad ko namang tinignan ang kamay kong hawak ang cellphone ko. Hindi ko napansing hawak ko pala ito.

Agad ko naman itong binatawan at umupo nalang. Lumapit naman si Kuya at umupo sa tabi ko, dito mismo sa kama ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Pagtatanong ko. Kinuha naman niya ang cellphone ko at nangalikot doon. Madali niya lang mabuksan yun kasi hindi naman ako naglalagay ng password. Wala naman kasi akong tinatago.

Agad niyang tinignan ang Gallery ko, magtitingin lang ng mga pictures. Wala namang ibang pictures doon kundi mukha ko at ng mga kaibigan ko. May kaunti ding pictures ng anime na mga sinesave ko.

"Bawal na ba ako dito?"

Umirap ako. May sinabi ba ako?

"Anong kailangan mo?"

Tinitignan ko naman kung anong kinakalikot niya sa cellphone ko. Buti nalang at nagtitingin lang siya sa mga videos ko.

Walang porn diyan oy!

"Gusto ko lang ipaalala yung birthday ni Arianna. Sa sabado yun kaya icancel mo lahat ng lakad mo dahil kailangan mong pumunta"

Umikot yung mata ko 360degrees. Alam ko! Hindi mo naman kailangang ipaalala yun. Sobra mo ba namang pinaghahandaan eh syempre alam ko.

A Crystal of LoveWhere stories live. Discover now